You are on page 1of 6

JANE DAPAC

ANG KWENTAS
JANE DAPAC

Kaya Tumaas Ang Langit, Ang Buwan At Mga Tala

MABABA ang langit nuong Unang Panahon, abot na abot ng tao. Isang araw, lumabas
ng bahay ang isang matandang dalaga (vieja solterona, spinster) upang magbayo
(moler, pound ) ng palay. Bago nagsimula, inalis niya ang kanyang suklay ( peine,
comb) mula sa buhok ( pelo, hair), at mula sa leeg (cuello, neck), ang kanyang butil-
butil na kuwintas (collar de abalorios, bead necklace) at pinagsasabit lahat sa langit
na nuon ay hugis matutulis na batuhang dagat (sea coral bed).

Saka siya nagbayo ng palay. Tuwing angat niya sa pambayo (maja, pestle), tinamaan
niya ang langit, na tumaas nang kaunti tuwi na. Pagtagal, napagod siya at lalo niyang
pinag-sigasig ang bayo, at lalong lumakas ang hampas ng kanyang pambayo sa langit,
na lalong umangat. Pagtama ng isang napaka-lakas na bundol, biglang tumaas nang
tuluy-tuloy ang langit.

Walang tigil umakyat ang langit, tangay lahat ng alahas ( jewelry) ng matandang
dalaga, hanggang hindi na abot ng tao maliban sa tanaw. Ang tangay na suklay ay
naging buwan (luna, moon). Nagkahiwa-hiwalay at kumalat ang butil-butil na kuwintas
at naging mga tala (estrellas, stars) na kumikinang tuwing gabi.

JANE DAPAC
SAWIKAIN (SLOGAN)

Ang mga sawikain ay maaaring mga idyoma. Ang pagpapahayag na mga ibig sabihin ng mga sawikain ay
hindi komposisyunal o mahirap matumpak.

Halimbawa:

1. magdilang-anghel (magkatotoo ang sinabi)

2. balitang kutsero (balitang hindi totoo; fake news)

3. ilaw ng tahanan (nanay o ina sa pamilya)

4. mababaw ang luha (iyakin o madaling mapaiyak)

5. nakalutang sa ulap (masaya)

KASABIHAN (SAYINGS)

Mga nakagawiang ekspresyong ng mga Pilipino.

1. Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang isda. (-Jose Rizal)

2. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

3. Walang sumisira sa bakal kundi ang sarili din niyang kalawang.

4. Napakahaba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

5. Nadadaig ng maaagap ang mga masisipag.

SALAWIKAIN

Kung ano ang puno, siya ang bunga.


Whatever the tree, so will its fruit be.

Kung may tinanim, may aanihin.


If you planted something, you’ll harvest something.
Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
What good is the grass if the horse is already dead.

Malaking puno, ngunit walang lilim.


A large tree with no shade.

Ang ampalaya kahit anong pait, sa nagkakagusto’y matamis.


No matter how bitter a vegetable is, it is sweet to those who like it.
Si Aso at si Ipis
Nina Ana-ao, Adolf A.; Nerida, Joana T.; Vergara Myka

Mataas ang mga punong nakapaligid sa bahay. Malawak din ang hardin sa likuran.Napaligiran
ng mga palay at mga pananim ang bahat ni Mang Kardo. Sa harap naman, malapit sa pintuan ay ang
tulugan ng aso. Maliit lang ang bahay ngunit parang paraiso ang kapaligiran nito. Nag-iisa kasi ang
bahay ni Mang Kardo sa bundok na iyon at ang kanyang kapithbahay ay sa kabilang bundok pa
nakitira.
Araw ng lunes at abalang nagluluto si Mang Kardo sa loob ng bahay. Kaarawan kasi ng
kanyang apo at isang surpresa ang kanyang inihanda. Nagluto siya ng pinakamasarap na kanin na
kanyang ibinayo lamang kaninang umaga. ng Naghanda rin siya ng pinikpikan na sinamahan ng etag
upang maslalo pang maging masarap ang kanilang ulam. At upang mas lalong maging masaya ang apo
ay nagluto rin siya ng dalawang patong na cake para sa kanynag apo. Binilin niya ang kanyang aso na
bantayan ang kanilang bahay dahil susunduin niya ang kanyang apo sa kabilang bundok. Sinabi niyang
matatagalan pa ito kaya ang aso muna ang bahala sa kanilang bahay.

“Sige, mag-iingat ka sa pagbaba ng bundok, makakaasa ka na babantayan ko ang bahay pati


narin ang mga niluto mong mga pagkain.” yan ang sabi ng aso. Naisip niya, siguradong bibigyan
naman siya ng kanyang amo sa inihanda nitong pagkain kaya minabuti niyang bantayan ng mabuti ang
bahay.

Tinawag ng Aso ang kaibigang Ipis at sinabing tulungan siya sa pagbabanatay ng bahay.
Pinaakyat niya ito sa bubungan ng bahay para makita niya ang mga taong may masasamang balak at
upang masabihan siya agad. Umakyat nga ang ipis ngunit nakita nito ang cake sa lamesa, bigla siyang
nagutom. Hindi napigilan ni Ipis ang kanyang sarili kaya tinawag niya na rin ang kanyang mga anak at
mga kapamilya na alam niyang gutom din. Kinain nila ang higit sa kalahati ng cake at humigop ng
sabaw ng pinikpikan na may etag.

Nang umuwi si Mang Kardo kasama ang apo nito ay nagulat sila ng makita nila ang cake at ang
ilang putahe na nagkakalat-kalat. Galit na galit si Mang Kardo. Tinawag niya ang aso at ikinulong ito sa
pag-aakalang ito ang gumawa ng kalokohang iyon. Alam ng aso na ang kaibigang ipis ang gumawa ng
bagay na ito, pero hindi niya ito sinabi sa kanyang amo.

Nakita ng ipis ang paghihirap ng Aso at naawa siya sa kanyang kaibigan. Nag-isip siya ng
paraan para iligtas ang kaibigan ngunit wala siyang magawa kaya isang plano ang nabuo sa kanyang
isip.

“Kawawa ang kaibigan ko. Kailangang ako ang magbayad sa kasalanang ginawa ko”. Naisaisip
ni ipis.

Isang umagang naghahanda ng almusal si Mang Kardo ay umakyat ang ipis sa lamesa at
sinadyang ipakita sa matanda ang paglantak sa almusal nito. Nakita ng aso ang ginagawa ng ipis at
tinahulan niya ito. “Huwag ipis, kung makita ka ng amo ko ay ikulong ka katulad ko.” tahol pa nito,
“hayaan mong malaman niya na ako ang gumagawa nito para makalaya ka.”sagot ni ipis.

Nakita nga ni Mang kardo ang ipis at sa isang hampas nito ng aklong hawak ay namatay ang
ipis. Naisip niya na ito rin ang kumain sa handa ng kanyang apo, dahil dito ay pinakawalan niya at
muling minahal ang aso.

Masaya ang aso na Malaya na siya, ngunit na hahabag naman siya sa kaibigang ipis.
“Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.” dalangin ng Aso.

Ang Aso ay hindi lamang tunay na kaibigan ng tao kundi isa ring tagabantay ng ating buhay.
Ang Ipis ay sinasabing peste sa ating buhay pero ayon sa reasearch ay malaki ang naitutulong nito
upang mabilis na matunaw ang plastic.

You might also like