You are on page 1of 14

Febuary 22

•••••
"Booo!"

"Waahh"

"Hahaha good morning Milles hahaha"

"Not funny Timothy"

Gulatin ba naman ako.Pagkasabi ko nun sa kanya pumasok na ako sa gate ng school.Nasaan kaya
si Kaylie bakit di sila sabay ng kambal niya.As usual nakikita ko na naman yung schoolmates ko
na parang walang pinoproblema habang papasok sa mga klase nila.Schoolmates ko na nag
kwekwentuhan at nag tatawanan kasama ang.....

"Uy ito naman walang good morning sakin"

.....kasama ang bestfriend nila.

"Uy Milles"

Nagbalik na lang ako sa katinuan nung may kumuwit sa akin.

"Naglalakad ka na naman ng tulala" Sabay na kaming naglakad papunta sa room namin

"Nasaan si Kaylie?" Tanong ko

"Si bal?,nauna na syang pumasok eh"

Ganon bakit kaya.Tumahimik na rin si Tim hanggang makapasok sa room.Naunang pumasok si


Tim tapos bigla syang inasar ng kaibigan nya.

"Naks Moth gumagalawang breezy ka ah."

"Wag mo nga akong tawaging Moth"

Pumwesto na ako sa upuan ko tapos binati ako ni Kaylie ng good morning.Kaya pala nauna na sya
kasi wala pa syang assignment.At ngayon nangongopya sya kay Drew isa sa classmate namin.

"Ang sipag mo naman Kaylie" Pang aasar ko

"Ako pa"

"Hahahaha" sabay naming tawa.Hayy nakakamis tumawa kasama ang bestfriend.


•••••

•••••

"Good morning students"

Tumayo agad kami para batiin si maam.

"Good morning Ma'am Fernandez"

Umupo na kaming lahat.

"Okay class alam naman natin na 1 month na lang at test na nyo para sa Summer Class"

Oo nga pala kaming 11-A ay nag rereview ng napakamatindi para sa Summer Class.Kaming 11-A
lang ang mag tetest para sa Summer Class kasi sabi ng principal namin kami lang ang deserve
para dun.Kasi pag nag Summer class ka hindi kana mag gra garde 12.Diretso collage
kana.Acceleration kumbaga.

"Alam naman natin na 30 students lang ang kailangan don at 35 kayo kaya mag review review na
kayo at sa limang matitira sorry pero mag gra grade 12 kayo,kaya mag aral kayo. Hindi muna ako
magkaklase dahil may urgent meeting kami kaya thats all goodbye class"

Hindi na kami nakapag goodbye kay maam dahil sa bilis nyang pag alis.Hindi naman halatang
urgent yung meeting noh.2 hours ang vacant namin ngayon,pagkaalis ni maam yung iba nag
review na yung iba naman ng kuwentuhan lang.

"Milles libary tayo? Magrereview kami ni bal sa math eh." Sabi ni Kaylie kasama nya yumg
kambal niya si Tim

"Ahmm.. kayo muna masama pakiramdam ko eh"

"Masama pakiramdam mo?" Tim

"Tara sa clinic" Kaylie

Ito talagang kambal na to.

"Hindi okay lang ako dito promise"

"Sure?"

Tumango ako.Ang totoo nyan hindi naman masama pakiramdam ko ayaw ko lang muna talaga
mag review sa math dahil yun yung pinakayaw ko na subject.At gusto ko muna mapag isa kahit
hindi naman kasi kasama ko yung mga classmate ko rito.Pagkatango ko umalis na sila.
Habang hinihintay ko yung two hours vacant ko pinagmasdan ko yung mga classmate ko.Yung iba
nagkwe kwentuhan,yung iba naman todo review na parng walang tao sa paligid
nila.Makapagreview na nga rin. Kinuha ko yung Science book ko at binasa yun.Ang totoo nyam
hindi naman ako yung taong maingay palakaibigan.Tao lang ako na tahimik at mahinhin pero
active nama ako sa klase.

