You are on page 1of 280

7

Panitikang
Rehiyonal
Kagamitan ng Mag-aaral

Ang Modyul na ito ay magkatuwang na inihanda ng mga


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at /
o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi
sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Panitikang Rehiyonal – Ikapitong Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2017
Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot
sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at
yaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa
Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung
ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga
may-akda.
Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email
sa filcols@gmail.com ang mga may-akda at tagapaglathala.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Mga Bumuo ng Modyul para sa Kagamitan ng Mag-aaral

Mga Konsultant: Magdalena O. Jocson at Marina Gonzaga-Merida


Language Editor: Florentina S. Gorrospe,PhD
Mga Manunulat: Marilyn S. Api-it, Ma. Teresa P. Barcelo, Asuncion B. Bola,
Christopher G. Francisco, Nemia G. Gajo, Ernesto U. Natividad
Jr., Geraldine V. Nones, Kent Mike S.A. San Juan, Jocelyn C.
Trinidad, at Bennedick T. Viola
Mga Taga-rebyu: Edwin F. Albay, Crysalyn A. Cruzado, Nina S. Magalong,
Azucena E. Tiotangco at Roy D. Tribunalo
Mga Ispesyalista sa Elizabeth G. Catao, Evangeline C.Calinisan, Cristina S. Chioco,
Asignatura: at Ana Sol B. Reyes
Tagaguhit: Rodelito Facum Jr.
Tagalapat: Reyangie V. Sandoval
Mga Tagapangasiwa: Jocelyn DR Andaya, Isabel A. Victorino, at Roseta Comiso
Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________________________
Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)
Office Address: Ground Floor, Boniofacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (02) 634-1054; 634-1072; 631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph; blr.lrpd@deped.gov.ph

ii
Paunang Salita
Ang Pilipinas ay mayaman sa panitikan bago pa man dumating ang mga
mananakop sa ating bansa. Mayroon na tayong sariling kalinangang minana sa ating
mga ninuno na hanggang sa kasalukuyan ay nagsisilbing tanda ng ating
pagkakakilanlan. Ito ang nagiging tagapag-ugnay sa atin sa kultura ng iba’t ibang
rehiyon sa ating bansa.

Kung susuriin, ang Panitikang Panrehiyonal sa kabila ng napakaraming


impluwensiya ng ibang bansa ay masasabing natatangi pa rin ang ating panitikan
sapagkat laging makikita ang pagpapahalaga sa saloobin, paniniwala at pag-uugali
ng Pilipino mula sa kaniyang pag-iisip,pagsasalita at paggawa. Naipamamalas dito
ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan mula sa iba’t ibang
rehiyon sa Luzon, Visayas at Mindanao na lalong nagpapatibay ng ating pagtangkilik
sa sariling panitikan.

Ang Kagamitan ng Mag-aaral para sa Filipino sa Baitang 7 ay binuo upang


higit mong makita ang makulay at kapana-panabik na panitikan ng ating bansa.
Makapagbibigay ito ng malinaw na pag-unawa sa kayamanang taglay ng panitikan.
Ito rin ang magsisilbing durungawang maghahatid sa iyong kamalayan upang
mapagtuunan mo ng pansin ang malayang pagtuklas at pagpapakita ng sariling
kakayahan sa mga pasalita at pasulat na pagpapahayag. Gagabayan ka ng Modyul
na ito sa iyong pagtuklas sa yamang taglay ng sariling panitikan.

iii
TALAAN NG NILALAMAN
PAHINA
MODYUL 1 – Mga Akdang Pampanitikan:
1
Salamin ng Mindanao
Panimula 2
Panimulang Pagtataya 4

Aralin 1.1 Panitikan: Nakalbo ang Datu


(Kuwentong Bayan ng Maranao)
Gramatika: Mga Pahayag at Salita na Nagbibigay- 12
Patunay

Aralin 1.2 Panitikan: Ang Aso at Ang Leon


(Pabula ng Maranao)
23
Gramatika: Mga Ekspresiyong Nagpapahayag
ng Posibilidad
Aralin 1.3 Panitikan: Prinsipe Bantugan
(Epiko ng Maranao)
Gramatika: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagtukoy
Ng Sanhi at Bunga ng Pangyayari 34
sa Pagpapasiya
Aralin 1.4 Panitikan: Reynang Matapat
(Maikling Kuwento mula sa Cotabato)
46
Gramatika: Mga Retorikal na Pang-ugnay
Aralin 1.5 Panitikan: Datu Matu
(Dulang mula sa Sulu at Lanao)
56
Gramatika: Mga Pangungusap na Walang Paksa
Aralin 1.6 Pangwakas na Gawain:
Paggawa ng Proyektong Panturismo 69

iv
MODYUL 2 – Panitikang Visayas:
Repleksiyon ng Buhay at Kultura ng
72
Kabisayaan
Panimula 73
Panimulang Pagtataya 76
Aralin 2.1 Panitikan: Mga Awiting-bayan at Bulong
Gramatika: Antas ng Wika Batay sa Pormalidad 86

Aralin 2.2 Panitikan: Alamat ng Bundok Kanlaon


ng Negros Occidental 102
Gramatika: Mga Pahayag sa Paghahambing

Aralin 2.3 Panitikan: Patria Amanda (1916)


(Dula mula sa Cebu) 119
Gramatika Mga Pang-ugnay na Ginagamit
sa Panghihikayat

Aralin 2.4 Panitikan: Labaw Donggon


(Epiko mula sa Iloilo) 145
Gramatika: Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

Aralin 2.5 Panitikan: Ang Habilin ng Ina


(Maikling Kuwento mula sa Iloilo) 162
Gramatika: Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod
ng mga Pangyayari

Aralin 2.6 Pangwakas na Gawain:


Pagtatanghal ng Orihinal na Awiting-bayan Gamit ang 175
Wika ng Kabataan

v
179
MODYUL 3 – Panitikan ng Luzon:
Larawan ng Pagkakakilanlan
Panimula 180
Panimulang Pagtataya 182
Aralin 3.1 Panitikan: Tulang Panudyo at Tugmang de Gulong
Gramatika: Ponemang Suprasegmental 192

Aralin 3.2 Panitikan: Bulong at Awiting-bayan ng Luzon


Gramatika: Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag 204
ng Emosyon o Damdamin

Aralin 3.3 Panitikan: Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan


(Mito mula sa Pampanga) 217
Gramatika: Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna at
Wakas

Aralin 3.4 Panitikan: Nang Maging Mendiola Ko ang Internet


Dahil Kay Mama
233
(Sanaysay mula sa Maynila)
Gramatika: Pahayag na Ginagamit sa Paghihinuha ng
mga Pangyayari

Aralin 3.5 Panitikan: Sandaang Damit


(Maikling Kuwento mula sa Bulacan) 248
Gramatika: Mga Panandang Anaporik at Kataporik ng
Pangngalan

Aralin 3.6 Pangwakas na Gawain:


Pagtatanghal ng Komprehensibong Pagbabalita 261
(Radio Broadcasting)

vi
MODYUL 1
Mga Akdang Pampanitikan:
SALAMIN NG MINDANAO
I.PANIMULA PARA SA MODYUL 1

Ang Mindanao ay pangalawang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Ito ay


matatagpuan sa katimugang bahagi ng kapuluan. Mayroon itong limang malalaking
peninsula at limang malalaking mountanin ranges. Maraming mineral na matatagpuan
dito tulad ng iron, nickel, copper, silver, gold, coal at limestone. Isa rin ang Mindanao
sa pangunahing pinagmumulan ng iba’t ibang produktong agrikultura ng Pilipinas. Ilan
sa mga ito ay durian, mangosteen, suha, saging, pinya, mais, kape, kopra, cacao at
abaka. Mayaman din sa iba’t ibang klase ng isda at corals ang mga dagat, ilog at bukal
na nakapaligid sa isla ng Mindanao.

Ang naninirahan sa Mindanao ay binubuo ng 13 pangkat ng Moro, 21 pangkat


ng Lumad at ang ikatlo at ikaapat na pangkat ay binubuo ng mga mandarayuhan mula
sa Luzon at Visayas.

Bago nabuo ang ARMM, ang Mindanao ay nahahati sa apat na rehiyon. Ito ay
ang Rehiyon IX ( Kanlurang Mindanao) na kinabibilangan ng Sulu,Basilan at Tawi-
Tawi sa unang sub-rehiyon. Sa ikalawang sub-rehiyon naman ay nabibilang ang
Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte. Sa Rehiyon X (Hilagang Mindanao), ang
mga kabilang dito ay ang Misamis Occidental, Misamis Oriental, Agusan del Norte,
Agusan del Sur, Bukidnon at Surigao del Norte. Sa Rehiyon XI, kabilang dito ang
Surigao del Sur, Davao del Norte, Davao del Sur at South Cotabato. Sa Rehiyon 12
(Gitnang Mindanao) kabilang dito ang North Cotabato, Maguindanao, Sultan Kudarat,
Lanao del Norte at Lanao del Sur.

Sa Modyul 1, mababasa ang ilang akdang pampanitikan ng Mindanao tulad


ng kuwentong-bayan, pabula, epiko, maikling kuwento at dula. Gayundin, lilinangin
ang mga aralin tungkol sa iba’t ibang gramatika tulad ng Mga Pahayag at Salita na
Nagbibigay-Patunay, Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Posibilidad, Mga Salitang
Ginagamitan sa Pagtukoy ng Sanhi at Bunga ng Pangyayari sa Pagpapasiya , Mga
Retorika na Pang-ugnay at Mga Pangungusap na Walang Paksa. Ang mga aralin sa
Modyul na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mag-aaral na maunawaan ang
kasaysayan, at kulturang kakikitaan ng pag-uugali at pamumuhay ng mga taga-
Mindanao sa tulong ng pag-aaral ng kanilang panitikan.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ng mag-aaral ang kaniyang pag-


unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Mindanao, sa tulong ng
mga angkop na gramatika at retorika upang makibahagi sa pagbuo ng proyektong
panturismo tulad ng pagbuo ng flyer na magpapakilala ng isa sa mga lugar sa
Mindanao. Mamarkahan ito batay sa sumusunod na pamantayan: a) pagpapakilala ng

2
magagandang kultura ng mga taga-Mindanao, b) pagkamasining ng flyer / may
orihinalidad, c) kaangkupan ng layunin, d) pagkamakatotohanan.
Sa pagtalakay ng mga aralin, gagabayan ang mag-aaral na masagot ang mga
pokus na tanong na:
1) Masasalamin ba sa panitikan ng mga taga-Mindanao ang kanilang
kultura? Ipaliwanag.
2) Paano nakatutulong ang tamang paggamit ng gramatika at retorika
upang maunawaan at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan at
kultura ng Mindanao?
GRAPIKONG PRESENTASYON NG MODYUL
Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao

Aralin 1.1
Panitikan: Nakalbo ang Datu
(Kuwentong-bayan ng Maranao)
Gramatika: Mga Pahayag at Salita na Nagbibigay-Patunay

Aralin 1.2
Panitikan: Ang Aso at Ang Leon
(Pabula ng Maranao)
Gramatika: Mga Ekspresiyong Nagpapahayag ng Posibilidad

Aralin 1.3
Panitikan: Prinsipe Bantugan
(Epiko ng Maranao)
Gramatika: Mga Pang-ugnayna Ginagamit sa Pagtukoy ng
Sanhi at Bunga ng Pangyayari sa Pagpapasiya

Aralin 1.4
Panitikan: Reynang Matapat
(Maikling Kuwento ng Cotabato)
Gramatika: Mga Retorikal na Pang-ugnay

Aralin 1.5
Panitikan: Datu Matu
(Dula mula sa Sulu at Lanao)
Gramatika: Mga Pangungusap na Walang Paksa

Aralin 1.6
PANGWAKAS NA GAWAIN:
Paggawa ng Proyektong Panturismo

3
II. PANIMULANG PAGTATAYA
PARA SA MODYUL 1
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin at isulat sa
sagutang papel ang letra ng tamang sagot .
1. Ano ang kahulugan ng dugong-bughaw?
A. mayaman C. may kaya sa buhay
B. nakaririwasa D. maharlika

2. “Sa unang putok pa lang ay tumimbuwang na ang kaniyang ina”.


Ano ang kahulugan ng salitang tumimbuwang?
A. tinamaan at namatay C. bumaligtad at lumagapak
B. nabuwal dahil sa putok D. natumbang patihaya

3. Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang


kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man,
mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na
Pagislam. Ano ang ibig sabihin ng PagIslam?
A. pagbibinyag ng Muslim
B. relihiyong itinaguyod ni Mohammed
C. ritwal na ginagawa sa bagong kasal
D. paghingi ng patnubay bago makidigma

4. Anong kulturang Muslim ang makikita sa PagIslam?


A. pag-uugali C. paniniwala
B. tradisyon D. pananampalataya

5. Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang matanda kapag


dinagdagan ng panlaping - in (matanda+in)
A. matalas ang memorya C. ulyanin
B. madaling makalimot D. mahirap makaalala

6. Mahigpit na ipinatupad ng reyna ang mga batas at ang sinumang lumabag dito
ay pinarurusahan. Ano ang ipinahihiwatig ng salitang sinalungguhitan?
A. mabagsik C. mapusok
B. malupit D. masungit

7. Namangha ang magulang ng dalaga kaya’t itinakda nila ang kasal ng dalawa.
Masaya ang naging buhay ng mag-asawa. Ano ang kahulugan ng salitang
sinalungguhitan?
A. nagulat C. nabighani
B. namatanda D. nabigla

4
Para sa tanong bilang 8-9

May sultan sa isang pulo na kilala hindi lamang sa pagiging dugong bughaw
niya, kundi dahil din sa kaniyang mga katangian. Siya si Sultan Gutang na
mayaman, matapang, magandang lalaki, at may matipunong pangangatawan.
8. Mula sa binasa, ano ang maaaring maging bunga o epekto sa tao ng mga
katangiang taglay ng sultan?
A. paggalang C. pagkatuwa
B. paghanga D. pagmamalaki

9. Alin sa sumusunod na akda ang hindi maituturing na kuwentong-bayan?


A. Si Juan Tamad at ang mga Palayok
B. Si Pilandok at ang Batingaw
C. Indarapatra at Sulayman
D. Kuwento ng Ulan at Araw

10. Lahat ay katangian ng pabula, maliban sa isa, alin ito?


A. kapupulutan ng aral
B. ang tauhan ay mga hayop
C. mga pangyayaring di makatotohanan
D. tungkol sa pinagmulan ng mga bagay

11. Alin sa sumusunod ang katangian ng isang pinuno?


A. magandang kumilos
B. may matipunong pangangatawan
C. mahusay mamuno at magdesisyon
D. mapagkawanggawa

12. Ano ang akdang pampanitikang may supernatural na katangian ang mga
tauhan?
A. sanaysay C. anekdota
B. epiko D. pabula

13. Ano ang tawag ngayon sa Kutang-Bato na nasa Mindanao?


A. Cotabato C. Catanduanes
B. Catanauan D. Corregidor

14. “Walang nawawalang bagay sa mga pumupunta sa Kutang-Bato.”


