You are on page 1of 1

“TATAK BEDISTA: MESA”

KEVIN DELOS REYES

LASAPIN ANG TRADISYONAL na pagkaing inihahain ng Bedista na si Enrico Dee


sa kanyang restawran, Mesa.
Ang Mesa ay isang kilalang restawran na naghahain ng iba’ibang putahe ng Pilipino na
binigyan ng konting ​twist​ upang mai-angkop ang lasa nito sa makabagong panahon.
Si Enrico “Rikki” Dee ay isang gradweyt ng San Beda University at isang ​restaurateur ​na
nagmamay-ari ng iba’t ibang establisyimento kabilang ang Mesa.
Bagamat hindi kursong ​culinary arts ​ang kanyang natapos sa nasabing unibersidad, ang
kanyang personal na interes sa negosyo ang nag udyok sakanya upang magtayo ng restawran.
Sa tulong ng kaniyang asawa na si Elizabeth “Beng”, naitayo nila ang kauna-unahan
nilang restawran na “Chin Chin Restaurant” sa Makati noong 1980’s.
Ang kanilang unang restawran ay nagbigay ng atensyon kay Henry Sy Sr., ang nagtayo
ng ​SM Mall​ sa Pilipinas, na siyang tumulong sakaniya upang bigyan ng pwesto sa loob ng isa
sa kanyang mga ​mall​.
Ang Mesa ay matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng kalakhang Maynila.
Hindi maikukubli ang loob ng bawat restawran na ang kanilang pangunahing putahe ay
mga bersyon ng mga Pilipino bagkus ito’y kanilang hinaluan ng makabagong timpla na papatok
sa kasalukuyan.
Ilan sa mga ipinagmamalaki nilang mga putahe ay ang ​Crispy Short Ribs​ Kare-Kare na
sinahugan ng prinitong ribs ng baka na pinalinamnam ng mantekilyang mani at binalanse ng
alat ng masarap na bagoong.
At ilang mga masasarap na pampagana naman ay ang Baked Scallops with Garlic
Butter, ​baked​ lukan na binudburan ng bawang at keso at Sisig in a pouch, masarap na sisig na
binalot sa ​crunchy wrapper​.
Masarap din ang kanilang ​Crispy Boneless​ Pata at Sinigang ​in Guava and Pineapple,​ na
pinaasim gamit ang bayabas at pinya na sinahugan ng iba’t-ibang gulay gaya ng labanos,
kang-kong, siling labuyo, talong at kamatis.
Chicken BBQ in Honey Patis​, inihaw na manok na ibinabad sa patis at pulot.
Laing 2 ways,​ na may dahon ng gabi na pinasarap ng bagoong, gata ng niyog at
pinaibabawan ng adobo ​flakes ​na hinaluan ng sapat na anghang.
Hindi rin mawawala sa kanilang putahe ang pampagana gaya ng Tinapa ​roll wrapped
with lettuce​ na binalot ang pinagsama-samang sangkap gaya ng tinapa, kamatis, sibuyas at
itlog na maalat.
At hindi papahuli ang pinakamasarap nilang dessert. Ang ​Crispy Leche Flan​, na binalot
ng lumpia ​wrapper​ ang leche flan saka ito pinatuluan ng ​caramel.
Ang bawat putaheng ito ay patunay na ang galing at tatak ng bedista ay hindi
mapapantayan.

Ratings: 3.5
Price Range: 400-600 person

You might also like