You are on page 1of 5

SAWIKAIN (IDIOMS)

Ito ay mga salitang matatalinhaga at may mga nakatagong kahulugang kailangang maunawaan upang magamit
sa pang-araw –araw na pamumuhay.Ito ay mga namana natin sa ating mga ninuno. Dito masasalamin ang kanilang
angking talino.

Narito ang ilang halimbawa ng mga sawikain:

1. Alsa balutan - paiba-iba ng tirahan


 Talaga yatang alsa balutan ang iyong kapatid na iyan. Lilipat na naman daw ng tirahan.
2. Biro ng tadhana - kasawian, kapahamakan
 Ang pagkamatay ng kanyang kaisa-isang anak ay masakit na biro ng tadhana.
3. Haligi ng tahanan - ama ng tahanan
 Ang haligi ng tahanan ay dapat igalang ng kanyang mag-anak.
4. Magaan ang bibig - palabati, madaling makipagkaibigan
 Si Rosita ay maraming kaibigan sapagkat magaan ang kanyang bibig.
5. Pinitpit na luya - hindi nakakibo
 Bakit hindi kayo magsalita. Para kayong pinitpit na luya
6. Anakpawis - manggagawa
 Kailangang tulungan ng pamahalaan ang mga anakpawis.
7. Bagong tao - binata
 Ang kanyang panauhin ay isang makisig na bagong tao.
8. Kababaang-loob - di-mapagmataas
 Napupuri si Antonio ng marami dahil sa kanyang kababaang-loob.
9. Hampas ng langit - parusa ng Diyos
 Sa kanilang masamang gawain, tatanggap sila ng hampas ng langit.
10. Langis at tubig - magkalaban
 Si amo at si Jose ay langis at tubig.
11. Magdildil ng asin - maghirap
 Kahit na magdidil ng asin, sina Mariano ay ayaw humingi ng tulong sa kanilang mayamang
kapatid.
12. Sanga-sangang dila - dalahira,, mahilig sa tsismis
 Dadalhin ka sa gulo ng kasama mong sanga-sangang dila.
13. Asal-Hudas - mapagkanulo,mapagtaksil
 Asal-Hudas iyang si gorio, kayat huwag kang magtiwala sa kanya.

14. Balitang-kutsero - balitang walang katotohanan


 Pawing mga balitang kutsero naman ang narinig ko sa iyo.
15. Kaibigang-putik - kaibigan sa turing ngunit kaibigang hindi tapat
 Si Berto ay isa lamang palang kaibigang putik, hindi mo siya maaasahan sa panahon ng kagipitan.

16. Ibabaw ng lupa - daigdig


 Talagang ang mabuhay sa ibabaw ng lupa ay pulos pagpapakasakit.
17. Nahihiga sa salapi - mayaman
 Si Don Tiburcio ay nahihiga sa salapi. Soiya ang inyong hingan ng abuloy.
18. Ligaw-intsik - panliligaw ng isang lalaki na dinadaan sa Panreregalo
 Ligaw-Intsik ang ginawang paraan ni jose sa panliligaw sa aking magandang kapatid.
19. Sumuntok sa hangin- umasa sa wala
 Kapag si Arturo ang inaasahan mo ay para kang sumuntok sa hangin.
20. Ningas-kogon - panandaling panahon lamang
 Ningas kogon ang kanyang ugali sapagkat hindi nagtatagal ang lahat ng kanyang sinimulang
negosyo.
21. Baliktad ang bulsa - natalo sa sugal
 Gabi-gabi na lng na baliktad ang kanyang bulsa dahil sa kasusugal.
22. Sambakol ang mukha - galit o nasusuya
 Sambakol ang kanyang mukha kaaga-aga.
23. Sumugba sa ningas - sumuong sa panganib
 Sumuong pa rin siya sa panganib kahit alam niyang mapapahamak siya.
24. Taingang-kawali - nagbibingibingihan
 Nalaman niya ang buong katotohanan subalit nagsa taingang-kawali pa rin siya,
25. Mababa ang luha - madaling umiyak
 Lagi siyang talunana sapagkat mababa ang kanyang luha.
26. Anghel ng tahanan - mga batang maliliit
 Apat ang naging anghel ng kanilang tahanan.
27. Tinik ng puso - sama ng loob
 Puro tinik ng dibdib ang idinudulot niya sa kanyang ina.
28. Laylay ang balikat - anyo ng isang nabigo
 Laylay ang kanyang balikat nang kanyang malaman na ikakasal na ang kanyang minamahal.
29. Hinahabol na ng barbero - mahaba ang buhok
 Pinayuhan siyang magpagupit sapagkat hinahabol na siya ng barber.
30. Parang kinahig ng manok - pangit na sulat kamay
 Hindi siya pumasa sa pagsusulit sapagkat parang kinahig ng manok ang kanyang sulat kamay.
31. Utak-biya - mahina ang ulo
 Utak biya siya kaya marami siyang di naipasang subjects.
32. Tiklup-tuhod - buong pagpapakumbaba
 Tiklup-tuhod siyang nakipag-usap sa kanyang mga magulang.
Pangalan: _______________________________

PAGSASANAY A. Pagtapat-tapatin. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng idyomang nasa Hanay A. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

Sagot HANAY A HANAY B


1. Anak-pawis a. Tandaan
2. Bukambibig b. Nabigo sa pag-ibig
3. Matigas ang katawan c. Hindi makapgsalita
4. Malaking isda d. Magkagulo
5. Itaga sa bato e. Nagkagalit
6. Balitang kutsero f. Mayaman
7. Naghalo ang balat sa g. Tamad
tinalupan
8. Nabuwalan ng gating h. Salat sa katotohanan
9. Naumid ang dila i. Manggagawa
10. Nagsaulian ng kandila j. kinakabahan
k. laging sinasabi

Pagsananay B.

