You are on page 1of 2

Abstrak

Ang wika ay tunay na mayaman at dinamiko. Ito ay bunsod sa pag-usbong ng modernong

panahon na nakakapagparami ng naiimbentong salita. Sa pamamagitan nito ay lumalawak ang kaalaman

at bokabularyo ng tao. Katulad na lamang ng paggamit ng iba-ibang social media sites na sagana sa mga

hiram na salita o loanwords kung tawagin. Ang loanwords ay mga dayuhang salita na walang salin o

katumbas na salita. Ang mga salitang ito ay hindi maaaring isalin sa ibang wika sapagkat nababago ang

ideya o kahulugan nito. Halimbawa na lamang ay ang salitang “active” sa Facebook na

nangangahulugang online ang isang Facebook user. Sa kabilang banda, hindi angkop ang salitang

“aktibo” sa kapareho nitong kahulugan. Kasabay ng mga bawat salitang naiimbento ay ang pag-unlad ng

Morpolohiya. Ang Morpolohiya ay sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema o ang pinakamaliit

na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Ayon sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng mayaman na

bokabularyo ay malaking tulong sa pagsulat sapagkat napapahusay at napapalawak nito ang mensahe ng

manunulat.

Sa pananaliksik na ito ay matutukoy ang pag-unlad ng Morpolohiya sa Akademikong Pagsulat

gamit ang mga loanwords mula sa iba-ibang social media sites na madalas gamitin ng mga mag-aaral ng

Paco Catholic School. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay para sa mga mag-aaral, kaguruan at paaralan

upang mabigyang importansya ang loanwords sa pag-aaral nang sa gayon ay makatulong sa larangan ng

Akademikong Pagsulat. Ang disenyo ng pag-aaral ay deskriptibo at kwantitabo. Ang mga kalahok naman

sa pag-aaral na ito ay ang mga random na mag-aaral sa ikalabing-isa at ikalabing-dalawang baitang na

binubuo ng 170 na pangkalahatang kalahok na ginamitan ng sarbey upang makakalap ng impormasyon.

Ayon sa resulta, ang limang social media sites na malimit gamitin ng Senior High School ay ang

Messenger, Facebook, Twitter, Instagram at Snapchat. Sa bawat sites ay may katuwang na sampung

loanwords na madalas matagpuan ng mga mag-aaral. Sa Messenger ay ang Chat Emoji, Group Chat,

Chat Nickname, Video Call, Message, Video Chat, Chat Colors, Active, Chate Heads at My Day. Sa I ay

ang Like, Chat, Nitifications, Log-in, News Feed, Share, Comment, Log-out, Profile Picture, Friend
Request at Timeline. Sa Twitter ay Tweet, Retweet, Favorite, Icon, Header, Hashtag, Bio, Username,

Direct Message at Trending. Sa Instagram ay Like, Hashtag, Log-in, News Feed, Notifications, Log-out,

Message, Active, Status at Deactivate. Sa Snapchat ay Snap, My Story, Snapchat Filter, Username,

Memories, Stickers, Replay, Snapcodes, Conversations at Snapchatters. Ayon sa mga mag-aaral, ang

paggamit ng loanwords ay nakakatulong sa kanilang asignaturang Akademikong Pagsulat dahil mas

angkop ito sa pagbuo ng isang pangungusap.

You might also like