You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Aralin Panlipunan VIII

I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minuto, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga uri ng lupa
b. Napahahalagahan ng bawat isa ang iba’t-ibang uri ng lupa
c. Naisasagawa ang tungkuling ginagampanan sa pagpapanatili.

II. Paksang Aralin


a. Paksa:Uri ng mga lupa
b. Kagamitan: Mga larawan
c. Sanggunian: Batayang aklat sa Aralin Panlipunan VIII, pahina 19
d. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa iba’t-ibang uri ng lupa
III. Pamamaraan:

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
(Tatawag ng isang studyante upang pangunahan ang pagdarasal.)
2. Pagbati
“Magandang Umaga sa inyo mga bata!”
“Kumusta kayo mga bata?”

3. Pag-alam sa Lumiban
“Sino ang lumiban klase?”
“magaling.”
4. Pangongolekta ng takdang-aralin
“Ipasa ang takdang aralin sa unahan bibilang ako nang hanggang lima dapat na ipasa
na sa unahan lahat nang hindi tumatayo. 1-2-3-4-5”
5. Pagsasanay
“Mga bata, mayroon akong ipapakitang iba’t-ibang larawan at gusto kong tukuyin ninyo
kung ano ito. Handa aba kayo?”
“Ano masasabi niyo sa larawang ito?
“ito?”
“Ito naman?”
“Ito?”
“Itong huling larawan? Ano masasabi niyo?”
“Ano ang napapansin niyo sa mga larawan na aking pinakita kanina?”
“Nakapunta na ba kayo sa mga lugar na iyon?”
“Paano ba nabubuhay ang mga halaman?”

“Magaling!”

6. Balik-aral
“Ano ang ating pinag-aralan noong nakaraang araw?”
“Ano-ano ang mga anyong tubig?”
“Magaling! Magbigay ng halimbawa.”

B. Bagong aralin
1. Pagganyak
“Gusto niyo bang umawit?”
“Sabay-sabay nating awitin ang kanatang “Mga Anyong Lupa” sa himig na “Leron-leron
sinta.”

Mga anyong lupa


Dito sa ating bansa
Lambak, kapatagan
Yaman nitong bayan
Talampas at bulkan
Kaygandang pagmasdan
Burol, kabundukan
Ating alagaan

2. Paglalahad
“Anu-ano ang mga anyong lupa ang binanggit sa awitin?”
“Tama!
“Burol, bundok, kapatagan, lambak,talampas, bulkan at bulubundukin ay isang uri ng anyong lupa”
“Ngayon, alamin natin kung anu-ano ang mga uri ng anyong lupa at ang kanyang

3. Pagtatalakay
“Sa mga larawan sa pisara ano sa tingin niyo ang Kapatagan?”
“Magaling! Ang kapatagan ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng
lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.
“Ano naman sa tingin niyo ang bundok?”

“Ang bundok ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak
na mas mataas kaysa sa burol.
“Saan naman sa mga larawan na ito ang bulkan?”
“Ang bulkan ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.
“Alin naman dito ang burol?”
“Ang burol ay higit na mas mababa ito kaysa sa bundok. Pabilog ang hugis nito at
tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging
kulay tsokolate.
“Saan naman dito ang lambak?
“Ang lambak ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok.
“Saan naman dito ang talampas?”
“Ang talampas ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar.
“Alin naman dito ang baybayin?”
“Ang baybayin ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
“Alin naman dito sa mga larawan ang Bulubundukin?
“Alin naman ditto ang pulo?”
Ang pulo ay mga lupain na napalilibutan ng tubig.”
“Alin naman dito ang yungib?

“Ang yungib ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin
ng tao at hayop.

“Ano naman ang tangway?”


“ang tangway ay pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.
“At ang panghuling larawan na anyong lupa na nasa pisara ay ang disyerto.
“Napaka init nito. Wala tayong disyerto sa Pilipinas. Makikita lamang ito sa ibang bansa
tulad ng Egypt at Saudi Arabia.”
“Ngayon mga bata kung naintindihan niyo na ba ang paksa natin?”

4. Paglalapat
“Magkakaroon tayo nang Gawain.”
“Ihahati ko kayo sa tatlong grupo. Bawat grupo magbibigay ako ng mga letra at buuin
niyo ito. Pag nabuo na ninyo ang mga letra, pupunta kayo dito sa gitna at sabihin kung
anong uri nang anyong lupa ang inyong nabuo sa mga letra.

Nagustuhan niyo ba an gating Gawain sa araw na ito


Mga bata?

5. Paglalahat
“Ano ang inyong natutunan sa leksyon natin ngayong araw?”
“Anu-ano ba ang uri ng lupa?”
“Magbigay nang halimbawa nang isa sa mga uri ng anyong lupa.”

IV. Pagtataya:
Kumuha ng isang kapirasong papel mga bata. Isulat at sagutin ang mga sumusunod.
Ilagay ang angkop na anyong lupa ang sa patlang.
1. Matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.
2. Higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.
3. Patag na anyong lupa sa mataas na lugar.
4. Isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at
pantay ang lupa rito.
5. Isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi.
6. Isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig.
7. Mga lupain na napalilibutan ng tubig.

V. Takdang-aralin
Mag hanap nang ibat- ibang larawan nang mga anyong tubig.

You might also like