Ano ang ibig sabihin ng pahayag?
A. matapat ang mga nasasakupan sa kanilang reyna
B. mababait ang dumarayong mangangalakal
C. may takot ang lahat sa utos ng reyna
D. malinis ang pamumuhay ng mga taga-Kutang-Bato

5
Para sa tanong bilang 15-17

Ang Panliligaw at Pagpapakasal ni Lam-ang


Nakita ng binatang si Lam-ang ang kagandahan ni Ines Kanoyan kaya
napagpasiyahan niyang umakyat ng ligaw. Bagamat maraming nanliligaw sa
dalaga, nakaisip siya ng paraan para makuha ang pansin ni Ines. Humanga si
Ines sa ginawa ni Lam-ang. Tinanggap ng dalaga ang pag-ibig nito sa
kondisyong kailangang mahigitan niya o dili’y mapantayan man lamang ang
kayamanan nina Ines. Nang magbalik si Lam-ang sa bayan nina Ines, lulan siya
ng kaskong puno ng gintong lampas sa kayamanan ng dalaga. Namangha ang
magulang ng dalaga kaya’t itinakda nila ang kasal ng dalawa. Masaya ang
naging buhay ng mag-asawa.

15. Anong paniniwala at tradisyon ang isinaalang-alang ni Ines upang pagpasiyahan


ang damdamin para kay Lam-ang?
A. pagiging maparaan ng binatang manliligaw
B. pagdadala ng manok at aso sa panliligaw
C. pagkakaroon ng masayang buhay pagkatapos ng kasal
D. pagdadala ng kayamanang hihigit sa kayamanan ng pamilya ng babae

16. Anong katangian ni Ines ang kaagad na nakabihag sa puso ni Lam-ang?


A. mayaman C. maganda
B. matalino D. masipag

17. “Bagamat maraming nanliligaw kay Ines, nakaisip pa rin ng paraan si Lam-ang
upang manguna siya sa puso ng dalaga.” Anong katangian ni Lam-ang ang ibig
tukuyin sa pahayag?
A. tapat sa sinasabi C. maalalahanin
B. may determinasyon D. matapang

18. Anong akdang pampanitikan na ang karaniwang tauhan ay mga hayop na


nagsisikilos at nagsasalitang parang mga tao?
A. parabula C. dagli
B. pabula D. maikling kuwento

19. Sino ang tinaguriang Ama ng Pabula?


A. Herodotus C. Aesop
B. Socrates D. Aristotle

20. Ano ang nangingibabaw na katangian ng pangunahing tauhan sa epiko?


A. matapang
B. nakahihigit ang lakas sa karaniwang tao
C. bantog
D. may mabuting kalooban

6
21. Ano ang karaniwang wakas ng pabula?
A. nagbibigay-aral
B. nagtatanong
C. iniiwan sa mambabasa ang pagwawakas
D. nangangaral

22. “Bigyan mo pa ako ng kaunting panahon, babayaran kita.”


Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng tauhan sa pahayag?
A. panghahamon C. pagmamakaawa
B. panghihikayat D. pag-aalala

23. “Baka umulan nang malakas mamayang gabi.”


Ano ang ipinahahayag ng pangungusap?
A. pag-aalinlangan C. posibilidad
B. panghuhula D. pag-aalala

24. “Binata na ang iyong anak, lubos ka nang nasisiyahan ngunit ika’y nangangamba
sa panahong nagbabadya, panganib ay huwag dumalo sana.” Ano ang ibig
sabihin ng pahayag?
A. malayo sana sa panganib ang binata
B. may panganib sa binata
C. nagdadalawang-isip ang kausap
D. nagbababalang panganib sa nagsasaya

25. “Harinawa’y magtagumpay ka sa iyong mithiin.” Anong damdamin ang


isinasaad ng salitang may salungguhit?
A. takot C. pag-asa
B. saya D. galit

26. Pinatunayan ng binata ang kaniyang pag-ibig sa dalaga ________ nakuha niya
ang matamis na oo ng dalagang sinisinta. Anong pang-ugnay ang angkop na
ginamit sa pangungusap?
A. sapagkat C. upang
B. kaya D. dahil

27. Lahat ay dapat sumunod sa utos ng reyna __________ hindi ay maparurusahan


sila. Anong retorikal na pang-ugnay ang angkop na gamitin sa pangungusap?
A. baka C. kung
B. kapag D. sana

7
Para sa tanong bilang 28

1) Marahil ay
2) mabagsik ang matandang asong iyon at
3) marami nang napatay”
4) bulong niya sa sarili.

28. Alin sa mga salitang may salungguhit sa loob ng kahon ang nagpapahayag ng
posibilidad?
A. bilang 1 C. bilang 4
B. bilang 3 D. bilang 2
29. Anong uri ng pangungusap ang, “Aray!”
A. walang paksa
B. payak
C. tambalan
D. paturol
30. Aling pangungusap ang tama ang pagpapakahulugan sa nilalaman batay sa
ginamit na salitang may salungguhit?
A. Malalaki ang punong nakapaligid sa gusali.
B. Matataas ang punong nakapaligid sa gusali.
C. Matatayog ang punong nakapaligid sa gusali.
D. Matatangkad ang punong nakapaligid sa gusali.
31. “Isabuhay natin ang mahahalagang kaisipan mula sa mga panitikan upang
maipakita ang pagpapahalaga sa kulturang Pilipino.” Anong pang-ugnay mula
sa pangungusap ang nagpapakita ng bunga?
A. mula C. upang
B. sa D. sa mga

32. ________, ikaw ang naging kabuuan ng aking pagkabata. Ano ang maaaring
ipuno sa patlang upang ito ay mapatotohanan?
A. Talagang C. Sa totoo lang
B. Tunay na D. Sa tingin ko
33. Isang araw, nakiusap ang Inang Pusa sa Inang Daga para bantayan ang anak
niyang kuting dahil ito ay may sakit. Ano ang tawag sa salitang may salungguhit?
A. ekspresiyon ng posibilidad
B. pang-ugnay sa pagbibigay ng bunga
C. retorikal na pang-ugnay
D. pang-ugnay sa pagbibigay ng sanhi

34. Ang sumusunod ay halimbawa ng pangungusap na walang paksa maliban sa


isa. Alin ito?
A. Maginaw ngayon! C. Lumilindol!
B. Alas dose na. D. Maliligo sila bukas.

8
35. Alin sa sumusunod ang salitang hindi hiram?
A. Rajah C. Datu
B. Assalamu Allaikum D. Pinuno
36. “Sa totoo lang, kaming mga laruan ay ginawa upang paligayahin kayo subalit
natatakot din kaming baka isang araw ay hindi n’yo na kami pansinin.” Anong
pang-ugnay na nagpapatotoo ang ginamit sa pangungusap?
A. Sa totoo lang C. upang
B. baka D. subalit

37. Anong pang-ugnay na ginagamit sa pagtukoy sa sanhi ang dapat idugtong sa


pangungusap na: Napahanga ni Lam-ang ang ama ni Ines sa kaniyang
panliligaw______________sa ipinakita niyang katapangan.
A. sapagkat C. ngunit
B. dahil D. kung

38. Nakuha ni Lam-ang ang loob ng ama ni Ines ____________. Ano ang angkop
na karugtong ng pangungusap na nagpapahayag ng bunga?
A. kaya naging malapit sila sa isa’t isa.
B. kasi lagi na silang namamasyal ni Ines.
C. dahil dito magpapakasal na sila ni Ines.
D. sapagkat lagi niyang pinatutuloy sa kanilang tahanan.

39. “Mag-imbak tayo ng pagkain, Tipaklong, maaaring umulan nang matagal”,


hikayat ni Langgam. Alin sa mga salitang nakatala ang nagpapahayag ng
posibilidad?
A. araw C. mahaba
B. maaari D. tayo

40. Sakaling hindi ako makadalo sa pagpupulong, maaari bang iulat mo sa akin
ang mga kaganapan doon? Ang salitang sinalungguhitan ay retorikal na
pangungusap. Ano ang ipinahahayag nito?
A. walang katiyakan C. tiyak na kondisyon
B. pag-aalinlangan D. di-tiyak na kondisyon

41. Anong uri ng pagtatanghal ang maaaring magbigay ng interpretasyon ng galaw


tungkol sa nilalaman ng isang awit?
A. sabayang bigkas C. informance
B. interpretative dance D. masining na pagkukuwento

42. Kung ang layunin ay makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal, ano ang
angkop na tekstong susulatin?
A. naglalahad C. nangangatuwiran
B. naglalarawan D. nagsasalaysay

9
43. Kung nais mong makasulat ng isang tekstong naglalarawan sa kultura ng iyong
bayan, anong uri ng teksto ang iyong isusulat?
A. nangangatuwiran C. naglalahad
B. naglalarawan D. nagsasalaysay
44. Anong uri ng pagtatanghal ang ginagamitan ng mga tauhang gawa sa manika?
A. role playing C. reader’s theater
B. puppet show D. informance

45. Anong gawain ang maaari mong gawin kapag nais mong lumikha ng larawan
sa pamamagitan ng pagguhit, kung paano nasasalamin ang kultura mula sa
mga kuwentong-bayan?
A. slogan C. poster
B. jingle D. role playing

46. Paano itinatanghal ang informance?


A. sa pamamagitan ng mga larawang iginuhit
B. sa pamamagitan ng mga manika na gawa sa papel
C. sa pamamagitan ng pagbibigay interpretasyon sa awit
D. sa pamamagitan ng pagtatanghal na may layong magbigay-impormasyon

47. Alin sa sumusunod ang katangian ng balita?


A. nagpapaliwanag
B. nagbibigay-impormasyon
C. nangangatuwiran
D. nabibigay ng sariling pananaw sa paksa

48. Alin sa mga nakatala ang katangian ng isang mahusay na grapikong


representasyon?
A. pasalaysay na pag-uulat
B. magbigay-larawan sa datos
C. itinatanghal sa pamamagitan ng pag-awit
D. itinatanghal sa pamamagitan ng pag-arte

49. Kung nais mong ipakita ang elemento ng maikling kuwento sa akdang binasa,
alin sa sumusunod ang iyong gagamitin?
A. Character Mirror C. Venn Diagram
B. Plot Diagram D. Compare and Contrast Diagram

50. Kung ikaw ay susulat ng pabula, alin sa sumusunod na elemento ang hindi nito
dapat na taglayin?
A. isantabi ang aral na nakapaloob dito
B. magtataglay ng mga pahayag na nagbibigay ng pananaw
C. maaaring gumamit ng tao at hayop bilang mga tauhan
D. pawang diyalogo na lamang at wala nang bahaging nagsasalaysay

10
III. YUGTO NG PAGKATUTO
PARA SA MODYUL 1

TUKLASIN

Sisimulan mo na ang iyong paglalakbay sa pangalawa sa pinakamalaking pulo


ng Pilipinas, ang Mindanao. Palalawakin at pagyayamanin ng Modyul na ito ang iyong
kaalaman at kakayahan tungkol sa panitikan at kultura ng ilang lugar sa taga-
Mindanao sa tulong ng kasunod na mga gawain.

GAWAIN 1. Natuklasan Ko
Sa tulong ng kasunod na picture collage, bumuo ng photo essay na naglalahad
ng mahahalagang impormasyon tungkol sa kultura ng mga taga-Mindanao. Isulat ito
sa sagutang papel.

GAWAIN 2. Halina’t Maglakbay


Sa tulong ng kasunod na concept caravan, sagutin ang mga tanong. Isulat
ang sagot sa caravan. Gayahin ang kasunod na pormat sa kuwaderno.

Masasalamin ba sa panitikan ng
mga taga-Mindanao ang
kanilang kultura? Ipaliwanag.

11
Paano nakatutulong ang tamang
paggamit ng gramatika at retorika
sa pag-unawa at pagpapahalaga
ng panitikan at kultura ng
Mindanao?

Huwag kang mag-alala kung mali man ang iyong sagot. Sinukat lamang natin
kung ano ang “alam mo na” tungkol sa paksang tatalakayin natin sa modyul na ito.

LINANGIN
Sa yugtong ito, sisimulan mong tuklasin kung masasalamin ba sa panitikan ng
Mindanao ang kanilang kultura at kung paano nakatulong ang wastong gamit ng
gramatika at retorika upang maunawaan at mapahalagahan ang kanilang panitikan at
kultura sa tulong ng mga aralin.

ARALIN 1.1

A. Panitikan: Nakalbo ang Datu


(Kuwentong Bayan ng Maranao)
B. Gramatika : Mga Pahayag at Salita na Nagbibigay-
Patunay

I. Panimula

Pinakamalaking tribo ng mga Muslim sa Mindanao ang Maranao. Ang salitang


Maranao ay nangangahulugang “tao ng lawa” sapagkat karaniwan silang nakatira sa
lawa ng Lanao.
Ang Aralin 1.1 ay tungkol sa isang kuwentong-bayan ng Maranao na may
layong maunawaan ang mga paniniwala at katangian nila. Tatalakayin din ang Mga
Pahayag at Salita na Nagbibigay-patunay na makatutulong upang mapahalagahan
ang nasabing akda. Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makadidisenyo ng
poster batay sa sumusunod na pamantayan: a) naglalarawan ng panimula, mga
kaugalian at kalagayang panlipunan ng Maranao, b) orihinal, c) masining, at d)
makatotohanan.

12
Patunayan kung masasalamin ba ang paniniwala at katangian ng mga
taga-Maranao sa kanilang mga kuwentong- bayan. Gayundin, patunayang
mahalaga ang paggamit ng wastong salita/pahayag sa pagbibigay-patunay sa
pagpapahalaga sa mga kuwentong-bayan ng mga Maranao.

II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin

GAWAIN 1. Ilarawan Mo!


Sa pamamagitan ng isang pangungusap, isulat kung anong paniniwala ang
nakapaloob sa sumusunod na gawi/kaugalian. Subuking gamitin ang mga pahayag
na nagbibigay-patunay tulad ng: totoo, tunay, talaga, at tiyak. Isulat sa kahon ang
sagot. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

1. sama-samang pagsamba ng
buong pamilya sa Panginoon
2. pagbabautismo/pagpapabinyag

3. pagtutuli (circumcision) sa anak


na lalaki
4. pag-aayuno

GAWAIN 2. Mahusay na Hinuha


Subuking sagutin ang mga tanong sa tulong ng kasunod na graphic organizer.
Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Patunayang mahalaga ang


Masasalamin ba ang mga paggamit ng wastong
paniniwala at katangian ng salita/pahayag sa
mga taga-Mindanao sa pagbibigay-patunay sa
kanilang mga kuwentong- pagpapahalaga ng
bayan? Ipaliwanag. kuwentong–bayan ng
Mindanao.

