You are on page 1of 2

Tan, Sandra Carol O. Dr.

Fanny Garcia
GREATWK C34 Oktubre 3, 2018

“Ayaw kong makihalubilo sa problemang pulitikal na kinahaharap ng ating bansa sapagkat


sa totoo lang, wala rin naming nangyayari at naidudulot ng maganda ang pagsasalita ng
masama sa ating gobyerno”

Sandra:
Napili ko itong pangungusap dahil sumasang-ayon ako sa mga salita na ito. Lalo na
ngayon na sobrang daming pangyayari na hindi maganda para sa mga Pilipino at sa iba na rin,
madalang nalang ang magandang balita ngayon. Pa-minsan napakaraming masamang balita
na nawawalan na ako ng gana magbasa at making ng mga pangyayari ngayon. Para sa akin,
bilang isang Pilipino, kahit gaano ka pangit ng balita ay dapat ina-alam pa rin natin, dapat tayo
ay may kamalayan sa mga pangyayari. Kung sakaling kaya natin gawan ng paraan kagaya ng
petisyon at iba pa, dapat ay gawaan natin. Ito ang unang hakbang sa kaunlaran ng bansa.
Ngayon ay kadalasan di ako nakikitalo sa mga ibang tao lalo na sa mga pulitikal pero naman
ay karamihan pareho naman kaming iniisip. Marami rin akong mga reklamo sa pulitika ngayon
pero ang pinaka-importante higit sa lahat ay di lang tayo nag-rereklamo pero ginagawan natin
ng paraan para ayusin.

Lance:
Sa mga panahon ngayon, kung ang ating mga pinuno ay hindi magbabago ang sistema
ng kanilang mga pamamalakad, aking ipagdadasal ang magandang pamamalakad ng mga
sumusunod na magiging pinuno ng ating bansa. Kaya napakaimportante ng edukasyon sa
ating bansa at binibigyan ng malaking pahahalaga ng gobyerno ito sapagka’t sa lugar na ito ay
hindi lamang nananaig ang husay at talino ng mga Pilipino, kundi’t dito narin nakikita ang mga
asal at disiplina sa paglaki ng isang estudyante at maging isabng propesyunal na manggawawa
sa iba’t ibang aspekto ng industriya na tutulong sa pagpalago ng ekonomiya ng ating bansa.

Sandra:
Suma-sangayon ako na dapat ng sistema ng Pilipinas ay mapalitan, ‘yun nga lang ang
mga tao ngayon ay makasarili, ang mga pinipili nilang desisyon ay kailangan kabutihan nila.
Okay lang sana kung yan ay mga normal na Pilipino kaso nga lang, mga opisyal o pinuno ay
ganun din. Sila nga ang dapat at may tungkulin na maglingkod sa bansa at sa tao, ngayon ay
parang wala ‘yun at lagi nilang binabantayan ang sarili nila at ano ang makakapakinabang sa
kanila. Sa totoo lang, hindi ko alam paano na mapalitan ang sistema ngayon sa pulitiko, dahil
ang mga tao ngayon mahirap na hulaan. Ang sabi nga nila dati si Harry Roque ay napaka-iba
sa ngayon na siya, mga dating kumokontra siya o kinagagalitan niya ay ginagawa niya na
ngayon.

Itong actibidad na nagawa ay nakakapaliwanag, dahil nalalaman ko ang mga iba’t


ibang ideya ng mga kababayan ko. Nalaman ko na hindi lang pala ako ang may ganitong
pananaw sa pagkakadisiplina ng mga magulang, at masaya ako doon na naintindihan nila.
Kadalasan, di ko ito napapagusapan sa mga kakilala ko kasi hindi lumalabas sa usapan o may
ibang mas masayang pagusapan. Etong actibidad ay nabubuksan din ako sa buhay ng ibang
tao, kung ano ang nangyari sa kanila dati, ano na sila ngayon, ano ang pananaw nila at iba pa.
Para sa akin ito ay nagbibigay ng kaalaman sa mga estudyante.

You might also like