Ang swerte ko nga dahil may naging kaibigan pa ako sa tahimik kong to.Narinig kong bumukas
yung pinto kaya napalingon ako.Pumasok yung tatlo kong classmate sila yung mga matatalino dito
sa school actually lima sila pero wala pa yung dalawang magsyota. Ang tawag sa grupo nila ay
The 5G

"Good morning Katelyn,good morning Mark,good morning Xander" bati ni Charles nerd kong
classmate na fan na fan nilang lima kasi ang talino daw nila.Pero matalino rin naman si Charles

"Good morning din" sabi ni Katelyn at pumunta sa upuan nya.Si Mark at Xander hindi pinansin si
Charles at pumunta na sa upuan nila.

Habang nagbabasa ako narinig kong sumigaw si Hazel kasi kinuha ni Stephen yung milk nya at
ininuman yun.Nakatayo si Hazel sa tabi ko habang si Stephen ay nasa tabi ng whiteboard.

"Stephen amina yan" pag aalburuto ni Hazel

"Edi saluhin mo"

Binato ni Stephen yung milk at sa kasamaang palad hindi nasalo ni Hazel kaya tumama sa mukha
ko at nabasa ako pero konti lang yung buhok at yung palda ko lang.

"Hala Milles sorry si Stephen kasi eh"natarantang sabi nya at kinuha yung milk nya sa palda ko

"Hinde sige okay lang" kahit hindi kasi manlalagkit yung buhok ko

"Hala yung palda mo. Ay may extra palda ako pahiram ko na lang sayo hah kunin ko lang sa
locker"

"Hindi wa-" hindi ko natapos ang sasabihin ko kasi umalis na sya ng room.Lumapit saakin si
Stephen na may dalang panyo at ibinigay saakin.Tiningnan nya ako sa mata.

"Sorry" sabi nya ng sincere. Ang gwapo talaga ni Stephen

"Okay lang di no naman sadya eh" sabi ko habang pinupunasan yung palda ko na nabasa.

"Sabihin mo munang 'sorry accepted' " sabi nya na nakatingin pa rin sa mata ko . Bakit ganon
bumabalik na naman yung pag cacrush ko sa kanya. Oo crush ko sya dati nung grade 9.
"Ha bak-"

"Please" ang weird nya ngayon

"Sorry accepted" sabi ko

Pagkasabi ko nun bigla na lang syang nag smile at mabilis na lumabas na room.Weird talaga sya
ngayon baka nahawaan na ni Charles.Pagkalabas nya biglang pasok naman ni Hazel na dala yumg
palda

"Milles oh sorry talaga hah" sabay abot nya ng palda .Si Hazel pa naman yung taong makulit yung
ipipilit kahit ayaw mo kaya tinaggap ko na.

"Okay lang sige palit na ako hah" paalam ko sa kanya

"Sige"
•••••

•••••

Pagkatapos ko magpalit ng palda pumunta ako sa locker ko para ilagay ko tong palda ko na
nabasa.Binuksan ko na yung locker ko at iniligay ko na yung palda ko. Pagnakita mo yung loob
ng locker ko puro libro at pictures na nakadikit sa kilid. Picture ng family ko . Picture ng
recognation noong grade 9 kasi nasa top 8 ako sa boong grade 9. Nagtataka nga ako eh hindi
naman ako magaling sa math. May picture din na kasama ko yung 2 bestfriend ko. Si Kaylie at.. si
Merrin kinunan yung picture na to noong nanalo si Merrin sa Badminton ang saya namin noon.
Noon yun..

Isinara ko na yung locker ko nang..

"Booo! Hahaha tara Milles"

Si Merrin nasa harap ko. Hindi hindi nagha hallucinate lang ako. Pumikit ako at pagmulat ko ng
mata wala na sya. Sabi ko na guniguni ko lang kasi imposibleng makita ko pa sya.. imposibleng
makita pa namin sya. Kasi patay na sya last year lang kasi sya namatay.Naglalakad na ako pabalik
sa room ng makasalubong ko si Ma'am Caroline na may kasamang babae maganda sya.Oo nga
pala sya yumg next subject namin at may quiz sya ngayon buti nakapag review ako.

"Good morning Ma'am" bati ko.

