You are on page 1of 2

Ang Pasko ang panahon kung kailan ating sinasariwa ang kapanganakan ni Hesus na ating Tagapagligtas sa

isang sabsaban sa Betlehem. Ito rin ang sinasabing panahon ng pagmamahalan, pagpapatawad, pagbibigayan,
pagkakaisa, at pagkakabuklod-buklod ng bawat pamilya. Samahan niyo ako sa aking paghahanap ng tunay na diwa
ng Pasko.

Isang araw habang ako’y nakaupo, tinititigan sa aking Android phone ang gwapong mukhan ni
James Reid ako’y napaiisp sa kung ano ang tunay na diwa ng Pasko. Kung kumpletuhin ko kaya ang siyam na
araw ng ng Misa de Aguinaldo, tapos mag-wish ako, kumpleto kaya ang Pasko ko? Kung mag-pamper kaya ako,
gaganda kaya ang Pasko ko? Eh kung mag-shopping ako? Tapos after, kumain ako, sasaya kaya ako? Ano nga ba
talaga ang kailangan kong gawin para maging kumpleto ang aking Pasko?

Syempre kinareer ko na ang paghahanap- (Teka teka, yung totoo, The Adventures of Pedro Penduko ba ito?
Hahaha ) ang aking paghahanap sa natatagong yaman ng Kapaskuhan. Una, pumunta ako ng SM- ang Mall ng
Masa. Ang daming tao, as in, sobra parang first showing day sa sinehan ng isang JaDine movie. Syempre hindi ako
nagpahuli sa mga tao, punta dito, punto doon, hanap dito at hanap doon, ‘yan yung naging ganap ko. Bumili ako ng
mga damit, mga pampaganda, sapatos at kung ano ano pa. Parang masyadong naparami yung mga ibinili ko kaya
kumulang yung dala kong pera.

Mabuti na lang dala ko ang ATM Card ko pero walang BPI outlet sa oob ng SM kaya minabuti kong pumunta
sa centro para mag-withdraw. Agad akong pumunta sa BPI centro at yun na nga mabuti na lang at
nakapagwithdraw na ako. <insert kumukulong tiyan sa BPI>. Ano ba yun? Gutom na ako. Nag-abang akong trike para
pumunta sa paborito kong cafe- ang Dice sa Magsaysay Avenue. Syempre inorder ko yung paborito kong kape at
pagkain. Habang kumakain, naalala ko na bibilhin ko pa pala yung nakita kong damit sa isang boutique. Kaya dali dali
kong inubos ang pagkain. Brrrp! Hay salamat busog na ako.

Agad akong umalis sa Dice at bumalik sa centro. Pinuntahan ko yung boutique kung saan ko nakita yung damit na
type ko. Mabuti na lang at nadoon pa yung damit. Syempre sinukat ko sa fitting room ng Basiq Avenue. Wow! Ang
ganda... ng damit haha Syempre linubos ko na yung moment habang nasa harap ako ng isang malaking salamin.
#SelfieMoment (Click! Click! Hahaha ) Syempre kinuha ko na yung damit at aking binayaran sa cashier. Paglabas
kon ba-feel ko na... ang haggard ko na!!! Kailangan ko nang mag-pamper! Wait! Teka.. Oo nga pala, ma package
promo and Index ngayon! Check ko muna budget ko, sakto! may pamasahe pa ako! Kaya kinagat ko na yung offer.
Haay anfg saya parang #MeTime to ha!

(At index) Ang tagal ko sa loob ng parlor. Marami rin kasi ang mga nagpapaayos at nagpapagupit ng kanilang mga
buhok. Haay salamat! At last! Tapos na ang pagpapapamper ko. Eto na nga, dahil andami ko nnang dalang paper
bags and all, at tsaka alas-6 na, curfew na! (Wow neme, strict ang parents ko! Hahaha ) Pero oo takaga, kailngan
ko nang umuwi.

