You are on page 1of 1

Ang Dula – ito ay isang paglalarawan ng buhay na

ginaganap sa isang tanghalan

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay


itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang
manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood.

Pagsang-ayon - Ito ay ang pagtanggap, pagpayag,


pagpapatibay o pagpapabahala sa kausap ng ano mang
hinihingi, itinatanong o sinasabi.

Ginagamit ang mga pang-abay na panang-ayon tulad ng:


totoo, tunay, siyanga, talaga, naman, hala na, mangyari
pa, opo, tama, tumpak, sumang-ayon at iba pa.

Mga halimbawa ng pangungusap:


Pareho tayo ng binabalak.
Ganyan din ang nasa isip ko.
Maaari ka nang magsimula.
Dapat lamang na kilalanin ang kanyang ginawa.

Pagsalungat-- Ito ay pagtutol o pagbabawal sa isang


gawain, katwiran, paniniwala o panukala.

Ginagamit ang mga pang-abay na pananggi tulad ng: hindi,


ayaw, wala, aywan, huwag, tanggalin, ngunit, subalit,
mali, walang katotohanan, pero, di, ayoko, at iba pa

Mga halimbawa ng pangungusap


Tumututol ako sa yong mungkahi
Walang kahahantungan ang gawain na iyan.
Mainam nga sana, pero...
Bakit hindi mo subukin ang...

You might also like