You are on page 1of 1

Mini-umasa

Sea Jean M. Paloma

Buti pa sa messenger, hindi basta-basta naaattach yung document. Eh ako, ito. Attached na attached
sa'yo. Sorry na, akala ko kasi may ibig sabihin yung araw-araw nating pagcha-chat.

Yung araw-araw na pangangamusta,

Uma-umagang pagbati ng "goodmorning!"

Minu-minutong pangungulit,

At palagiang pagsesend ng memes.

Sorry ha, umasa akong kasabay ng pagse-send mo ng memes ay may maii-send ka din kahit konting
pagmamahal.

Sana alam mo na ikaw nag dahilan sa bawat pag-oonline ko. Ikaw ang dahilan kung bakit sinisita ako ng
nanay ko dahil nginingitian ko na naman ang phone ko.

Yung my day ko? Tungkol yun sayo. Simula naman nung nahulog ako, parang lahat nalang ng bagay
tungkol sa'yo.

Nagt-tweet ka din ba tungkol sakin? Kasi ako? Tungkol sayo yung bio ko.

Sa totoo lang, hindi ko na alam ang patutunguhan nito. Pero muli ako tataya. Kung ito lamang ang paraan
para mapalapit sa'yo, gagawin ko.

Aasa pa rin sa'yo,

Kahit na nagcha-chat offline ka lang kapag magkausap tayo.

You might also like