You are on page 1of 1

Noong unang panahon may nakatirang mag-ina sa malayong lugar.

Ang inay ay si
Aling rosa, samantalang ang kanyang anak ay si Pinang. Gustong gusto ni Aling Rosa
na turuan si Pinang gumawa ng gawaing bahay ngunit parating sinasabi ni Pinang na
siya’y marunong na.

Isang araw, Si aling rosa ay nagkasakit at napilitan si Pinang to magluto para sa


kanyang ina. Matagal si Aling Rosa na nagkasakit at si Pinang ay matagal ring nagluto
at naglinis ng bahay. Pagkadaan ng ilang araw pumunta si Pinang kay Aling rosa at
sinabing hindi niya mahanap ang pospora at ang panandok. Sagot naman ni Aling
Rosa “Naku! Pinang, sana’y magkaroon ka ng maraming mata upang makita mo ang
lahat ng bagay at hindi ka na tanong ng tanong sa akin.”

Pagkalipas ng ilang araw nagtaka si Aling Rosa bakit hindi na si Pinang nagdadala ng
pagkain para sa kanya. Pagkagaling ni Aling Rosa, hinanap niya si Pinang, siya’y
naagtanong sa mga kapit bahay ngunit walang nakakita sa kanya. Pag tingin niya sa
kanyang bakuran may nakita siya’ng bagong halaman na tumubo ang bunga nito ay
parang mukha na maraming mata. Naala niya ang kanyang sinabi kay Pinang at siya’y
nagmukmok.

Ang pangalan ay naging Pinang, ngunit pagkaraan ng panahon ito ay naging “Pinya”.

You might also like