You are on page 1of 9

Ang Nanay Kong Lola

Ni: Milagros B. Gonzalez


Labing isang taong gulang siya; isang batang babae, maganda at maraming
nagkakagusto sa kaniya. Dalawang taon na lamang ay tinedyer na daw siya, ngunit
ayaw ng nanay niya ngamagdalaga ng maaga at ninanais nito na sulitin ang pagkabata
ng kaniyang anak at ito ang ikinasusura ng kaniyag anak, tulad na almang ng itsura ng
kaniyang ina, sapagkat mukhang matanda na ang kaniyang ina sa kaniyang puting
buhok, di tulad ng nanay ng kaniyang mga kaklase. Isang araw ibinili ng kaniyang ina
ng damit na may rafols ang kaniyang anak, ngunit hindi ito nagusutuhan ng anak at tila
nagmukmok sa damit na kaniyang natanggap. Isinama siya ng kaniyang ama at ibinili
siya ng damit sa mall, pati narin ang susuotin ng kaniyang ina. Ilang araw nalang at ga-
graduate na siya. Sinabi niya sa kaniyang ina na ang ama nalamang niya ang magsabit
ng medalya upang hindi na siya matukso pa ng kaniyang mga kaklase at mag kulay na
rin ng buhok upangmag mukhang bata, natigilan dito ang kaniyang ina. Sumama siya
sa kaniyang mga kaklase sa parlor sapagkat bigtime daw ang kaniyang mga kaklase at
sabay-sabay na din silang pupunta na iskul. Araw nan g graduation at wala pa rin ang
kaniyang mga magulang, nababalisa na siya sapagkat ang tagal nila. Dumating din ang
kaniyang ama ngunit wala ang kaniyang ina. Itinanong niya kung bakit wala ang nanay
niya, sinabi ng kaniyang ama na isinugod siya sa klinik dahil may allergy sa hair dye na
ginamit. Napaisip siya sa kaniyang sinabi at nakonsensya siya sa kaniyang ina, naawa
siya at nalungkot sapagkat wala ang kaniyang ina sa araw ng kaniyang graduation.
Pag-uwi niya ay isinabit niya ang medalya sa kaniyang ina, at sinabing “pinag-hirapan
naatin ito diba?”, sabay yakap sa kaniya ng mahigpit.
Ang Ama

Ni: Mauro R. Avena

Kapag wala ang ina ay sila nalang ang maghahati sa lahat ng bagay para meron din
ang mga maliliit,dalawang lalaki,kambal,nuwebe anyos,isang maliit na babae,otso
anyos at isang dos anyos na maliit pa lamang.lahat ito ay maiingay naghahangad na
mabigyang parte sa pinag aagawan. Sa kaluwagang palad ng ama ay nag uwi ito ng
dalawang supot na puno ng pansit guisado,at kanila itong pinagsaluhan.isa o dalawang
beses lang ito naulit at hindi na naulit ang pag uwi ng ama ng pansit guisado at
mapalad pa ang mga bata kong ang ama ay hindi lasing at hindi nagugulpi ang kanilang
ina.kapag uuwi itong pasigaw sigaw at padabog dabog at tiyak na walang pagkain ang
mga bata ay nagsisiksikan dahilan ng takot na makagawa ng ingay na makainis sa
ama at umakit sa malaking kamay nito at dumapo sa kanilang mukha.madalas na
masapok ang kanilang ina kaya nahihiya itong lumabas ng bahay para maglaba.may
isang batang sakitin at palahalinghing na parang kuting na nagngangalang mui mui
alam nila na ang halinghing na iyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbyos
ng ama at itoy sisigaw kapag di pa huminto itoy lalapit at hahampasin ng buong
lakasnoong gabing umuwi ang ama at masama ang timpla dahil siyay nasisante sa
trabaho sa lagarian at hindi ito mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata at
biglang bumagsak ang kamao ng ama sa nakangusong bata na tumalsik sa kabila ng
kwarto na kung saan nanatiling walang kagalaw-galaw at nahimasmasan ito ng ina si
mui mui dahil sa malamig na tubig pagkaraan ng 2 araw ay namatay c mui mui at ang
ina lamang ang umiiyak habang handang ilibing sa sementeryo ng nayon mayroong
isang kilometro sa tabi ng gulod ang ama naman ay buong araw na
nagmomokmok.may isang babae na nangolekta ng abuloy at pilit na inilagay sa palad
ng ama na nagsimulang humagolgol papuntang bayan ang ama at tiyak ng mga anak
na uuwi na naman itong lasing pagkalipas ng isang oras ay bumalik ang ama na may
dalang malaking supot namay mas maliit sa loob at nilagay ito sa mesa at pumasok
ang ama sa kwarto di nagtagal lumabas ito kinuha nito ang malaking supot at lumabas
ng bahay sinundan ito ng mga bata at napunta ang ama sa tabing gulod lumuhod ito at
kinuha ang laman ng supot at kanya itong inilapag sa puntod madilim na ang langit at
malapit na itong umulan pero patuloy parin ang ama sa pagdarasal at pag iyak.
Ananhin Nino Yan?

