You are on page 1of 1

7 WAIT WHAT I AM

Marahil ang isang salitang nararapat upang ilarawan ang presentasyong Wait What I Am

PHILIPPINES
Philippines ay makapanindig balahibo. Ilang beses na naming napag usapan ito ng aking mga
kaibigan at sa tuwing ilalarawan namin ay tanging nakakapangilabot ang aming tinutukoy. Sa
paulit ulit kong panonood nito ay hindi nagbabago ang nararamadaman ko habang sinusubaybayan
ang mga kaganapan at impormasyong ipinapakita. Siguro ay dahil na rin sa kagandahan at
kaangkupan ng piniling tunog na mas lalong nakapag bigay ng damdamin sa mga nilalaman ng
mismong video. Marahil rin ay pawang opinyon lamang ng iisang indibidwal ang mga nilalamang
impormasyon ng presentasyon kung kaya't ako man ay nagdalawang isip rin na paniwalaan ba ito
ng walang ginagawang pagsusuri. O maari rin namang ang karamihan sa nabanggit o naipakitang
impormasyon ay totoo at isinaliksik ng mabuti ng gumawa.

Mapapansin rin na maaring mayroong pinapanigan ang gumawa nito dahil sa iisang kulay
na kanyang pinapasaringan. Gayunpaman, nakakapanindig balahibo na mayroong mga taong,
kagaya ng mga nasa kaitaasang isang pursyento, na hindi nagdadalawang isip na hindi ikonsidera
ang kalagayan ng ating mga kababayan at pagsamantalahan ang yaman na dapat sana ay para sa
bawat isang naghihirap na mamamayan. At sa aking palagay ang mga ganitong uri ng presentasyon
ay nararapat na ipakalat upang mapanood ng ating mga kababayan, hindi upang magkaroon ng sila
ng tama man o maling impormasyon kundi upang magkaroon sila ng kamalayan sa mga maaaring
ginagawa ng mga kaitaas-taasan at upang maipaglaban nila ang mga nararapat na sa kanila, upang
magkaroon sila ng kamalayan na ang mga ipinapakita sa kanila ng mga naghaharing uri ay taliwas
sa kung ano ng pagkatao ang mayroon sila. Nakakalungkot isipin na walang magawa ang ating
mga kapwa naghihirap upang ipagtanggol ang karapatan nila dahil sa tuwing sila'y sisigaw ng
tulong ay walang habas silang pinapatahimik. At nakakalaungkot rin na kapwa Pilipino pa ang
gumagawa nito, dahil sa pera. Sa aking pananaw kung mayroon mang nais iparating ang videong
ito ay ang kaisipan na hanggat mayroon kang sobra sa sapat na yaman at kagustuhang maghari ay
magkakaroon ka ng kapangyarihan upang kontrolin ang lahat. Kagaya ng ipinapakita sa video na
pagcontrol sa mga mahihirap nating kababayan, pagkontrol sa takbo ng yaman ng bansa,
pagkontrol sa sandatahang lakas ng bansa, pagkontrol sa media upang mapagtakpan ang lahat ng
kasinungalingan at karumihan, at higit sa lahat pagkontrol sa mismong batas ng bansa upang sa
gayo'y maging siguro na hindi bumalik ang kanilang kawalanghiyaan sa kanila mismo.

Hanggat mayroong ganitong uri ng tao na may kagustuhan at kakayahang makontrol ang
bansa ng naaayon sa kagustuhan niya ay magiging mahirap nating abutin ang inaasam nating
pambansang kaunlaran. Ngunit higit sa lahat, kung tayo ay mananatiling mahina at walang kibo
ay mas magiging mahirap abutin ang ating inaasam na pambansang kaunlaran.

You might also like