"Ahmm Ms.Dela Cruz vacant ka ba ngayon?" Tanong ni Maam sakin

"Opo Ma'am may urgent meeting daw po kasi si Ma'am Fernandez ngayon."
"Pwede bang ikaw na muna ang mag tour ng boung campus kay Ms.Garcia mag tatransfer kasi sya
dito sa pasukan" napatingin ako kay Garcia na nakatingin din saakin.. ahmm ang bait nya tingnan

"Pero Ma'am may quiz tayo ngayon diba?"

"Oo nga pala... ahm ganto na lang kung ano ang highest na nakuha ng mga classmate mo yun
nalang din score mo atsaka pagkatapos mo syang itour okay lang kahit di kana pumasok sa
subject ko ngayon kasi pagkatapos ko magpa quiz aalis na rin ako okay ba?"

"Ahmm.. sige po Ma'am"

Iniabot na sa akin ni Ma'am yung school map pati susi. Susi siguro to ng locker nya. Kaya may
school map kasi malaki talaga tong school namin posible talagang maligaw ka pag bago ka lang
dito. Umalis na si Ma'am sa harap namin. Tiningnan ko yung transferee, mukha syang makulit at
maamo ang mukha

"Hello ako nga po pala si Margoux ikaw po?" Nakangiting inilahad nya ang kamay saakin

"Milles" nakangiti ko ding sabi at nakipag shakehands.

"Saan mo gustong mag umpisa?" Taning ko

"Pwede po sa gate?" Sa gate bat naman?

"Bakit sa gate?"

"Please" tapos ng puppy eyes. Hala ang cute nya.


•••••

•••••
Habang naglalakad kami papuntang gate naispan kong magtanong ang tahimik kasi nya eh.

"Magra grade ano kana?"

"Magra grade 10 na po ako sa pasukan" ah ano pa bang pwedeng tanong.

"Ilan taon kana?" Ang ganda ng tanong ko.

"Mag seseventeen na ako ikaw po?"

"Mag eeighteen na ako" sagot ko

"Talaga po,magkasing edad lang po pala kayo ni ate kaso wala na sye eh." Biglang lumungkot
yung mukha nya. Ate? actually wala akong ate or kuya kaya only child lang ako.Gusto ko sana
magtanong kung anong nangyare sa ate nya kaso hindi naman kami close para itanong ko yun.

"Pwede po bang tawagin kitang ate Mill?" Tapos bigla na naman syang ng puppy eyes. Siguro ang
bait nyang kapatid.

"Sige ba" sumang ayon na ako kasi gusto ko rin na may tumatawag saakin ng ate.

Nang makarating na kami sa gate binuklat ko na yung map.At may sinabi.

"Bago ang lahat napansin mo naman siguro na sa bawat hallway na dinadaanan natin kanina may
mga T.V's diba."

"Oo nga po ate Mill pati nga cctv's kahit saang sulok ako tumingin may ganoon."

"Ganon talaga,para malaman di ng school kung my kababalghan na nagyayari dito sa campus.


Kaya may T.V's sa bawat hallway kasi laging merong importanteng ina announce ang principal."

Tumango naman si Margoux at nagumpisa na akong itour sya.Tinuro ko yung nasa left side na
building.

"Yang building nayan ay Parking Building kahit sino pwede magpark dyan kahit studyante
syempre pati teacher" sabi ko tumango naman sya.

"Yang building nayan" turo ko sa right side "Nandyan yung principal's office at guidance office"

"At yung katabi nyang building ay ang library"

Next pinuntahan namin ay ang gym.Pumasok kami sa gym. Pagka pasok namin may
nagbabasketball,volleyball at badmiton.

"Ito naman ang gym pwede ka dito all the time" sabi ko kay Margoux. Lumingon ako kay
Margoux nakita ko syang nakitingin sa mga nag babadminton.

"Alam mo ate Mill si ate mahilig magbadminton kaya tuwing sabado lagi kaming naglalaro nyan."
Sabi nya na malungkot. Naalala ko tuloy si Merrin.

Flashback

"Tara Milles laro na tayo please" tapos nag puppy eyes sya. Natawa naman si Kaylie sa ginawa ni
Merrin.

