You are on page 1of 3

Sa Facebook

Hindi na iba o bago sa pandinig ng halos karamihan ang salita o aplikasyon na


kinahuhumalingan na ngayon ng mga tao--- ang Facebook. Mapabata man, teenager, o matanda,
may trabaho pa yan o wala, hindi mawawala ang facebook sa cellphone na lagi nilang dala-dala
kung saan man sila magtungo.
Ayon sa Wikipediang Tagalog, ang facebook ay nagsimula noong ika-apat na Pebrero taong
dalawang libo’t apat (2014), na nadiskubre at ipinakilala sa mundo nina Mark Elliot Zuckerberg
kasama ang kanyang mga kamag-aral na sina Dustin Moskovitz, Eduardo Saverin, at Chris
Hughes habang sila ay nag-aaral pa sa Harvard University. Ang facebook ay dating para lamang
sa mga estudyante ng Harvard hanggang sa ipinakilala na din ito sa iba pang paaralan sa Boston
hanggang sa umabot halos karamihan ng unibersidad sa Canada, at ngayon ay lumaganap na ito
sa buong mundo. Hindi lang sa mga paaralan, kundi maging sa iba’t-ibang institusyon, sa mga
matataas na tao at sa mga karaniwang tao.
Ayon pa rito, ang facebook o “aklat ng mukha” ay libre ang pagsali. Isa itong social networking
website na pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc., na isang pampublikong kompanya. Ditto,
maaaring madagdagan ang iyong friends, at mag-message ka sa kanila, at mag-post tungkol sa
sarili. Ang pangalan ng website ay tumutukoy sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper
facebooks), na isinasalarawan ang mga kasapi nito. Ang facebook ay isang aplikasyon kung saan
maaari kang mag-post ng kung ano man ang nais sabihin ng iyong puso at damdamin na
mayroong #hugot. Ipakita sa buong mundo ang litrato ng mukha na may #No Filter, #Challenge
Accepted, #Selfie. O di kaya ang picture ng buong barkada na may #friendship forever, #groufie,
at marami pang iba. Maaari pang i-share sa buong madla ang pangyayari sa buhay mo gaya ng
#Reunion, #Birthday, #Anniversary, #Heartbroken, #Just Anything, #walang forever at kung ano-
ano pang hashtag na maisip mo. At sa mga ganyang post mo, maaari mo itong ipaalam sa lahat
(literal na lahat) iyon. Maaari naming mga friends mo lang ang makakita ng post mo, depende
kung anong klase ng pribasya ang pinili mo.
Facebook. Karamihan nga naman ng tao ay mayroon nang account dito. Kadalasan,kapag
pumupunta ang mga bata sa computer shop ay kung hindi facebook ang unang binibisita, ay
games. At ginagawa na rin itong libangan ng tao, kasama ang kanya-kanya nating #HASHTAG.

Teknolohiya

Habang ang oras ay patuloy sa pag-ikot. At ang araw ay patuloy sa pag daan. Patungo sa bagong
panahon. Na mumulat na ang mga tao sa mga modernong bagay na nag bibigay ng malaking tulong sa
buhay ng tao. At sa mga pagbabagong ng yayari sa ating bangsang kinagisnan. Halimbawa na lamang
nito ang teknolohiya na may malaking ambag sa buhay ng tao . Pati na rin sa pag unlad ng ekonomiya.
Ngunit di maiaalis dito ang mga positibo na may kasamang negatibo na maidudulot sa pamumuhay ng
isang tao.
Ang teknolohiya ay napakaimportante sa lahat ng tao sa mundo, lalo na sa mga kabataan ngayon na
siyang kinahuhumalingan at kinaaadikan ng mga tao ngayong panahon.Ngunit di maikakaila na ang
paggamit nito ay may kaakibat na negatibo sa pamumuhay ng isang tao. hindi lahat nito ay mabuti ang
naidudulot . kailangan parin nito ang masining na paggamit at maingat sa lahat ng bagay. sa paggamit
nito ay kailangan alamin muna kung ano ba ang tamang proseso , paano ba ang gumamit nito
magkaroon dapat ng limitasyon sa paggamit nito . Sapagkat ang lahat ng sobra ay nakakasama at
nagsisilbing lason,na siyang hadlang sa pag kamit ng minimithi.Ayon sa http.teknolohistang
pinoy.wordpress.com na mula paman noon at hanggang ngayon marami nang mga tao na nagtatalo talo
dahilan sa kung ang teknolohiya ba ay may masamang naidudulot sa pamumuhay ng isang tao.Hindi
iyan mawawala sapagkat lahat ng bagay maganda man ito may kapangitan ding tinatago. dahil sa
teknolohiyang ito naipapadali ang mga gawain lalo na sa mga kabataan ngayon kapag sila ay may mga
gawain na na aangkop sa mga pag aaral nila . ito ang pinagkukunan nila ng mga ibat ibang
inpormasyon.At naipapaunlad din nito ang ating lipunan. Subalit laging tandaan ma ang teknolohiya ay
nakakatulong ngunit gaano man ito nakatulong ay ganun ito nakakapahamak kung pabanayaan ang
sarili at pag inabuso ito. Disiplina ang kailangan.
Ayon naman sa cjefo1.blogspot.com na ang teknolohiya ay may napakalaki na ang naitulong nito sa
mga tao at kabataan simula't sapol na naimbento ito .. Noon wala pana man masyadong masama
naidudulot nito ngunit habang tumatagal umaabuso na ang ibang tao sa paggagamit nito kaya marahil
ngayong panahon marami na ang gumagamit na walang disiplina sa sarili at walang limitasyon sa
pagamit nito kaya naman napapahamak ang mga tao dahil sa sariling ginagawa.
May malaki nang naitulong ang teknolohiya sa buhay ng tao imbes na itoy abusuhin .Mas mabuti na
ito'y payamanin. At alamin at piliin lamang ang mga positibong bagay na maidudulot nito sa
pamumuhay ng tao.

