You are on page 1of 2

Buwan ng Wika ng Saliksik, Pinasinayaan ng mga Iskolar ng Lungsod

Irish Jean Badillo at Krishia Cayanne Rogelio

Pagpatak ng Agosto 31, 2018, ipinagdiwang ng mga mag-aaral ng Tanauan City


College (TCC) ang Buwan ng Wika na may temang Filipino: Wika ng Saliksik na
ginanap sa Tanauan City National High School Gymnasium. Kaugnay nito ay ang
pagkakaroon ng mga iba't ibang uri ng palatuntunan na sumukat at naghubog sa talento
ng mga Iskolar ng Lungsod.

Pormal na sinimulan ang palatuntunan sa pamamagitan ng panalangin na


sinundan ng pag awit ng Lupang Hinirang at ng Himno ng Tanauan. Matapos ito ay
nagpaunlak naman ng pananalita ang pangalawang pangulo ng pang - akademikong
gawain na si G. Joevell P. Jovellano. Sinundan ito ng pamukaw damdaming pananalita
ni kagalang galang Marciak V. Goguanco Jr. Matapos iyon ay ang pagpapapakilala ng
mga hurado ng punong guro ng Senior High School na si Bb. Jascelynn N. Olimpiada.
Samantala, inilahad naman ni Gng. Rose Ann Landicho, guro mula sa Departamento ng
Senior High School ang pamantayan ng OPM . Kasunod nito ay ang pagbibigay ng
kaalaman ng pinagmulan ng Spoken Poetry na pinangunahan ni Bb. Kenaz Perez.
Matapos ay ipinaliwanag naman ni Bb. Shara May Jallores ang kasaysayan ng
malikhaing pagsayaw. Ang mga makubuluhang bagay na ibinahagi ng mga guro ay
nagsimula na ang pinakahihintay ng lahat. Ang bawat kalahok ay nagpamalas ng kani-
kanilang talento at kaalaman sa mga nasabing patimpalak. Ang lahat ay naghanda at
naglaan ng oras upang makapagbigay ng magagandang presentasyon.

Sa ikalawang bahagi ng palatuntunan, pinangunahan ni Bb. Janet T. Perez ang


programa nang siya'y nagbigay ng kanyang paunang pananalita sa mga mag-aaral at
empleyado ng TCC. Kasunod nito ay ang pasabog na pampasiglang bilang ng Cale
Elementary School Lyre and Band na nagbigay indak sa saliw ng musika at indayog ng
mga estudyante suot ang magagandang tiheras. Samantala, kasabay sa init ng
panahon ang naglalagablab na talento ng mga Iskolar ng Lungsod sa pag-indak sa iba't
ibang tugtugin sa Pista ng mga lugar sa Pilipinas na sa kauna-unahang pagkakataon ay
ginawa sa paaralan mula sa taon ng pagkakatatag nito. Pinasinayaan ng mga mag-
aaral mula sa Bachelor of Science in Entrepreneurship ang pinagmamalaking
Kadayawan Festival ng Davao City. Sinundan naman ito ng Pahiyas Festival ng
Lucban, Quezon na binigyang buhay ng mag-aaral mula sa Bachelor of Science in
Computer Engineering. Binigyang kulay naman ng mga 'educators' mula sa Bachelor of
Technical-Vocational Teacher Education ang ipinagmamalaki at namumukadkad na
Panagbenga Festival ng Baguio City. Ipineresenta naman ng mga mag-aaral mula sa
Senior High School ang Sinulog Festival na sumasalamin sa pasasalamat ng mga
Cebuano sa poong Sto. Nino. Nagbigay ngiti naman sa mga manonood ang
presentasyon ng mga mag-aaral mula sa Bachelor of Public Administration nang
kanilang inihandog ang Maskara Festival ng tinaguriang City of Smiles, Bacolod City.

Napuno ng hiyawan at palakpakan ang tahanan ng mga pangarap matapos ang


bawat presentasyon, samantala, natapos ang programa ng matiwasay at nag-iwan ng
mga ngiting namutawi sa mga labi ng mga tinaguriang Iskolar ng Lungsod.

You might also like