You are on page 1of 3

Ang Diyosa ng Kalikasan

Sa gitna ng masukal na kagubatan ay mayroong natatagong tribo. Ito ay ang Tribo Hiwaga ,
pinamumunuan ito ng makapangyarihang Reyna na nagngangalang Asseya, Diyosa ng Kalikasan. Ang
kagubatang ito ay hindi basta-basta mapapasok ninuman sapagkat ito ay binabantayan ng kakaibang
nilalang. Ito ay ang kapatid ni Reyna Asseya na nagngangalang Imarya , Diyosa ng Hangin. Ang mga
naninirahan sa Tribo Hiwaga ay ang mga ordinaryong tao na minsan napadpad sa kagubatan na
tinulungan ni Reyna Asseya sapagkat mayroong humahabol sa kanilang mga asong-gubat. Sa
kagustuhang nais iligtas ni Reyna Asseya ang mga ito, gumawa siya ng isang daan na sinundan ng mga ito
patungo sa gitna ng kagubatan. Gayundin naman ay binubuhay niya ang mga puno sa gubat upang
matakot ang mga asong-gubat. Mula sa araw na iyon ay gumawa siya ng matitirahan ng mga taong
kanyang iniligtas. Nagpatubo rin siya ng iba’t-ibang klase ng halamang makakain ng mga ordinaryong
tao. Binura ang mga alaala ng mga ito sa pamamagitan ng kapangyarihan ng kasintahan ni Reyna Asseya
na may kakayahang kumontrol ng isip ninuman na nagngangalang Franciscus, Diyos ng Isipan.

Sa paglipas ng panahon ay naging masagana ang pamumuhay nila. Ibinibigay lahat ng kalikasan
ang kanilang ikinabubuhay sa pang araw-araw. Halos hindi na rin mawari ng mga ordinaryong tao kung
paanong ganun na lamang kabilis ang pagbunga ng mga pananim. Lingid sa kanilang kaalaman na hindi
ordinaryong tao ang kanilang mga nakakasalamuha roon. Isang araw, nagkaroon ng pagtitipon sa tribo.
Ang lahat ay inaanyayahang upang dumalo. Habang ang lahat ay nasa kaharian ni Reyna Asseya ay
mayroong mga kalalakihang nangangaso ang napadpad sa trbo hiwaga . Sila ay lubusang namanghasa
nasaksihan nilang kasaganaan sa lugar na iyon.Agad na ipinag-utos ng lider nila na kunin ang lahat ng
mga pagkainat tanim na naroroon.Ito ay nasaksihan ng isang Diyosa na may kakayahang paglahuin ang
kahit na ano,siya ay nagngangalang Eume. Kung kaya’t ang bawat tahanan sa Tribo Hiwaga ay naglaho,
maging ang kaharian ni Diyosa Asseya.Ipinarating niya sa kaharian ang balitang ito sa pamamagitan ni
Diyosa Avilia na may kakayahang magbagong anyo sa kahit anong uri ng hayop sa pagkakataong ito ay
nag-anyong ibon siya.Agad namang ipinarating ni Diyosa Avilcia kay Franciscus upang magawan ito ng
paraan. Hindi maaaring malaman ng kanilang Reyna Asseya ang pagkakagulong ito sapagkat mayroong
pangitain ang kapatid nito na si Hacious na may kakayahang makita ang hinaharap. Kung kaya’t kinausap
na lamang ni Franciscus ang lahat ng mga Diyos at Diyosa sa palasyo gamit ang kanyang isipan. Agad
namang umalis ang mga ito upang magtulungan sa pagsugpo sa mga lumusob sa kanilang tribo. Nagpa
iwan naman si Franciscus upang libangin si Reyna Asseya para hindi makapansin na wala na sa palasyo
ang mga Diyos at Diyosa.

Samantalang sa labas ng palasyo ay nagkakagulo na ang bawat isa. Marami ng nasirang mga
halaman at mga sugatan na ang mga naglalabanan. Ito ay dahilan ng sandatang baril na dala ng mga
mangangaso gayundin ay ang kanilang mga bomba.

Ngunit habang nasa palasyo sina Reyna Asseya at Franciscus na nag uusap ay biglang nanghina ang
Reyna. Hindi niya mawari kung anong dahilan nito. Siya ay pinagpahinga muna ni Franciscus sa kanilang
silid. Ngunit napatinggin siya sa kanyang mahiwagang singsing, tila ba ay nawawala ang kinang nito kung
kaya’t bigla siyang napatinggin sa bintana. Siya ay tumayo at sinilip ang paligid. Laking gulat niya ng
makitang may labanang nagaganap sa labas ng kanyang palasyo. Kung kaya’t agad siyang lumabas ng
silid. Hinanap niya si Franciscus upang ipatawag ang mga kawal ngunit winika nito na nasa labanan na
ito. Kung kaya’t nagtaka si Reyna Asseya kung bakit kailangan pang ilihim sa kanya ang nangyayaring ito.
Ipinagtapat ni Franciscus ang naging pangitain ng kanyang kapatid tungkol sa maaaring mangyari kapag
siya ay nagalit. Ngunit hindi na pinatapos pa ni Reyna Asseya ang sinasabi ni Franciscus at lumabas ito ng
palasyo. Siya ay sinundan ni Franciscus ngunit ng hawakan niya ang Reyna ay biglang nanigas ang
kanyang buong katawan kung kaya’t hindi siya makagalaw sa pagkakataong iyon.