Ni: Vilas Manwat

Si Nai Phan, isang mabait na kapit-bahay, at kilalang reidente sa kanila n may tindahan
at naninirahan sa isang eskinita. Kilala siyang mga taga roon at madalas pinupuntahan
ang kaniyang tindahan. Eksaktong gabi-gabi ay isinasara niya ang kanyang tindahan,
na sinasabi ng kaniyang mga kaibigan na dapat raw ay nagbubukas siya sa gabi,
sapagkat mabilis dumaratinf ang pera kapag ganoong oras; lagi niyang sambit na "mas
masarap matulog kaysa magpayaman". Isang gabi, umalis at pumunta sa sinehan ang
kaniyang asawa, kaya't naiwan siya na magsara ng kaniyang tindahan mag-isa. Nang
isasara na niya ang kaniyang tindahan, may isang kabataang lalaki ang tumutok ng
baril sa kaniya at tila hinihingi ang laman ng kanyang kahera. Hindi siya kinabahan o
natakot, at kalmado pa niyang iniabot ang laman ng kahera, ngunit bago niya ibigay ang
pera, ay mahinahon niyang kinausap ang holdaper at sinabing "naiintidihan kita, at alam
kong may rason ka kung bakit mo ito ginagawa, marahil ay may sakit ang iyong anak o
asawa at kinakailangan mo ng pera". Natigilan ang holdaper ng marinig niya ang mga
binanggit ni Nai Phan, marahil ay nahimasmasan siya at ibinaba ang baril. Natapos ang
gabi ng may mabuting usapan at maliwanag na pag iisip ng hindi nababahidan ng galit.
Sinabi rin ng holdaper na ito na ang huling beses na gagawin niya ito.
Ang Christmas Tree at Ang Kasalan

Ni: Feodor Dostoicvsky

Sa disperas ng pasko, habang ang tagapag-salaysay ay mainam na nag mamatiyag,


nakita niya si Julian Mostakavich. Si Julian Mostakavich ay isang taong mayaman,
kagalang-galang at nirerespeto. Isang araw nang napadaan siya at nakita niya ang
isang batang babae na naglalaro, at tila nahulog ang loob niya rito. Pinuntahan niya ito
sa silid at nakita niyang may kasama itong isang batang lalaki, at dito niya sinubukang
kunin ang loob ng batang babae, ngunit siya ay nabigo; natakot ang batang babae sa
ikinilos ni Julian, ikinadismaya niya ito. Noong oras ng talumpatian ay nagpahayag si
Julian ng isang magandang talumpati at ikinatuwa naman ito ng batang babae at
ikinatuwa rin ito ng kaniyang mga magulang. Pinasalamatan siya ng magulang ng
batang babae. Makalipas ng limang taon ay napadaan siya sa simbahan at doon niya
muling nakita ang batang babaeat ikinagulat ito ni Julian. Sa huli ay nagkatuluyan sila
ng batang babae na sa kasalukuyan ay labing-anim na taong gulang.
Lupang Tinubuan
Ni: Narciso G. Reyes

