You are on page 1of 3

PAGPAPATIWAKA

sa pagitan ng 38% hanggang 55% ng mga pagpapakamatay. Ang

mga beterano sa digmaan ay may mas mataas na panganib na

magpakamatay dahil sa bahaging mas mataas ang bilang ng mga

karamdamang pangkaisipan at problema sa pisikal na kalusugan na may

kaugnayan sa digmaan.
Kadalasan, may mga karamdamang pangkaisipan sa panahon ng

pagpapakamatay na tinatantiyang nasa hanay na mula 27% hanggang sa

mahigit sa 90%. Sa mga nananatili sa psychiatric unit, ang panganib ng

kanilang pagsasakatuparan ng pagpapakamatay sa buong buhay nila ay

humigit-kumulang 8.6%. Ang kalahati ng lahat ng taong namamatay sa

pagpapakamatay ay may major depressive disorder o masyadong

malubhang karamdamang depresyon; ang pagkakaroon nito o ng isa sa

ibang mga mood disordertulad ng bipolar disorder ang nagpapataas ng

panganib ng pagpapakamatay ng 20 beses. Kasama sa ibang mga

kondisyong nauugnay ang schizophrenia (14%), mga karamdaman sa

pagkatao (14%), bipolar disorder, at posttraumatic stress disorder. Ang

humigit-kumulang 5% ng taong may schizophrenia ang namamatay sa

pagpapakamatay. Ang mga karamdamang may kaugnayan sa pagkain o

eating disorder ay ibang kondisyong may mataas na panganib.

Ang pag-abuso sa droga o alak ang ikalawang pinaka-

karaniwang salik ng panganib para sa pagpapakamatay pagkatapos

ng malubhang depresyon at bipolar disorder. Ang kapwa pabalik-balik na

pag-abuso ng alak o droga pati na rin ang malubhang paglalasing ay

nauugnay. Kapag naisabay sa personal na pagdadalamhati, tulad

ng pagluluksa, ang panganib ay mas lalo pang tumataas. At saka dagdag pa


rito, ang maling paggamit ng substansiya (droga o alak) ay nai-uugnay sa

mga pangkaisipang karamdaman.

Ang problema sa pagsugal ay nauugnay sa pinatinding imahinasyon

ng pagpapakamatay at mga pagsubok nito kumpara sa pangkalahatang

populasyon. Sa pagitan ng 12 hanggang 24% ng mga sugarol ang sumubok

na magpakamatay. Ang bilang ng pagpapakamatay sa kanilang mga

asawang babae ay tatlong beses na mas mataas kaysa sa pangkalahatang

populasyon. Kabilang sa mga ibang salik na nagpapataas ng panganib sa

mga problemang sugarol ang pangkaisipang karamdaman, pagkalulong sa

alak at droga.

You might also like