Reason: Upang masiguro ang patuloy na paglago ng mga kainan sa loob man ng kanilang bansa o sa labas at para sa paglago din ng kanilang bansa.
Branches : Ever Gotesco mall | Sm North | Trinoma
Product Picture:
Company owner : Fresh N Famous Foods
HISTORY :
Itinatag ang kompanya noong 1985 ng magsimulang dumami ang
makakanlurang kainan sa Pilipinas. Noong 1989, nagsimulang magdagdag ng mga kainan ang Chowking kahit na alam nilang mahina ang pagtanggap ng tao dito. Nang buksan nila sa mga pribadong mamumuhunan ang kompanya, ito ang naging paraan nila upang makarating sa mga lalawigan ang kanilang kainan. Noong Enero 1, 2000, ito ay naging buong pag-aari na ng Jollibee Foods Corporation, ang pinakamalaking at pinakamaraming kainan sa buong Pilipinas. Ang pagbabago ng pag-aari ay nagdulot sa pagbago ng anyo at pagbabago ng disenyo (logo) ng kainan.
Upang masiguro ang patuloy na paglago, sinubok ng Chowking na
magtayo ng kainan sa labas ng bansa. Noong 2008, mayroon ng 400 tindahan ang Chowking sa Pilipinas at sa ibang bansa gayang: Estados Unidos, Gitnang Silangan at Indonesya. Patuloy pa rin pinalalawak ng Chowking ang kanilang sangay sa buong Pilipinas. Upang mapanatili ang kasariwaan ng mga produkto, nagpakalat ng mga komisaryo ang Chowking sa Lungsod ng Muntinlupa at sa Sucat, Paranaque at mga maliliit na lugar sa Iloilo, Cebu, Cagayan De Oro, Davao at Pangasinan. Sa Dubay, pinasisislbihan ng komisaryo ang sampu nitong mga tindahan at pinapalawak pa sa ibang lubar.