Sa isang estasyon ng tren, naghihintay si Danding, kung saan siya’y paluwas sa


probinsya ng kaniyang mga kamag-anak. Pakay niyang bisitahin ang burol ng pinsan ng
tatay niya. Nang makarating siya sa probinsya, nakita niya ang kaniyang mga kamag-
anak na matagal na niyang hindi nakikita ni isang beses. Dito niya lalong nakilala ang
kanyang ama, noong naisipan niyang magmuni-muni mag-isa, nakita niya ang kaniyang
lolo at dito siya nakrinig ng mga bagay ng hindi pa niya naririnig patungkol sa kaniyang
ama, lubusan niyang nakilala ang kaniyang ama dahil dito. Napagisip-isip niya ang mga
bagay-bagay, at ito ang nagbigay sa kaniya ng mga sagot at tanong na kaniyang hina-
hanap sa kaniyang lupang tinubuan.
Ang Kasiyahan ng isang Titser sa Baryo

Si Viradej Bangyom, o mas kilala bilang si Kru Dej, na tawag sa kaniya ng mga taga
Baryo Ban Don Prai, na kung saan doon tin siya nagtuturo. Napili siya bilang isa sa mga
masusuwerteng kandidato sa opisina ng gobernador. Mahirap ang daan na tinatahak ni
Kru Dej patungo sa paaralan, at lalo na sa mga mag-aaral na kaniyang tinuturuan.
Marami din siyang tinuturuan na baitang, pabalik-balik siya sa grade 1 at 2 at grade 3 at
4, animnapung batang ang nag-aaral doon at tinuturuan niya. Limang taon na siya doon
sa Ban Don Prai, minsan ay naiinggit siya sa buahy ng mga taga roon, sapagkat
nakikita niyang painom-inom lamang sila, at pag walang alak ay sila ang naggagawa ng
sariling alak nila. Si Ai Dua rin ay matalik niyang kaibigan doon. Lahat ng mga
tagabaryo doon ay nanainiwala sa mga espiritu at sinasamaba rin nila ito.
Nakakapagbakaasyon rin siya doon at sa mga panahon na iyon ay doon siya
bumabawi, umiinom naninigarilyo at nagpapahinga. Ito ang pansamantalang kasiyahan
niya doon sa Baryo Ban Don Prai.
Nyebeng Itim
Ni: Galileo S. Zafra

Si Li Huiquan, isang dating bilanggo sa kampo na nakalaya na, ay bilanggo parin


ang kaniyang isip at damdamin sa kalungkutan ng nakaraan at sa dating nakasanayan
sa kulungan. Nagpakuha siya ng labinglimang litrato kasama si Tiya Luo na gagamitin
para sa aplikasyon ng lisensya sa kariton at pagtitinda ng prutas. Ngunit hindi
ito naaprobahan dahil puno na ang kota. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan
ng damit, sombrero at sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kung anuman
ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang magawa. Paglabas nila mula sa
compound ng gobyerno, nakabangga nila ang matabang lalake na si Hepeng Li.
Yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya noong nakabilanggo siya sa
kampo,bilang paggalang at pagsunod. Nilibot niya ang buong bayan upang maghanap
ng mga parte na kailangan niya para sasakyan ng kaniyang paninda. Nakahanap siya
at nakabuo siya ng natatanging sasakyan para sa kanyang paninda na naging sentro
ng atensyon dahil ito’y kakaiba. Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan sa
bisperas ng Bagong Taon ngunit tinanggihan niya ito dahil kailangan niyang tapusin ang
ginagawa niya bago mag bagong taon. At dahil narin sa lakas at ingay ng mga paputok
ay iniwan muna niya ang ginagawa at naglasing. Naalala ang mga sandaling kasama
pa niya ang kanyang ina. At sa ikalimang araw ng bagong taon ay ibinigay na kay
Huiquan ang pwesto niya at nagsimula na siyang magtinda ng mga damit. Isinampay
niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa. Nakabenta siya ng dalawampung
panlaming na angora sa kanyang unang araw kaya sumigla siya. At dahil sa wakas ay
nagkaroon siya ng kontrol sa isang bagay at paakiramdam niya ay makapangyarihan
siya. Sa sumunod na araw ay wala siyang masyadong nabenta ngunit isang
araw nakapagbenta siya ng kasuotang pang-army sa apat na karpintero na kababalik
lamang sa Beijing mula sa timog. Naligtas ang kanilang mga balat ng kasuotang
panlamig ni Huiquan at iyon ay nagbigay ng inspirasyon sa kanya.“Tiyaga ang susi para
sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang
mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang
makaaalam kung kalian kakatok ang oportunidad, Hindi naman sa lahat ng
pagkakataon ay malas ka, hindi ba ?” Nag-iisip si Huiquan.
Tahanan ng Isang Sugarol
Ni: Wong Men Voon

