You are on page 1of 2

M.U.

Sea Jean M. Paloma

Naiinis ako sa'yo.

Naiinis ako sa'yo sapagkat noong usalin ko

ang salitang "ikaw"

ay di mo man lamang nagawang sabihin na "ako".

Marahil idinikta na ng tadhana na maging ganito tayo

Tila dalawang linyang parehas ang tinatahak ngunit hindi nagtatagpo.

Huwag mo sana sa aking isisi sapagkat parehas tayong nagpabaya,

Tulad mo ay naghihintay din akong isa sa atin ay may mag-aruga

Umaasang makapagbibigay ng pagmamahal, umasa lang pala sa wala.

Marahil ang tanging makapagpalaya lamang sa sakit at pait ay magparaya.

Kaya naman patawarin mo ako sa aking pagkamuhi

at papatawarin din kita sa hindi mo sakin pagpili.

Patawarin mo ako sa hindi ko paglisan

at papatawarin kita sa ginawa mong pang-iiwan.

Patawad.

Pero kung ipapanganak ako sa pangalawang pagkakataon, mas pipiliin ko pa ring kamuhian ka, kaysa
paulit-ulit na sayo ay mahulog pa,

Mas gugustuhin ko nang magkainisan,


Para kahit papaano ay magka-parehas tayo ng nararamdaman.

You might also like