You are on page 1of 2

After school program

NDKC, PAPALAKASIN ANG AKSIYON

Upang hasain ang kakayahan ng mga Marista sa larangan ng isports, akademiko, at


sining, patuloy na palalakasin ng Notre Dame of Kidapawan college ang after school
program na pinangasiwaan ng NDKC-IBED staff at sa pangunguna ni G. Christopher
James D. Ferrer, punong guro ng paaralan.

Ilan sa patakaran ng nasabing programa ay ang paghikayat sa mga estudyante na


pumili ng isang non sports at isang pang akademikong organisasyon upang subukan at
turuan ang mga estudyante na balansehin ang extra curricular at academics.

Kaugnay dito, kabilang sa mga club na nasa ilalim ng non-sports ay ang academic
varsity, BSP, GSP, Journalism, Knights of thr Altar/Dames/Lectors, marist mover, peer
Facilitator, st marcellin champagnat, Yes-o club, Cine marista, bikers club, drama and
arts, at Debate club.

Dagdag pa rito, pag iibayuhin pa ng NDKC ang ibat-ibang sports club dahil dito naging
sikat ang paaralan maging sa loob at labas ng bansa kabilang na ang mga larong
athletics, badminton, baseball, basketball, ches, darts, futsal, sepak takraw, swimming,
table tennis, taekwondo at volleyball.

Isa din itong paraan ng paaralan na makilaka at humanap ng mga estudyanteng


maypotensyal sa ibat ibang larangan na sila ring magiging representane sa mga
darating na patimpalak sa isasagawa.

##
SGLG, MULING NASUNGKIT NG KIDAPAWAN

Muling nakamit ng lungsod ng Kidapawan ang parangal na Seal of Good Local


Governance (SGLG), ayon sa anunsiyo ng Department of internal and local government
(DILG) , Agosto 15 nitong taon.

Ang nasabing aktibidad ay isinagawa upang kilalanin ang mga natatanging lungsod o
bayan sa ibat-ibang rehiyon na nag pamalas ng katapatan at kahusayan sa
pamamahalang lokal.

Ilan sa mga naging batayan sa pagpili ng mga nanalo ay sa pagsukat sa ibat ibang
sektor ng pamamahala batay sa kanila-kanilang ulat kabilang na dito ang kahandaan sa
kalamidad, kapayapaan at kaayusan, administrasyong pinansyal, Pasilidad ng
pangkalakalan and competitiveness, environmental management at ang pamamahala
sa sektor ng tradisyon, kultura at sining ng isang bayan.

Dagdag pa rito, laking pasasalamat din ni Hon. Joseph Evangelista, mayor ng lungsoad
ang pagkamit ng naturang parangal dahil ito umano ang masisisguro ng mga
kidapaweno na maayos at tapat ang pamamahala sa kanyang termino at nangangako
siyang ipagpatuloy ang nasimulan at kung saan kilala ang lungsod.

Ayon sa kasaysayan ito na ang ikatlong beses na nakamit ng Kidapawan ang parangal
na Seal of Good Local Governance mula 2016, at tinagurian na silang SGLG Hall of
famer. ##

You might also like