You are on page 1of 1

Storya han hinuram nga plato...

Dalawamput anim na taon ang nakalipaas, May isang lalaki na pumunta sa isang bahay,
Humihingi ng pahintulot sa mag asawa para humiram ng plato. Kahit hindi pwede ipahiram,
pinayagan parin kasi maganda yung kundisyon na sinabi niya .

Nagtanong yung kanyang hinihiraman...

Bakit mo ba gustong hiramin ang aming plato?

Sagot ng lalake...

Kasi maganda't elegante kasi ng inyong plato. Kung ako'y inyong payagan na hiramin ang inyong
plato, papaghirapan ko na palaging may laman na pagkaon at magiging maingat ako na hindi ito
mabasag

Pinayagan ng mag-asaw na pahiramin ng plato ang lalaki, pero konting pulong ay kanyann
binitawan. Sabi niya...

Ipapahiram ko tong plato namin sayo kung iyong tutuparin lamang ang mga kundisyon na sinabi
mo kanina

At kung isosoli mo na sa amin, sana hindi pa basag, At kung basag naman sana wala na kami dito
sa lupa, kasi itong platong to'y aming inalagaan, pinaka una namin tong kayamanan

Dahil sa pursigido yung humihiram, nadala niya ang plato na maganda naman yung kalagayan.

Maraming taon ang nakalipas, maraming istorya ang nakarating sa mag asawa na hiniraman,
Dahil daw sa platong hindi naman inaaruga ng maayos, may araw na hindi nalalagayan ng
pagkain may araw na halos pa bitawan.

Pakibalik nalang ng plato namin baka lubusan pang magiba, tatanggapin parin namin yan kahit
may nawalan na ng parte. Pulong ng hiniraman sa lalaki na humuram.

Ngayon, Ito na yung kanilang pinakatatakotan, Nabasag yung plato kasi hindi inaruga ng maayos,
hindi natupad ang kaniyang kundisyon na kanyang pag-aarugahan. Binalutan ng pag sisisi ang
kanilang puso, nanhihinayang talaga sila kasi natanggap nila wala ng ginto.

Itong istorya ko para to sa mga lalake na nagpaplanong humiram ng plato, sana kapag binigyan
na kayo ng pahintulot alagaan niyo sana ng maayos, paghirapan niyo na palaging may lamang
pagkain, at alagaan niyo na hindi mabasag kasi dito makikita kung ano ka na klase mag-alaga sa
iyong hiniram na plato.

Salamat sa inyong pakikinig

You might also like