You are on page 1of 10

Maaga pa lamang ng araw na iyon ay

nakapagsimba na sina Maria at Tiya Isabel.


Pagkatapos mag-almusal ang mag-anak ay
nagkanya-kanya na siya ng gawain. Si Tiya
Isabel ay naglinis ng bahay dahil sa mga
kalat bunga ng hapunan ng nakaraang gabi.
Nagbuklat naman ng mgakasulatan tungkol
sa kabuhayan si Kapitan Tyago. Si Maria
Clara ay nanahi habang kausap din ang
ama upang malibang ang sarili sapagkat
ngayon ang araw ng kanilang pagkikita ni
Ibarra at siya ay hindi mapakali sa
pananabik na masilayan ang kanyang
sinisinta. Napagpasyahan na siya ay
magbakasyon sa San Diego sapagkat
nalalapit na ang pista doon. Pamaya-maya
ay dumating na si Ibarra at hindi
maikakailang nataranta ang dalaga.
Pumasok pa ito sa silid at tinulungan
naman siya ni Tiya Isabel na ayusin ang
sarili. Lumabas rin ito at nag kita ang
dalawa sa bulwagan. Nagtama ang
kanilang paningin at kapwa nagkaroon ng
kaligayahan sa kanilang mga mata.
Nagtungo sila sa Asotea upang makapag-
sarili at maka-iwas na rin sa alikabok na
likha ng pagwawalis ni Tiya Isabel.
Masinsinang nag-usap ang dalawa tungkol
sa kanilang nararamdaman, sa kanilang
mga sinumpaan sa isa’t-isa, sa kanilang
kamusmusan, sa kanilang naging
tampuhan, at mabilis na pagbabati. Kapwa
itinagong dalawa ang mga alaala at bagay
na ibinigay nila sa isa’t-isa. Ang dahon ng
sambong nainilagay ni Maria Clara sa
sumbrero ni Ibarra upang hindi ito
mainitan at ang sulat ni Ibarra kay Maria
bago ito tumulak papuntang Europa.
Inasa ito ni Maria Clara sa katipan.
Kabilang sa sulat ang layunin ni Don
Rafael na pag-aralin si Ibarra sa malayong
lugar upang makapaglingkod ng mataas na
kalidad sa bayang sinilangan. Handa rin
itong magtiis na mawalay sa anak upang sa
bandang huli ay maibigay nito sa bayan
ang kanyang hangarin. Dito natigilan si
Ibarra dahil naalala nito na bukas ay undas
at marami siyang kailangang gawain.
Nagpaalam na ang binata at pinagbilinan ni
Kapitan Tyago si Ibarra na sabihin sa
kanyang katiwala na sila ay
magbabakasyon doon. Hindi naman
mapigilan ni Maria na maluha dahil sa
pangungulila kay Ibarra kaya’t sinabihan
siya ng kanyang ama na ipagtulos si
Ibarrang dalawang kandila at ialay sa santo
ng manlalakbay. Nakasakay si Ibarra sa
kalesa at binabagtas ang kahabaan ng
Maynila. Maganda ang panahon ng araw
na iyon at ang tanawin sa paligid ay
nakapagpabalik ng kanyang mga alaala.
Ang kanyang namamasdan ay katulad pa
rin ng dati na kanya nang nakita: mga
kalesa at karumatang walang humpay sa
pagbibyahe, salimbayan ng mga taong
abala sa pangangalakal at kanya-kanyang
gawain: may mga Europeo, Intsik,
Pilipino; may mga lalaking kargador, ang
iba ay kababaihan na nagtitinda ng prutas.
Nanduon din ang mga tindahan at mga
hayop na kasama sa paghahanapbuhay.
Ang punong Talisay sa San Gabriel ay
walang pinagbago, ang Escolta naman ay
imbes na umunlad ay pumangit at walang
kaayusan. Ang mga karwahe ay
nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa
tanggapan at mga pari, kabilang na si
Padre Damaso. Namataan naman siya ni
Kapitan Tinong kung kayat binati siya nito.
Napadako naman siya sa kalye ng
Arroceros at naalala na minsan ay nahilo
siya sa napakasamang amoy ng tabako.
Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko
at naikumpara niya ang mga napuntahan
niyang hardin sa Europa. Ibayo ang ganda
ng mga ito kaysa sa kanyang
natutunghayan ngayon. Anupat ang buong
Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus
ang mga gusali ay nilulumot lamang ng
panahon.

You might also like