You are on page 1of 4

1. I.

Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo

Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa


pagtuturo ng Filipino na ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.


2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.
3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.
4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.
5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.
6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.
7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.
8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.
9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.
10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

1. II. Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika

 EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang


Filipino sa pagsapit ng taong 2000.

1. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng


pagtuturo para sa lahat ng asignatura.
2. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at
patuloy na ituturo bilang hiwalay na subject hanggang sa ikaapat na taon
ng haiskul.
3. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na
magiging wika ng pagtuturo para sa lahat ng subject maliban sa Ingles,
hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.
4. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.
5. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng
higit na mataas na larangan, dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika
ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.
6. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga
wika ay ituturo sa pamamagitan ng Filipino.

Ang Tradisyunal at Makabagong Paraan ng Pagtuturo

Sa buhay ng isang mag-aaral at para na rin sa isang guro, importante na


may partikular na estilo ang pamamaraan ng pagtuturo o ang
pagkatuto. Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagkatuto ang pag-gamit ng
mabubuting pamamaraan ng pagtuturo. Nakasalalay sa mabuting paraan ng
pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral.
Gayunpaman, nasa guro pa rin ang pagpapasya sa pamamaraang kanyang
gagamitin na alam niyang magiging angkop sa bunga ng pagkatuto na nais
niyang makamtan ng kanyang mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop
sa kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at
asignaturang kanyang itinuturo. Maraming pagbabago ang nangyayari sa
larangan ng edukasyon maging ang mga pamamaraan at estratehiya ng
pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa
kasalukuyang panahon ng teknolohiya at agham.
Maaari nating sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon
ang paraan ng pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang
salik ang maaring maging hadlang para sa matagumpay na pagkatuto ng bata
ay lubos pa ring mas nakakaapekto ang paraan kung paano nailahad o
ilalahad ng kanyang guro ang mga leksyon sa kanya ayon sa napiling estilo
nito. Dahil na din sa pag-usbong ng mga makabagong gamit at kasabay na
patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay nagkaroon tayo ng dalawang paraan
ng pagtuturo- ito ay ang tradisyunal at ang makabagong paraan ng pagtuturo.
Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay ang ating nakagisnan at
nakalakihan. Ayon kay Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan ng
pagtuturo ay nakapokus sa guro bilang isang taga-kontrol sa kapaligiran ng
mga mag-aaral. Nasa guro ang responsibilidad at sa kanya ang mga paraan at
estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mga eestudyante. Sa
ganitong sitwasyon, mas malaki ang posibilidad na maipakita at mahasa ang
mga natatagong angking galling o talent ng mga estudyante sapagkat
nasu-subaybayan sila ng tama ng kanilang guro.May ilan na nagsasabi na ang
paraan ng pagtuturong ito ay isang “spoon feeding of knowledge”. Nakapaloob
dito ang paggamit ng mga iba’t ibang makakapal o maninipis na libro bilang
batayan para sa pag-aaral at maging sa pagtuturo. Mga samu’t saring libro na
pinagkukunan ng mga impormasyon ng mga guro para maibahagi sa kanyang
mga estudyante. Kasama rito ang mano- manong pagsusulat sa pisara ng
mga guro ng kanilang tatalakayin. Ang paggamit ng mga makukulay at
malilikhaing visual aids ang kanilang sandata. Dito nagaganap ang normal na
ayos sa isang silid aralan, kung saan ang guro ang nagsasalita sa unahan at
ang mga estudyante ang nakikinig sa kani-kanyang mga upuan.
Gamit ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay natuturuan ng guro ang
kanyang mga estudyantehinid lamang sa larangan ng akademiko ay gayun na
din sa tamang pag-uugali. Sapagkat hindi lamang akademiko ang target na
dapat makuha ng mga estudyante kundi nakapokus din ito sa tamang