"Alam mo naman na hindi ako marunong mag badminton eh"


"Ehhh dalina"

Eh di nakipaglaro na ako hindi ko man lang masapol sapol yung shuttlecock at di rin ako
marunong magserve. Mayamaya tumama sa mukha ko yung shuttlecock

"Ouchh" biglang lumapit si Merrin at Kaylie sa akin. Umarte ako na masakit at napaupo. At
tinakpan yung mukha ko. Hindi naman talaga masakit eh.

"Wahh sorry Milles" Merrin

"Milles okay ka lang?" Tanong ni Kaylie. Umarte ako na umiiyak. Tapos niyakap ako ni Merrin

"Milles sorry na talaga promise di na kita aalukin maglaro please sorry na" tapos bigla syang
humikbi. Iyakin talaga toh. Hindi kk na napigilan napatawa na ako.

"Hahahahaha" tawa ko si Merrin at Kaylie di maipinta ang mukha kasi naguguluhan.

"Joke lang kayo naman" tapos biglang natawa si Kaylie at Merrin

"Hahaha sinayang mo yung luha ko Milles" Merrin

"Hahahaha" tawa naming tatlo.

End of Flashback

"Ate Mill gusto mo laro tayo ng badminton?" Umiling ako kasi himdi naman ako sporty girl na
amrunong nun.

Pumunta naman kami sa may gilid ng gym. Doon makikita yung mga swimming pools. At doon
ko na lang din huling nakita si Merrin. Sinabi ko sa kanya yumg mga dapat at hindi dapat gawin
pag andito ka sa pool area.

"Wow parang gusto ko tuloy magswimming. Ate Mill marunong ka mag swimming?" Tanong ni
Margoux

"Hinde eh" kaming tatlong magkakaibigan hindi talaga kami marunong mag swimming.

"Alam mo ate Mill si ate yung nagturo sa akin magswimming"

"Love na love mo yung ate mo noh?" Tanong ko kasi halatang miss na miss na talga nya ate nya.

"Syempre sya na lang kasi yung natitira kong pamilya eh. Si mom kasi namatay nung 15 years old
palang ako kaya sya namatay kasi sobrang nadepressed sya sa pag iwan saamin ni papa nang
malaman nya na hindi nya kami tunay na anak." Biglang naiyak si Margoux kaya pinaupo ko
muna sya sa bench malapit sa pool.

"Shhh wag kanang umiyak"

"Tapos pagkalibing ni mama *huk* nalaman na lang namin ni ate na may ibang pamilya si papa
bukod saamin *hik* pero hindi naman nagalit si ate tapos nakipagkaibigan pa sya doon sa anak ni
papa sa iba *hik*."

"Asan naba ate mo?" Tanong ko kasi hindi ko nagets yung 'wala na sya' na sabi nya

"Si ate? Namatay sya last year" hindi na ako nagtanong kasi baka lalo pa syang maiyak. Kawawa
naman si Margoux.
•••••

•••••
4 o clock na at uwian na namin. Lagi kaming sabay umuwi ni Kaylie at ni Tim.

"Tara na" sabi ni Tim. Ha asan si Kaylie bat di na naman nya kasama

"Asan si Kaylie?" Tanong ko

"Ahh.. pumunta sa mall may bibilhin daw syang importante eh." Ganon

"Tara?" Alok ni Tim. Tumango ako.

Lumabas na kami ng room. May kotse si Tim doon ako lagi sumasabay pag uwi. Pero pag punta
dito sa school may naghahatid sa akin. Gusto ko na nga rin matuto mag drive kaso ayaw ni papa
pag 18 ko na lang daw. Pumunta na kami sa Parking building, habang papunta na kami ni Tim sa
kotse nya may nakita akong 2 chainsaw sa gilid. Bakit kaya.

Pumasok na kami sa kotse. Tumabi ako sa driver seat. Pagka upo ko hinanap ko agad yumg phone
ko sa bag kasi baka magtext si Margoux. Binigay ko kasi yumg no. ko sakanya. Pagkakita ko sa
phone ko lowbat na.

"Tim may powerbank ka?" Tanong ko habang kinakabit yung seatbelt.

"Meron kunin mo na lang sa bag" Pagkasabi nya non kinuha ko yung bag sa sa passenger seat.