13
Matapos mataya ang dati mo nang alam tungkol sa aralin, babasahin mo ang
kasunod na kuwentong-bayan, subalit bago iyon ay unawain mo muna ang
mahahalagang impormasyon tungkol dito.

Alam mo ba na…
ang kuwentong-bayan ay mga salaysay na likhang-isip lamang.
Lumaganap at nagpasalin-salin ang mga ito sa iba't ibang henerasyon sa
pamamagitan ng pasalindila (paraan na pagkukuwentong pasalita).
Isa sa mahalagang elemento ng kuwentong-bayan ang tauhan. Sila
ang gumaganap ng mahahalagang karakter.
May dalawang uri ang tauhan: Ang tauhang lapad (flat character),
na hindi nagbabago ang katauhan mula simula hanggang sa magwakas
ang kuwento at ang tauhang bilog (round character) naman na nagbabago
ang katauhan mula sa simula hanggang sa wakas ng kuwento.
Nauuri rin ang tauhan sa katangiang protagonista at antagonista.
Ang protagonista ang pangunahing tauhan sa isang akda. Sa kaniya
nakasentro ang mga pangyayari. Antagonista naman ang lumilikha ng
hakbang upang hindi magtagumpay ang pangunahing tauhan.

Linangin

Basahin at unawain ang isa sa mga kuwentong-bayan ng Maranao. Alamin


kung masasalamin ba dito ang mga paniniwala at katangian ng mga Maranao.
Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and
other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.80-81.

Nakalbo ang Datu


(Kuwentong-bayan ng Maranao)
Ang kuwentong ito ay tungkol sa isang
Muslim. Ilalahad nito ang ilang paniniwala ng mga
Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang
paniniwala, ang isang lalaki ay maaaring mag-
asawa nang higit sa isa kung may kakayahang
sustentuhan ang pakakasalang babae at ang
magiging pamilya nila.

14
May isang datu na tumandang binata dahil sapaglilingkod sa kaniyang
mga nasasakupan. Sadyang lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang
pook kaya nalimutan na niya ang mag-asawa. Dahil dito, pinayuhan na siya
ng matatandang tagapayo na mag-asawa na upang magkaroon siya ng anak
na magiging tagapagmana niya.
Napilitang mamili ang datu ng makakasama niya habambuhay.
Totoong naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa
pinamumunuang pamayanan. Ngunit dahil sa tulong ng matiyagang
pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang
datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang
dalagang tunay na magaganda at mababait pa. Dahil sadyang wala siyang
itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal, pinakasalan niya
ang dalawang dalaga.
Isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batang-
bata at totoong napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni
Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob nito
sa kaniya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu,
nag-isip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.
“Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganitong paraan,
magmumukhang kasinggulang ko lamang siya.”
Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Tuwing mamamahinga ang datu,
binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling
nakakatulog ang datu at napakahimbing pa.
Sadyang mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Tunay
na maganda at mabait din si Farida ngunit kasintanda siya ng datu. Tuwang-
tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu.Tuwing tanghali,
sinusuklayan niya ito. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang
itim na buhok ng asawa.
Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa ay kuntento
na sa kaniyang buhay ang datu. Tunay na naging maligayang-maligaya siya,
at pinagsisihan niya kung bakit hindi kaagad siya nag-asawa.
Ngunit gayon na lamang ang kaniyang pagkabigla nang minsang
manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kaniyang sarili.
Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu.
Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal nina Hasmin at Farida.
Hinango : Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga
Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing
Press, 1986, pp.80-81.

15
Marahil ay may ideya ka na kung masasalamin ba ang mga paniniwala at
katangian ng mga taga-Maranao sa kanilang kuwentong-bayan. Sige ipagpatuloy mo
ang pagsagot sa mga gawain.

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan


Ang kasingkahulugan ay tumutukoy sa katumbas na kahulugan ng salita
samantalang ang kasalungat naman ay kabaligtarang kahulugan ng salita.
Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitang may
salungguhit ayon sa pakakagamit sa pangungusap. Gayahin ang kasunod na pormat
sa sagutang papel.
Pangungusap Kasingkahulugan Kasalungat
1. Lagi siyang abala sa pamamahala
ng kanilang pook.
2. Naging pihikan ang datu dahil
sa dami ng magagandang dilag
sa pinamumunuang pamayanan.
3. Mahal na mahal din siya ng datu
kaya ipinagkaloob sa kaniya ang
bawat hilingin niya.
4. Kapag tulog na ang datu, palihim
niyang binubunot ang itim na buhok
ng asawa.
5. Sa tuwing mamamahinga ang datu,
binubunutan ni Hasmin ng puting
buhok ang asawa.

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang suliranin ng Datu?
2. Bakit naging suliranin niya ito?
3. Paano natutong umibig ang Datu?
4. Paano pinatunayan nina Hasmin at Farida ang kanilang pagmamahal sa
Datu?

Hasmin

Farida

5. Ano ang naging bunga ng pagmamahal ng dalawang asawa ng datu?

16
GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman
1. Pumili ng isang pangyayari sa binasang kuwentong-bayan at iugnay ito sa
kaganapan sa inyong lugar o iba pang lugar ng bansa. Isulat ang iyong sagot
sa espasyong nakalaan sa kasunod na speech balloon. Gayahin ang kasunod
na pormat sa sagutang papel.

2. Suriin ang tradisyong inilahad sa binasang kuwentong-bayan lalo na ang tungkol


sa pag-aasawa. Ihambing ito sa ibang pangkat-etniko sa ating bansa o iba pang
lugar sa bansa. Gumamit ng venn diagram. Gayahin ang kasunod na sagutang
papel.

Muslim Iba Pang Pangkat-Etniko

Kultura- Pag-aasawa
3. Magsaliksik ng iba pang akdang pampanitikan ng mga Maranao. Bumuo ng isang
balita tungkol sa kalagayan ng lugar na pinagmulan ng akda gamit ang kasunod
na pormat. Iulat ito sa klase.
Pamagat ng Kuwentong- bayan o
akdang pampanitikan
Bayan/Lungsod
Uri
Lalawigan/Rehiyon
Populasyon
Pangunahing Produkto
Gobernador/Mayor

4. Masasalamin ba ang paniniwala at katangian ng mga tao sa Mindanao tulad ng


mga Maranao sa kanilang mga kuwentong-bayan? Patunayan.

17
Alam mo ba na…
maraming nagagawa ang pagbasa. Sa pagbabasa, nasasalamin at
naiuugnay ang buhay o pangyayari ng ibang tao sa sariling karanasan ng
bumabasa maging sa akdang binabasa nito.
Nakatutulong ang pag-uugnay ng mga pangyayari na mauunawaan
ang naiisip ng may akda dahil lakip nito ang sariling kahulugan o
interpretasyon na susundan ng pagkilala sa mga kaisipan at kabisaan ng
paglalahad.
Dimalanta, Merlita DR. et.al. 2013. Komunikasyon.
Rex Book Store, Sta. Mesa Heights, Quezon City.
GAWAIN 6. Pag-uugnay ng mga Pangyayari
Magsalaysay ng ilang pangyayari sa ibang lugar ng bansa na hawig sa
binasang kuwentong-bayan at pag-ugnayin ang dalawang ito batay sa sumusunod:
Pangyayari sa “Nakalbo ang Datu” Pangyayari sa isang lugar
Suliranin: ________________________ ________________________________
Solusyon:________________________ ________________________________
Wakas:__________________________ ________________________________

GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika


Bukod sa kuwentong-bayan, mayroon ding mga akdang kasasalaminan ng
mga paniniwala at pag-uugali ng mga tao katulad ng kasunod na tekstong babasahin
natin. Nais kong pansinin mo ang pagkakagamit ng mga pahayag na nagbibigay-
patunay. Basahin at unawain.

Si Inang sa Kaniyang Dapithapon


Isinulat ni Ernesto U. Natividad Jr.

“Hello..Hello…” wika ng nasa kabilang linya. Ang nasa kabilang linya


ay si Mariel. Pamangkin ko, anak ng aming panganay.
“Kumusta si Lola mo?” ang tanong ko.
“Tito, nahihilo si Lola” ang sabi ni Mariel.
“Bakit?” ang tanong ko.
“Mataas ang BP (blood pressure)” ang sagot niya. “Umabot kanina ng
140” dugtong pa niya.
“Pinainom n’yo na ba ng gamot?”, pahabol kong tanong.
“Hindi pa po, wala na kasi siyang gamot”, wika ni Mariel. “Dadalhin
namin siya sa ospital”, ang sabi niya.
“Panginoon”, ang pabulong kong panalangin, “tulungan mo sana si
Inang.” Tunay ngang kakabahan ang sinuman sa ganitong pagkakataon.

18
Kinabukasan, tinawagan ko si Mariel sapagkat siya ang naiwang
nagbabantay sa ospital, kasama si Jean, ang asawa niya.
“Anong lagay ng Lola mo”, ang tanong ko.
“Pangatlong stroke na raw, at baka di raw mawala ang pagkahilo”
malungkot na sagot niya.
Naaalala ko pa noong tinawagan niya ako nitong nakaraan. Ang sabi
niya, “kamusta na kayo”, hindi ba kayo uuwi?”, tanong niya. Ang sagot ko’y
hindi pa kami makauuwi dahil maraming dapat tapusin sa trabaho.
“Di ako napagkakatulog,” ang sabi niya. Ang tinig niya ay hindi na
gaanong marinig. Mahina na siya. Halos sampung taon na kasi siyang may
sakit. Na-stroke siya noong 2005. Talagang halos nakahiga na lang sa kama.
Kailangang alalayan kapag uupo sa wheel chair, kapag maliligo at
magbabanyo. Ang kapatid kong sumunod sa akin at ang aming bunso ang
kasama niya sa bahay sa probinsiya.
“Kailan kayo darating?” ang tanong ni Inang. “Kapag di ko na kayo
marinig? Kung di ko na kayo makikilala?” ang sabi pa niya. “Tinitiis ko lang ang
lungkot kapag naaalala ko kayo. Lumuluha na lang ako dahil wala naman
akong magawa, di na ako makalakad nang mag-isa,” ang malungkot at
humihikbing pahayag ni Inang. Bigla siyang nagpaalam, “Sige at aalis na ako,”
wika niya.”
Inang, Inang!”, pahabol kong sigaw. Bigla akong nagising. Panaginip
lang pala. Pero naluha ako. Biglang nalungkot. Bakit nga ba hindi man lang
namin siya nadadalaw nang madalas? Paano na nga namin siya makakausap
ngayon kung halos di na niya kami marinig? Ano pang saysay ng aming
pagpunta kung di na niya kami makikilala? “Diyos na mahabagin, bigyan Mo
pa ako ng pagkakataong makausap ang aking ina”. Totoong malulungkot ka
nang lubos kapag mangyayari ang sitwasyong napanaginipan.
Nasa ospital pa rin si Inang. Sadyang nakapanlulumo kapag may sakit
ang iyong ina. Ang panalangin ko sa Maykapal, sana ay bigyan pa siya ng
lakas, makapiling pa namin, maging tanglaw ng aming pamilya kahit siya ay
nasa bandang dapithapon na ng kaniyang buhay.

Sagutin ang mga tanong:


1. Anong uri ng teksto ang iyong binasa? Tungkol saan ito?
2. Ano-ano ang katangiang taglay ng sumusunod na tauhan. Ilahad ang kanilang
paniniwala, at ang iyong sariling pananaw tungkol dito.

Tauhan Katangian Paniniwala Sariling Pananaw

Tagapagsalaysay

19
Lola
3. Suriin ang mga salitang sinalungguhitan sa ilang pangungusap. Ano ang gamit
nito sa mga pangungusap?
Marahil ay napansin mo sa teksto ang mga salitang may salungguhit. Iyan ay
ilan lamang sa halimbawa ng mga pahayag/salita na nagbibigay-patunay.

Alam mo ba na…
ang talagang, sadyang, totoong, tunay nga,at iba pang kauri nito ay mga
pahayag/salitang nagbibigay ng patunay. Karaniwang ang mga ito ay
sinasamahan ng ebidensiya o batayan. Maaaring gamitin ang mga katagang
gaya, kahit pa, sapagkat, kasi, dahil at iba pa.
Mga halimbawa:
1. Tunay ngang nakalulungkot ang mag-isa gaya ng naranasan ni Ina
nang ang kaniyang mga anak ay umalis na sa kaniyang piling.
2. Talagang nakababahala ang lagay ni Ina kahit pa makalabas siya ng
ospital ngayon sapagkat matanda na siya.
3. Sadyang hindi maipinta ang lungkot sa mukha ni Ina sapagkat tila
nakalimutan na siya ng kaniyang mga anak.
4. Totoong dapat nating pahalagahan ang ating magulang dahil sila ang
nagbigay-buhay sa atin.
Sa pagbibigay ng patunay, karaniwang pinaikli na lamang ang sagot.
Pinatutunayan na lamang ang pahayag, kaya hindi na inuulit ang sinasabi ng
kausap. Gaya nito:
Nakawiwili ang aklat na ito.
A, totoo iyan.
Talaga.
Tunay nga.

Natitiyak ko na alam mo na ang wastong gamit ng mga pahayag/salita na


nagbibigay-patunay. Ngayon, subukin mo namang sagutin ang sumusunod na
pagsasanay.
PAGSASANAY 1: Piliin at isulat sa sagutang-papel ang ginamit na mga
pahayag/salita na nagbibigay patunay sa kuwentong-bayang, Nakalbo ang Datu.
PAGSASANAY 2: Piliin sa pangungusap ang ginamit na pahayag/salita na
nagbibigay patunay. Isulat sa sagutang papel.
1. Tunay ngang nakababahala ang naganap na pagsabog sa isang kilalang
mall ng bansa.
2. Talagang ang laki ng pagbabago ng kapaligiran sa pagpapalit ng
pinuno ng pamahalaan.
3. Sadyang nakatutuwa ang mga gawaing inihanda ng mag-aaral kahapon.
4. Totoong dapat na ipagmalaki ang kabayanihang ipinakikita ng bawat OFW.

20
5. Karapat-dapat na paghandaan ang bawat araw na lumilipas sapagkat hindi
na ito maibabalik muli.
PAGSASANAY 3: Kapanayamin ang ilang matatanda sa inyong lugar tungkol sa
paniniwala at kaugalian ng mga tao sa inyong lugar. Pagkatapos ay sumulat ng
talatang nagsasalaysay tungkol dito. Gumamit ng mga pahayag/salita na nagbibigay-
patunay. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Natitiyak kong naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto tungkol sa


kuwentong-bayan at ilang paniniwala at tradisyon ng ilang taga-Mindanao tulad ng
mga Maranao, gayundin kung paano ginagamit ang mga pahayag / salitang
nagbibigay ng patunay. Sukatin kung tama ito at sagutin ang kasunod na mga tanong
sa susunod na yugto.

