You are on page 1of 2

MATHO NATIONAL HIGH SCHOOL

Matho, Cortes, Surigao del Sur

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO

Pangalan: __________________________ Iskor: _________________

I. Talasalitaan:Hanapin sa kahon ang tamang salita at isulat ito sa patlang.

Maningning Sinariwa
Nauga Galaw
Magtatagal Kinagisnan
Tumubo Pagpapalaya
Dalisay Kalayaan

1. Kislot- _________________ 6. Kinamulatan - ________________


2. Makinang - ______________ 7. Sumupling -__________________
3. Sinangkutsa - ____________ 8. Kasarinlan -__________________
4. Matimyas - ______________ 9. Magluluwat - _________________
5. Emansipasyon- ___________ 10. Nayanig -___________________

II. Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na transitional device upang mabuo ang
pahayag.
1. Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa
lahat ng ito) hindi niya lubos maisip kung papaano niya ito haharapin.
2. Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya)
mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.
3. Napakarami na niyang napagtagumpayang problema (kaya, sa lahat ng ito), hindi
na niya alintana ang mga darating pa.
4. Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa
buhay.
5. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, (saka, kung gayon) kailangan niyang
pagbutihin ang kaniyang pag- aaral.

III. Salungguhitan ang mga pang-abay na pamanahon sa mga pangungusap.

1. Kailangan niyang maningisda tuwing umaga upang sila’y may maulam.


2. Noong araw na iyon ay naglakbay si Prinsipe Suton papunta sa kagubatan.
3. Kung ngayon na aalis ang mangingisda, tiyak aabutin na siya ng dilim sa daan.
4. Tuwing umaga, ang magkakapatid na kinnaree ay masayang tinatanaw ang
nagtatayugang mga puno.
5. Inabutan kanina ng mangingisda ang tagabantay ng tindahan.

IV. Kilalanin natin!


1. Ang sumulat ng tulang “Ang Pagbabalik”. _______________________
2. Ang binigyan ng titulong “Voice of Asia”?.________________________
3. Ang pamagat ng tulang sinulat ni Pat V. Villafuerte kung saan inilalarawan ang
magkakaibang panahon.__________________________
4. Ang nagsalin sa Filipino ng alamat na “ Ang Buwang Hugis- Suklay.
_______________
5. Nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap,o gaganapin ang pangyayari o kilos.
_______________________
6. Mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita.
______________________
7. Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuringan.
___________________
8. Mga salitang nag- uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay._______________
9. Sa tulang “Ang Buwang Hugis- Suklay, ano ang dahilan ng pagkakagulo ng mag-
anak? __________________
10. Tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari, o katawagan
na maaaring kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan. __________
11. Siya ang ama ni Crisostomo Ibarra.
12. Ang tunay na pangalan ni Kapitan Tiyago.
13. An kasintahan ni Crisostomo Ibarra.
14. Siya ay nag-aral ng pitong taon sa ibang bansa, sa kanyang pagbalik ay isang salo-
salu ang inihanda para sa kanya.
15. Ang pangalan ng ina ni Maria Clara.

V. Ang Alamat ni Prinsesa Manorah. Sagutin ng tama at may pag unawa ang bawat
katanungan.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa Kwento?
2. Ilarawan ang tagpuan ng alamat
3. Sino ang pinakasalan ng pangunahing tauhan sa kwento?
4. Ano ang tawag sa mga babaing kalahating sisne, kalahating tao ng Timog-
Silangang Asya?
5. Kung ikaw ang may akda paano mo wawakasan ang kwentong ito?

VI. Tula mo, isulat mo!


Gumawa ng isang maikling tula kung saan nasasabi mo ng maayos ang iyong
mga pangarap na gusto mong maabot.

Pagbutihin mo!

Ma’am Mitch

You might also like