Pagbukas ko ng bag nya bumungad agad saakin ang madaming letters at chocolates.

"Grabe Tim andami mo pa ring admirers noh." Tumawa sya ng mahina. At pinaandar na ang kotse.
"Sa gwapo kong to. Pero wag kang mag alala ikaw pa rin ang laman nito" sabay turo nya sa dibdib
nya.

Gwapo naman talaga si Tim. Yung tipong ideal man mo. Kaso minsan sadyang makulit lang at
mayabang. Actually gusto ko rin sya eh 'like' lang pero hindi nya alam. At tsaka may gusto na daw
syang babae since grade 7 pa kami kaya hindi na rin ako umamin. Pag kacharge ko ng phone
iniligay ko na yung phone sa lap ko. Gusto ko munang umidlip.

"Tim gisingin mo na lang ako pab malapit na sa bahay, inaantok ako eh." Mga 1 hour pa kasi ang
byahe papunta sa bahay. Ang layo ng school ko.

"Sige lang. Dream of me" sabi na sa inyo mayabang eh.

"Yabang"

"Sa gwapo kong to tsk tsk." Sabay iling nya.

Tumungo ako sa harap nila para magmaka awa ng wag na nilang gawin kay Merrin ang walang
kwentang challanges na yan para makasama sa grupo nila.

"Bakit ba! Pakelam mo ba!" Galit na sabi ng babae ang lider ng grupo nila.

"Ano kaba sya sheis the greatest bestfriend of Merrin" sabi ng lalaki at hinalikan ang syota nyang
babae sa labi.

"Please" pag mamakaawa ko. Alam ko kasi na mahihirapan lang si Merrin sa pinapagawa nilang
challenge para lang makasama sa grupo nila.

"Hindi naman kami yung pumilit sa kanya! Sya ang may gusto and also siguro kaya nya gustong
sumama sa grupo namin kasi ang boring nyong kasama. Ang boring nyong bestfriend para sa
kanya!" Sabay tawa nilang lima. Naiyak ako sa sinabi nya

"Please please...please" nagmamakaawa lang ako habang umiiyak.

"Please"

"Milles gising! Milles"

Pagmulat ko nakita ko si Tim sa harap ko at nakahinto yumg kotse.

"Hayy salamat nagising kana, alam mo bang pinag alala mo ako"

Nagising? Panaginip. Dinalaw na naman ako ng masamang paginip. Kumuha si Tim ng tissue at
pinunasan ang pisngi ko.
"Bakit sigaw ka ng sigaw ng please kanina tapos tingnan mo may luha ka pa sa pisngi kinabahan
ako sayo" halata ang pag alala sa boses ni Tim. Hindi ko naman pwedeng sabihin kung ano
napanaginipan ko.

"Wala.. na.. napanaginipan ko kasi na hindi ako nakapasa sa summer class kaya nagmakaawa ako
na ipasa nila ako."

Bumalik na sya sa pagkakaupo nya at inistart na ang engine.

"Baka sign na yan na dapat magreview review kana" sabi nya

"Siguro nga" hayy bakit ko ba napanaginipan yun.

"Grabe akala ko pa naman nag mamakaawa ka na maging girlfriend ko" sabay tawa nya ng
mahina.
Abat ang yabang parin talaga nito.
•••••

•••••
Huminto na kami sa tapat ng bahay ko. Tinanggal ko na yung pagkakacharge ng phone ko sa
pawerbank nya at iniabot sa kanya.

"Thank you" sabi habang tinatanggal ko naman yung seatbelt.

"Your always welcome" napatingin ako sa kanya kasi parang napaka sincere masyado na
pagkasabi nya.

"Gusto mo sabay tayo bukas?" Tanong nya

"Alam mo na man na may tagahatid ako diba"

"Dali na please" sabay puppy eyes. Ang cute nya parang si Margoux kanina. Tatanggi pa ba ako sa
puppy eyes na yan

"Oo na" sabay baba ko sa sasakyan. Binaba nya yung window ng kotse at tumingin sa akin.

"Punta ako dito ng 7 o clock" sabi nya. Tumango ako.

"Sige babye na, sana panaginipan mo na ako mamaya" sabay kindat nya. Natawa na lang ako.

