You are on page 1of 7

BIDASARI

Ang kaharian ng Kembayat, isang matiwasay, maganda at mapayapang kaharian ay nililigalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga
pananim at maging sa buuhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Ito ay nakakatakot , may malaking pakpak na itim at may matatalas na mag ngipin. Kapag
dumarating ang garuda, (sounds effect) mabilis na natatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib (sigawan habang tumatakbo).
SULTAN:magslikas kayong lahat at magtago !!!
Takot na takot ang mga tao sa Ibobg Garuda.
SULTAN:wag kang lalayo sa akin (nakatingin kay sultana)
SULTANA:oo! Hindi ako lalayo (nakatingin kay sultan)
SULTAN:masayadong delikado, tayo na (pagtakbo )
SULTANA:natatakot ako! (takot at napahinto sa pag takbo)
SULTAN:wag kang matakot at nandito ako.
SULTANA:baka may mangyare sa anak naten
SULTAN:walang mangyayare, magtiwala ka.
SULTANA:naniniwala ako sayo aking mahal.
Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay ang sultan at ang sul;tana ng kembayat
SULTAN:nasaan ka na aking mahal?
SULTANA:mahal ko, mahal ko nasan ka?
(patuloy sa pag takbo at pagtago)
Ang sultan ng kembayat ay nagdadalang tao sa mga oras na iyon
SULTANA:paano na ako? At ang anak ko? (takot na takot)
Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa tabi ng ilog.
SULTANA:anong gagawin ko? (takot nhabang hawak ang sanggol)
Dahil sa malaking takot at pagkalito , naiwan niya ang sanggol sa babae sa tabi ng ilog.(sound effect)
May nakapulot naman sa sanggol! Siya ay si Diyuhara, isang mabuti at mabait na mangangalakal mula sa kabilang kaharian na di kalayuan sa kaharian ng kembayat
DIYUHARA:kawawa namn ang sanggol sa ito:nag-iisa at iniwan lamang :iuuwi kita sa bahay at aking aalagaan
Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol ang masayang Masaya. Itinuring niya itong parang tunay na anak at inalagaan at inaruga. Pinangalanan niya itong
“BIDASARI”
DIYUHARI:mula ngaun, ang pangalan mo ay bidasari.
Mabait at matulunging bata si bidasari, matalino din siya. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda, maligaya siya sa piling ng kanyang nakilalang mga magulang.
BIDASARI:masayang Masaya pa ako pag magkasama tayo (masayang Masaya)
DIYUHARI:ako din anak. (masayang Masaya)
Sa magandang kahariaan Indrapura, ang sultang monginara ay dalawang taoon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapagnigbuhin si lila Sari. Masungit at ayaw maaagaw ng iba
ang sultan.
LILA SARI:natatakot ako, panu pag may nakita ang sultan na mas maganda sa akin at siya ibigan?hindi ako makakapatag!
Kaya lage niyang itinatanung sa sultan
LILA SARI:mahal mo ba ako?
Na sasagutin naman ng sultan
SULTAN:mahal na mahal ka sa akin.
Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan.
LILA SARI:hindi ako kuntento, Hindi oa rin ako Masaya
Kanyang itinatanung na minsan sa sultan.
LILA SARI:hindi mo ako malimutan pag may nakita kang higit na maganda kaysa sa akin.
SULTAN:kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.
Nag-aalala ang sultana at baka may mas maganda pa sa kanya at baka ito ay Makita ng sultan.
LILA SARI: paano kung may Makita ang sultan na mas maganda pa sa akin?
Nag-aalala ako.
Kayay karakarang inutusan niya ang matapat niyang mga kaibigan na saliksihin ng kaharian upang malaman kung may babaeng mas maganda pa sa sultana.
LILA SARI:saliksikin nyo ang buong kaharian, at hanapin nyo kung sino ang babaeng mas maganda sa akin.
MALANDAY:oo naman, ikaw pa, maaasahan mo kami.
Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari na higit na maganda sa kanilang sultana.
MALANDAY:ang ganda nya diba?
BERBANYA:oo, at mas maganda siya sa sultana.
MALANDAY:siya ang hinanap natin.
BERBANYA:oo nga, tayong magmadali at sabihin sa sultana

MALANDAY:tayo na at magmadali !!
Agad silang nagmadali at sinabi kay sultana ang nasaksihan.
LILA SARI:Anong balita ? may nahanap kayo ? sigurado akong wala !.
MALANDAY:Ahmm… Lila Sari may nahanap na kami
LILA SARI:ano ! sino siya? San siya matatagpuan?
BERBANYA:bidasari ata ang ngalan niya.
LILA SARI:anyayahan nyo sya sa palasyo ko!! Ngayon din !!
MALANDAY AT BERBANYA:oo, masusunod ang gusto Lila Sari .
Dali-daling hinanap ng mga tauhan ng sultana si Bidasari at inanyayahan ng sultana nag awing dama niya.
MALANDAY:mawalang galang na po.
BIDASARI:anung kailangan nyo.
MALANMDAY:inaan yayahan po kau ng sultana bsa palasypo, at gagaweing kang daan niya.
BIDASARI:ah.. cige dadalo ako sa palasyo.
Ngunit pagsapit doon sa palsyo lihim bsa ikinulong at doon pinarusahan.
BIDASARI:hindi na ako makatiis cito. BIDASARI:”sultana, ku8nin mu ang isda sa halamnb ng aking ama
Kapag varaw itoy ipinang kukuwintas kay Lila Sari....
Bidasari
(Epikong Mindanao)
Ang mga Tauhan sa Bidasari (Epikong Mindanao)

Bidasari- isang magandang dalaga at nagpa ibig kay Sultan Mongindra.

Sultan Mongindra- ang Sultan ng Indrapura. Ang napangasawa ni Bidasari.

Garuda- isang dambuhalang ibon na mapaminsala. ito ay kumakain ng tao kung kaya lahat ay takot na takot dito.

Sultan at Sultana ng Kembayat- Ang mga magulang ni Bidasari.

Diyuhara- isang mangangalakal mula sa kaharian ng Indrapura.

Ang kumupkop at nagpalaki ka Bidasari.

Lila Sari- ang mapanibughuing Sultana ng kaharian ng Indrapura.

Sinapati- ang kapatid ni Bidasari.

Anak ni Diyuhara- ang nagsama kay Sinapati upang makita nito ang nawawalang kapatid na si Bidasari.

Mga tauhan ng Sultanang si Lila Sari- ang kanyang inutusan upang hanapin ang babaeng higit ang ganda sa kanya.
Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito'y pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay
ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mga yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka't
ito'y kumakain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay
naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring
niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang
magulang.

Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang
babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya'y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng : mahal na mahal ka sa akin. Hindi pa rin
nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa
akin? Ang naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat. Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang
maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya't karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman kung may
babaeng higit na maganda sa sultana.

Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay higit na maganda kaysa kay Lila Sari.
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang
silid at doon pinarurusahan.

Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito'y ipinakukuwintas
kay Lila Sari at sa gabi'y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayag si Lila Sari. Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.

Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya't si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa
gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.

Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito'y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto. Pinasok niya ang
mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap
si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi. Kinagabihan nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si
Bidasari ang mga ginawa ni Lila Sari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.

Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang
supling. Ito'y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

Si Sinapati ay kamukhang-kamukha si Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni
Sinipati sa mga magulang kung wala siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura. Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay
kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman
ng sultan ng Indrapura na ang kanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

You might also like