You are on page 1of 8

Lahat ay napahinto at napako ang tingin sa

isang binatang kaakbay ni Kapitan Tiyago.


Ang binata ay animong luksang luksa sa
kanyang damit na kulay itim. Sa pagdating
ng binata, sa kabilang dako ay siyang
pagkabigla at lihim na pagkabahala ni Padre
Damaso. Ipinakilala ni Kapitan Tiyago ang
kagalang galang na si Ginoong Crisostomo
Ibarra, anak ng kanyang nasirang kaibigan
na si Don Rafael Ibarra. Nang walang
lumapit at nagpakilala sa kanya, siya na
mismo ang lumapit at nagpakilala sa mga
kalalakihan bilang Si Juan Crisostomo
Ibarra y Magsalin. Napahiya si Ibarra at
iniatras ang kamay ng tanggihan ni Padre
Damaso ang pakikipag-kamay sa kanya.
Dagling tinalikuran niya ang pari at
napaharap sa tinyenteng kanina pa
namamasid sa kanila. Masayang nag-usap
sina tinyente at Ibarra. Nagpapasalamat ang
tinyente sapagkat dumating ang binata ng
walang anumang masamang nangyari. Sa
kabilang banda ay may nagpaanyaya kay
Ibarra para sa isang pananghalian. Siya ay si
Kapitan Tinong na kaibigan ni Kapitan
Tiyago at matalik na kakilala ng kanyang
ama. Tumanggi sa anyaya ang binata
sapagkat nakatakda siyang magtungo sa San
Diego sa araw na naturan.
Lumapit na sa hapagkainan ang mga
panauhin. Galit na galit si Padre Damaso at
sinipa niya ang lahat na mga silya na
madadaanan hanggang sa nasiko niya ang
isang kadete na walang magawa kung hindi
tumahimik.Dahil sa pagitgitan, nagalit si
Donya Victorina dahil sa may nakaapak sa
kanyang kasuotan na isang teniente.
Pinagsabihan niya ito at agad naman
humingi ng tawad ang teniente.
Sa hapagkainan, nag-agawan sa kabesera
ang dalawang pari na si Padre Damaso at
Padre Siblya. Nagbulahan pa ang dalawa
kung sino talaga ang karapat dapat na
maupo sa ulohan ng mesa. At sa huli, si
Padre Siblya ang naupo sa kabesera dahil sa
kadahilanan na siya ang kura sa lugar.
Ipinahain na ni Kapitan Tiago ang handang
tinolang manok sa kanya-kanyang bisita.
Natuwa ang bawat isa sa mga natanggap na
mga parte ng manok maliban kay Padre
Damaso. Dahil sa pagkadismaya maingay
niyang binitawan ang mga kutsara, at
padabog na itinulak ang mga pinggan.
Habang kumakain ang lahat, napag-usapan
naman nila ang tungkol sa buhay ni Ibarra.
Ikinuwento naman ni Ibarra ang kanyang
pagkawala sa bansa ng 7 taon para
makipagsapalaran sa Europa. Biglang
sumulpot sa usapan si Padre Damaso, at
nagmayabang siya ng kanyang mga
nalalaman. Dahil sa nasabi ng Fransican,
nagdesisyon si Ibarra na umalis sa
Hapunan. Pinigilan siya ni Kapitan Tiago
ngunit hindi ito nagpatinag.

You might also like