"Bye" sinara na nya yung window at pinaandar ang kotse nya.

Ng hindi ko na maaninag yumg kotse nya pumasok na ako sa bahay. Pagkapasok ko ng bahay
narinig ka agad ang pag aaway nila mama at papa siguro about sa business na naman yan. May
company kasi kami pero hindi naman sya nalulugi kaya ang pinagtataka ko bakit nag aaway sila
minsan. Tinanong ko naman si mama kung bakit sila nag aaway sabi nya about business lang daw.

Umakyat na ako sa kwarto. At nagpalit ng damit. Pag katapos biglang nag ring yung phone ko sa
bag. Kinuha ko yun at may 4 messeges. Binasa ko yung isa.

From: Tim

Uy bukas ha 7 o clock.:)

Nagreply naman ako

To: Tim

Oo ng kulit.

Yung isa galing naman ka Kaylie.

From: Kaylie

Sorry Milles :( di ako makasabay pag uwi may bibilhin kasi ako sa national eh. Sinabi ko naman
kay Tim na iuwi ka ng ligtas kundi sasapukin ko yun. Love you.

Ang sweet nya talaga parehas sila ni Merrin. Nagreply naman ako.

To: Kaylie

Sorry ngayon lang nagreply nalowbat kasi phone ko eh. Inuwi naman ako ng ligtas ng kambal mo.

Yung pangatlong unkwon number kaya binasa ko.

From: +63929*******

Hello ate Milles :) Margoux to pakisave na lang ng number ko:) .

Hindi ko na nereplayan kasinhindi ko rin alam ang sasabihin ko. Yung pang apat na text galing
kay Taron

From: Taron

Milles kita naman tayo bukas gusto ko lang ng kausap :(.

Sino si Taron? Sya yung boyfriend ni Merrin.... dati. Hanggang ngayon hindi pa rin sya maka
move on na patay na si Merrin. Namatay si Merrin last year ng Febuary. Sa school sya namatay .
Sa may swimming pool natagpuan ang bangkay nya na lumlutang. Ang sabi nalunod daw kaya sya
namatay. Pero ayaw maniwala ni Taron.

To: Taron

Sige saan ba?

Reply ko. Naging malapit na kaibigan ko na rin naman si Taron kaya ayoko tumanggi. Maya maya
tumunog uli yung phone ko.

From: Taron

Hintayin na lang kita sa labas ng school nyo

To: Taron

Sige mga 4 yung tapos ng klase ko.

Reply ko. Hindi naman kasi nag aaral si Taron sa school namin. Kasi grade 12 na sya sa ibang
school.

•••••

Febuary 23
•••••

Timothy P.O.V

I wake up with a big BIG smile in my face. Why? Syempre sabay kami papasok ni Milles sa
school. Kaya kinuwento ko agad sa kambal ko na pumayag sya. Pinakiusapan ko na rin sya na
wag ng sumabay sa amin ni Milles kasi this day... this day will the day that I will be a true man.

Anong parte ni Milles sa buhay ko? Hindi sya parte ng buhay ko kasi sya ang buhay ko. Ngayong
araw na ako aamin sa kanya. Yung totoong nararamdaman ko sa kanya na mahal ko sya not as a
friend but as a girl, a lady, or a woman. Crush ko sya since grade 7 noong grade 9 ko lang nalaman
na mahal ko sya. Kaya ngayon na ako aamin dahil balita ko sa barkada ko na gusto rin pala ni
Stephen si Milles at aamin na rin sya kay Milles. Uunahan ko na sya noh.

Atska mas gwapo ako sa kanya. Pero mas matalino lang sya ng kunting kunti saakin. Alam naman
ni Kaylie yumg nararamdaman ko kay Milles at alam ko din na may gusto rin daw saakin si
Milles. Pinagdiinan nya pa talaga saakin ang 'like' daw hindi 'love'. Agad na akong naligo at nagpa
gwapo syempre dapat araw araw akong gwapo kasi nakakahiya sa kanya na kahit haggard ang
gamda ganda nya pa rin.
Pagkatapos ng lahat ng pagpapa gwapo kinuha ko na yung susi ng kotse ka sa drawer at syempre
kinuha ko yung teddy bear na kulay pink sa ibabaw na table sa loob ng kwarto ko. Sa bear na yun
nirecord ko lahat ng gusto kong sabihin sa kanya dati. Nagpaalam na ako sa parents ko at agad na
akong sumakay sa aking sasakyan.

