You are on page 1of 1

Linggwistiks

· KAHULUGAN NG LINGGWISTIKS

Ang siyentifikong pag-aaral ng wika ay tinataawag na linggwistiks. Saklaw nito ang mga gawaing observasyon,
pagtatanong, klasifikasyon, konklusyon, verifikasyon at revisyon.

Una sa proseso ay ang observasyon. Dito nagaganap ang pangangalap ng walang kinikilingang datos.

Pangalawa ay ang pagtatanong. Ang pagtatanong ay kinakailangang masagot sa siyentifikong paraan.


Kinakailangan ang mga terminolohiyang gagamitn ay malinaw at tiyak ang kahulugan.

Ikatlo ay ang klasifikasyon. Upang maging maayos ang pananaliksik kinakailangan ang isang sistematikong
paraan ng pagkaklasifika ng mga datos.

Ikaapat ay ang pagbuo ng konklusyon. Dito nagaganap ang pagbuo ng haypotesis ng mga teorya at prinsipyo.

Ang huling hakbang ay ang pagsasagawa ng verifikasyon at revisyon. Ang mga nabuo at natuklasan na ideya ay
dapat sumailalim sa pagsubok upang mapatunayan at marevisa ito.

· SANGAY NG LINGGWISTIKS

Ø Sinkronikong Linggwistiks (Synchronized Linguistics)

Inilalarawan nito ang aktwal na gamit at balangkas ng wika sa isang tiyak na panahon. Ditto pinag-aaralan ang
fonolohiya(pag-aaral ng mga tunog ng isang wika), morfolohiya(pag-aaral ng mga morpema) at sintaks( pag-aaral ng
ugnayan ng mga salita upang makabuo ng pangungusap).

Ø Dayakronikong Linggwistiks (Diachronic Linguistics)

Ditto gumagawa ng pag-aaral sa mga pagbabago ng wika. Kilala rin ito sa tawag na historical na linggwistiks dahil pinag-
aaralan ditto ang pinagmulan at evolusyon ng wika.

Ø Sosyolinggwistiks

Ito ang sangaY ng linggwistiks na nag-aaral sa sosyal na aspeto ng wika. Inaalam ditto at sinusuri ang ugnayan ng tao,
wika at lipunan.

You might also like