You are on page 1of 2

Cabrera, Nathaniel

Flores, Gabrylle Samantha

Sa Aming Karanasan, Kayo’y Naging


Aming Kaligayahan
Ang una naming ginawa ay nag-anunsiyo, nag-anunsiyo ng aming mga produkto sa lahat ng baitang maliban
ang ika-siyam na baitang. Inendorso namin na ito ay masarap ngunit nasa abot kayang halaga at tunay na masisiyahan
ka sa mga lasa. Nag-ambag-ambag kaming lahat ng Php150 kada tao para sa mga biniling sangkap ng mga produkto.
At naganap na nga ang aming pagtitinda noong Nobyembre trese dos mil dyisi otso at sa pag-uumpisa ng araw ay
madami ang dumagsang tao sa aming pwesto (stall) buhat siguro ng maraming tinda at maaliwalas na espasyo. Kami
rin ay ay naglako sa lahat ng baitang pangunahin na ang mga nasa elementarya pagkatapos ay sa sekondarya hanggang
sa ang aming mga produkto’y naubos na.

Masaya. Mahirap. Nakakapagod, ngunit ika nga’y “worth it” ang nilaan naming dugo’t pawis sa ginawa
naming aktibidad mula nang ipaliwanag sa amin ang gagawing transfer task. Sa panahon ng pagtitinda ko’y di ko
inakalang maglalabas ako ng sari-saring emosyon. Mga emosyon na paminsan-minsan ko lamang naipapahayag ng
sabay-sabay sa isang pagkakataon. Nakakahiyang aminin, ngunit, sa panahon ng pagtitinda ay nagawa kong sigawan
ang aking mga kasamahan dulot ng kaba at tensiyon na aking naramdaman. Laking pasasalamat ko na lamang at sila’y
mapagpasensya at maintindihin lalo na ang aking mga kaibigan.

Halos lahat kami’y di mapakali kapag hindi nabibigyan o napagsisilbihan agad ang aming mga mamimilii,
ngunit ginagawa namin ang lahat para lamang maibigay sa kanila ang kanilang mga nais. Takbo rito, takbo roon ang
aming ginawa, binibilisan ang kilos para hindi mainip ang mga taong handa at gustong tangkilikin ang aming mga
gawa, pagkat ang pagbibigay sa kanila ng kanilang pangangailangan ay siyang nakapagpapasaya sa amin lalo na sa
tuwing sila’y ngingiti at sasabihin “salamat”. Sa tuwing kami naman ay nauubusan na ng produkto at wala ng
maibigay sa kanila, pagtutulungan nami.n na may maiprodyus na produkto para lamang mapasaya’t mapangiti muli
namin sila, pagkat ngiti pa lamang ng aming mga mamimili ay siyang kaligayahan na rin namin dahil nasasabi namin
sa aming sarili na “sapat na ang aming hinandog na pagsisilbi para sa kanila”, at para sa amin ay sapat na rin ito
upang ituring na mabuti at maayos ang aming mga ginagawang pakikitungo at pakikipagkomunika sa kanila.
Nakakataba ng puso kapag nakikita naming ngumingiti ang mga mamimili, ngunit ang sakit isipin kapag hindi na
namin mabigay sa kanila ang kanilang mga kagustuhan dahilan kung bakit ay pagkat, kami rin naman ay may
limitasiyon at nauubusan ng maibibigay sa kanila, kung kaya’t sa bandang huli kami na lamang ay humihingi ng
pasensya at lubos naman nila itong tatanggapin at magpapasalamat pa rin, ganoon din naman kami sa kanila. Sa
bandang huli, ngiti naming ang siyang nagwagi, umaapaw ang aming galak, kaligayahan, tuwa at kung ano ano pa na
dulot ng kasiyahan, pagkat ang ginawa naming pagtitinda ay matagumpay, hindi kami nabigo na ibalik muli ang aming
nagastang pera bagkus ay kamuntikan nang dumoble pa, hindi maitago ang mga ngiti sa aming labi, hindi maitago ang
saya sa aming mga mata, at kitang-kita rin kung gaano kagalak ang aming mga puso sa ginawa naming aktibidad na
iyon, sabi nga naming… “Nabusog ka na, naka-tulong ka pa.”, busog na busog kami sa bawat ngiting aming natanggap
pagkat sila’y aming natulungang mapasaya kahit sa munting paraan lamang, at iyon an gaming pinaka-masayang
araw noong panahong yaon.

You might also like