You are on page 1of 2

2nd Sharing - “God’s Love”

Sharer- A person who was had a “not so good “relationship with his/her father before NEOS
YLSS
Share on this “not good” relationship with my father?
Has something changed after NEOS or YLSS?
Why and how?
How do I experience the love of God through my parents?

Hi guys,
Hi ang ise-share ko sa inyo ay “God’s Love”. This will talk about a person who was had a
“not so good” relationship with his/her father before NEOS or YLSS. Sana yung iseshare ko sa
inyo ay maintindihan nyo ako at sana pagtapos nito ay wag nyo sana ako husgahan.
Siguro everyone of us here has a different issue or situation about their relationship sa kanilang
father or parents. Some has a not so good relationship with their father and some has a good
relationship with their father. And sabihin natin na nandun ako sa 1st part.

Sa totoo lang issue ko na toh sumula nung bata pa ako. Pero wag nyo nmn isipin na
masama yung papa ko hnd sa ganon. Yung papa ko mabait mukha lang sya nakakatakot dahil
sundalo sya pero mabait nmn sya, wag nga lang gagalitin. Hindi sya nag kulang maging Ama sa
amin na pro-Provide nmn nya ang mga pangangailangan namin. Pero hindi ko alam kung bakit
sumula nung bata pa ako naiinggit ako sa bunso naming kapatid, Bakit? Kasi nararamdaman
namin na Mahal na Mahal sya ng tatay namin. Siya kasi yung favorite eh, yun yung tawag
namin. May mga pag kakataon na nag tatanong kami bakit ganon ang unfair bakit sya favorite.
Pero ang lagi lang sinasabi ni mama at ng ibang tao ay hayaan nyo na intindihin nyo nalang/
intindihin mo nalang kasi ate ka, kasi nakatatanda ka pero hindi nmn ibig sabihin na ate ako na
nakatatanda ako d na ako nasasaktan na d ko na kailangan ng pag mamahal? May mga pag
kakataon na pag nagaaway kami gusto ko magalit, gusto ko sya saktan pero hindi pwede kasi
sigurado lagot na nmn ako kay papa kasi ako ang pagagalitan eh, kasi kahit anong sabihin kong
dahilan ako ang mali at sya ang tama.

Si bunso ang laging hinahanap. Dati nga hindi makakatulog si papa pag wala si bunso sa
tabi nya. Na mawala na ang lahat wag lang si bunso. Na si bunso ang pinaka importante sa
kanya dahil sya ang mahal na mahal na mahal ni papa. Sobrang sweet nga nila eh Kahit sa ibang
lugar mapapansin ang pagiging sweet nila, Alam ko nmn kasi na sweet si bunso kaya ganon. Ako
kasi hindi , baka kaya ganon.
Simula nung mga bata pa kami naramdaman ko na ang pag kakaiba namin. Pag ako nag
kamali syempre pagagalitan ako alam ko naman eh at yun ang dapat pero pag sya nag kamali
wala kang maririnig. Pag sya kailangang intindihin nalang.
Pag sya nagkaroon ng highest score “wow ang galing”, ako rin nmn ah mataas average
ko may discount pa nga ako sa tuition fee eh? Pero bakit wala akong narinig? Bakit parang d ko
nararamdaman na proud din kayo sa akin? Nagsusumikap ako kasi gusto ko one day maging
proud din sa akin yung papa ko yung magulang ko. Gusto ko iparamdam na kamahal mahal din
ako. Ginagawa ko ang best ko kasi gusto ko may mapatunayan hindi sa ibang tao kundi sa papa
ko sa magulang ko.
Sorry sa sasabihin ko pero minsan pumasok sa isip ko, na kung magkakaroon ba sila ng
away? May pag asa ba o may possibility ba na sa amin na mabaling yung atensyon nya?
Minsan nga naisip ko? Kung saktan ko kaya sarili ko? Malalaman ba nila o marerealize
nila na nasasaktan ako? Na sa akin naman nila ibaling yung pag mamahal at pag aaruga nila oh.
Na wag puro sya kasi nandito pa kami.
Pero sa kabila ng mga ito mahal na mahal ko ang papa ko. Pa I Love You kahit d mo man
naririnig yan sa akin. Alam ko sa sarili ko na mahal po kita. Sa mga kabataan na nararamdaman
ang pag mamahal ng tatay nyo sa inyo, Napaka swerte nyo kaya Please wag nyo po ito
balewalain ibalik nyo ang pag mamahal nila sa inyo. At sa mga iba nmn na katulad ko na may
problema sa tatay mahalin nyo pa rin sila ng lubos. Sa mga kabataan po na nandto mahalin nyo
ang inyong mga magulang katulad ng pag mamahal ng Panginoon sa inyo.

Pero sa mga pag kakataon na sobra akong nasasaktan. Na gusto ko ng saktan yung sarili
ko at kailangan ko ng taong dadamayan at mag paparamdam na d ako nag iisa. Napaka buti
talaga ng Panginoon dahil sa kabila ng sakit na nararamdaman ko hindi nya ako hinayaang mag
isa. Dahil nag padala sya ng isang tao na nag paramdam na hindi ako nag iisa at nakinig sa
kadramahan ko, Dahil kahit sa simpleng pakikinig nya lang sa akin lumuwag ang pakiramdam ko
na siguro kung walang kumausap sa akin nun may masama na akong nagawa sa sarili nung mga
oras na iyo kaya sobrang Salamat Lord at sa iyo sa pagdamay.

Kung may nabago man sa akin? Siguro yun yung pag iisip ko na kailangan ko lawakan. Na
kailangan ko intindihin si papa at mahalin kasi yun ang itunuro ng Diyos sa akin/sa atin at
syempre mag patawad sa mga taong nakasasakit sa atin alam man nila o hindi. Minsan pinipili
ko nalang mag sawalang bahala at wag pairalin ang akin emosyon.

You might also like