Sa paglabas ni Reyna Asseya na siyang Diyosa ng Kalikasan ay nasaksihan niya ang sunog na bumabalot
sa kanyang tribo. Sira-sira na ang lahat sa kanyang paligid, ang kanyang mga nilikha, at maging ang mga
halaman ay unti unti ng nauubos. Nakita niya ang mga nakahandusay na mga tao kung saan saan. May
mga nakikita rin siyang sugatan na mga kawal . Kung kaya’t tinawag nya lahat ng Diyos at Diyosa. Ngunit
sinasabi ng lahat na lumalakas ang pwersa ng mga mangangaso. Narinig pa nilang mayroong iba pang
lulusob sa kanilang tribo. Dito nagsimula ang galit niya sa mga tao. Pagkatapos niyang kupkupin sa
kanilang tribo ang kapwa tao ng mga ito.

Maya maya pa ay mayroong pumana sa kanila. Gayundin ang pagbaril. Buti na lamang at nasanggahan
ito ni Imarya , ang Diyos ng mga hangin. Ipinabalik niya ang mga bala at pana sa mga tao. Dito na nag
alab ang kanyang galit. Siya ay nakipagkasunduan sa mga ito na itigil na ang labanan upang wala ng
masaktan pa ngunit hindi siya pinakinggan ng mga tao.

Kung kaya’t siya ay napasigaw ng napakalakas. Dulot nito ay sumabog ang mga bulkan. Kumulog,
kumidlat at umulan ng napakalakas. Maging ang hangin ay lumakas sa pag ihip. Nabiyag ang kalupaan at
nayanig ang buong paligid. Nasira ang lahat ng bagay na mayroon sa kanilang paligid. Ipinalitanh niya
ang mga tao at nagnais ng kitilin ang buhay ng mga ito. Unti unti niyang kinukuha ang lakas na mayroon
ang mga ito . Nang biglang marinig niya ang boses ng kanyang minamahal na si Franciscus.

Franciscus: Mahal na Reyna kapag inyong itinuloy ang pagkitil sa kanilang buhay ay mawawala rin ang
iyong kapangyarihan. Ito ang nakasaad sa pangitain ng aking kapatid. Hindi ba’t ang ating mga
kapangyarihan ay para sa kabutihan lamang? Hindi ko kakayaning mawala ka na namang muli sa akin.

Reyna Asseya: Ngunit…

Franciscus: Alam kong hindi katanggap tanggap ang pangyayaring ito ngunit ang lahat ay bugso lamang
ng damdamin ng bawat isa.

Imarya: Tama siya kapatid. Sila ay walang kaalamanan sa ganitong lugar at mga kapangyarihang
mayroon tayo. Samantalang ikaw naman ay naging masama agad ang loob sa paglihim ng nagaganap.

Reyna Asseya: Tama nga kayo. Hindi dapat patulan ng masama ang masamang gawi ng iba. Kung gayon,
ibinalik na lamang natin sila sa kanilang pinanggalingan.

Franciscus: Kung gayon, buburahin ko na lamang ang kanilang ala-ala sa mga nasaksihan nila dito sa
ating tribo.

Reyna Asseya: Marapat nga. Isama nyo na rin ang lahat ng tao sa palasyo. Tama nga si Ama . Hindi
magiging madali ang pakikisama nating may kakaibang kakayahan sa mga ordinaryong tao lamang.
Patawarin nyo ako sa pangyayaring ito. Nais ko lang namang gawing patas ang lahat para sa bawat isa.
Upang tayo ay matanggap ng mga ordinaryong tao.

Ang lahat naman ay nagwikang “ Mabuhay ang Mahal na Reyna “ .

Kung kaya’t isinakay na nga ni Imarya sa mga ulap ang mga tao habang epektibo pa ang pampatulog sa
mga ito. Dinala ang mga ito sa malayong lugar .

Ipinatupad naman ni Reyna Asseya na paglalahuin na ang kanilang tribo upang wala ng mortal na
makarating sa kanilang tribo. Sa gayon ay di na magkaroon ng ganitong trahedya sa hinaharap.

Makaraan ang isang taon, muling naging masagana ang kanilang Tribo Hiwaga. Mas napaganda nila ang
mga halaman sa paligid. Naging mas tahimik at malaya ang kanilang pamumuhay . Hindi na nila
kailangan pang itago ang kanilang mga kakayahan at makisama sa mga tao.

Sa wakas ay dumating na din ang araw ng kasal ni Reyna Asseya at Haring Franciscus. Kapit kamay nilang
pamumunuan ang kanilang munting kaharian habang buhay.

You might also like