You are on page 1of 9

Ang mga Relihiyon sa Pilipina

-Ang mga Pilipino ay may paniniwala sa Diyos. Nananalangin upang bmgapasalamat sa lahat ng
biyaya at sa araw araw na gabay ng panginoon.

-Ibat' iba ang relhiyon ng mga Pilipino. Ang pagpili ng nais na relihiyon ay isa sa karapatan ng
tao. Iba't iba ang paraan ng pananampalataya at pagsimba ng mga relihiyon sa kanilang bansa.
Kung kaya't sila ay nagsisimba sa iba't ibang araw. Karaniwan tuwing Linggo ang pagtungo ng
karamihan sa kanila sa simbahan. Ngunit may sumasamba rin tuwing Huwebes at Sabado.
Iginagalang ang iba't I bangsimbahan. Iginagalang din ang paraan ng pagsamba ng kapwa-
Pilipino

*"Ang pangalang "Iglesia ni Cristo" ang pangalang opisyal, sapagka't ito ang ipinag-utos
na ipangbati sa lahat. Hindi ito katawagan panglahi o pang pook o pang-isang katangian
lamang. -Hindi sila sumusunod sa mga kredo. Naniniwala sa diyos ngunit hindi sila naniniwala sa
Trinity.Naniniwalang si Kristo ay isa lamang tao ngunit sila ay sumasamnba bilang utos.
Naniniwala sila sa bautismo sa pamamagitan ng paglubog sa tubig ay kailangan sa pagtamo ng
kaligtasan. Hindi sila nagsasagawa ng bautismo sa sanggol.

*Ang isang Muslim -Binabase ng mga Muslim ang kanilang buhay sa tinatawag nilang

"5 haligi ng pananampalataya":


1.pananampalataya: "Walang ibang Diyos maliban kay Allah at si Muhammad ang Kanyang
propeta".
2. Panalangin: Limang panalangin ang dapat isagawa araw araw.
3. Pagbibigay:Nararapat na magbigay ang isang tao sa mga nangangailangan, na parang ang
lahat ay nanggagaling kay Allah.
4. Pagaayuno: Maliban sa paminsan minsang pagaayuno, ang lahat ng Muslim ay dapat na
magayuno sa panahon ng Ramadan (ang ikasiyam ng buwan sa kalendaryo ng Islam).
5. Hajj: ang paglalakbay sa Mecca (Makkah) ay dapat na isakatuparan ng isang Muslim ng
minsan sa kanyang buong buhay (isinasagawa tuwing ika-labindalawang buwan sa kalendaryo
ng Islam).

*Paniniwala ng mga Katoliko

-Kaligtasan: . Mabubuting Gawa at kaligtasan :bawtismo, pangungumpisal.Panalangin: hindi


lamang sa Diyos maaaring manalangin, kundi maaari ding manalangin kay Maria at sa mga
santo.

*Sevent day Adventist-Ang Seventh-day Adventist Church ay isang sanga ng Protestanteng


Kristiyanismo na natatangi sa kanyang pag-obserba sa araw ng sabado, ang original na ika-
pitong araw sa Judeo-Christian week, na tinatawag na sabbath, at sa pagbibigay diin nito sa
pagbabalik muli (advent) ni Jesu-Kristo. Kaya nila tinawag ang kanilang sarili na seventh day
adventist o SDA dahil sila ay naghihintay sa pagdating (advent) ng sabbath.

- Ang mga adventist ay nagtuturo at naniniwala sa mga katuruan gaya ng pagkawalang mali ng
mga kasulatan, ang pagbabangong muli ng mga patay at ang pagiging matuwid sa pamamagitan
ng paniniwala lamang at kaya sila ay nai-konsider na mga evangelical. Sila ay naniniwala sa
Baptism by Immersion.

* saksi ni Jehovah -sila ay sumasamba sa Diyos na ang pangalan ay Jehova. Siya ang Diyos nina
Abraham, Moises, at Jesus. Sumusunod sila sa mga turo at halimbawa ni Jesu-Kristo at
pinararangalan siya bilang Tagapagligtas at bilang Anak ng Diyos.Ang kaharian ng diyos ay
pinaniniwalaang ito ay gobyerno sa langit. Naniniwala din sila na ang mga taong patay ay hindi
na umiiral.Hindi sila sumasamba sa krus o mga imahen.

Maikling Pagsasanay:

A. Sabihin kung Tama o Mali ang mga pangungusap:

1. Magkakatulad ang mga relihiyon ng mga Pilipino.

2. Sumisimba ang mag-anak na Katoliko tuwing Linggo.

3. Nagtutungo sa mosque ang mga Muslim upang sumamba.

4. Biyernes ang araw ng pagsimba ng mga Sabadista.

5. Dapat igalang ang paraan ng pagsamba ng kapwa.

B. May malaki bang pagkakaiba ang iyong relihiyon sa iba? Anu-ano ang mga ito? 1-5

You might also like