You are on page 1of 6

Kabanata IV

KAPAMARAANAN

Ipinasa ni: Patricia Costuna


1

Kabanata IV

KAPAMARAANAN

A. Disenyo ng Pag-aaral

Gagamit ng kalitatibong lapit ng pananaliksik ang pag-aaral na ito.

Magkokondukta ng mga panayam sa mga kinauukulang tao at mangangalap ng mga

kaugnay na dokumento para aralin ang mananaliksik upang malaman ang proseso ng

pagpili, paggawa, at distribusyon ng mga opsiyal na awitin ng Ang Probinsyano.

B. Paraan ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay mangongolekta ng mga datos mula sa mga dokumentong

mula mismo sa ABS-CBN. Ito ay tungkol sa produksyon at distribusyon ng mga

produkto ng ABS-CBN partikular na sa musika.

Magkokondukta rin ng mga panayam ang mananaliksik upang mas magkaroon ng

datos sa pag-aaral. Ang mga kapapanayamin ay ang: (a) producer ng Ang Probinsyano;

(b) tagapagsalita mula sa ​Dreamscape Entertainment​; (c) tagapagsalita mula sa ​Star

Music​; at (d) tagapagsalita mula sa ​ABS-CBN Publishing, In​c.

Mahalaga ang panayam sa producer ng Ang Probinsyano at sa ​Dreamscape

Entertainment upang malaman ang naging proseso sa pagpili ng mga opisyal na awitin.

Sa ​Star Music naman malalaman ang produksyon na naganap. Samantalang ang

distribusyon naman ang malalaman sa panayam sa ABS-CBN Publishing, Inc.​ Sa apat na


2

panayam na ito, maipipinta ng mananaliksik ang koneksyoon ng isa’t isa at ang sinerhiya

na nakapaloob sa mga subsidiary ng ABS-CBN. Sa pamamagitan nito, mas magkakaroon

ng datos ang mananaliksik tungkol sa kongglomerasyon ng ABS-CBN.

C. Mga Kasangkapan ng Pag-aaral

Ang mga kakalaping dokumento ng mananaliksik ay kailangang patungkol sa

estratehiya ng ABS-CBN sa kanilang paggawa at pagbebenta ng produkto. Ito ay dapat

partikular sa mga produktong musika ng ABS-CBN. Ito rin ay dapat na magmula mismo

sa kompanyang ito.

Gagabayan naman ang panayam ng mga katanungan tungkol sa proseso ng

pagpili, produksyon, at distribusyon ng mga opisyal na awitin ng Ang Probinsyano. Ang

mga panayam na ito ay semi-structured. Magbibigay ng gabay sa panayam ang

mananaliksik sa kanyang mga kapapanayamin upang maging mas malinaw ang takbo ng

panayam.

Magiging mas partikular ang panayam sa producer at sa Dreamscape

Entertainment tungkol sa mga salik sa paggawa ng desisyon sa mga gagamiting opisyal

na awitin sa Ang Probinsyano. Tungkol naman sa produksyon ang magiging panayam sa

Star Music.​ Nakapaloob na rin sa panayam na iyon kung anu-ano ang mga salik sa

pagpili ng mang-aawit at mga awitin. Sa ​ABS-CBN Publishing, Inc. naman, iikot ang

panayam tungkol sa kung paano ibinebenta ang mga awitin sa pisikal man na kopya o

kahit sa online na kopya.


3

D. Paraan ng Pangangalap ng Datos

Sa mga dokumento, hahanap ng mga video at impormasyon ang mananaliksik sa

Internet. Ang magiging pangunahing pagkakanun ng mga ito ay ang opisyal na website

ng ABS-CBN.

Purposive sampling naman ang gagamitin sa pagpili ng mga kpapanayamin. Ito ay

base sa kanilang katungkulan sa ABS-CBN partikular na sa produksyon at distribusyon

ng musika.

Kapapanayamin ng mananaliksik sina ​Camille Camacho Rosales at Dagang

Vilbar, ang mga producer ng Ang Probinsyano. Sa kanila hihingi ng datos aang

mananaliksik tungkol sa proseso ng pagpili ng mga opisyal na awitin ng Ang

Probinsyano.

Isa naman kina ​Roldeo T. Endrinal (Unit Head), Rondel P. Lindayag, Julie Anne

R. Benitez, Kylie Manalo-Balagtas, at Erick C. Salud ang kapapanayamin sa Dreamscape

Entertainment upang mas magkaroon pa ng linaw ang proseso sa pagdedesisyon ng mga

opisyal na awitin ng Ang Probinsyano.

Para sa produksyon ng musika, si ​Dennis Marco A. Liquigan naman ng ​Star

Music ang kapapanayamin. At si Antonio S. Ventos ng ​ABS-CBN Publishing, Inc. para sa

distribusyon.

E. Paraan ng Pagsusuri

Bukod sa pagkakaroon ng mga datos sa proseso ng pagpili, produksyon, at

distribusyon ng mga opisyal na awitin ng Ang Probinsyano, sa pamamagitan ng mga


4

dokumento at ng mga panayam, maiuugnay ng mananaliksik ang gawain ng iba’t ibang

subsidiary ng ABS-CBN. Maipapakita ang sinerhiya sa loob mismo ng isang

kongglomereyt.

Sa pagsusuri ng mga nakalap na datos, gagamit ng mga konsepto ng ekonomiya

ng media at ng spatialization ng politikal na ekonomiya ng komunikasyon.

Gagamit ang mananaliksik ng mga konsepto mula sa law of supply and demand

para sa distribusyon. Spatialization naman ang gagamitin para sa pagsusuri kung paano

inaabot ng ABS-CBN ang iba’t ibang merkado upang ibenta ang mga opsiyal na awitin

ng Ang Probinysano.

F. Ang Mananaliksik

Si Patricia Costuna ay isang estudyante ng Brodkasting sa Kolehiyo Pangmadlang

Komunikasyon sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman. Siya ay kasalukuyang nasa

ika-anim na taon sa kolehiyo. Ang kanyang interes sa musika ang nagtulak sa kanya

upang aralin ang produksyon nito.

Limang taon pa lamang siya, nagpakita na siya ng interes sa musika. Siya ay

natutong tumugtog ng anim na instrumento. Ito ay ang piano, biyolin, gitara, harmonika,

ukulele, at bansi. Pagdating niya sa mataas na paaralan, naging piyanista siya ng isang

banda na apat na taong may hawak ng pangunahing titulo sa​ Battle of the Bands.​

Isa rin ang Musika sa dapat na aaralin niya sa kolehiyo ngunit siya’y hindi

pinayagan ng kanyang mga magulang. Dahil dito, tumulong siya sa pagtayo ng isang

organisasyon sa Unibersidad ng Pilipinas para sa mga manunulat ng kanta. Siya ay isa sa


5

mga nagtayo ng U.P. LIRIKA. Nagkaroon din siya ng isang ​acoustic duo​, ang ​Subscript,​

na gumagawa at tumutugtog ng mga orihinal na musika sa mga kaganapan sa loob at

labas ng U.P. Diliman.

You might also like