GAWAIN 8. Pag-uugnay sa Retorika


Sumulat ng isang talata na magpapatunay na ang kuwentong bayan ay
salamin ng mga kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan.
Sikaping isaalang-alang ang paggamit ng mga pahayag na nagbibigay ng patunay.
Isulat sa sagutang papel ang talata.

Pagnilayan at Unawain

1. Masasalamin ba ang mga paniniwala at katangian ng ilang taga-Mindanao sa


kanilang mga kuwentong- bayan? Ipaliwanag.

21
2. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag /salita na nagbibigay-patunay sa
pagpapahalaga sa mga kuwentong-bayan ng ilang taga-Mindanao? Isulat sa
scroll ang iyong sagot. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Natitiyak kong malaki ang naitulong ng mga gawain sa iyong pag-unawa sa


aralin. Pagkakataon mo nang ilipat ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng
susunod na gawain.

Ilipat
Isa kang graphic designer. Inatasan ka ng direktor ng Advertising
Company na magdisenyo ng poster para sa isasagawang Cultural Summit na
dadaluhan ng mga kinatawan mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Itataya ang
iyong disenyo batay sa sumusunod na pamantayan:

a) naglalarawan ng paniniwala, mga kaugalian at


kalagayang panlipunan ng Maranao 3
b) orihinal 5
c) masining 2
d) makatotohanan 5
KABUUAN 15

Binabati kita sa matiyaga mong pag-aaral sa araling ito. Natitiyak kong


napatunayan mong nasasalamin ang mga paniniwala at katangian ng mga tao sa
Mindanao sa kanilang mga kuwentong-bayan. Gayundin, nagkaroon ka na ng
kaalaman sa wastong gamit ng pahayag/salita na nagbibigay-patunay sa
pagpapahalaga sa mga ito. Alam kong nakapapagod maglakbay ngunit sulit naman
dahil matagumpay mong natutuhan ang mga dapat mong malaman bilang
paghahanda sa paglalakbay sa mundo ng pabula.

22
ARALIN 1.2

A. Panitikan: Ang Aso at ang Leon (The Dog and the Lion)
(Pabula ng Maranao)
Isinalin sa Filipino mula sa Ingles
ni Ernesto U. Natividad Jr.

B. Gramatika : Mga Ekspresiyong Nagpapahayag


ng Posibilidad

I. Panimula

Magkasabay nating pag-aralan ang isa pa sa mga akdang pampanitikan ng


Maranao, ang pabula. Pinamagatan itong Ang Aso at ang Leon. Nagpapakita ito
nang hindi matatawarang karanasan at makahulugang kaisipan ng matatanda.
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang makikibahagi ka sa pagtatanghal ng
puppet show batay sa sumusunod na pamantayan: a) nagtuturo ng kagandahang-
asal, b) orihinal c) malikhain, d) kawili-wili, at e) masining.
Inaasahang masasagot mo ang pokus na tanong na : Bakit hayop na
nagsisikilos at nagsasalitang parang tao ang karaniwang ginagamit na tauhan
sa pabula? Gayundin, maipaliliwanag mo kung mahalaga ba ang paggamit ng mga
ekpresiyong nagpapahahayag ng posibilidad.

II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin
Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin kung may alam ka na kung bakit
hayop na nagsasalita at kumikilos na parang tao ang karaniwang ginagamit na tauhan
sa pabula.

GAWAIN 1. Paghahambing
Suriin ang kasunod na mga larawan. Isulat kung anong pag-uugali ng tao ang
maihahambing sa mga ito. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

a. b. c. d.

23
GAWAIN 2. Paghihinuha
Alamin natin ang alam mo na kung bakit mga hayop na nagsasalita at
nagsisikilos na parang mga tao ang karaniwang ginagamit na mga tauhan sa pabula.
Gamitin ang sumusunod na ekspresiyon sa pangungusap. Gawin sa sagutang-papel.
1. Maaaring _______________________________________
2. Baka _______________________________________
3. Siguro _______________________________________
4. Marahil _______________________________________
5. Sa aking palagay _______________________________________

Matapos mataya ang dati mo nang alam tungkol sa aralin, babasahin mo ang
isang pabula pero bago iyan, basahin mo muna ang ilang impormasyon tungkol dito.

Alam mo ba na…
noon ay hindi naman hayop ang ginagamit na tauhan sa pabula kundi mga
tao. Ang nagsimula sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa pabula
ay si Aesop. Siya ang itinuturing na ama ng pabula, at pinaniniwalaang
nabuhay sa pagitan ng 620-564 BC sa Greece. Isa siyang alipin na
nagtataglay ng mga kapansanan subalit pinalaya dahil sa angking husay sa
pagkukuwento. Bilang simbolo ng kaniyang paggalang at pagtanaw ng utang
na loob sa kabutihang-loob ng kaniyang amo ay sinimulan niyang gamitin ang
mga hayop bilang tauhan sa kaniyang mga pabula upang huwag mapulaan
ang mga tao.
Karaniwang ginagamit ang pabula upang itago ang katauhan at pag-
uugali ng mga tao sa lipunan na hindi masabi nang hayagan. Laging
nagwawakas sa aral ang pabula.

Linangin
Basahin at unawain ang isang halimbawa ng pabulang Maranao upang
malaman mo ang mahalagang kaisipan kung bakit mga hayop ang nagsasalita at
nagsisikilos na parang mga tao ang ginagamit na mga tauhan sa pabula.

Ang Aso at Ang Leon (The Dog and the Lion)


Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Ernesto U. Natividad Jr.

Isang araw, naligaw ang isang matandang aso habang hinahabol ang
kuneho. Mayamaya ay napansin niya buhat sa malayo ang isang leon na
tumatakbo papalapit sa kaniya na may tinging nagugutom. “Palagay ko’y
lalapain ako ng nilalang na ito,” sabi ng aso sa sarili.
Nakakita ang matandang aso ng mga butong nakakalat malapit sa
kaniya. Umayos siya na animo’y kakainin ang mga ito nang nakatalikod sa

24
paparating na leon. Nang dadambahin na ng leon, sumigaw ang matandang
aso, “isang napakasarap na leon! Mayroon pa kayang iba rito?
Nang marinig ng batang leon ang sigaw ng matandang aso ay bigla
itong tumigil, at mabilis na nagtago sa puno. “Marahil ay mabagsik ang
matandang asong iyon at marami nang napatay,” bulong niya sa sarili.
Ang ardilya (squirrel) naman na kanina pa pala nanonood sa malapit
na punongkahoy ay alam ang pandarayang ginawa ng aso at nag-isip na
gamitin ang kaniyang nalalaman para sa kaniyang sariling proteksiyon mula
sa leon. “Siguro naman ay makukuha ko ang loob ng leon,” nakangiting sabi
nito sa sarili.
Nang makausap ang leon, ipinaliwanag ng ardilya ang nangyari at
gumawa ng kasunduan. “Baka pinagtatawanan ka ng asong iyon ngayon,”
pangising tinuran ng ardilya.
Napoot ang leon dahil sa pagkakalinlang sa kaniya at nagwika,
“sumakay ka sa likod ko at nang makita mo ang mangyayari sa manlilinlang na
iyon!”
Natiktikan ng matandang aso ang pagdating ng leon na may nakasakay
na ardilya sa likod. Sa halip na tumakbo, naupo siya at nagkunwaring hindi pa
niya sila nakikita. Nang malapit na ang dalawa at alam niyang siya’y maririnig,
ang matandang aso ay nagsabi, “nasaan ang ardilyang iyan? Inutusan ko siya,
isang oras na ang nakakaraan na dalhin sa akin ang isa pang leon!”
Biglang kinabahan ang leon at bumaling sa ardilya. “Akala ko ba’y
kakampi kita?” “Nilinlang mo lang pala ako at nais mo akong ipakain sa asong
iyan?” Akala ng leon ay talaga ngang inutusan ng matandang aso ang ardilya
upang siya ay dalhin sa harap nito. Lingid sa kaniyang kaalaman, sa laki niya
ay kaya niyang patayin at lapain ang matandang aso. Kumaripas ng takbo ang
leon, at ni hindi na nagawang lumingon.
Ang ardilya ay naiwan. Hinarap siya ng matandang aso at galit na
nagwika, “akala mo siguro ay mapapatay mo ako sa pamamagitan ng leong
iyon!” Matanda na ako at marami ng karanasan. Hindi ninyo ako
mapaglalalangan. Nanginginig na humingi ng tawad ang ardilya.

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan


May mga salitang naglalarawan na kapag nilalagyan ng panlapi ay nagbabago
ng kahulugan. Ang salitang ito ay nasa kayariang maylapi. Maylapi ang salita kung
binubuo ng salitang ugat at panlapi. Maaaring ang panlapi ay ginamit sa unahan na
tinatawag na unlapi, sa gitna na tinatawag naman na gitlapi, sa hulihan na tinatawag
na hulapi at sa unahan at hulihan na tinatawag na kabilaan. Kapag may panlapi
naman sa unahan, gitna, at hulihan, tinatawag itong laguhan.

25
Bigyang-kahulugan ang sumusunod na salita batay sa panlaping ginamit. Gawin
sa kuwaderno.
1. a. matanda ______________________________
b. matandain ______________________________
2. a. malayo ______________________________
b. malayuan ______________________________
3. a. malapit ______________________________
b. lumapit ______________________________
4. a. bata ______________________________
b. kabataan ______________________________
5. a. gutumin ______________________________
b. ginutom ______________________________

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Binasa


Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
1. Ilarawan ang mga tauhan sa binasang pabula. Gayahin ang kasunod na pormat
sa sagutang papel.

Ardilya Leon Matandang Aso

2. Anong mahalagang kaisipan ang nakapaloob sa sinabi ng matandang aso sa


ardilya na, “matanda na ako at maraming karanasan”?
3. Ano ang naging pananaw at saloobin mo sa naging kilos, galaw o pananalita ng
mga tauhan sa akda? Karapat-dapat o di karapat-dapat ba ang paggamit ng
hayop bilang tauhan sa pabula? Pangatuwiranan.
4. Manood at magsalaysay ng isang animation. Pagkatapos, maglarawan ng isang
kakilala na may pagkakatulad sa karakter ng isang tauhan sa napanood. Gamitin
ang pormat sa pagsagot. Gawin sa sagutang papel.
Katangian ng Tauhan sa Katangian ng Kakilala
Pangyayari
Animation

5. Anong mahalagang kaisipan ang ipinakita ng tauhan sa akda at ng isinalaysay sa


animation?

26
GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman
A. Ilagay sa angkop na kahon ang mga pahayag batay sa binasang pabula. Ibigay
ang aral na nais iparating ng pahayag.
1. “Palagay ko’y lalapain ako ng nilalang na ito.”
2. “Marahil ay mabagsik ang matandang asong iyon at marami nang napatay.”
3. “Siguro naman ay makukuha ko ang kaniyang loob”

B. Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan? Bakit?

C. Gamit ang kasunod dayagram, magtala ng mga katangian ng mga Maranao na


masasalamin sa binasang pabula.

Ang Aso at ang Leon

D. Bumuo ng salawikaing angkop sa binasang pabula. Isulat ang salawikain sa ¼


na Illustration board.

27
E. Makatuwiran bang gamiting tauhan ang mga hayop na nagsasalita at nagsisikilos
na parang mga tao? Ipaliwanag.

Alam mo ba na…
ang mahalagang kaisipan ay tumutukoy sa nabuo mong ideya o aral na
napulot mula sa binasang akda. Maaaring maging batayan mo sa pagbuo ng
mahalagang kaisipan ang pangunahing diwa o ang paksa ng akda.

GAWAIN 6. Mahahalagang Kaisipan


Isulat sa kuwaderno ang aral na natutuhan sa binasang pabula. Ipaliwanag
ang ito.

GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika


Bukod sa pabula, ang kuwento ay kapupulutan din ng aral gaya ng kasunod
na tekstong babasahin mo. Unawain ito upang malaman mo ang kahalagahan ng
paggamit ng mga ekspresiyong nagpapahahayag ng posibilidad.

Magtanim ka nang Mabuti, Mag-aani ka nang Mabuti


ni Ernesto U. Natividad Jr.

Isang araw, may biglang sumigaw sa pintuan ng isang mall, “wala


akong pera, umalis ka rito, ang baho mo!.” Ang sumigaw ay isang matandang
babaeng nasa pagitan ng apatnapu at limampu ang edad. Marahil ay mainit
ang ulo ng matanda”. Ang matanda ay mukhang sosyal, mayaman at
maraming alahas na suot. Sa likod niya ay may isang batang babaeng nasa
siyam na taong gulang. Sa kabila ng maputing balat ay mukhang pulubi ang
batang babae dahil sa gusgusin ito. Sumusunod siya sa matanda at
naglalahad ng kamay para sa kaunting baryang inaasahan sa matanda. Ngunit
hindi ito nangyari. Sa halip ay hiniya pa siya sa gitna ng napakaraming tao.
“Lumayo ka nga sa akin, napakabaho mo!” Ang sigaw ng matanda, at
nagpatuloy sa paglalakad na parang walang napansin.
Sa di-kalayuan ay may binatang kabababa lamang mula sa kotseng
kulay pula. Bagong-bago ang kotse. “Siguro naman ay magbibigay ito” sabi ng
bata. “Kuya, parang awa na po ninyo” sabi ng batang babae. “Pahingi naman
po ng kaunting barya, pangkain lang, gutom na gutom na po ako.”
“Pasensiya ka na Neng, wala akong barya” wika ng binata.
Isang binata ang lumapit sa batang babae. Ang binatang ito ay si Erwin,
isang construction worker sa di kalayuang ginagawang gusali. Nakita ni Erwin
ang sinapit ng batang babae. Dahan-dahan niyang pinuntahan ang
kinaroroonan ng batang babae na noon ay tahimik na nakatungo at umiiyak.
“Ne..” tawag ni Erwin. “Huwag ka nang umiyak, heto at ibinili kita ng
tinapay,” wika ni Erwin.

