You are on page 1of 1

Ang ibig sabihin ng pahayag na sinabi ni Pangulong Benigno Aquino ay dapat

tayong matuto ng iba’t ibang wikain. Bakit? Kasi naniniwala siya at naniniwala

rin ako na gamit ang mga lengguwahe o iba’t ibang wika mas madali nating

maipapahayag ang ating saloobin. Halimbawa, yung mga salita o bagay na nais

nating ipahayag na di natin masabi gamit lamang ang ating sariling wika o

wikang pinagmulan, upang mas mapadali natin itong maipahayag kailangan

nating gumamit ng ibang wika kagaya ng Ingles. Hindi lang upang maipahayag

natin ng maayos ang ating mga sarili kundi para narin ito sa ikauunlad ng ating

bansa. Kasi paano nga ba naman tayo makikipagkalakalan sa ibang bansa kung

wala tayong ibang lengguwahe na alam, na maiintindihan ng isa’t isa katulad ng

Ingles na tinatawag na “Universal Language” marapat lang natin itong pag-aralan.

Ngunit dapat rin nating pagyamanin ang ating sariling wika na Filipino dahi l ditto

tayo nagmula at ito ang wika ng ating bansa upang makapagkomunikasyon sa

isa’t isa. At wag rin nating kakalimutan ang ating wikang kinagisnan simula

pagkabata o ang lengguwahe ng ating mga lugar sapagkat ito ang naging

pundasyon natin para mapag-aralan natin ang iba’t iba pang mga

lengguwahe.

You might also like