Ang teenage pregnancy o maagang pagbubuntis ng mga babae sa edad na 12 hanggang 19 ay


isang malawakang isyu hindi lamang sa pilpinas pati narin sa buong mundo. "Ang hindi
marunong maghintay madalas ay maagang nagiging nanay" kasabihan madalas nating
naririnig sa mga nakakatanda. Palagi nating tatandaan na sa simula lang ang sandaling sarap
at kasunod nito ay pang matagalang hirap.

Ayon sa 2014 datos ng Philippine Statistical Authority(PSA), kada oras 24 na sanggol ang
isinisilang ng mga teenager mothers. Ang datos na ito ay sinususugan ng 2014 Young Adult
Fertility and Sexuality(YAFS) strudy. Nakapaloob dito na 14% ng mga pilipina na may edad na
15 to 19 ay buntis o di kaya ay mga ina na. Sinasabi ding mas mataas ang bilang ng teenage
pregnancy ng pilipinas kumpara sa ibang mga bansa ng Southeast Asia. Maraming eksperto
ang nagugulat sa pagtaas ng bilang ng mga nabubuntis na menor de edad na babae sa ating
bansa. Ang isyu na ito ay mahalaga dahil napipigil ang maagang pagbubuntis ng mga batang
babae.

Ayon sa YAFS dalawa sa mga dahilan ng mga kabataang nabubuntis ay ang pagkasira ng
kanilang buhay pamilya at kawalang ng maayos na Female role models saloob ng kanilang
tahanan. Maraming eksperto ang nagsabing sintomas ng kahirapan ang teenage pregnancy.
Maliban dito, ang temptasyon ay isa ring napakahirap labanan na dahilan. Ang paggamit ng
teknolohiya gaya ng cellphones, at social media ay isa rin sa pangunahing dahilan ng maagang
pagbubuntis ng mga teenagers. Ang mass media lalong lalo na ang internet ang isa sa sinisisi
sa teenage pregnancy at isa sa mga napagusapan sa 12th community Pediatrics Society of the
Philippines (CPSP) annual convention. Sabi sa naturang convention si Dr. Ramizo ay
pinarangalan ng CPSP bilang outstanding member sa taong 2013-2014. Ito ay dahil sa
kanyang pag serbisyo sa mga nangangailangan.

Sa datos noong 2009, halos 3.6 milyon ang naitalang batang ina sa bansa. Sa katunayan pito
sa sampung buntis na babae ay hindi bababa sa edad na 19. Pinatunayan ito ng world bank at
sinasabing ang pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga batang
ina. Malaking porsyento ng mga kabataang nabubuntis ay nabibilang sa low income
generating group. Dahil wala pa sa hustng gulang karamihan sa mga kabataang maagang
nabubuntis ay hindi nag papakasal. Ang teenage pregnancy ay mapanganib din para sa mga
sanggol. Ayon sa mga datos, ang kaso ng premature birth ay mas mataas sa mga sanggol na
isinisilang ng kabataang babae.

Kung kaya't ang mga magulang ay may malaking papel para mabigyan ng gabay ang mga anak
upang hindi maging ina sa murang edad. Gayunpaman, panahon na upang patatagin natin
ang ating mga pamilya. Panahon na upang ito naman ang ating bigyan ng aksyon. Tayo na't
magising sa katotohanan, mahirap ang maging batang ina. Wala itong maidudulot na
kabutihan saatin.

You might also like