28
“Humihikbing sinabi ng batang babae, “maraming salamat kuya..”
“Kumain ka na muna” tugon ng binata. “Oh paano, iwan muna kita at
mahuhuli na ako sa trabaho ha.” “Sa iyo na rin itong baon kong tubig”, dagdag
pa ng binata. Natuwa ang bata at muling nagpasalamat. Mula noong araw na
iyon ay dinaraanan na ni Erwin ang bata sa lugar na iyon halos araw-araw.
Erwin U. Novales ang buong pangalan ng binata. Ulila na siya sa ama
at ina. Namatay ang kaniyang ama noong limang taong gulang pa lang siya.
Nagkasakit nang malubha ang ama. Dahil walang pera, napabayaan at di na
siya nadala man lang ng pagamutan. Naiwan ang mga kapatid sa kaniyang
pangangalaga dahil namatay rin sa karamdaman ang ina. Labandera ang
kaniyang ina. Di naglaon ay nagkasakit at pumanaw rin ang kaniyang ina. Dahil
walang magulang, tumigil sa pag-aaral si Erwin. Isang taon na lang sana ay
matatapos na niya ang high school.
“Ito po ba ang inyong anak?”, tanong ng isang pulis sa kausap habang
ipinakikita ang isang larawan ng nawawalang bata.
“Siya nga,” sagot ng isang lalaking naka-amerikana. may kurbatang
asul na may larawan ng simbolo ng Singapore. “Matagal nang nawawala ang
aking anak”, pahayag ng lalaki.
“Nang maghanap kami,” sabi ng pulis, “may nakapagsabing ang batang
ito’y madalas makita riyan sa may malapit na mall. “Sa palagay ko ay
matatagpuan natin siya roon. Sumama kayo at tingnan kung iyon na ang
inyong anak.
Ang batang hinahanap ng lalaki ay tatlong buwan nang nawawala.
Naglalakad-lakad sila ng tagabantay noon sa kanilang subdibisyon katulad ng
ipinayo ng ama para makapag-ehersisyo ang bata. Nang maparaan sa isang
convenient store, nagpabili ang bata ng pagkain. Paglabas ng tagabantay ay
nawawala na ang bata. Mula noon ay di na nila natagpuan.
“Tara na, kung maaari ay dalian natin, baka di na natin abutan,” sabi
ng lalaki.
“Posibleng naroon pa rin ang bata”, sagot ng isa pang pulis.
Ikalawa ng hapon nang abutan ng mga pulis ang bata. Natutulog ang
bata. Tangan pa ng kanang kamay ang natirang tinapay na ibinigay ng laging
nagbibigay sa kaniya, si Erwin. Sa kaliwang kamay naman ay ang plastik na
boteng lalagyan ng tubig. “Sir, iyan po ang batang nasa larawan”, sabi ng pulis.
“Siya nga ang aking anak!” Natutuwang sigaw ng lalaki. “Ang kawawa
kong anak..”, dagdag pa ng lalaki. “Anak, anak, gising anak..”, sabi ng lalaki
habang tinatapik ang pisngi ng bata. Unti-unting nagmulat ng mata ang batang
babae. “Sheryl, anak..”, sabi ng ama.
“Daddy! Daddy ko!” Sigaw ng bata habang umiiyak, kasabay ng
pagyakap nang mahigpit sa kaniyang ama. Kinarga siya ng ama at niyakap din
siya nang mahigpit.
Ikasiyam ng umaga. Maingay ang paligid. “Sino si Erwin Novales”?
tanong ng katiwala ng ginagawang gusali.

29
“Sir, ako po si Erwin Novales,” pahayag niya. “Ano po ang problema”?,
tanong ni Erwin.
“May bisita, hinahanap ka”, tugon ng katiwala.
Pagdating ni Erwin sa may pintuan, may isang batang nakatayo.
Nakadamit ng puting parang gown. Naka-make-up at nakaayos ang buhok.
Kahawig ni Sheryl.
“Kuya Erwin!” Sigaw ng bata. Atubiling lumapit ang binata. “Ako ito
kuya,” pakli ng batang babae. Saka pa lang napagtanto ni Erwin na ang
kaharap ay ang batang pulubi na dinadalhan niya araw-araw ng pagkain.
“Pero paano nangyari iyon?” tanong ni Erwin. Ipinaliwanag ng ama ni
Sheryl ang nangyari at nagpasalamat sa kabutihang ipinakita nito sa anak.
Bilang pasasalamat ni Mr. Reyes kay Erwin pinatira sila sa tahanan
nito. Kasabay ni Sheryl ay pumasok sa isang pribadong paaralan ang mga
kapatid ni Erwin. Si Erwin naman ay nagpatuloy sa pag-aaral, nakatapos at
naging tagapangasiwa ng isa sa mga negosyo ni Mr. Reyes.
Nangyari kay Erwin ang kaisipang, “magtanim ka nang mabuti, aani ka
nang mabuti.”

A. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang-papel ang sagot.


1. Anong uri ng teksto ang binasang akda?
2. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa akda? Patunayan.
3. Kung ikaw si Erwin, gagawin mo rin ba ang pagtulong sa batang si Sheryl?
Pangatwiranan.
4. Ano ang ibig sabihin ng kaisipang, “magtanim ka ng mabuti, mag-aani ka ng
mabuti.” Ipaliwanag ang sagot.

B. Suriin ang ilang salita o pahayag na ikinahon sa kasunod na mga


pangungusap. Ginamit ba ang mga ito bilang mga ekspresiyong
nagpapahayag ng posibilidad? Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. “Marahil ay mainit ang ulo ng matanda.”


2. naman ay magbibigay ito sa bata.”
“Siguro
3. “Sa palagay ko ay matatagpuan natin siya roon, sumama kayo at tingnan
kung iyon na ang inyong anak.
“Baka
4. . di pa natin abutan.”
5. “Marahil naroon pa rin ang bata,” sagot ng isa pang pulis.

Ngayon ay basahin mo na ang kasunod na paliwanag tungkol sa mga


ekspresiyong nagpapahayag ng posibilidad na makatutulong sa pagbuo ng mga
pangungusap.

30
Alam mo ba na…
ang mga salitang posible, maaari, puwede, marahil,siguro, baka, sa
palagay ko at ibang kauri nito ay mga ekspresiyong nagpapahayag ng
posibilidad. Maaaring magkatotoo subalit hindi pa matiyak o masiguro.
Ginagamit ito sa pagsasabi ng mga bagay na maaaring mangyari.
Halimbawa:
1. Posibleng manatili ka sa trabaho kung pagbubutihin mo.
2. Maaari kang yumaman kapag pinagbuti mo ang iyong negosyo.
3. Puwede kang maging presidente ng kumpanya kapag pinanatili mo ang
iyong kasipagan.
4. Marahil ay nagsisisi din siya sa kaniyang ginawa.
5. Siguro ay hindi na malilimutan kailanman ng mga tao ang matitinding
kalamidad na tumama sa ating bansa.
6. Baka wala nang punong abutan ang susunod na henerasyon kung
hindi natin iingatan ang kalikasan.

Natitiyak ko na alam mo na ang wastong gamit ng mga ekspresiyong


nagpapahahayag ng posibilidad. Ngayon, subukin mo namang sagutin ang
sumusunod
. na pagsasanay.
PAGSASANAY 1. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na ekspresiyong
nagpapahayag ng posibilidad sa sitwasyong: Kung sakaling hindi tinulungan ni Erwin
ang batang si Sheryl, ano kaya ang maaaring mangyari sa bata? Gawin sa sagutang
papel.
1. Siguro
2. Baka
3. Sa palagay ko
4. Posible
5. Marahil
PAGSASANAY 2. Suriin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang tsek () kung
ito ay nagpapahayag ng posibilidad, ekis (x) naman kung hindi. Gawin sa sagutang
papel.
1. Umuulan ng malakas, marahil ay may bagyo.
2. Dahil sa pagbabago ng klima, maraming sakahan ang hindi na pakikinabangan.
3. Maaari bang humingi ng tulong?
4. Posibleng yumaman ang taong may lakas ng loob na magtayo ng negosyo.
5. Siguro ay parating na ang aking hinihintay na padala.
6. Tumunog na ang bell, sa palagay ko ay mag-uuwian na ang mga mag-aaral.
7. Baka malimutan mo ang iyong dalang bag, iwan mo na muna sa kuwarto.
8. Tumakbo siyang parang kuneho.
9. Di na naman siya dumating sa oras, siguradong huli na naman siya.
10.Puwede nang makatanggap ng pensiyon ang mga nagsipagretiro na.

31
PAGSASANAY 3. Sumulat ng diyalogo na pumapaksa sa kagandahang asal na “tapat
na pagtulong sa kapuwa.”Gumamit ng tauhang hayop. Isaalang–alang ang paggamit
ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng posibilidad.

GAWAIN 8. Pag-uugnay sa Retorika


Sumulat ng isang paglalahad na nagpapaliwanag ng damdamin at saloobin
tungkol sa paggamit ng mga hayop bilang mga tauhan sa isang pabula. Sa mga
pangyayari sa akda, ano ang mga posibilidad na maaaring maganap na makagigising
ng iyong damdamin at saloobin. Isaalang-alang ang paggamit ng mga ekspresiyong
nagpapahayag ng posibilidad.

Sa araling tinalakay, nalaman mong ang hayop ay ginamit na tauhan sa pabula


upang makagising ng damdamin at saloobin. Maaaring ipahayag ito sa pamamagitan
ng paggamit ng mga ekspresiyong nagpapahayag ng posibilidad.

Pagnilayan at Unawain

Natitiyak kong nauunawaan mo na ang kahalagahan ng paggamit ng mga


ekspresiyong nagpapahayag ng posibilidad sa pagsasalaysay. Upang matiyak ko na
naunawaan mo ang kahalagahan ng konseptong nakapaloob sa araling ito, sagutin
ang kasunod na mga tanong.
1. Bakit hayop na nagsasalita at kumikilos na parang tao ang karaniwang ginagamit
na tauhan sa pabula? Isulat sa kalatas ang sagot. Gawin sa sagutang-papel.

2. Paano nakatutulong ang paggamit ng mga ekpresiyong nagpapahahayag ng


posibilidad sa pagbuo ng pabula? Isulat sa kalatas ang sagot. Gawin sa
sagutang-papel.

Natitiyak kong malaki ang naitulong ng mga gawain sa iyong pag-unawa sa


aralin. Pagkakataon mo nang ilapat ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng susunod
na gawain.

32
Alam mo ba…
na ang puppet show ay isang uri ng pagtatanghal sa entablado sa pamamagitan
ng pagpapagalaw sa mga bagay na waring may buhay. Maaaring gamitan ng
puppet na pinagagalaw at pinagsasalita ng mga aktor na tinatawag na
puppeteer na sadyang nakatago mula sa paningin ng mga manonood.
Narito ang iba’t ibang uri ng puppet.

1. Stick Puppet. Pinagagalaw ang kamay sa


pamamagitan ng nakadugtong na patpat o
alambreng matigas. Halimbawa:

2. Shadow Puppet. Ang puppet sa likod ng telon


na ang nakikita ay anino lamang. Halimbawa:

3. Puppet Pangkamay (hand puppet). Ito ay


maaaring yari sa papel o tela.

Ilipat
Isa kang puppeteer. Inanyayahan kang magtanghal ng isang pabula sa
pamamagitan ng puppet show sa bahay-ampunan upang magpasaya ng mga
bata at magturo ng kagandahang-asal sa pamamagitan ng iyong show. Itataya
ang iyong pagganap batay sa sumusunod na pamantayan:
a) Nagtuturo ng kagandahang-asal 8
b) Orihinal 3
c) malikhain 4
d) Kawili-wili 7
e) Masining 8
KABUUAN 30
Binabati kita sa matiyaga mong pag-aaral. Natitiyak kong nasagot mo na kung bakit
hayop na nagsisikilos at nagsasalitang parang tao ang karaniwang ginagamit sa
pabula at kung paano nasasalamin ang kultura at kalagayan ng mga tao sa lipunan
sa pamamagitan nito. Gayundin ang kahalagahan ng paggamit ng mga ekpresiyong
nagpapahayag ng posibilidad sa pagbuo ng mga pangungusap na naglalahad ng
pagpapahalaga sa kultura ng ilang lugar sa Mindanao. Marahil ay nakahanda ka nang
alamin ang iba pang tungkol sa kultura sa iba pang lugar sa Mindanao pa rin na
nakapaloob naman sa kanilang epiko.

33
ARALIN 1.3

A. Panitikan: Prinsipe Bantugan (Epiko)


(Mula sa Darangan ng Maranao)

B. Gramatika: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagtukoy


ng Sanhi at Bunga ng Pangyayari sa
Pagpapasiya

I. Panimula

Ang Aralin 1.3 ay naglalaman ng epiko ng Maranao mula sa Darangan na


nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Maranao.
Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa mga Pang-ugnay na ginagamit sa Pagtukoy sa
Sanhi at Bunga ng Pangyayari sa Pagpapasiya na makatutulong nang lubos sa pag-
unawa sa tatalakaying epiko at sa pagpapahayag ng dahilan at kinahinatnan ng isang
pangyayari.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makikibahagi sa
pagtatanghal ng informance batay sa sumusunod na pamantayan: a) nagtatampok sa
kabayanihan ng isa sa mga itinuturing na bayani sa kasalukuyan tulad ng OFW’s, b)
orihinalidad, c) may angkop na kasuotan at props, d) tinig, e) kalinawan ng mga
impormasyon, at f) dating sa manonood.
Alamin mo kung paano nagkakaroon ng epekto ang paniniwala, pananaw
at paninindigan sa pagpapasya ng mga tauhan sa epiko. Gayundin, kung bakit
mahalaga ang paggamit ng mga salita sa pagtukoy ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari sa pagpapasya.

II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, aalamin natin kung ano na ang nalalaman mo sa


epiko mula sa Mindanao.

GAWAIN 1. Bayani Ka!


Kilalanin ang mga itinuturing na bayani sa mga larawan. Bakit sila itinuturing
na bayani sa kasalukuyan? Ilarawan ang kanilang katangian sa tulong ng mirror
board.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

34
Paglalarawan Paglalarawan

Paglalarawan Larawan Paglalarawan


ng
Magulang

Sa kasunod na gawain, tutuklasin mo kung nakatutulong ba ang ang


paniniwala at paninindigan sa pagpapasiya ng isang tao. Basahin ang kasunod na
diyalogo upang mabigyang - hinuha ang kasunod na mga tanong.

GAWAIN 2. Alam Ko Kaya?


Sa pamamagitan ng diyalogo, nagkakaroon ng pagkakataon na
makapagbahagi sa kanyang kapuwa o kausap ng mga bagay na kaniyang kailangan.
Basahin at pagkatapos suriin ang paniniwala, paninindigan, pagpapasiya ng isang tao
sa diyalogo.

Merly : Lety, napanood mo ba ang balita sa telebisyon kanina?


Lety : Anong balita?
Merly : Isang taxi driver sa Quezon City ang nagsauli ng bag na naglalaman ng
P200,000.00.
Lety : Talaga! Kahanga-hanga naman ang kaniyang ginawa.
Merly : Kaya nga dinala niya ito sa estasyon ng telebisyon para ibalik sa may-ari.
Ang nakabibilib pa sa drayber na ito ay may malubhang karamdaman ang
kaniyang anak at kailangan niya ng malaking halaga para sa pagpapagamot
sa kaniya.
Lety : Ganun ba? Mabuti at hindi siya natukso na angkinin ang pera. Mahirap na
desisyon iyon ah.
Merly : Oo nga, pero ang sabi niya naniniwala raw siyang katapatan ang dapat
pairalin. Bunga nito pagpapala ang kaniyang makakamtan. Kaya nagpasiya
na ipanawagan sa telebisyon para maisauli baka ang may-ari ay higit na
nangangailangan kaysa sa kaniya.
Lety : Napakahusay na desisyon ang kaniyang ginawa! Tunay na bayani siyang
maituturing.

