You are on page 1of 2

Bangkay ni Marcos Ipapahukay

DZRH Balita
Nobyembre 28, 2016
Nagsagawa nang rally ang mga anti-Marcos mula sa iba’t ibang kolehiyo sa main gate
ng Libingan ng mga Bayani at sa Malacanang matapos mailibing ang labi ng dating Pangulong
Ferdinand Marcos.
Nakatakdang maghain ng mosyon sa Korte Suprema si Albay Rep. Edcel Lagman
upang ipahukay ang bangkay ng dating Pangulong Ferdinand Marcos na inilibing noong
Nobyembre 18, 2016 sa Libingan ng mga Bayani.
Sinabi ni Lagman maghahain sila ng motion to exhume o paghuhukay sa bangkay dahil
hindi pa naman final and executory ang desisyon ng Korte Suprema sa nasabing usapin.
Anya, maaari namang ihimlay na lang sa LNMB ay kandila lang o wax.
Bukod sa nasabing mosyon ay maghahain din umano si Lagman ng contempt of court laban sa
mga nangasiwa ng paglilibing tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Executive
Secretary, AFP Chief of Staff at iba pa.
Alam naman nila na hindi pa final and executory ang desisyon ng Korte Suprema kaya’t
maaari silang maghain ng motion for reconsideration (MR) ngayong araw Nobyembre 28, 2016
na kung saan matapos ang nasabing petsa ay saka lamang magiging final and executory ang
desisyon.
Umarangkada naman ang iba’t ibang protesta sa kalsada ang mga anti-Marcos na
nagulat sa sorpersang libing. Parang apoy na kumalat sanhi para dumagsa ang mga
nagsipagkilos protesta sa mga kalye at labas ng mga paaralan sa Quezon City.
Bitbit ang mga poster ng pagtutol tulad ng Dictador at hindi bayani si Marcos, No Hero,
No Honors na isinisigaw ng iba’t ibang grupo, militante, ordinaryong tao, estudyante na
nagsasabing muli na naman silang ninakawan ng dating pangulong Marcos dahil sa naging
paraan ng pamilya nito sa paglilibing sa LNMB.
Ang lahat ay iisa ang kanilang sigaw na hindi dapat ilibing sa LNMB si Marcos kasama
ng panghihikayat sa mga motorista na bumusina bilang senyales ng kanilang matinding pagtutol
sa nasabing paglilibing.
Nabatid na bandang alas-9:00 ng umaga noong Nobyembre 18 nang ilipad ng chopper
ng Philippine Air Force (PAF) ang labi ng dating Pangulo mula sa Batac, Ilocos Norte patungo
sa LNMB kung saan ginawaran ito ng “full military honors” na iginagawad sa mga namayapang
Pangulo ng bansa.
Pinasalamatan naman ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang administrasyon ni Pa-
ngulong Rodrigo Duterte sa pagpayag na mailibing sa LNMB ang labi ng kanilang ama
gayundin matapos na katigan ito ng Korte Suprema.
Ang labi ni Marcos ay inihimlay sa lugar katabi ng puntod nina dating Pangulong Carlos
Garcia, Elpidio Quirino at Diosdado Macapagal.
Kinondena naman ni Vice President Leni Robredo ang ginawang palihim at patagong
paglilibing sa dating Pangulong Ferdinand Marcos.

=======
Pamantayan ng Paksang Tinalakay. Pagsasalaysay ng mga nangyari bunga ng pagpayag ni
Pangulong Duterte at ng korte suprema na mailibing si dating Presidente Marcos sa Libingan ng
mga bayani.

Mga Batayan ng salaysay. Salaysay na Batay sa Katotohanan dahil nangyari ang mga
kaganapan sa paglibing ni dating Presidente Marcos sa Libingan ng mga Bayani na maituturing
na makasaysayang pook ng mga bayaning lumaban para sa kalayaan ng Pilipinas.

Mga aral na natutunan: “Move on with the past sabi nga ni Presidente Rodrigo Duterte.”
Kailangan natin magpatawad at mag-moved on para maging mas lalong umunlad ang Pilipinas.
Alam natin bilang estudyante ay hindi natin alam ang nangyaring kaganapan noong panahon ng
dating Presidente Marcos. Kaya imbes na sumama tayo sa mga rally, matuto tayong
magpatawad na lamang sa ikauunlad n gating bansa.

You might also like