You are on page 1of 2

5 sa bawat 10 Pinoy, pabor sa mandatory drug testing

Ayon sa Social Weather Stations Survey, 51-porsyento ng mga Pilipino ang sumang-ayon sa panukala ng
Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magsagawa ng mandatory drug testing sa mga batang
may edad na 10-taong gulang pataas.

Pinakamataas ang net agreement sa Visayas (+47) o very strong, kasunod ng Mindanao (+25) at Metro
Manila (+17) o moderately strong at balance Luzon (-6) o neutral.

Ayon din sa pagsisiyasat, 76-porsyento ng mga sumagot sa survey ang kontento o natutuwa sa programa
ni President Rodrigo Duterte na Anti-Drug Campaign, samantalang 12-porsyento naman ang hindi
kontento o hindi natutuwa, nangangahulugan lamang ito na sya ay mayroong +64 net satisfaction rating
(very good).

Sa kabilang banda, sinang-ayunan naman ang nasabing panukala ng Human Rights Watch. "Taking a
child's bodily fluids, whether blood or urine, without their consent may violate the right to bodily
integrity and constitute arbitrary interference with their privacy and dignity," ayon sa Human Rights
Watch noong June.

Sumang-ayon din sa panukala si PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sapagkat nakikita niyang masyado
pang maaga para sa edad ng bata ang magpa-drug test. Tinignan naman ito ng Department of Education
(DepEd) at nakibaka laban sa ipinapatupad na panukala sapagkat sinasabi sa The Comprehensive
Dangerous Act of 2002, sa mga estudyante sa secondary at tertiary level lamang pwedeng isagawa ang
sinasabing panukala. Sinuportahan naman ng Malacanang ang pahayag ng DepEd.

Sunog sumiklab sa Baguio City

Isang gusali sa Lower Session Road ang napinsala ng sunog noong Lunes, ika-5 ng Nobyembre. Ang
nasunog na gusali ay ang dating “Pines Theater” na ngayon ay mas kilala na sa tawag na “Pines Arcade”
kung saan maraming negosyo ang nakatayo.

Sinasabing nagsimula ang sunog mga bandang alas-7 ng gabi sa basement. Nang lumipas ang 2 oras ay
idineklara na itong fire under control. Faulty electrical wiring ang tinitignang sanhi ng sunog ng Baguio
City Fire Department (BCFD). Wala namang naiulat na namatay o nasugatan sa sunog. Kinailangaan lang
na putulin muna ang kuryente para maisaayos muli ang nasunog na gusali.

Bawal ang plastik!

Naipatupad na ang “The Plastic and Styrofoam-Free Baguio Ordinance,” Ordinance No. 35 Series of 2017
sa konseho na siyang nagbabawal sa paggamit at pagbenta ng plastic bag at styrofoam sa lungsod ng
Baguio. Saklaw nito ang lahat ng mga gawain sa negosyo at establishemento, kabilang na ang paaralan,
pamahalaang lungsod at mga tanggapan.

Ang panukala ay nagbabawal sa mga business establishments sa pagbibigay sa mga kostumer ng


anumang plastic bag o polystyrene foam container para paglagyan ng anumang bilihin.
Iminumungkahi naman sa mga negosyante at pati na ang mga mamimili na laging magdala at gumamit
na lamang ng paper o/at reusable bags imbes na plastik na siyang hindi nakakabuti sa ating kapaligiran.

Gayunpaman, hindi naman pinagbawalan ang mga kostumer sa paggamit ng anumang uri ng bag kung
ito ay kanilang dala para paglagyan ng kanilang pinamili, huwag lamang manggaling ang mga plastic bag
sa pinagbilhan nito dahil ito ay ipinagbabawal sa ordinansa.

Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay mahigpit na pangangaralan. Para sa unang pagkakasala ng mga
walang business permit ay agarang ipapasara ang kaniya/kanilang establishemento; P1,000 multa para
sa pangalawang pagkakasala; P3,000 multa at walong oras na serbisyo sa komunidad sa pangatlo; at
P5,000 multa at suspensyon ng business permit nang anim na buwan sa ikaapat na pagkakasala.

Pagmumura, bawal na sa Baguio City

Inaprubahan na ni Baguio City Mayor Mauricio Domogan ang ordinansang panlungsod na nagbabawal sa
pagmumura o pagbabanggit ng anumang masamang salita sa mga pampublikong lugar.

Sa Anti-Profanity Ordinance, pinagbabawalan na ang pagbanggit ng anumang hindi maganda at


naaayong salita direkta man na sinabi sa isang tao o hindi, ekspresyon man ng gulat, galit o anupamang
matinding emosyon. Ang sinumang lumabag sa ordinansa ay maaaring masuspinde o ma-expel.

Ito ay sa kadahilanang napansin ni Councilor Lilia Fariñas na siyang may akda ng naturang ordinansa na
nagiging normal na sa mga tao lalo na maging sa mga kabataan ang pagmumura. Ayon sa ordinansa, ito
ay para maipreserba ang moralidad lalo na ng mga kabataan.

Mga magsasaka, pinagbabaril

Sagay Massacre

You might also like