35
Merly : Tama ka Lety. Isa siyang huwarang tao.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ni Lety at Merly?
2. Anong paniniwala, pananaw at paninindigan ang ipinamalas sa diyalogo?
Paniniwala Paninindigan Pananaw

3. Karapat-dapat bang tularan ang ginawa ng drayber? Patunayan.


Bigyan ng hinuha ang sumusunod na Pokus na Tanong sa tulong ng graphic
organizer. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Paano nagkakaroon ng
epekto ang paniniwala, Bakit mahalaga ang
pananaw at paninindigan wastong paggamit ng mga
sa pagpapasiya ng mga pang-ugnay na sanhi at
tauhan sa epiko? bunga sa pagpapahayag ng
pagpapasiya?

Alam mo ba na…
ang Darangan ng mga Muslim ay tulang pasalaysay tungkol sa kabayanihan
ng mga taga-Maguindanao, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat
mapaniwalaang kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim?
Maituturing itong pinakamahabang epiko sa Pilipinas. Binubuo ito ng apat na
bolyum na naglalaman ng labintatlong awit o epiko na kapupulutan ng
katutubong pananaw ng mga Muslim. Kabilang na rito ang Prinsipe Bantugan.

Linangin
Basahin ang kasunod na epiko. Alamin kung paano nagkaroon ng epekto ang
pananaw, paniniwala at panindigan ng pangunahing tauhan sa epiko sa kaniyang
pagpapasiya.
Prinsipe Bantugan
(Ikatlong salaysay ng Darangan)

Magkapatid sina Bantugan at Haring Madali ng kaharian ng Bumbaran.


Labis ang inggit ni Haring Madali sa kapatid sapagkat hindi lamang ang
kakaibang katapangan ang totoong hinahangaan sa kaniya, kundi maging ang
paghanga at pagkakagusto ng maraming dalaga dito. Kaya, bilang hari, ipinag-
utos niya na walang makikipag-usap kay Prinsipe Bantugan, at sinuman ang
sumuway ay parurusahan niya ng kamatayan.

36
Naging dahilan ito ng pangingibang-bayan ni Prinsipe Bantugan. Nang
nilisan niya ang Bumbaran ay kung saan-saan siya nakarating. Isang araw,
dahil sa matinding pagod, nagkasakit at namatay siya sa lupaing nasa pagitan
ng dalawang dagat.
Natagpuan si Prinsipe Bantugan ni Prinsesa Datimbang at ng kapatid
nitong hari. Hindi nila nakilala si Prinsipe Bantugan kaya sumangguni sila sa
konseho kung ano ang dapat nilang gawin. Habang nagpupulong, isang loro
ang dumating at sinabing ang bangkay ay ang magiting na Prinsipe Bantugan
ng kahariang Bumbaran.
Samantala, bumalik ang loro sa Bumbaran upang ibalita kay Haring
Madali ang nangyari sa kaniyang kapatid. Kaagad lumipad sa langit ang hari
upang bawiin ang kaluluwa ni Prinsipe Bantugan. Nang mga oras na iyon ay
papunta rin sina Prinsipe Datimbang sa Bumbaran upang dalhin ang bangkay
ni Prinsipe Bantugan kaya hindi na ito inabutan ni Haring Madali. Bumalik ang
hari sa Bumbaran at pilit niyang ibinalik ang kaluluwa ng kapatid. Muling
nabuhay ang prinsipe at nagsaya ang lahat. Nagbago na rin si Haring Madali.
Nabalitaan ni Haring Miskoyaw na kaaway ni Haring Madali ang
pagkamatay ni Prinsipe Bantugan. Kasama ang maraming kawal, nilusob nila
ang kaharian ng Bumbaran.
Sa pagdating ng pangkat ni Haring Miskoyaw sa Bumbaran, hindi niya
alam na muling nabuhay si Prinsipe Bantugan. Dahil kabubuhay pa lamang at
napakarami ng kalaban, madaling nanghina ang prinsipe. Nabihag siya at
iginapos, muling lumakas at nakawala siya sa pagkakagapos. Sa laki ng galit
sa mga kalaban, lalo siyang lumakas at nagawa niyang mapuksa ang mga ito.
Nang matapos ang labanan, pinasyalan ni Prinsipe Bantugan ang
buong Bumbaran. Lahat ng kaniyang kasintahan ay pinakasalan niya at sila ay
dinala niya sa kanilang kaharian.
Pagdating sa kaharian, masaya silang sinalubong ni Haring Madali.
Masaya nang namuhay si Prinsipe Bantugan sa piling ng pinakasalang mga
babae.

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan


Ang simbolo ay kumakatawan o nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan,
paniniwala, aksyon ng isang bagay. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolong
ginamit sa epiko . Gawin sa sagutang papel.

37
Halimbawa: LANGIT walang hanggang buhay

LORO

KAMATAYAN

KAHARIAN

KONSEHO

KALULUWA

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel

1. Bakit galit si Haring Madali kay Prinsipe Bantugan? Ipaliwanag ang sagot sa
pamamagitan ng paglalahad mga pangyayari.
2. Ano ang naging bunga ng pangingibang-bayan ni Prinsipe Bantugan? Isalaysay
ang mga pangyayari.
3. Ano ang ginawa ni Haring Madali nang malaman niyang namatay
si Prinsipe Bantugan? Ano ang ipinahihiwatig nito?
4. Ano ang naging sanhi at bunga ng mga pangyayari mula sa epikong binasa?
Sagutin sa sagutang-papel gamit ang kasunod na talahanayan.

Sanhi Pangyayari Bunga


Ipinaubaya ni Prinsipe Bantugan ang trono sa kaniyang
kapatid na si Prinsipe Madali.
Ipinagbawal ni Haring Madali ang paglapit kay Prinsipe
Bantugan.
Umalis si Prinsipe Bantugan sa kaharian ng
Bumbaran.
Binawi ni Haring Madali ang kaluluwa ng kaniyang
kapatid mula sa langit.
Pinakasalan ni Prinsipe Bantugan ang lahat ng
kaniyang kasintahan.

GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman


1. Anong bagay ang maaaring sumimbolo sa ipinakitang ugali ng magkapatid na
prinsipe? Ipaliwanag. Sagutin sa tulong interpretation box. Gawin sa sagutang
papel.

38
Simbolo ng ipinakitang ugali ng magkapatid na
prinsipe.

2. Kanino mo maihahambing sina Prinsipe Bantugan at Prinsipe Madali sa mga tao


sa ating lipunan? Ipaliwanag o isalaysay.
3. Kung ikaw si Prinsipe Bantugan, ano ang iyong mararamdaman sa naging
reaksiyon ni Haring Madali sa paghanga ng mga tao sa iyo?
4. Anong katangian ni Haring Madali ang nais mong tularan? Ipaliwanag.
5. Ano ang iyong damdamin sa ginawang pagsasakripisyo ni Haring Madali para
maibalik ang buhay ng kaniyang kapatid? Ipaliwanag.

Alam mo ba na…
ang sanhi ay isang ideya o pangyayari na maaaring humantong sa isang
bunga? Halimbawa, nakuha mo ang pinakamataas na grado sa pagsusulit
dahil nag-aral kang mabuti. Unang binanggit ang bunga at sumunod naman
ang sanhi. Tandaan na hindi lahat ng pagkakatao’y nauuna ang sanhi sa
bunga. Isiping lagi ang ganito: Anong ideya o pangyayari ang naunang
naganap (sanhi)? Ano ang kinalabasan (bunga)?
Sa komunikasyon, madalas tayong nagbibigay o naglalahad ng sanhi
at bunga. Layunin nitong ipakita na kaya naganap ang isang pangyayari ay
may dahilang nauna pa kaysa rito. Sa gawaing ito, kailangan nating pag-
aralang mabuti ang isang pangyayari. Dito’y kailangan ang likas na
pagkukuro at matalinong paninindigan sa pagpapasiya at pagpapakahulugan
sa mga bagay na nakikita at nababasa natin.
Ilan sa mga panandang ginagamit sa huwarang sanhi at bunga ay
ang: dahil sa, sapagkat, nang, kasi, buhat, mangyari, palibhasa, kaya, resulta,
sanhi, epekto, bunga nito, tuloy, atbp.
Santos, Bernie C. et.al. Kawil II. 2002 Rex Book Store, Inc. Claro M. Recto, Manila

GAWAIN 6. Sanhi at Bunga


Pumili ng mga pangyayari sa binasang epiko na naglalahad ng mga tunay na
nangyayari sa lipunang Pilipino noon at ngayon. Suriin ang nasabing mga pangyayari
ayon sa sanhi at bunga nito. Isulat sa sagutang papel.

39
GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika
Narito ang isa pang halimbawa ng tekstong nagsasalaysay. Basahin at
unawain kung paano nagkaroon ng epekto ang paniniwala, pananaw at paninindigan
sa pagpapasiya ng mga tauhan. Alamin kung bakit mahalaga ang wastong gamit ng
mga pang-ugnay sa pagtukoy ng sanhi at bunga sa pagbibigay ng pagpapasiya.

Kapitan Idol
ni Geraldine V. Nones

Pauwi na ako galing sa eskuwela nang makita ko ang umpukan sa


Barangay Hall. Naroroon si Tatay na matamang nakikinig sa isang
pagpupulong na pinamumunuan ni Kapitan Lino.
Malayo pa lang ay kitang-kita na ang kunot sa kanilang mga noo.
Nagtaka ako sa naging reaksiyon ng kanilang mukha kaya naman hindi ko
maiwasang hindi lumapit.
Bilin sa akin ni Nanay na huwag daw akong makikihalo sa usapan ng
matatanda sapagkat hindi raw iyon mabuting ugali ng isang batang tulad ko.
Ngunit hindi ko maiwasang hindi makinig sa kanilang usapan lalo na nang
marinig ko ang pagsigaw ni Mang Tonio.
“Aba, hindi maaari iyan! Kapag natuloy ang pagpapatayo ng pabrika
rito sa ating barangay dudumi ang hangin sanhi ng usok na ibubuga nito!”
“Masisira rin ang ating mga pananim dahil sa maruming paligid.”
dugtong pa ni Mang Lito.
“Bunga nito, magkakasakit ang mga anak namin” , nagngingitngit ding
sabi ni Aling Betty.
Maging si Tatay ay nagsalita rin. “Kahit ang ilog sa tabi ng itatayong
pabrika ay maaaring masira.”
“Mawawalan kami ng hanapbuhay”, sabad naman ni Mang Kiko na
isang mangingisda.
Nakita ko ang lungkot sa kanilang mga mata at ang galit sa kanilang
mga mukha. Nadama ko ang pag-aalala para sa kalusugan at kinabukasan ng
kanilang pamilya.
Sa aking murang pananaw, batid kong nakababahala ang magiging
kalagayan ng aming barangay dahil sa planong pagpapatayo ng pabrika ng
goma sa lugar nito.
Pinuputakti ngayon ng reklamo si Kapitan. Nakikiusap na sana’y huwag
niyang hayaang maipatayo ang pabrika.
Kamakailan lamang ay narinig ko si Kagawad Lucio na nakikipag-usap
sa kabataang nasa edad labingwalo pataas na mag-apply ng trabaho sa

40
pabrikang itatayo. Sigurado raw na marami ang kakailanganin nitong
trabahador kaya magbubukas ito ng oportunidad para sa mga walang trabaho.
Kung gayon bakit tinututulan pa ng nakararami ang pagpapatayo ng
pabrika? Napaisip tuloy ako.
Ang sabi ni Nanay, bukod sa biyayang kabuhayan ng bukirin at ilog sa
aming lugar, tradisyon na rin daw na maituturing ang pangangalaga sa aming
mga yamang likas na nag-ugat pa sa mga ninuno nang naaayon sa
ginagampanan nilang tungkulin.
Ngunit, kapansin-pansin na sa kabila ng magulong sitwasyon ng
barangay, idagdag mo pa ang galit at kabi-kabilang reklamo ng kabarangay.
Tahimik lamang na nagmamasid si Kapitan. Pinakikinggan ang hinaing ng
bawat naroroon.
Mayamaya pa’y mahinahong pumagitna si Kapitan. Sa kabila ng ingay
at gulo, nagwika siya. “Higit sa lahat, ang kalusugan ng mamamayan ay
kayamanan ng bayan”, malinaw na namutawi sa bibig ni Kapitan.
Natahimik ang lahat. Hinihintay ang susunod na sasabihin ni Kapitan.
Kaya ang bawat pagbuka ng bibig niya ay pigil-hiningang inaabangan ng bawat
isa.
“Bagama’t malaki ang maitutulong ng pabrikang itatayo sa mga walang
hanapbuhay, higit namang malaki ang mawawala kung hahayaan nating
maipatayo ito” , dugtong ni Kapitan. “Pinakamahalaga pa rin ang kalusugan ng
bawat isa kaya napagdesisyunan ko, kasama ng Sangguniang Barangay na
kausapin ang may-ari ng pabrikang nais ipatayo sa ating lugar, at magkaroon
ng kaukulang aksiyon para dito. Ipinangako kong uunahin ko ang kapakanan
ng ating kabarangay.” Masayang pagbabahagi ni Kapitan.
Sa oras na iyon, napawi ang kunot sa noo ng naroroon. Nagpalakpakan
ang lahat. Napalitan ng ngiti at kapanatagan ang nasalamin sa mukha ng
bawat isa. Maging ako ay napangiti ng abot-taingang ngiti. Hindi lang sa
magandang balitang aking narinig kundi sa paghangang aking naramdaman.
Sa aking nakita at narinig, nabuo sa aking isipan ang paghanga sa
aming kapitan. Hindi lamang sa pagsasaalang-alang sa kaniyang mga
kabarangay, maging sa pagiging mahinahon niya sa pagpapasiya.
Naramdaman ko ang ningning sa aking mga mata at naibulong ko sa aking
sarili, “siya ang aking bagong idolo.” Isang inspirasyon na magiging gabay ko
para sa aking kinabukasan.

A. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa kuwaderno ang sagot.


1. Bakit mahigpit na tinututulan ng mamamayan ang pagpapatayo ng pabrika sa
kanilang barangay?
2. Ano ang naging pasiya ng kapitan sa kanilang suliranin? Ipaliwanag.

41
3. Ano ang mga bagay na isinaalang-alang ng kapitan sa kaniyang ginawang
pasiya?
4. Ipaliwanag kung ano ang tekstong nagsasalaysay na tulad ng binasang teksto
na “Kapitan Idol” ni Geraldine V. Nones.
5. Paano ito naiiba sa iba pang uri ng tekstong iyong nabasa?