pag-uugali ng mga mag-aaral. Dahil dito mas napapalawak ang
komunikataibong kakayahan ng mga mag-aaral. Gayunpaman, maaring sa
paraang ito ng pagtuturo ay nasusubaybayan ng guro ang kanyang mga
estudyante ngunit may problema ring kakalakip ang tradisyunal na paraan ng
pagtuturo, sapagkat may pagkakataon na hindi na napapalawak ng guro ang
kanyang mga talakayan dahil nakabase lamang ito sa nakalimbag na libro.
Kung minsan ay nagkakaroon din ng magbabahagi ng maling impormasyon
dahil hindi ganun ka-ayos at wasto ang teksbuk na basehan sa pagtuturo ng
isang guro.
Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay
ang mga paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na
umuusbong sa ating panahon ngayon. Ito ay nag-uugat sa iba’t ibang
pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na iabng iba sa tradisyunal
na paraan. Kadalasa’y nagkakaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal, at
akademikong kasanayan ang mga mag-aaral.
Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapokus sa kung papaano tutuklasin
ng mag-aaral ang kanyang kakayahan o angking galing na nakasubaybay
lamang ang kanyang guro sa kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon ng isang
malaking pagbabago ang nagaganap sa dimensyon ng pagtuturo. Dahi na din
sa nasa makabagong panahon na tayo,, naniniwala ang mga eksperto na ang
mga mag-aaral sa panahon ngayon ay hindi na mababansagan na na
mabagal o mahina sa pagkatuto. Ayon kay Kornhaber (2004), naiisakatuparan
ng Multiple Intelligence ni Dr. Howard Garnier sa paraan ng pagtuturo sa mga
mag-aaral na magpahalaga at magtamo ng kaparaanan para s
apagpapahayag ng kanilang mga saloobin, kuro-kuro at damdamin ganun na
din sa mga ideyang mayroon sila base sa kanilang mga nalalaman na
naitulong ng teknolohiya.
Lipas na ang panahon ng pagtuturo ng nakabatay sa mga teksbuk lamang.
Ngayon ang simula ng pagtuturo ng mga guro ng ayon sa kaalaman nila na
angkop sa makabagong panahong kanilang ginagalawan. Mula kay Vygotsky
(1987), ang mga mag-aaral na handang humarap sa hamon ng edukasyon ay
lumalaking nagagamit ang kayang mga natutunan at nakakadagdag ito sa
atas ng pagpapahalaga niya sa sarili kung sya mismo ang tutuklas ng paraang
ito para sa sarili niya.
Dahil na din sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon natin ay naiimbento
na ang iba’t ibang mga gamit na makakatulong na maging basehan sa mas
magandang kalidad ng edukasyon hindi lang para sa bansa gayon na rin para
sa buong mundo. Mayroon na tayong mga personal computers, laptop, tablet
iba’t ibang klase ng mga cellular phones, projector, at madami pang iba na
tunay na nakakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral.Hindi na uso ang
pagsusulat sa pisara o paggamit ng makukulay at may samu’t saring pakulo sa
mga visual aids, dahil nandyan na ang projector at ang laptop na maaring
gamitin upang magpakita ng presentasyon o mga video para mas maunawaan
at maintindihan ng mga estudyante ang mga leksyon nila. Hindi na din
kailangan magkaroon ng napakadaming libro ng mga guro bilang basehan sa
kanilang pagtuturo dahil sa tulong lamang ng mga computer at ng internet
connection madali na silang makakapag saliksik sa internet ukol sa leksyon
nila.
Kahit wala na sa tipikal na isang silid aralan ay maari pa rin na magkaroon
ng interaksyon sa pagitan ng mga guro at estudyante dahil maaari pa din
naman makakuha ng impormasyon ang mga estudyante sa tulong lamang ng
internet connection. Maaaring balikan ng mga estudyante ang mga leksyon
nilang hindi nila lubos maintindihan. Maaari din sialng makapagbahagi sa iba
ng mga natutunan nila mula sa kanilang mga guro sa tulong ng mga social
networking sites. Sa parte naman ng mga guro, upang hindi maging boring
ang isang talakayan maaari siyang gumamit ng iba’t ibang pakulo sa mga
social networking sites para magkaroon ng isang msayang pagpapalitan ng
mga ideya sa pagitan niya at ng mga mag-aaral.
Napapaloob sa makabagong siyensa ang mga kaalaman at karanasang
di-maibibigay ng tradisyunal na pagtuturo. Kung tutuusin ay mas
makakalamang ang makabagong paraan ng pagtuturo sapagkat ang
nilalaman nito ay makatotohanan at mas kaugnay sa realidad na nangyayari
sa buhay. Sabi nga mula sa isang pag-aaral, ang paraan ng pagtuturo ay
parang isang libro, ang tradisyunal na pagtuturo ang unang rebisyon atang
makabagong paraan naman ay ang pinakabagong rebisyon sa proseso ng
pagkatuto ng mag-aaral.
Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang
mahalaga ay ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa
kaparaanan nila ay mas higit sa gusto ng mga mag-aaral para sa kanilang
pag-aaral. Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto sa anumang mabisang
estratehiya na ginagamit ng guro. Badayos (2008)

You might also like