Lumalaganap na ang impluwensya ng iba’t ibang bansa sa pag kontrol ng ating ekonomiya. Dito nakita ko ang epekto industriyalisasyon at sa pagiging depende natin sa ‘serbisyong-kapalit’, imbes sa agrikulturang kakayahan natin. Nakakalungkot lang isipin ngunit ganun at dumadami parin ang mga pobre ignorate sa pilipinas. Mayron rin naman mga solusyon nakikita, ngunit kakaunti lamang ang nakakaintindi.
Mob sa AS (September 6)
Eto yung unang beses kong sumali sa Rally. Masaya, nakakapagod rin tumayo, pero worth it naman puntahan kasi maririnig mo yung lungkot at pagpupursigi ng iba’t ibang tao. Tho hindi ko dapat siya ikasaya dahil totoo at nakakatakot na talaga ang sinasabi nila. Masasabi ko parin na kahit papaano may nasimulan at masisimulan na ako para sa bayan.
Remember Engg (September 11)
Sa totoo lang, gusto ko malaman, kung bakit pinag initan ng mga ‘Duterte Trolls’ ang Engineering Admin (1k-2k+ React,Comment at Share). Nakaka-relate at nakalungkot rin isipin ngunit ganun na ba talaga ka-edukado ang mga tao. Sabihin rin nating na nadala lang sila ng bugso ng damdamin, pero tama ba na idolo ang mga abusadong leader? Mula sa dito, at sa speaker, nalaman ko na importante talaga ang tamang edukasyon at tamang moralidad. Nakakatakot lang talaga.
Martial Law (September 21)
Halos parehas lang ang na-experience ko sa UP. Ang nag highlight lang sakin, ay yung principyo ng dalawang panig. Nung pumunta ako sa Pro-Duterte side, napansin ko na pinag-usapan lang nila ang ‘War on Drugs’ at sa proyektong hinahain ni Duterte. Sa susunod na taon, gusto ko sana malaman kung magiging ganun parin ang principyo nila. Mula dito, gusto ko malaman kung gaano katotoo o kapattern ang lahat ng sinulat ni Dr. Rizal.