B. Suriin ang sinalungguhitang mga salita at pahayag sa kasunod na mga


pangungusap.
1. Ano ang naging gamit ng mga salita o pahayag na sinalungguhitan sa
pangungusap?
2. Paano nakatulong ang mga ito sa pagtukoy ng sanhi at bunga ng mga
pangyayari?

Basahin mo na ang kasunod na paliwanag tungkol sa pagtukoy sa sanhi at bunga


sa isang pangyayari na makatutulong upang maunawaan mo ang paglinang sa mga
salita at pahayag na makatutulong dito.

Alam mo ba na...
ang sanhi ay nagpapahayag ng dahilan ng isang pangyayari. Nagsasabi
naman ang bunga ng kinalabasan at resulta ng isang pangyayari o
pagpapasiya.
Ginagamit ang mga kawsatib na pang-ugnay na sapagkat/pagkat,
dahil/dahil sa, at kasi sa pagsasabi ng sanhi o dahilan. Samantalang
naghuhudyat ng bunga o resulta ang mga pang-ugnay na kaya/kaya
naman, bunga, kaya at tuloy, upang, para, dulot,
Mga Halimbawa:
Sanhi
1. Tahimik na pinakinggan ng kapitan ang hinaing ng mga tao sapagkat
nais niyang malaman ang saloobin nila.
2. Maaaring masira ang kalikasan dahil sa ipatatayong pabrika.
3. Nagkaisa ang mga tao na pigilan ang pagpapatayo ng pabrika dahil
maraming masamang dulot ito sa kanilang kapaligiran.
Bunga
1. Maitim ang usok na ibinubuga ng pabrika bunga nito dumurumi ang
hanging ating nalalanghap.
2. Kailangang magkaisa ang mamamayan upang mapigilan ang
pagpapatayo ng pabrika.
3. Magaling si Kapitan kaya maraming humahanga sa kaniya.

42
PAGSASANAY 1
Basahin ang isa pang teksto na may kaugnayan sa mga pangyayari na
nagpapahayag ng sanhi at bunga.

Cybercrime: Sugpuin
(Editoryal)
ni Teresa Padolina Barcelo

Isa sa lumalaganap na suliranin sa makabagong teknolohiya ang cybercrime.


Ito ang maling pamamaraan ng paggamit ng Internet. Dahil dito, ipinatupad ang batas
tungkol sa Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act No.10175.

Paano ba matitigil ang cybercrime kung wala ng ibang paraan ang mga tao
upang kumita ng pera? Sana ay matagal nang ipinatupad ang batas na ito upang
matigil na ang ganitong krimen.

Matagal nang namamayagpag ang problema sa cybercrime sa bawat Pilipino


partikular na sa kabataan at kababaihan na halos nagsisimula sa edad na walong
taong gulang pataas. Sa pamamagitan ng R.A. No.10175 na may layuning matigil ang
ganitong krimen, madali na itong malulutas.

Sinasabing ang Internet ay daan upang mas madagdagan ang ating kaalaman
at madaling makakonekta sa mahal sa buhay, kaibigan at kapuwa. Nakalulungkot
lamang isipin na sa kabila ng magandang dulot nito, ang iba’y ginagamit ito sa
paninirang-puri lalo na sa Facebook at Twitter.

Sugpuin, ikulong, parusahan ang masasamang nilalang na nagiging dahilan ng


kapamahakan ng iba. Kilos!

Barcelo, Teresa P. Yaman ng Lahi. 2015.


Sunshine Publishing House. Inc. Quezon City: p. 403.

Mula sa tekstong binasa, itala ang mga pangyayaring nagpapahayag ng sanhi


at bunga. Suriin ang mga pang-ugnay na ginamit na sanhi o bunga ng pangyayari.
Itala ang iyong sagot sa talahanayan na gagawin sa sagutang-papel.

SANHI BUNGA

43
PAGSASANAY 2
Pagmasdang mabuti ang kasunod na larawan. Bumuo ng mga pangungusap na
nagsasaad ng sanhi at bunga batay dito. Gumamit ng mga pang-ugnay na ginagamit
sa sanhi at bunga. Batay sa mga ito, ibahagi ang nabuo mong pagpapasiya.

PAGSASANAY 3
Pumili ng kakapanayamin sa inyong paaralan na may malawak na kaalaman kaugnay
ng kasunod na sitwasyon. Pagkatapos, ipasagot ang kasunod na tanong.
Sitwasyon: Nalalapit na ang eleksiyon ng classroom officers sa inyong klase. Bilang
mag-aaral na nagmamalasakit sa inyong paaralan, kailangan mong mamili ng mga
karapat-dapat na pinuno.
Tanong: Ano ang iyong isasaalang-alang sa iyong pagpili? Anong paniniwala,
pananaw at paninindigan ang isinasaalang-alang mo sa pagbibigay ng iyong sariling
pasiya?
Pagkatapos makakalap ng mga impormasyong kinakailangan, gumawa ng
FAS (form a sentence) o pagbuo ng pangungusap mula sa salitang pinuno gamit ang
bawat letra nito. Tiyaking magkakaugnay ang mga pangungusap na binuo. Isaalang-
alang ang gamit ng pang-ugnay na nagpapahayag ng mga magiging sanhi at bunga
ng pagiging mahusay na pinuno.

GAWAIN 8. Pag-uugnay sa Retorika


Sumulat ng iskrip ng informance na magpapakita ng kakaibang katangian ng
tauhan sa binasang epiko. Kaugnay ng kakaibang katangian ng tauhan ay mga
pangyayari na nagpapakita ng pagkakaroon ng sanhi at bunga nito. Isaalang-alang sa
pagsulat ng iskrip ang mga pangyayaring nagpapakita ng sanhi at bunga gamit ang
wastong salita o pahayag kaugnay nito.

44
Pagnilayan at Unawain

Natitiyak ko, na naunawaan mo na ang kahalagahan ng mga pang-ugnay na


ginagamit sa sanhi at bunga sa pagbuo ng mga pangungusap na nagbibigay ng pasiya
ng tauhan. Malaki ang maitutulong nito upang masagot ang sumusunod na tanong.
Gawin sa sagutang papel.
1. Paano nagkaroon ng epekto ang paniniwala, pananaw at paninindigan sa
pagpapasiya ng mga tauhan sa isang epiko?

EPEKTO P
___________________________________________ A
Paniniwala at ___________________________________________ S
Paninindigan ___________________________________________ I
___________________________________________ Y
___________________________________________ A
2. Bakit mahalaga ang wastong gamit ng mga pang-ugnay sa pagbibigay ng
sanhi at bunga sa pagbibigay ng pagpapasiya? Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Mahalaga ang wastong gamit ng mga pang-ugnay
SANHI
na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga sa
AT pangungusap na nagbibigay ng pagpapasya sapagkat
BUNGA ________________________________________________
________________________________________

Alam mo ba na…
ang informance ay mula sa salitang information at performance. Isang uri ito
ng dulang pagtatanghal na nagbibigay ng impormasyon na ang tauhan ay may
angkop na kasuotan ngunit matimpi ang kilos at karaniwang walang tagpuan.
Tampok sa informance ang pagbabahagi ng malinaw na impormasyon sa
pamamagitan ng pagtatanghal. Ito’y magaan at madaling maunawaan.
Maikling oras lamang ang inilalaan sa pagtatanghal na may halong sayaw,
awit, kilos, at tulaang may tugma upang madaling matandaan. Ang mga
tauhan sa informance ay karaniwan lang o di kaya ay tauhang madaling
tandaan.
Hinango sa “Ano ang Informance?”
ni Dr. Romulo Peralta-Setyembre 3, 2015

Natitiyak kong malaki ang naitulong ng mga gawain sa iyong pag-unawa sa


aralin. Pagkakataon mo nang ilapat ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng
kasunod na gawain.

45
Ilipat
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay labis na nagpapasalamat sa tulong na
ibinibigay ng Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa. Bilang POEA Chairman, ikaw ay naglunsad ng paligsahan
ng pagtatanghal ng informance na nagtatampok sa kabayanihan ng OFW’s. Ang
magwawagi sa paligsahan ay magtatanghal sa programang inihanda ng
tanggapan na dadaluhan ng Pangulo ng bansa, ilang mambabatas at
embahador sa iba’t ibang bansa. Ang itatanghal na informance ay itataya batay
sa sumusunod na pamantayan:
a) Nagtatampok sa kabayanihan ng isa sa mga
itinuturing na bayani sa kasalukuyan tulad ng OFW’s 3
b) Orihinalidad 5
c) May angkop na kasuotan at props 8
d) Tinig 2
e) Kalinawan ng mga impormasyon 5
f) Dating sa manonood 2
KABUUAN 25

Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa aralin. Natitiyak


kong napatunayan mong may epekto ang paniniwala, pananaw at paninindigan sa
pagpapasiya ng mga tauhan sa epiko. Gayundin ang kahalagahan ng wastong
paggamit ng mga pang-ugnay sa pagtukoy ng sanhi at bunga sa pagbibigay ng
pagpapasiya. Ang iyong makulay na paglalakbay ay iyong napagtagumpayan at
natutuhan ang mga dapat mong malaman bilang paghahanda sa muling paglalakbay
sa mundo ng maikling kuwento.

ARALIN 1.4

A. Panitikan: Ang Reynang Matapat


(Maikling Kuwento mula sa Cotabato)
B. Gramatika: Mga Retorikal na Pang-ugnay

I. Panimula
Ang Mindanao ay kilala sa pagkakaroon ng mga pinunong matapang, matapat
at handang magmalasakit sa kanilang nasasakupan tulad ni Rajah Sulayman.
Ang Aralin 1.4 ay tungkol sa isang maikling kuwento mula sa Cotabato na
pinamagatang Ang Reynang Matapat. Tungkol ito sa isang reynang labis na
hinangaan dahil sa taglay niyang katalinuhan, katapatan, at maayos na pamamalakad
sa panunungkulan. Bahagi rin ng araling ito ang pagtalakay sa mga Retorikal na
Pang-ugnay (kung, kapag, sakali at iba pa) na makatutulong sa lubos na pag-unawa
sa nilalaman ng akda.

46
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagbubuod ng isang
maikling kuwento batay sa sumusunod na pamantayan: a) malapit sa nilalaman ng
orihinal na akda, b) may wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, c)
gumamit ng sariling mga salita sa pagbubuod, d) maayos na powerpoint presentation,
at (e) madaling maunawaan.
Aalamin mo sa araling ito kung masasalamin ba sa maikling kuwento ang
pagpapahalagang panlipunan at pagpapahalaga sa batas ng mga taga-Cotabato
sa Mindanao. Gayundin kung paano nakatutulong ang mga retorikal na pang-
ugnay na kung, kapag, sakali at iba pa sa pagsulat ng buod.

II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, iyong aalamin kung ano na ang nalalaman mo


tungkol sa maikling kuwento mula sa Cotabato.

GAWAIN 1. Ilahad Mo… Napakinggan Mo


Subuking gawin ang kasunod na gawain mula sa babasahing/pakikinggang
kuwentong “Ang Ama”. Sa pagkakataong ito ay gagamit ka ng story ladder upang
maisulat mo ang mga impormasyon na hinihingi sa bawat kahon. Gawin sa
kuwaderno.

Wakas

Kakalasan

Kasukdulan

Suliranin/Tunggalian

Saglit na Kasiglahan

Panimula

47
GAWAIN 2. Pokus na Tanong Mo… Sagutin Ko
Sagutin ang tanong sa iyong kuwaderno.

Masasalamin ba sa Paano
maikling kuwento ang nakatutulong ang
pagpapahalagang mga retorikal na
panlipunan at pang-ugnay na
pagpapahalaga sa pasubali sa
batas ng mga taga- pagsulat ng buod?
Cotabato sa
Mindanao?
Ipaliwanag.
Babasahin mo ang isang kuwento mula sa Mindanao, ngunit bago basahin
unawain mo muna ang ilang impormasyon tungkol sa paglaganap ng maikling
kuwento sa bansa.

Alam mo ba na…
ang maikling kuwento ay isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayaring kinabibilangan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresiyon lamang. Si Deogracias A. Rosario ang tinaguriang “Ama ng Maikling
Kuwentong Tagalog.”
Umunlad ang maikling kuwento noong panahon ng Amerikano.
Nagkaroon ito ng sariling pitak sa mga pahayagang “Muling Pagsilang” at sa
dahong Tagalog ng “El Renacimiento”. Ang ilan sa mga nakilalang kuwento sa
panahong ito ay:
1. Dagli– Tinatawag sa Ingles na sketches. Ito ay naglalahad ng mga
sitwasyong may mga tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad at
pawang mga paglalarawan lamang. Ito ay tahasang nangangaral at
nanunuligsa.
2. Pasingaw – Nag-aanyo ring maikling kuwento ngunit hindi rin ganap ang
banghay. Ito ay naglalayong maihandog ang katha sa babaeng
pinaparaluman o siyang inspirasyon ng manunulat. Ang pangalan ng may
akda ay hindi inililimbag dahil karaniwan na ito ay may asawa. Ito ay
naglalayong mangaral nang deretsahan.
3. Kuwentong Bitbit (salaysay) – Dito nag-ugat ang maikling kuwento o
maiikling salaysay na pumapaksa sa tungkol sa anito, lamang-lupa,
malikmata, multo at iba pang bunga ng guniguning di kapani-paniwala.
4. Kuwentong Komersyal (pangaral) – Sumulpot sa paglaganap ng
Liwayway. Ito ang pinag-ugatan ng maikling katha.
5. Kakana (kasaysayang pampatawa) – Naglalaman ng mga alamat
at engkanto, panlibang sa mga bata.
Salazar, Lucila.et.al. Panitikang ng Pilipinas 1995. Katha Publishing
Co. Inc. Quezon City

48
Linangin

Basahin at suriin mo ang maikling kuwentong Ang Reynang Matapat mula sa


Cotabato upang iyong malaman kung masasalamin ba sa kuwento ang
pagpapahalagang panlipunan at pagpapahalaga sa batas ng mga taga-Cotabato sa
Mindanao.

Ang Reynang Matapat


Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa ating kapuluan ay
dinarayo na ng mga mangangalakal na Arabe, Tsino at Hindu ang kaharian ng
Kutang-bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Si Reyna Sima ay isa sa mga
reynang namuno ng isang kaharian sa kapuluan ng Mindanao. Nakilala siya
dahil sa kaniyang katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na
pamamalakad sa panunungkulan. Ang Kutang-bato ang Cotabato ngayon na
isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.
Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at
sagana ang mga taga Kutang-bato. Mahigpit niyang ipinasunod ang mga
batas, at ang sinumang lumabag sa ipinag-uutos niya ay pinarurusahan.
Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang
paggalang, paggawa at katapatan ng kaniyang mga tauhan.
Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Tsino sa
Kaharian ng Kutang-bato. Napabalita ito dahil sa maunlad na kalakalan sa
kaharian ni Reyna Sima, at sa katapatan ng kaniyang mga tauhan. Walang
kaguluhan at walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang
sila ay nasa kaharian ng Kutang-bato.
Minsan, isang negosyanteng Tsinong nakipagkalakalan sa kaharian ni
Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi
ipinagalaw ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit
ni Reyna Sima sa kaniyang nasasakupan na walang gagalaw ng nasabing
supot ng ginto. Ganito kahigpit ang utos ni Reyna Sima sa kaniyang
nasasakupan nang sa gayon ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kaniyang
pinag-iwanan ang supot ng ginto.
Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa
kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan tungkol sa katapatan.

