Rianne Rye Loen basinal Septyembre 21, 2018 10 – Br. Xavier Ikalawang Markahan Ryenus na Madasalin, mga Diyos na Maawain
Isa na namang bagong araw ang
aking kakaharapin. Ako si Ryenus at ako’y bibisita sa isang babaeng mahalaga sa akin. Dala ko ang paborito niyang pagkain, ito’y niluto ko mismo upang mapahayag ang aking damdamin. Dumiretso ako kasama ang aking pamilya sa kanyang silid. Kasama niya ang iba pang may sakit. Siya’y nandito sa ospital na mainit at masikip. Nakahiga siya sa kanyang kama. Kita na ang mga buto niya. Itong sakit niya sa kanyang baga ang nagpapahirap sa kanya. Ako’y napapaisip na lang kung kaylan bubuti ang kanyang nadarama. Akin siyang sinubuan ng pagkain kong dala-dala. Halata namang ito’y nagustuhan niya.
Maya-maya, ang doctor niya ay biglang dumating, sa dibdib ko
naman ay may pag-asang gumigising. Sinabi ng doctor na maaari siyang gumaling. May mga gamot at operasyon na maaaring gamitin. Ito daw ay epiktibo ngunit malaki ang kakaylanganin. Alam namin na kami ay mahihirapan para maibigay ito. Hindi handa ang aming mga bulsa para dito. May pera naman kami ngunit ang mabibili nito ay mga gamot na hindi kalidad at hindi naman ito sapat para sa mga operasyon na hangad. Kung ang pamilya ko lang ay mayaman, matagal na sigurong magaling ang babaeng aking iniingatan. Kung marami lang kaming salapi, ang mga kalidad na gamot ay mabibili. Kung sana’y hindi namin poblema ang pera, matagal na sana siyang napa-opera.
Pagkatapos naming dumalaw sa kanya, minabuti naming umuwi at
magpahinga. Ako naman ay hindi mapakali, hindi rin makatulog noong gabi. Ako’y tumitig sa kalangitan at ako’y napaisip na ipagdasal ang aming mga poblemang nararanasan. Ako’y nagdasal sa diyos na si Plutus, ang diyos ng kayamanan. Hiniling na sana’y mabigyan ng katiting niyang yaman. Hindi naman namin gagamitin ang malaking salapi para makapinsala. Ito’y aming gagamitin para ang buhay ng isang mahalagang babae sa akin ay mapahaba.
Kinabukasan ay isang malaking balita
ang sa akin ay gumising. Ang aking mga magulang ay may nahalungkat na mga alahas tulad ng singsing. Ito raw ay dati nilang pagmamay-ari, ngayon lamang nila natuklasan muli. Ito’y kanilang binenta para makalikom ng malaking pera. Ito naman daw ay hindi na mahalaga sa kanila. Pagkatapos noon ay agad kaming pumunta sa ospital, pinalipat sa pribadong kwarto ang babaeng pinakaminamahal. Binili lahat ng kalidad na gamot na kaylangan, ipinasagawa ang mga operasyon na dati ay para sa amin ay may kamahalan. Sa aming ginawa upang mawala ang sakit niya, sa dami ng pera na aming ginamit upang bumuti ang kalagayan niya, walang kahit isang gumana upang gumaling siya.
Ako’y napatitig muli sa kalangitan. Napagtanto na ang pera ay
walang laban sa kamatayan. Naisip ko ang diyos na si Apollo, ang diyos na nagpapagaling sa sakit ng mga tao. Nagdasal ako sa kanya, nagtitiwala na siya na lang ang makakapagpagaling sa minamahal na babaeng nagdurusa. Alam kong ito’y papakinggan niya sapagkat hindi naman ito makakasama sa iba. Makalipas naman ang ilang buwan, pinagbigyan ni Apollo ang aking kahilingan. Ang babaeng aking pinahahalagahan ay gumaling na. Alam kong dulot ito ng pagtulong ng mga diyos na si Plutus at Apollo sa akin na umaasa. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil pinagaling nila ang babaeng sa akin ay mahalaga, walang iba kundi ang aking lola.