You are on page 1of 2

TELA

Talino?

Ganda?

Ranggo?

Kutis?

Ano?

Ano nga ba ang tunay sukatan ng respeto?

Naguguluhan,

Kailangan ng matinding kaliwanagan,

Paliwanagin ang dilim na bumabalot sa masalimuot ng lipunan,

Hindi ko maintindihan,

Maaari bang pansamantalang maging bingi sa boses na nagsisitsitan sa tuwing dadaan?

Manang, makaluma, konserbatibo,

Pilit na itinatago ang sarili sa mga matang malisyoso.

Maselan, pokpok, agresibo,

Maraming nanghuhusga na tila ba sila ay perpekto.

Bakit nga ba biktima ang sinisisi

kung ang kasuotan ay tanging pagpapahayag lamang ng saril?

Sino ang may kasalanan?

Sino ang nagbigay ng karapatan?


Sino ang mag aakalang ang isang kalapastangan,

Ang sisira sa maganda sanang kinabukasan?

Hindi pa huli,

Ang nawasak ay buuing muli,

Itigil na ang mga maling kaisipan,

Marahil ang lunas at kasagutan ay ang magbingi-bingihan sa tuwing tatawag ang laman.

Tayo ay magising na.

Hindi ang haba o kapal ng tela ang makakapagdidikta,

Ng tunay na respetong dapat mo'ng makuha.

You might also like