You are on page 1of 12

Modified In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA) 

Distance Education for Elementary Schools 

H  SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS 





I  PANAHANAN NG MGA 
PILIPINO PAGDATING 
  NG DAYUHAN 
4  Department of Education 
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 
2nd Floor Bonifacio Building 
DepEd Complex, Meralco Avenue 
Pasig City 
Revised 2010 
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), 
DepEd ‐ Division of Negros Occidental 
under the Strengthening the Implementation of Basic Education 
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). 

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

  This edition has been revised with permission for online distribution 
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal 
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported 
by AusAID.  
GRADE IV

PANAHANAN NG MGA PILIPINO


PAGDATING NG DAYUHAN

ALAMIN MO

Ilarawan mo ang tanawing nasa larawan. May nabuo bang konsepto


sa iyong isipan?

Sa modyul na ito ay matututuhan mo:

• kung ano ang panahanan


• mga uri ng panahanan at
• mga dahilan ng pagbabago ng panahanan ng mga Pilipino

1
PAG-ARALAN MO

Suriin mo ang mga larawang ito.

• Tingnan mo ang larawan A.

• Anong uri ng panahanan ito? Ano sa palagay mo ang dahilan at dito


sila nagtayo ng tahanan. Ano ang kanilang pangunahing hanapbuhay?

• Ang larawan B naman ang iyong suriin.


Anong uri ang tahanan mayroon sila? Ano ang dahilan ng pagtira nila
rito? Ano ang kanilang pangunahing gawain?

2
Basahin ito.

Panahanan ang tawag sa pook panirahan ng mga tao. Matatagpuan


ang mga ito sa iba’t ibang dako ng bansa.

Sa simula, sa mga yungib lamang tumitira ang ating mga ninuno.


Wala silang pirmihang tirahan. Nang lumaon may mga tumira na sa mga
punungkahoy upang maging ligtas sa mababangis na hayop. Ang pagpili ng
pook tirahan ng ay batay sa pagiging ligtas na lugar, pagkakaroon ng
mapagkukunan ng pagkain, hanapbuhay at ang ginhawa ng paglalakabay.
Ang ginawang ito ng ating mga ninuno ay isang paraan ng pakikibagay sa
uri ng kanilang kapaligiran.

Sa paglipas ng panahon, natutunan nilang magtayo ng mga tahanan.


Sila ay naninirahan sa mga lugar na malapit sa ilog, lawa o iba pang
napagkukunan ng tubig. Dito na sila nakakahanap ng ikabubuhay. Naging
sentro ng kalakalan ang mga lugar na ito. Ang kanilang tahanan ay
nakahanay sa tabi ng lawa o ilog na bumubuo ng isang panahanang pang
tabing dagat na kung tawagin ay mga bahay na tiyakad o bangkang bahay.

Ang iba naman ay nanirahan sa kapatagan at mga kabundukan. Dito


naman sila nakahanap ng ikabubuhay. Karamihan sa kanila ay naging
magsasaka. Pagtatanim ang pangunahing hanapbuhay. Dito na sila
nawiling tumira. Naiangkop na nila ang paraan ng pamumuhay sa uri ng
kapaligiran. Karamihan ng kanilang tahanan ay yari sa pawid, kawayan at
kogon.

Paglipas ng panahon ay nagkaroon ng mga pagbabago sa uri ng


panahanan. Sa pag-unlad ng teknolohiya at pagdating ng mga dayuhan
nagkaroon na ng panahanang panglungsod. Ang mga bahay dito ay yari sa
mga makabagong materyales tulad ng bakal, yero, semento iba’t-ibang uri
ng tiles at pintura. Naging abala ang mga tao sa kanilang
paghahanapbuhay. Nagkaroon na rin ang mga bahay kalakal at mga
pinaglilibangang gawain. Halos karamihan sa mga taong nasa ibang uri ng
panahanan ay hinangad na lumipat sa panahanang urban. Dito naipakikita
ang ating pag-unlad kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya.

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Sagutin mo ang mga tanong.

1. Bakit nagkaroon ng iba’t ibang uri ng panahanan ang ating mga


ninuno?
2. Paano ito nila naisagawa?
3. Saang uri ng panahanan ka nabibilang? Masaya ka ba rito? Bakit?

