You are on page 1of 2

verse 1

Sa puso ko ikaw lamang


sinta ko ika'y aalagaan ko magpakailanman
habang buhay panghahawakan
mga salitang ito hanggang kailan.

Buhay ko ibibigay ng buong buo


naghihintay lang na mapasaiyo
walang hinahanap na kapalit
sapat na sakin masilayan ang iyong ngiti

chor:

At nung nakita kita mata ko'y kumikislap


at buong paligid ko'y lumiliwanag
mundo ko'y bumabagal sa bawat pag galaw
tayo'y pinagtagpo ng tadhana sa ilalim ng araw.

At ikaw ang siyang liwanag sa mundo kong madilim


buhay ko'y nag ka sigla mula ng ikaw ay dumating
naghihintay na makapiling ka
asahan mong di kita iiwanan.

verse2

masaya ako pag kasama ka


mahigit pa sa ligaya aking nararamdaman
ako'y nabihag mo
sa bawat sulyap mo mata ko'y humuhugis puso

sa bawat pagkakataon walang sasayanging oras


sa paglipas ng panahon asahan mong pagibig ko'y di magbabago
pangako mahal ko hanggang sa dulo tayo.

chor:

At nung nakita kita mata ko'y kumikislap


at buong paligid ko'y lumiliwanag
mundo ko'y bumabagal sa bawat pag galaw
tayo'y pinagtagpo ng tadhana sa ilalim ng buwan.

At ikaw ang siyang liwanag sa mundo kong madilim


buhay ko'y nag ka sigla mula ng ika'y dumating
naghihintay na makapiling
asahan mong ako'y narito sa iyong tabi.

bridge

Sa bawat takbo ng ating buhay


tanging ikaw ang nasisilayan
ikaw ang siyang hinahangad
at pangarap makasama.

Totoo ang bawat pag tingin sa iyong matang nakakabighani


di ko namalayan ako'y nahuhulog na
sa bawat ngiti at halakhak oras ay lumilipas
ng hindi mo namamalayan.

chor:

At nung nakita kita mata ko'y kumikislap


at buong paligid ko'y lumiliwanag
mundo ko'y bumabagal sa bawat pag galaw
tayo'y pinagtagpo ng tadhana sa ilalim ng buwan.

At ikaw ang siyang liwanag sa mundo kong madilim


buhay ko'y nag ka sigla mula ng ika'y dumating
naghihintay na makapiling
asahan mong ako'y narito sa iyong tabi.

You might also like