Si Li Hua, isang ama na walang ibang ginagawa kundi ang pagsusugal lamang. Ang
kanyang asawa na si Lian Chiao at meron silang dalawang anak si Ah Yueh at shao
Lan. Ang pangalan naman nang sugalan ay Hsiang Chi Coffee Shop.Kahit na buntis si
Lian Chiao ay siya parin ang gumagawa ng mga gawain ng bahay sa umaga hanggat
sa gabi, Ang asawa nyang si Li Hua ay umuuwi lang kumain at sya pa ang nagpapaligo
nito. Pag nagkamali sya sa kilos Bugbog sarado agad.Namaga pa nga ang pisngi nya
sa pag suntok sa kanya ng asawa nya na si Li Hua. Nag handa sya ng Ta Feng Ho
para sa pag panganak nya. At nong gabi na sumakit ang tiyan ni Lian Chiao.hindi nya
na matiis ang sakit ng kanyang tiyan para na syang manganganak, gigisingin nya sana
si Ah Yueh pero naisip nya na pagod ito sa pag ta trabaho, kaya dapat wag nalang
nyang gisingin, inisip nya na puntahan ang kanyang asawa sa sugalon, lumabas sya at
pinuntahan ang kanyang asawa sa sugalan kahit madilim at tahimik ang daan,
kinabahan sya dahil sa sobrang dilim. pag lapit nya nang maabot sa sugalan. At nang
sya ay marating kumatok sya sa pinto at may nagbukas yong may ari ng pasugalan at
pag bukas bigla syang nahimatay at tinawag nya ang kanyang asawa na manganganak
na sya pero sabi ng asawa nya "Teka lang tataposin ko muna to panalo na ako dito"
Pero nong tinawag pa rin ni Lian Chiao ang kanyang asawa bigla itong nagalit tinitigan
sya nito na parang nagagalit. Yong may ari nalang ang tumulong sa kanya para
makarating sa hospital.
Ang Pagbabalik
Ni: Corazon de Jesus

Nagsimula ang kwento nang nagpapaalam siya sa kanyang asawa. Sa kanyang


pamamaalam ay labis siyang nalungkot na hindi niya kasama ang kanyang asawa sa
lugar na kanyang pupuntahan. Pagkatapos niyang hagkan sa noo ang kanyang asawa
ay sya’y tumalikod at umalis na at ang kanyang asawa ay sumigaw na siya’y babalik at
uuwi agad at sumagot sya sa kanyang asawa na Oo, at hindi na lumingon dahil ayaw
nitong makita na sya’y umiiyak sa kanyang pag-alis. Nang nakapasok na siya sa
kanyang tinutuluyan ay kumain muna siya at pagkatapos ay naging malungkot siya sa
kanyang pagtulog, dahil malayo siya sa kanyang asawa. Pero nawala ang kanyang
kalungkutan ng siya’y tuluyan ng nakatulog. Gumising na siya kinabukasan at ginawa
ang kanyang mga gawain o trabaho. Siya’y nag-araro at nagtanim sa bukid. Pagdating
ng Disyembre ay inani na ang kanyang mga itinanim. At dadalhin niya ito sa kanyang
asawa. Umuwi na siya sa kanilang bahay na dala ang mga kahoy at bigas mula sa
bukid. Sa kanyang pag-uwi ay may nakita siyang bulaklak at kinuha niya ito para
ihandog sa kanyang asawa. Dahil dito ay naalala niya noong umalis siya ay umiiyak
ang kanyang asawa at marahil sa kanyang pag-uwi ay magiging masaya ang asawa.
Nagmamadali siya sa kanyang pag-uwi na halos tumatakbo sa bilis para makita ang
asawa. Akala niya na masaya ang kanilang tirahan dahil may tugtog at may maraming
tao. Nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil nalaman ng kanyang asawa na babalik
siya. Nang pumasok siya sa kanilang bahay ay akala niya na maging masaya siya
ngunit sa kasamaang palad ay nakita niya ang kanyang asawa sa loob ng isang
kabaong habang napapalibutan ng apat na kandila. Nang pinagmamasdan niya ito ay
hinagkan at nakita niya ang kanyang asawa na parang ngumiti na o nagsasabing siya
ay masayang nagpapaalam.

You might also like