You are on page 1of 1

ISYU SA WEST PHILIPPINE SEA

Alam ng bawat Pilipino ang isyung ito na tila ba’y naghihintay na lang ba
tayo ng solusyon sa isyung ito. Ang teritoryong ito ay talagang nakapaloob sa
ating soberanya. Ngunit ang bansang China ay ginagawa na ang lahat upang
maangkin ito.

Ayon deklarasyon sa United Nations Tribunal, ang karagatang ito ay para sa


bansang Pilipinas, isang matibay at malakas na sandata upang mapaalis na ang
mga Tsino doon. Ngunit kahit naidekalara na ito, tila ba’y walang nabalitaan at
walang napakinggan ang mga Tsino. Tuloy pa rin ang kanilang pag-aangkin.

Ang ating gobyerno ay gumagawa ng paraan upang solusyunan ito. Alam


natin na sa administrasyon na ito na napabuti ang ugnayan ng Pilipinas sa Tsina.
Ngunit nababalitaan pa rin natin ang mga maling gawi ng mga Tsino sa atin,
lalong-lalo na sa mga mangingisda natin na pumapalaot at nagbibigay ng
makakain sa atin at sa kanilang pamilya. Ang mga Tsino na kumuha ng mga
hinuling isda ng ating mga pangingisda.

Ang West Philippine Sea ay isang teritoryong mayaman sa mga isda, at mga
krudo at petrolyo. Bilang isang Pilipino, hangad ko na maangkin at mapasakamay
ng ating bansa iyon, lalo na’t may pinanghahawakan na deklerasyon. Ang ating
gobyerno ay huwag matakot sa mga Tsino, at huwag na huwag natin na hahayaan
na maangkin at gumawa sila ng mga maling gawi sa atin.

You might also like