Wish me LUCK....
•••••

•••••
Hindi ko alam kung mahina lang talaga ang aircon ng kotse ko o sadyang maiinit lang ang
panahon dahil pinagpapawisan na yung palad ko pati ang noo ko. Sa ngayon malapit na kami ni
Milles sa school at syempre ang ganda nya parin. Nilaksan ko pa yung aircon dahil sa kaba.

"Tim nilalamig na ako" napatingin ako kay Milles. Ang dalawa nyang kamay ay nakayap sa
kanyang katawan.

"Sorry" at hininaan ko na yung aircon.

Ano ba to bakit ganto yung feeling. Ang bilis ng tibok ng puso ko,hindi ko alam kung dahil sa
kaba o dahil sa kasama ko si Milles. Ay hindi parehas lang. Napaatras ang dila ko parang di ko
kaya umamin. Hindi! kaya ko to. Namg makarating kami sa school pinapasok agad ng guard ang
kotse ko. At ipinarada ko na ito sa 2nd floor ng parking building. Pagkaparada ko agad na
tinanggal ni Milles anv seatbelt nya at akmang bubuksan na nya ang pinto pero hinawakan ko ang
kaliwa nyang kamay. Nagulat naman sya okay ito na yun.

Inhale.Exhale.Inhale.Exhale

"May gusto sana akong sabihin" sabi ko ng nakatingin lang kanyang mga mata.

"Ano yun ginula-" pinutul ko ang sasabihin nya

"And please ako lang ang magsasalita basta makinig ka lang okay wag ka ng magsalita." Tumango
naman sya. Hawak ko pa rin yung kaliwa nyang kamay.

"Alam ko simula nung grade 7 magkakaibigan na tayo ng kambal ko pati si Merrin... diba sabi ko
sa inyo may gusto na akong babae simula noong grade 7....." nanatili pa rin syang nakikinig sa
akin.

"......at siguro panahon na para umamin ako. Milles ikaw yun...ikaw yung crush ko yung gusto
syempre ikaw ang mahal ko." Biglang nagiba ang reaction ni Milles parang natatawa.

"Ano bang joke ya-" pinutol ko ang sasabihin nya.


"Diba sabi ko ako lang ang magsasalita. Hindi joke yun Milles totoo yun ikaw talaga noong una
gusto kita pero nung nalaman kung may gusto ka kay Stephen doon ko narealize na mahal na kita.
Lalo na nang mawala si Merrin tapos lagi kang malungkot. Nalulungkot din ako tuwing malunkot
ka at mas nasasaktan ako tuwing nakikita kitang umiiyak." Halatang nagulat si Miles.
Kinuha ko ang isa nyang kamay at itinapat sa aking dibdib.

"Ikaw ang dahilan ng bilis ng tibok ng puso ko. Natatakot akong umamin dati kasi baka masira
ang frienship natin pero ngayon ayoko ng itago. Milles mahal kita mahal na mahal kita sana
bigyan mo ako ng chance para ipakita ki sa iyo kung gaano kita kamahal.." bigla nyang binawi
ang kanyang kamay.

"Pero.."

"Okay lang kahit di mo pa ako gusto pero sana bigyan mo ako ng chance." Kinuha ko yung
teddybear sa likod at ibinigay ko iyon sa kanya.

"Dyan sa bear na yan nakarecord lahat ng gusto ko pang sabihin. And please sana hindi magbago
ang friendship natin dahil dito sige una na ako sa room bye Milles I Love You" At lumabas na ako
ng kotse. Habang papunta ako sa room di ko mapigilang ngumiti kasi naamin ko na ang gusto
kong aaminin.

Milles P.O.V

Krriinngggg!!!!!!

4 o'clock na at uwian na. Tungkol sa nangyari kanina wala akong masabi pero masaya ako kasi
gusto ako ng crush ko pero crush ko pa lang naman sya

You might also like