You are on page 1of 4

(Measles - Tagalog version)

Tigdas

Ahenteng nagdudulot

Ito ay idinudulot ng virus na tinatawag na virus ng Tigdas.

Mga klinikal na katangian

Ang tigdas ay isang karaniwang impeksiyon sa pagkabata bago ang pasimula


ng bakuna laban sa tigdas. Ang mga apektadong tao ay sa simula
magkakaroon ng lagnat, ubo, sipon, mapupulang mata at puting mantsa sa
loob ng bibig. Ito ay sinusundan ng 3 hanggang 7 araw kinalaunan ng
mapulang mantsa-mantsang pantal sa balat, na karaniwang kumakalat mula
sa mukha patungo sa natitirang bahagi ng katawan. Karaniwang tumatagal
ang pantal ng 4 - 7 araw, ngunit magpapatuloy ng hanggang 3 linggo na mag-
iiwan ng kayumangging pagmamarka at paminsan-minan pinong pagbabalat
ng balat. Sa mga malalang kaso, maaaring sumangkot ang baga, bituka at
utak at maaaring tumuloy sa mga seryosong kahihinatnan o kahit kamatayan.

Modo ng transmisyon

Maaari itong ilipat sa hangin sa pamamagitan ng pagkalat ng tilamsik ng


laway o sa pamamagitan ng direktang pagkontak sa mga sekresyon mula sa
ilong o lalamunan ng mga taong may impeksiyon, at hindi karaniwan, sa
pamamagitan ng mga damit na nabahiran ng mga sekresyong galing sa ilong
o lalamunan. Ang tigdas ay isa sa pinakanakakahawang sakit. Maaaring ipasa
ng pasyente ang sakit sa ibang mga tao mula 4 araw bago hanggang 4 araw
pagkatapos ng paglitaw ng pantal.

Yugto ng inkubasyon

Kadalasang sumasaklaw ito mula 7 - 18 araw, ngunit maaaring umabot


hanggang 21 araw.

Pangangasiwa

Dapat iwasan ng mga apektadong tao ang pakikipagkontak sa mga taong


walang resistensiya sa sakit, lalo na ang mga may huminang resistensiya,
buntis na kababaihan at sanggol. Bagaman walang espesipikong panggamot,
maaaring ireseta ang mga gamot para bawasan ang mga sintomas at
antibiotiko ay maaaring gamitin para gamutin ang mga komplikasyon na dulot
ng bacteria.

Pag-iwas

1. Panatilihin ang mabuting personal na kalinisan sa katawan

• Madalas na maghugas ng kamay lalo na bago hawakan ang bibig,


ilong o mga mata, pagkatapos na hawakan ang mga pampublikong
instalasyon tulad ng mga barendilyas o knob ng pintuan o kapag
ang mga kamay ay nakontamina ng sekresyong galing sa daanan
ng hininga pagkatapos umubo o bumahing. Hugasan ang mga
kamay ng sabon at tubig kahit na 20 segundo, pagkatapos tuyuin ng
maitatapong papel na tuwalya o hand dryer. Kapag hindi marumi sa
paningin ang mga kamay, linisan sila gamit ang handrub na may 70
- 80% na alkohol bilang epektibong alternatibo.

• Takpan ang bibig at ilong ng tisyu kapag bumabahing o umuubo.


Itapon ang mga maruruming tisyu sa basurahan na may takip,
pagkatapos hugasang maigi ang mga kamay.

• Kapag may mga sintomas sa paghinga, magsuot ng surgical mask,


huminto sa trabaho o huwag pumasok sa paaralan at kaagad na
humingi ng medikal na payo.

• Ang mga bata na may tigdas ay dapat manatili sa tahanan; huwag


pumasok sa mga Paaralan/ Kindergarten/ mga Kindergarten na may
Sentro ng Pangangalaga sa Bata/ mag Sentro ng Pangangalaga sa
Bata hanggang 4 araw mula sa paglitaw ng pantal para maiwasan
ang pagkalat ng impeksiyon sa mga taong walang resistensiya sa
sakit sa paaralan.