3
PAGSANAYAN MO

A. Itambal ang Hanay A sa Hanay B.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa kuwadernong sagutan.

A B

1. Pangingisda a. panahanang urban

2. Pagtrotroso b. panahanan sa tabing-ilog o lawa

3. Pagsasaka c. panahanan sa kapatagan

4. Manggagawa ng pagawaan d. panahanan sa kabundukan

5. Pangangaso e. panahanan sa kagubatan

f. panahanan

B. Sagutin ang mga tanong ng makatuwiran sa kuwadernong sagutan.

1. Paano iniaangkop ng ating mga ninuno ang kanilang mga


panahanan sa kanilang kapaligiran?

2. Ano ang pangunahing dahilan ng ating mga ninuno sa pagtatayo ng


mga tahanan sa tabing ilog?

3. Makatwiran ba na magkaroon ng pagbabago sa panahanan ng mga


Pilipino sa pagdating ng mga dayuhan? Bakit?

4. Sa kasalukuyan, saang uri ng panahanan ka nabibilang?

5. Maligaya ka ba rito? Baki?

4
TANDAAN MO

• Ang ating mga ninuno ay may iba’t ibang uri ng panahanan

• Makikita sa uri ng kanilang tahanan ang simple ngunit praktikal na


pamumuhay.

• Ang wastong pag-aangkop ng ating mga ninuno sa kanilang mga


tahanan at sa uri ng kanilang kapaligiran ay nagpapakita ng
kanilang katalinuhan.

• Ang pagbabago ng uri ng panahanan ng mga Pilipino ay dahil sa


pag-unlad ng teknolohiya at pagdating ng mga dayuhan.

ISAPUSO MO

Kung ikaw ay papipiliin ng pook-tirahan, sa aling uri ng panahanan mo


nais? Bakit?

5
GAWIN MO

PAGGAWA NG PROYEKTONG LARUANG BAHAY

I. Mga Kagamitan:

Karton, panukat, gunting, pandikit at pintur

II. Mga Hakbang sa Paggawa

1. Para sa katawan ng bahay, sukatin ang karton na hugis parisukat.


2. Muling sukatin ang nagawang parisukat at hatiin sa siyam (9) na
bahagi

3. Gupitin ang mga bahaging una (1), ikatlo (3), ikapito (7), at ika
siyam. Huwag gupitin nang sagad ang magkabilang gilid ng 2 at 8
upang may pagdikitan. Itupi at idikit ang mga bahagi upang
makagawa ng kahong parisukat.

6
4. Para naman sa buong ng bahay, sukatin ang karton ng parihaba at
itupi sa gitna upang mabuo ang laruang bahay, pagdikitin ang mga
natapos na bahagi.

5. Upang mabuo ang laruang bahay, pagdikitin ang mga natapos na


bahay.

6. Pintahan ang mga bahagi ng natapos na proyekto upang maging


maganda at kaaya-ayang pagmasdan. Ipakita ang nagawang
proyekto sa iyong guro.

PAGTATAYA

A. Pagtapat-tapat. Itambal ang larawan sa Hanay A sa Hanay B. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa kuwadernong sagutan.

7
A B
a. bahay na matatagpuan sa
kapatagan

b. bahay na sa mga lungsod


makikita

c. bahay na yari sa kawayan at


nasa dagat.

d. bahay ng mga ninuno na


makikita sa may dagat o lawa
ng may layag.

8
e. unang uri ng bahay ng mga
ninuno nang matutong
mamahay

f. yari sa kogon

Tama o Mali. Isulat ang T kung wasto ang pangungusap at M kung


hindi sa kuwadernong sagutan.

1. Wala ng bahay na pawid ngayon.

2. Ang pagpili ng pook-tirahan ng mga unang Pilipino ay batay sa


pagiging ligtas ng lugar, pagkakaroon ng hanapbuhay.

3. Panahanan ang tawag sa pook panirahan ng mga tao.

4. Ang ating ninuno ay may pirmihan nang tahanan noon pa man.

5. Ang uri ng panahanan ng ating mga ninuno ay nagpapakita ng


kanilang pagiging matalino.

6. Walang pagbabagong naganap sa uri ng panahanan ng mga


Pilipino.

7. Sa pagdating ng makabagong teknolohiya umunlad ang ating


panahanan.

8. Malaki ang naitutulong ng panahanan sa kaunlaran ng mga


mamamayan.

9. Karamihan sa mga bahay ngayon lalo na sa bayan at lungsod ay


yari sa yero, semento at tabla.

10. Sa maraming lalawigan ay matatagpuan pa rin ang mga bahay-


kubo.

9
Binabati kita at matagumpay mong
natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

10

You might also like