You are on page 1of 1

Iba pang usapin kapag ang pambansang ekonomiya ay bukas.

May kalakalang
panlabas ang bukas na ekonomiya. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng
produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.

May mga sambahayan at bahay-kalakal ang dayuhang ekonomiya. Pareho rin sila na
may pinagkukunang-yaman. Maaaring magkaiba ang kaanyuan at dami ng mga ito. Maaaring
kailangan nila ang ilan sa mga ito bilang salik ng produksiyon. Ang pangangailangan sa
pinagkukunang-yaman ay isang basehan sa pakikipagkalakalan. May mga pinagkukunang-
yaman na ginagamit bilang sangkap ng produksiyon na kailangan pang angkatin sa
ibangbansa.

Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang-yaman ang pambansang ekonomiya.


Gayundin ang dayuhang ekonomiya. Maaaring magkapareho ang kanilang produkto. Maaari
rin namang magkaiba. Nakikipagpalitan ang dalawang ekonomiya ng produkto sa isa’t isa.

You might also like