2. Panatilihin ang mabuting kalinisan sa kapaligiran

• Regular na linisin at disinpektahan ang mga madalas na hawakang


ibabaw tulad ng mga gamit sa bahay, laruan at karaniwang
pinagsasaluhang gamit ng 1:99 pangkula sa bahay na hinaluan ng
tubig (hinahalo ang 1 bahagi ng 5.25% pangkula ng 99 bahagi ng
tubig), iwan sa loob ng 15 – 30 minuto, at pagkatapos banlawan ng
tubig at panatilihing tuyo. Para sa metalikong ibabaw, disinpektahan
ng 70% alkohol.
• Gumamit ng mga tuwalya na nakasipsip at naitatapon para punasan
ang mga halatang nakakahawa tulad ng mga sekresyon na galing
sa hininga, at pagkatapos disinpektahan ang ibabaw at mga kalapit
na lugar gamit ang 1:49 hinaluan ng pangkula sa bahay (hinahalo
ang 1 bahagi ng 5.25% pangkula ng 49 bahagi ng tubig), iwan sa
loob ng 15 – 30 minuto at pagkatapos banlawan ng tubig at
panatilihing tuyo. Para sa metalikong ibabaw, disinpektahan ng 70%
alkohol.

• Panatilihin ang mahusay na panloob na bentilasyon. Iwasan ang


pagpunta sa mga pampublikong lugar na matao o mahina ang
bentilasyon; ang mga indibidwal na may mataas na panganib ay
maaaring isaalang-alang ang pagsusuot ng mga surgical mask
habang nasa mga lugar na gayon.

3. Pagbabakuna

• Ang bakuna laban sa tigdas ay ang pinakaepektibong hakbangin sa


pag-iwas. Sa ilalim ng Programa sa Pagbabakuna sa Pagkabata ng
Hong Kong, ang mga bata ay binibigyan ng mga bakuna laban sa
Tigdas, Beke at Rubella (MMR) sa 1 taong edad at sa Primarya 1.
(Mangyaring sumangguni sa Hong Kong Childhood Immunisation
Programme).

• Ang iba’t ibang lugar ay bubuo ng iba’t ibang programa sa


pagbabakuna sang-ayon sa kanilang mga epidemiolohikal na
pinanggagalingan. Dapat isaayos ng mga magulang na ang
kanilang mga anak na tumanggap ng mga bakuna ayon sa lokal na
programa ng pagbabakuna ng kanilang lugar na tinitirhan.
Halimbawa, ang mga bata na wala pang isa na madalas na
nagbibiyahe sa o nananatili sa Mainland ay dapat sundin ang
iskedyul sa tigdas ng Mainland na ang unang dosis ng bakuna na
naglalaman ng tigdas ay itinuturok sa 8 buwang edad, na
sinusundan ng isa pang dosis na itinuturok sa 18 buwan.

• Ang lahat ng mga dayuhang kasambahay (FDH) na walang


resistensiya* sa tigdas ay dapat tumanggap ng bakuna sa MMR,
mas mabuti bago sila dumating sa Hong Kong. Kung hindi ito
posible, maaari silang kumonsulta ng isang doktor pagkatapos
nilang dumating sa Hong Kong. Maaaring isaalang-alang ng mga
ahensiya sa trabaho ang pagdaragdag ng pagtatasa ng katayuan ng
resistensiya laban sa tigdas o pagbabakuna sa MMR para sa FDH
bilang mga karagdagang bagay sa pakete ng medikal na pagsusuri
bago ang pagpasok sa trabaho.

*Sa pangkalahatan, ang mga tao ay maaaring ituring na walang


resistensiya sa tigdas kung (i) wala silang impeksiyon ng tigdas na
kinumpirma dati ng pagsusuri sa laboratoryo, at (ii) hindi pa sila ganap
na nabakunahan laban sa tigdas o hindi alam ang kanilang katayuan
sa bakuna.

17 Mayo 2018
17 May 2018

You might also like