Ano ang ibig sabihin ng mga idyomang nabanggit? Bilugan ang tamang sagot.

1. Sabi ni Julia sa asawa, “itaga mo ito sa bato.” Kahit hindi nila aki tulungan aangat ang ating kabuhayan.
a. Mananaga si Julia
b. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinasabi
c. Pupukpukin ni Julia ang bato
d. Tatagain ni Julia ang bato
2. Kung gusto mong maglubid ng buhangin, huiwag sa harap ng mga taong nakakikilala sa iyo dahil mabibisto ka
nila.
a. Magsabi ng katotohanan
b. Magsinungaling
c. Maglaro sa buhanginan
d. Magpatiwakal
3. Bakit hindi ka makasagot? Para kang natuka ng ahas.
a. Namumutla
b. Nangangati ang lalamunan
c. May ahas na nakapasok sa buhanginan
d. Hindi nakakibo, nawalan ng lakas na magsalita
4. Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko tuloy maniwala sa kanya
a. Balitang sinabi ng kutsero
b. Balitang walang katitohanan
c. Baliang makatotohanan
d. Balitang maganda
5. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohana.
a. Matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao
b. Pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan
c. Nagkaigihan
d. Nagkabati
6. Napauwi kaagad galling Estados unidos si Ricardo dahil nabalitaan niyang ang asawa niya ay naglalaro ng
apoy.
a. Nagluluto
b. Nagpapainit
c. Nasunugan
d. Nagtataksil sa kanyang asawa
7. Bulang-gugo si Tompet dahil anak-mayaman siya.
a. M,ata-pobre
b. Galante; laging handing gumasta
c. Parating wala sa bahay
d. Laging kasapi sa lipunan
8. Walang magawa ang mga kapitbahay naming Makati ang dila kayat maraming may galit sa kanila.
a. May sakit sa dila
b. Daldalero o daldalera
c. May saingaw
d. Nakagat ang dila
9. Sa drama sa radio, nasabi ni Don felipe na malapit na ang pag-iisang dibdib ng kanyang anak na si Alejandro at
ni marinela.
a. Ikakasal na sila
b. Magkaka-anak na sila
c. Maghihiwalay na sila
d. Magnobyo na sila
10. Ang apat na anak nina Nita at Mark ay tinaguriang mga anghel ng tahanan.
a. Maliliit na mga bata d. salbaheng mga bata
b. Magugulong mga bata
c. Malilikot na mga bata
11. Nang umuwi na ang mga bata ay bakabalik na sila sa sariling pugad nila.
a. Pugad ng kanilang ibon
b. Pugad ng kanilang mga manok
c. Sariling tahanan
d. Sariling kwarto
12. May utang na loob ang mag-asawang Nita at mark ka Ginoong Agoncillo dahil sa pagkabalik ng mga bata.
a. Utang
b. May pagbabayaran
c. Utang nap era
d. Utang na buhat sa kagandahang-asak o kabutihang nagawa.
13. Ang mag-asawang Mark at Nita ay parang aso`t pusa.
a. Hindi sila pantay ng laki
b. Lagi silang nag-aaway
c. Hindi sila nagbibigayan
d. Lagi silang naghahabulan
14. Nag-alsa balutan ang magkakapatid dahil sa kanilang mga magulang.
a. Palipat-lipat
b. Nagbalot ng pagkain
c. Binalot ang gamit
d. Naglayas
15. Hindi pinagbubuhatan ng kamay ng mag-asawa ang kanilang anak.
a. Hindi pinagtatrabaho
b. Hindi inaakay
c. Hindi pinapalao o sinasaktan
d. Hindi pinaghuhugas ng pinggan
16. Dahil sa nagyari, magbabagong-loob na raw si Nita pati na rin ang asawa niyang si mark.
a. Maliligo
b. Magbabago o magpapalit ng ugali o kuru-kuro
c. Magpapalit ng damit panloob
d. Magbibihis

Pagsasanay C.

Sagot Hanay A Hanay B


1. Anak-pawis a. Nasusuklam; walang anumang pagkalugod
2. Makati ang paa b. Magsasaka; manggagawa
3. Mabigat ang dugo c. Karaniwang sinasabi; madalas mananggit
4. Namuti ang mata d. Alam ng lahat; hayag sa lahat
5. Ningas-cogon e. Mahilig sa gala, lakad o pag-alis
6. Bukambibig f. Tamad
7. Matigas ang katawan g. Nagkagalit ang magkumpare/magkumare:
di nagkasundo
8. Malaking isda h. Mayaman
9. Nabuwalan ng gating i. Panandalian;di-pangmatagalan
10. Naumid ang dila j. Mainip sa kahihintay; matagal
11. Magsaulian ng kandila k. Nakipagbati’ nakipag-areglo
12. Bukas na aklat l. Hindi makapagsalita
m. Nabigo sa pag-ibig

You might also like