You are on page 1of 1

Nicole Sioson

11 HUMSS – 5

Midya at Kulturang Popular sa Pilipinas

Ang wika ay makapangyarihan. Ito ay maaaring gamitin bilang isang armas sa pagsulat
katulad ng ginawa ni Jose Rizal noong nasakop tayo ng mga Kastila dahil naniniwala ako na
hindi lang naman pakikidigma ang maaari nating ipahayag, kundi pati na rin ang ating mga
damdamin at karapatan bilang isang mamamayan sa bansang ito. Sa panahon ngayon, ang
mga Pilipino ay may kalayaan nang maipahayag ang kanilang mga damdamin sa isang
partikular na bagay o isyu sa ating lipunan, sa pamamagitan ng paggamit ng midya, kung saan
tayo ay mas naging malikhain dahil nakabubuo tayo ng mga salitang bago buhat ng
impluwensyang dala ng midya at kulturang popular.

Ang midya at kulturang popular ay nakaaapekto sa sitwasyong pangwika ng Pilipinas


dahil isa ito sa mga nagiging impluwensya natin kasi dito natin halos mahahanap ang mga
usong salita halimbawa na lang ay pagbuo ng isang hugot line na kung saan kahit sa mga
maliliit na bagay kaya mong magawan ng hugot. Ang midya ay nagsilbing isang tulay para
makausap natin ang ating mga kamag-anak na malayo sa atin at mas mabilis rin natin mahanap
ang mga impormasyon katulad na lamang ng mga balita, lugar na kung saan maaaring kumain
kasama ang iyong kasintahan, mga pagsusuri tungkol sa isang produkto na ninanais mong
bilhin ngunit hindi ka sigurado kung ang kalidad ba nito ay maganda, at iba pa.

Maraming maitutulong ang midya at kulturang popular lalo na sa ating henerasyon


ngayon bagaman kadalasan ay naaabuso natin ito. Para maiwasan natin ang negatibong
paggamit nito, dapat ay respetuhin natin ang isa’t isa dahil tayo ay may kanya-kanyang
pananaw sa lahat ng bagay. Alamin natin ang tama at mali sa paggamit ng midya, at dapat rin
nating panagutan ang lahat ng mga bagay na gagawin natin sa platapormang ito. Sa paraang
iyon, mas lalaganap ang kapayapaan at kaayusan sa ating lipunan.

You might also like