Handout

You might also like

You are on page 1of 2

PERPETUAL HELP LEARNING ACADEMY

OF QUEZON CITY
Masambong, Quezon City
PAG-AARAL SA NOLI ME TENGERE

Tagapagtalakay: LOUIZ Z. SAMSON Guro: MR. FREDDLY F. ASUER


_____________________________________________________________________

Bagong tauhan sa Kabanata 24

 Padre Salvi - kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria
Clara
 Alperes- matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng
Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontifikal)
 Sisa- Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit

 Mahahalagang Pangyayari
-Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang
kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y
nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang karwahe at
nagpahatid sa piknikan.
Tagpuan- Kagubatan
• Aral- Isang aral na makukuha rito ay kung paano nagsisisihan ang simbahan at pamahalaan
sa mga pagkukulang at pagkakamali nito. Nang mawala ang mga anak ni Sisa ay nagsisihan
ang alferez at kura kung sino ang may kasalanan sa insidenteng ito. Sinisimbolo ng alferez
ang pamahalaan habang ang kura ang sumisimbolo sa simbahan. Ang may kasalanan sa
lumalalang kanser sa lipunan noong panahon na iyon ay ang mga mananakop at ang mali
nilang pamamalakad, ngunit walang gustong umako ng problema. Sinasabi rin sa kabantang
ito na tumitindi na ang pagnanasa ni Salvi kay Maria Clara. Ang pagnanasang ito ay
pagnanasang sekswal lamang.

Bagong tauhan sa Kabanata 25


• Mayroon lamang dalawang tauhan sa Kabanata 25 ng Noli Me Tangere, na siyang isinulat ni
Jose P Rizal, at ito ay sina Pilosopong Tasyo at si Ibarra. Ang kuwento ay umikot sa paghingi
ni Ibarra ng payo sa matandang si Tasyo, na siya namang direktang sinagot ni Tasyo at
nagpahiwatig na mahina ang mga tulad ni Ibarra lalo na sa harap ng mga Kastila.
• Mahahalagang Pangyayari

- Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa


rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag
sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng
simbahan.
Tagpuan- Sa bahay ni Pilosopo Tasyo
Aral- Kahit anong mangyari, dapat ay bigyan ng galang ang namumuno dahil bilang
nagdedesisiyon ay kailngan nila ng respeto (simbahan)
Bagong tauhan sa Kabanata 26
• Nol Juan
• Mga Mayayaman
• Mahahalagang Pangyayari

- Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may


nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong
pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga
pagkain ganito ay inuukol sa mga banyaga,kaibigan o kaaway,at sa mga Pilipino, mahirap
man o mayamanupang masiyahan sila sa pista.
Tagpuan- Sa bayan ng San Diego
Aral- ang pinaparating ng kabanatang ito ay kahit anong antas mo sa buhay, ikaw ay tanggap
at karapatang pasayahin.
Bagong tauhan sa Kabanata 27
 Kapitan Tiyago - Ang ama ni Maria Clara na ipinaghahandaan na ang pista ng San Diego
 ketongin - ang pinandidirian ng mga kaibigan ni Maria Clara
 Mahahalagang Pangyayari
- Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang
pinakamalaki. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang mga taga lalawigan dahil kay
Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na
diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-
Pilipino at iba pa.
Tagpuan- Sa bayan ng San Diego

You might also like