You are on page 1of 2

MEMO FOR : SKP

FROM : LEGIS-JVQ
RE : PR for P3 Act
DATE : January 14, 2019

Koko Isinusulong sa Senado ang Pagsugpo


sa Kalakaran ng 5-6

Ang Pangulong Rodrigo Duterte ay nagbabala ukol sa mga tao or


grupong kasalukuyang kasangkot sa “5-6”. Hinikayat nya na sugpuin ang
ganitong kalakaran at ito’y tuluyang puksain upang matigil ang patuloy
na pagpapahirap sa mga Pilipino.

Sumasangayon dito si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III,


Chairperson ng Senate Committee on Trade, Commerce and
Entrepreneurship. Sa katunayan kasulukuyang nyang isinusulong sa
Senado ang solusyon sa problemang ito, ang Pondo sa Pagbabago at Pag-
Asensenso o P3 Act.

Ani nya “Yung 5-6 money lenders, charge at least 20% monthly
interest, much higher than the rates of banks and other credit institutions.
Pero kinakagat sila ng mga maliliit na negosyante kasi wala o konti ang
requirements dito. Ang P3 ay mura at madaling pautang sa maliliit na
negosyante. Pang kontra ito sa 5-6.”

Paliwanag pa ni Senator Koko, humigit kumulang na 89% ng mga


nag-nenegosyo ay micro-enterprises o mga negosyong may maliliit na
kapital. Sila ang pinaka madalas na biktima ng ganitong kalakaran. Sa
pamamagitan ng P3 Act, ang mga kwalipikadong micro-enterprises ay
makakahiram ng pondo mula limang libong piso (PhP 5,000) hanggang
dalawang daang libong piso (Php 200,000) mula sa Small Business
Corporation (SBCorp) sa ilalim ng Department of Trade and Industry
(DTI). Sa ilalim ng iminumungkahing batas, hindi kailangan ng
panggarantiya (collateral) para maka-hiram ng pondo at ang interest nito
ay hindi hihigit sa 2.5% kada buwan.

1
Pinaniniwalaang ito ang tunay na makakatulong sa pag-ahon ng
mamayang Pilipino sa kahirapan at sa tuluyang pag-sugpo sa kalakaran
ng mga grupong kasangkot sa 5-6.

You might also like