Nung sasakay na ako ng trike sa gilid ng South Star Drug sa harap ng Bichara Mall, marami akong nakitang batang
nangangaroling na tila bang nanlilimos ng konting barya nang masuklian ang pagkanta ng Christmas Song habang
bibong sumasayaw sa saliw ng kanta. May konting kirot akong nararamdaman, na para bang tinikwil ako ng aking
konsensya. Napaisip ako na ang swerte ko pala, ang swerte ko dahil hindi ko nararanasan ang pinagdadaanan ng
mga bata sa kalye. And swerte ko dahil mahal aking ng aking mga magulang at hindi nila ako pinapabayaan. Ang
sewerte ko dahil hindi ko kinakailangang manlimos o mangaroling para may ipambili ng pagkain. At higit sa lahat,
ang swerte ko dahil mahal ako ng Panginoon. Siya ang nagbibigay sa amin ng blessings sa araw-araw.

Pagka-uwi ko ng bahay, pinatong ko ang aking mga ipinamili sa lamesa, tinignan, pinagmasdan at napag-isip
isip ko na hindi ko pa rin ako kuntento. akal ko, yun na ang Pasko_ ang maging masaya ako, pero hindi pa pala. May
kulang pa, kailangan kong magsimba, doon ko siguro mahahanap ang tunay na kahulugan ng Pasko.
Alas 3:00 ng umaga

“ Tonight I just wanna take you higher. Throw your hands up in the sky. Let’s set this part off right. Put your
pinky rings up to the moon.”

--Haayy—Ano ba yan, alas 3:00 na pala. Magsisimba pa ako. Wait, kung tinatanong niyo kung ano yang kaek-
ekan sa tass, ano ba? Yan yung latest up beat song ngayonn yung 24K Magic ni Bruno Mars yan kasi ang alarm tone
ko eh, Lah lang para feel. Hehe Ito na. bumangon ako sa mahimbing na pagkatulog ko at dali daling naghilamos,
uminom ng pampainit sa tiyan, naligo, bumihis, nagsipilyo, nagpabango, nagsapatos.. Ano pa? Basta yubg mga
ginagawang paghahanda bago magsimba. Eto na nga, pumunta na ako sa simbahan nakinig ng homily at natamaan
ako sa homily ng pari. “ Ang Pasko ay hindi lang para sa mga mayaman, hindi lang para sa mga nakakaangat, hindi
lang para sa mga may pera. Ang Pasko ay para sa lahat. Christmas is not about yourself, it’s not about being selfish,
but it’s about being SELFLESS, ang pagtulong sa higit na nangangailangan. Ang Pasko ay panahon ng Pag-ibig. Kapag
natutunan mong mahalin ang sarili mo, mamahalin mo ang iyong kapuwa at magkakaroon ka ng sense of helping
othersa. Mabubuhay ang espiritu mo sa pagtulong sa kapuwa. Yan ang regalo ng Pasko. Yan ang tunay na kahulugan
ng Pasko.

Biglang nanali ang tenga’t mata ko pakarinig ko ng mga sinabi ng Pari sa kanyang Homily. Yun na! nahanap
ko ns ang aking hinahanap!

Bago matapos ang misa, nag-announce ang commentator sa Christmas Cheers na gagawin ng parokya sa
araw ng Pasko. Kumakatok ang simbahan sa puso ng bawat Bomboeño na kung sino ang willing magbigay ng
tinagba (anumang bagay na makakatulong sa mga taong nangangailangan. Dahil dito, agd kaming nagplano ng
aking pamilya at bumili ng grocery items para sa ipangtutulong sa mga nangangailangan. Pakabigay namin ng aming
munting regalo, nakadama ako ng satisfaction sa aking sarili. Tapos na ang aking paghahanap. Napakasaya lang sa
feeling na makatulong ka sa kapuwa. Basta hindi maipaliwanag na kasiyahan ang aing naramdaman.

Hindi totoong kailangan mong magshopping, magpaganda magpakabusog, o magkaroon ng maraming pera
para sumaya ang iyong Pasko. Pagmamahalaan, pagtutulungan, pagkakabuklod buklod at higit sa lahat si Hesukristo,
ang totoong kahulugan at simbolo ng Pasko.

You might also like