You are on page 1of 2

Dystopia ni Criselda

Tauhan:

Criselda - Suzanne Chris (may karelasyong lalaki)- Bernardo/Francis


Danilo (Ama) – Rommel Ron (karelasyon ni Chris)- Bernardo/Francis
Imelda (ina) – Janelle Prof. Hector Reyes – Justine
Hiraya (may imaginary friend) - Nicolas Mayor Gaspar (corrupt na mayor)- Carsten
Hiyas (laging natatakot) - Ivy Dimas (alalay ni Gaspar)- Renz
Hilario (may cerebral palsy)- Verdadero Marian (social worker) – Pronto

Prologue
<naglalakad pauwi galing sa eskwelahan/ nakasalubong ang mga nag-iinom, nagbibisyo, nagtsitsismisan,
mga batang-kalye>
Criselda: Sabi ng iba, nakakamangha ang likha ng Diyos. Ang mundo. May mga halaman, mga hayop.
May araw, may buwan, at mga bituin. Araw-araw nga tumitingin ako sa paligid ko. Iniisip ko, “maganda
nga ba ang mundo?”. Siguro nga. Siguro nga maganda ang mundo. Pero iba kasi ang sakin. Kabaligtaran
ito ng mala-paraisong mundo ng marami. Mahirap, magulo, madilim. Kasabay ng pagtanda ko dito ay
ang kamalayang hindi ako pinalad na mabigyan ng magandang buhay. Tinalikuran na ba ako ng Diyos?
Kinalimutan na ba ako ng langit? Ako si Criselda, at ito ang dystopia naming lipunan.

Scene 1
<makikita ni Criselda na nag-aaway ang kanyang mga magulang>
Imelda: Ano ba naman yan Danilo! Hindi mo ba alam na inutang ko lang yun kay aling Rebecca. Tapos
ipangsasabong mo lang.
Danilo: Malay ko bang inutang mo lang yon. E akala ko pera ko lang din yun na inaabot ko sayo tuwing
sasahod ako sa pagiging janitor ko sa opis ni mayor.
Imelda: Sahod? Yung 1000 kada buwan ba? Danilo naman! Alam nating lahat na hindi yun sasapat sating
pito. Magkano lang naman ang kinikita ko sa pagtanggap ng mga labada a. Pangkain pa lang Danilo
kulang na. May gamut pa tayong binibili para sa tatlong bata. Nag-aaral pa si Criselda.
Criselda: Ma! Pa! Bakit na naman ba kayo nag-aaway?
Danilo: Itanong mo dyan sa santa mong nanay. <bumubulung-bulong habang padabog na pupunta sa
kwarto>
Criselda: Ma?
Imelda: Yung tatay mo kasi. Ipinansabong yung inutang kong isang libo. Pambili sana ng gamut ng tatlo
mong kapatid.
Crielda: Tama na ma. Ako na ang bahala. Kakausapin ko na lang si mayor Gaspar bukas bago ako umuwi,
baka sakaling matulungan nya tayo.
Imelda: salamat anak.
Criselda: Tahan na ma. <tatawagin ang mga kapatid habang hinahanda ang hapag> Chris, tara na
kumain. Tawagin mo na sila Hiraya, Hiyas, at Hilario. Tay! Kain na po.
Scene 2
Criselda: <gigising/pupunta sa kusina> Nakaalis na pala si mama. <Magluluto ng lugaw para maunang
pakainin sina Hiraya, Hiyas, at Hilario upang makagayak na sa pagpasok. <papabangunin ang mga
kapatid.> Chris, mauna ka nang maligo. Papakainin ko lang muna tong tatlo na to.
Chris: Sige ate.
Criselda: <sinusubuan ang tatlo>Kain na o.
Kaklase 1: (nagbubulungan/nagtatawanan) kawawa pala talaga tong si Criselda no? Mga abno yung mga
inaalagaan.
Kaklase 2: oo nga. Dapat psychology na lang ang kinuha nyang kurso.
Kaklase 1: Hahahaha. Oo nga. Hahahah.
Criselda: <mapapalingon/ malulungkot >

Scene 3
Criselda: <papasok sa classroom>
Kaklase 1: o Criselda. Kumusta naman yung mga abnormal mong mga kapatid.
Kaklase 2: Kaya siguro medyo haggard ka na kapag pumapasok no? hahahahah
Ibang kaklase: Hoy! Tong mga to. Tigilan nyo nga si Criselda. Bahala kayo, baka maging abno din kayo.
Hahahahahah.
Prof. Hector: <Papasok sa classroom.> Good morning class.
Students: Good morning, Mr. Reyes.
Prof. Hector: lumabas na ang results ng midterm exams nyo sa Speech/Oral Communications. Puwede
nyo nang kunin ang test paper nyo para malaman nyo kung nakailan kayo sa exam. Tatawagin ko kayo
isa-isa.
… … … … … Criselda Silang. Congratulations Ms. Silang, ikaw ang
nakakuha ng highest score sa test.(pagkaabot ng papel kay Criselda, mahahawakan niya ang kamay)
Criselda: <Bahagyang nagulat>thank you po, sir.

Scene 4
Criselda: <Papunta sa office ni Mayor Gaspar> Good Afternoon po. Pwede po bang makausap si

You might also like