You are on page 1of 1

OLIGARCHY IN THE

PHILIPPINES
Sa labing-walong taon kong namamalagi sa Pilipinas ay nagkaroon ako ng isang
katanungan sa isip matapos kong panoorin ang presentasyong ‘Oligarchy in the Philippines’—
“bakit ngayon ko lamang ito napanood at nalaman?”. Siguro nga ay tama ang nilalaman ng
presentayson, na tayo ay pinagmumukhang tanga at inutil ng ating sariling gobyerno.

Ipinakita sa presentasyong ito ang mga maaaring totoo at opinion na mga impormasyon
patungkol sa pagsasamantala at paghaharing uri ng mga kinagigiliwan natin noong pulitiko.
Maaring ako ay aamin na maganda ang aking tingin sa mga pulitikong naririnig at nakikita ko sa
mga poster campaigns noong ako’y hindi pa lubos natututo at lingid pa sa kaalaman ko ang mga
bagay na dapat nalalaman ng mamamayang Pilipino. Dati ay paniwalang-paniwala ako sa pagiging
maka-Diyos umano ng mga tinutukoy na pulitiko, at dahil sa naniniwala akong sila ay maka-
Diyos hinihinuha kong sila ay mabait, makatao, at makamasa na walang tanging hangad kundo
ang paglingkuran ang mga Pilipino ng naaayon sa ikauunlad ng lahat. Ngunit ng ako’y nagkaroon
ng kaalaman at kakayahang suriin ang kanilang mga itinatagong gawain, sa pamamagitan ng mga
mungkahi at opinion ng kapwa ko mag aaral, mga tumutuligsa sa patakaran ng gobyerno at mga
miyembro ng mga makamasang organisayon, ay nalaman kong ang lahat ng pagtingin ko sa kanila
ay pawing kabaligtaran ng kung ano ang tunay na sila. Nakakatuwa na binigyang diin sa
presentasyong ito ang ginagawa nilang pagpapakitang tao at paglilinis ng kanilang imahe sa
pamamagitan ng pagkontrol sa mga entabladong madaling pinaniniwalaan ng mga kapwa natin
Pilipino. Nakakalungot rin isipin sa kabilang banda na kayang kaya nilang kontrolin ang bawat
aspeto ng industriya ng bansa, mapa-media man para magpakita ng mga bagay na umaayon sa nais
nilang imahe o ang ating iginagalang at nirerespetong simbahan na nagbubulagbulagan sa mga
ginagawang kawalang-hiyaan ng mga namumuno. Ako man ay lingo linggong nagsisimba at
miminsan ko lamang narinig ang ibang pari na magsermon patungkol at pabalang sa mga gawain
ng mga naghaharing uri. Siguro ay hindi rin natin sila masisisi dahil sa kanilang pagkatakot sa
buhay ng kanilang sarili o ng kanilang minamahal na malagay sa panganib, pero sabi nga sa huling
linya ng ating Lupang Hinirang—“ang mamatay ng dahil sayo” kung ako man ay bibigyan ng
pagkakataon na pakinggan at paniwalaan ng kapwa natin pinagsasamantalahang Pilipino ay itataya
ko ang lahat para magkaroon ng kaalaman ang nakararami at hindi manatiling tanga at inutil ang
ating bansa.

Kagaya ng karanasan ko at ng mga nakapanood ng presentasyong ito ay ang maaring


ipinaparating na mensahe ay patungkol sa ating pagka-Pilipino. Na nagsimula man tayong inutil,
mangmang, walang alam at tanga ay may kakayahan tayong magbago at lumaban para sa karapatan
ang mayroon tayo sa ating lupang tinatapakan at kung ano ang nararapat sa atin. Isa pang
mahalagang masasabi ko patungkol sa presentasyon ay ang pagpanig nito sa isa ring kulay at
pagpalaganap sa mga repormang walang kasiguraduhan kung ang makikinabang ba ay ang taong
bayan o ang mga naghaharing uri nanaman. Sumakatuwid, ako ay nagagalak na nabibigyan ako
ng ganitong pagkakataon upang magkaroon ng karagdagang kaalaman, na dapat lamang ay suriin
muna bago paniwalaan, at nakakatuwa na sa pamamagitan ng mga ganitong presentasyon ay
nagkakaroon ng kamalayan ang mga kapwa ko mamamayan ng bansa.

You might also like