Rubin, Ligaya T. et.al. Panitikan ng Pilipinas. 1985. Rex Book Store,


Claro M. Recto, Manila
GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan
Suriin kung wasto ang pagkakagamit ng mga salitang may salungguhit na
ginamit sa pangungusap. Kung ito ay mali, isulat ang wastong salita sa iyong papel.
1. Isa sa pinakamalawak na lalawigan ang Cotabato sa Mindanao.
2. Dumadalo ang maraming Tsino sa kaharian para makipagkalakalan sa mga
taga Kutang- bato.
3. Magaling na pamunuan si Reyna Sima sa kaniyang kaharian.

49
4. Kabilang sa mahigpit na ipinatutupad ng kaharian ay ang paggalang sa mga
batas.
5. Mahigpit na ipinagbilin ng reyna na walang kikilos sa naiwang supot ng ginto
ng Tsino.

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Saan ang tagpuan ng kuwento?
3. Ano ang mga katangian ni Reyna Sima bilang pinuno? Ilagay sa bawat arrow
ang kaniyang mga katangian.Sundin ang pormat ng graphic organizer. Gawin
sa sagutang papel.

REYNA SIMA

4. Ano ang mga ginawa ng reyna at nakilala at umunlad ang kanilang kaharian?
5. Bakit sinusunod ng mga tao si Reyna Sima bagamat siya ay isang babae?
6. Bakit pinamagatang Reynang Matapat ang kuwento?

GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman


5.1. Pagsunod-sunurin Mo
Sa tulong ng kasunod na graphic organizer, isulat ang hinihingi sa bawat
elemento ng maikling kuwentong Reynang Matapat. Gawin sa sagutang papel.

Suliranin o
Tunggalian
Tagpuan Saglit na
Kasiglahan

Reynang Matapat
Tauhan
Kasukdulan

Wakas Kakalasan

50
Alam mo ba na…
may mga elemento ang maikling kuwento. Simulan mo nang basahin ito upang
mas maunawaan ang anumang maikling kuwentong babasahin.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
1. Tauhan – Likha ng manunulat ang kaniyang mga tauhan. May
pangunahing tauhan na sa kaniya nakasentro ang mga pangyayari. May
pantulong din na tauhan.
2. Tagpuan/Panahon – Dinadala ng may akda ang mambabasa sa iba't
ibang lugar, sa iba't ibang panahon kung saan at kailan nagaganap ang
mga pangyayari.
3. Saglit na Kasiglahan – Inihahanda sa bahaging ito ang mga mambabasa
sa pagkilala sa mga pagsubok na darating sa buhay ng mga tauhan.
4. Suliranin o Tunggalian – Tumutukoy ito sa paglalabanan ng
pangunahing tauhan at sumasalungat sa kaniya. Ang uri ng tunggalian ay
tao laban sa kalikasan, tao laban sa sarili, tao laban sa tao at tao laban sa
lipunan.
5. Kasukdulan – Ito ang pinakamataas na uri ng kapanabikan. Dito
nahihiwatigan ng bumabasa ang mangyayari sa pangunahing tauhan,
kung siya'y mabibigo o magtatagumpay sa paglutas ng suliranin.
6. Kakalasan – Ito ang kinalabasan ng paglalaban. Sumusunod ito agad sa
kasukdulan.
7. Wakas – Dito nalalaman ang kinahinatnan ng mga pangyayari kung
malungkot o masaya ang nangyari sa tauhan.

5.2. Sa Timeline ko… Ikuwento!


Muli sa kuwentong “Ang Reynang Matapat”, punan ang timeline ng mga
pangyayari mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang sa muling pagkakita ng
Tsino sa kaniyang supot ng ginto. Gamitin ang kasunod na graphic organizer pormat
sa pagsagot sa iyong sagutang papel.

Pagdating mga Espanyol


_______________________________
Pagpapairal ng batas
ni Reyna Sima _______________________________

Pakikipagkalakalan
ng mga Tsino _______________________________

Pagpapakita ng katapatan
_______________________________
sa kaharian

Pagtatagumpay _______________________________

51
5.3 Unawain at Pagyamanin Mo
Suriin mo ang katangian ng pinuno sa kuwentong binasa. Pagkatapos, isulat
mo ang mahahalagang panlipunang ipinakita at kaugnay ng pagpapahalaga sa batas
ng tao?

Katangian ng Pinuno Pagpapahalagang Kaugnay na Batas ng


sa Kuwento Panlipunan Tao sa Kasalukuyan

Tanong:
1. Paano ipinakita sa kuwento ang pagpapahalagang panlipunan at
pagpapahalaga ng mga tao sa batas batay sa ipinakitang pamamalakad ng
Reyna?
2. Ano ang mga kaugalian at paniniwala ng mga taga- Cotabato sa Mindanao sa
inilahad sa kuwento?

GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika


Basahin ang kuwentong hango sa Banal na Aklat na tulad ng naunang
kuwento, kinapapalooban ito ng tungkol sa pagpapahalagang panlipunan.
Pagkatapos, suriin ang gamit ng ilang salitang may salungguhit sa ilang pangyayari.
Aalamin mo rin kung paano nakatutulong ang mga retorikal na pang-ugnay sa
pagbubuod ng isang kuwento.
Ang Walang Habag na Alipin (Buod)
Halaw sa Mateo18:23-25 ng Bibliya

Sa isang lugar sa Israel ay may isang alipin na gustong singilin ng


kaniyang panginoon sa kaniyang pagkakautang. Sampung libong talento ang
utang ng alipin na ang katumbas ay milyon-milyong dolyar. Sinabi ng
panginoon sa alipin na ibenta na lamang nito ang kaniyang asawa at mga anak
gayundin ang lahat ng kaniyang ari-arian kung gusto niyang makabayad sa
kaniyang mga utang.
“Maawa po kayo, panginoon,” ang kaniyang pagsusumamo.“
Pahintulutan ninyo na mabigyan ako nang kaunti pang panahon upang
mabayaran ko po kayo.”
Nahabag ang panginoon sa ipinakitang kababaan ng loob ng alipin
kaya sinabi nito sa kaniya na ang lahat ng kaniyang pagkakautang ay kaniya
nang buburahin. Labis na natuwa ang alipin sa kaniyang narinig mula sa

52
kaniyang panginoon, kapag nagkataon ay magiging maayos na rin ang
kaniyang buhay.
Nang lumabas ang alipin ay nakita nito ang kaniyang kapuwa aliping
nagkakautang din sa kaniya ng isang denarii na katumbas lamang ng kaunting
dolyar. Sinunggaban niya ito at akmang sasakalin. “Magbayad ka ng utang mo
sa akin!” sabi nito.
“Maawa ka, bigyan mo pa ako ng kaunting panahon at baka mabayaran
ko ang utang ko sa iyo kapag nakaipon na ako.”
Hindi niya pinakinggan ang nagsusumamong alipin at sa halip ay
ipinakulong niya ito.
Isinumbong ng mga nakasaksi sa pangyayari ang ginawa ng alipin sa
kapuwa niya alipin sa kanilang panginoon. Ipinatawag ng panginoon ang
alipin.
“Napakasama mo!” galit na sabi nito.” Binura ko ang mga utang mo
dahil sa habag ko sa iyo subalit, ni hindi ka man lamang nahabag sa kapuwa
mo alipin gaya ng pagkahabag ko sa iyo?”
“Dahil sa kasamaan mo ay parurusahan kita hanggang sa mabayaran
mong lahat ng pagkakautang mo.”

A. Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Magkano ang halaga ng utang ng alipin sa kaniyang panginoon?
2. Ano ang mungkahi ng panginoon sa alipin upang mabayaran siya nito?
3. Sang-ayon ka ba sa inilahad na mungkahi ng panginoon sa kaniyang alipin
upang mabayaran siya? Pangatuwiranan.
4. Ano ang naging reaksiyon ng alipin nang makita ang tulad niyang alipin na may
pagkakautang din?
5. Sang-ayon ka ba sa ginawa ng alipin sa kapuwa niya alipin na may
pagkakautang din sa kaniya? Pangatuwiranan.
B. Suriin ang sinalungguhitang mga salita sa ilang pangungusap.
1. Ipaliwanag kung paano ginamit ang mga salitang may salungguhit sa bawat
pangungusap ng binasang kuwento.
2. Paano makatutulong ang mga salitang may salungguhit sa pagsulat ng buod
ng isang akda?

53
Alam mo ba na…
ang retorikal na pang-ugnay ay salitang nag-uugnay ng salita o pahayag na
nagsasaad nang walang katiyakan o pag-aalinlangan sa pagkakaganap ng
kilos o kondisyon?
Narito ang mga gamit ng Retorikal na Pang-ugay:
1. Baka – Nagsasaad nang walang katiyakan.
Halimbawa:Baka hindi nakapagtapos sa pag-aaral si Arturo kung hindi siya
hinamon ng kaniyang ama.
2. Sakali – Nagpapahayag ng pag-aalinlangan.
Halimbawa: Sakaling hindi nagsikap ang ina na mapagkasundo ang mag-
ama ay patuloy na maghihinanakit si Arturo sa kaniyang ama.
3. Kung – Naglalaman ng di-katiyakang kondisyon.
Halimbawa: Kung nakinig din sana ang mga kapatid niya, marahil ay
matagumpay din sila.
4. Kapag – Nagsasabi ng tiyak na kondisyon.
Halimbawa: Papayagan lamang si Arturo na makipagkita sa kasintahan
kapag araw ng Linggo.
5. Disin sana – Nagsasaad ng kondisyon.
Halimbawa: Kung nakinig agad siya sa kaniyang ina, disin sana ay
nakasama pa niya nang matagal ang kaniyang ama.

PAGSASANAY 1
Basahin at kopyahin ang sumusunod na pangungusap sa iyong kuwaderno.
Pagkatapos, salungguhitan ang retorikal na pang-ugnay na ginamit at ipaliwanag kung
paano ito ginamit sa pangungusap.

1. “Kung gusto mong kaawaan kita dapat magkaroon ka rin ng habag sa mga
kasamahan mo,” ang sabi ng amo sa katulong.
2. Baka mabigyan pa siya ng pagkakataon na makabayad sa kaniyang
pagkakautang.
3. Sakaling makita ng ibang katulong ang nangyari ay pupuntahan nila ang amo
para makapagsumbong.
4. Kapag hindi nagbago ang katulong ay parurusahan siya ng kaniyang amo.
5. Kung alam lang ng amo na magiging buktot ang katulong disin sana ay hindi na
niya ito kinaawaan.

54
PAGSASANAY 2
Basahin at unawain ang kasunod na talata. Suriin ang mga retorikal na pang-
ugnay na ginamit sa pangungusap ng nasabing talata. Piliin sa kasunod na kahon ang
angkop na pang-ugnay at isulat ito sa sagutang papel.
Laging nauuna ang mga estudyante sa balita __________walang pasok.
Abala sila sa pagte-text sa kanilang mga kaklase at mga kaibigan _________
ano ang puwede nilang gawin habang walang pasok. __________ may
takdang-aralin na ibinigay ang guro ay pinag-uusapan nila __________ ano
ang kanilang gagawin upang wala na silang maging problema. Marami ang
masaya __________ walang klase pero para sa iba mas nais nilang pumasok
para may matutuhan silang bago. Nag-aalala ang iba __________ magkaroon
ng pasok ng ilang Sabado upang gawing pamalit sa mga araw na walang
klase. __________ ay pumasok na lamang sila kaysa mapalitan pa ito sa mga
araw na itinuturing nilang pahinga.

baka sakaling kapag


disin sana kung

PAGSASANAY 3
Isulat ang buod ng kuwentong “Ang Reynang Matapat,” nang maayos at may
kaisahan ang mga pangungusap. Gumamit ng mga retorikal na pang-ugnay.

GAWAIN 7. Pag-uugnay sa Retorika


Magbasa ng isang maikling kuwento mula sa Mindanao. Isulat ang buod nito.
Sikaping mailahad ang buod nang maayos at may kaisahan ang mga pangungusap.
Isulat sa kuwaderno

Pagnilayan at Unawain

Sagutin ang sumusunod na tanong. Gayahin ang pormat sa iyong kuwaderno.


Masasalamin ba sa maikling
kuwento ang pagpapahalagang
panlipunan at pagpapahalaga sa
batas ng mga taga-Cotabato sa
Mindanao? Ipaliwanag.

Paano nakatutulong ang mga


retorikal na pang-ugnay sa
pagsulat ng buod?

Ngayong malinaw na sa iyo ang tungkol sa maikling kuwento at ang mga


elementong taglay nito, gayundin ang wastong gamit ng retorikal na mga pang-ugnay.
Ilipat mo na ngayon ang mga kaalamang iyong natutuhan upang matiyak na lubos
mong naunawaan ang tinalakay na aralin.

55
Ilipat

Isa kang project organizer ng isang Non-Government Organization na


nagnanais na mai- promote ang isang lugar sa Mindanao.Subalit kailangang may
magpopondo sa proyekto mo, kaya para makakalap ka ng pondo, lumapit ka sa
Local Government ng Mindanao. Pumayag sila na pondohan ang iyong proyekto
subalit kailangan munang magpakita ka ng grapikong presentasyon ng buod ng
isang kuwento na nasaliksik mo. Gagawan mo ito ng powerpoint presentation na
maglalahad tungkol sa pagiging maayos at payapa ang lugar dahil sa husay ng
namumuno dito. Itataya ang gagawin mong powerpoint presentation batay sa
sumusunod na pamantayan:
a) Malapit sa nilalaman ng orihinal na akda 5
b) May wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 5
c) Gumamit ng sariling mga salita sa pagbubuod 5
d) Maayos na powerpoint presentation 5
e) Madaling maunawaan 5
KABUUAN 25

Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa aralin. Natitiyak


kong nasagot mo kung bakit mahalagang matutuhan ang kaugalian at paniniwala na
inilahad sa maikling kuwento ng Mindanao at paano nakatutulong ang mga retorikal
na pang-ugnay na pasubali sa kaisahan ng mga pangungusap na nagpapakilala sa
ilang kultura ng Mindanao. Ang iyong makulay na paglalakbay ay iyong
napagtagumpayan at natutuhan ang mga dapat mong malaman bilang paghahanda
sa muling paglalakbay sa mundo ng dula.

ARALIN 1.5

A. Panitikan: Datu Matu


(Dulang Mula sa Sulu at Lanao)
B. Gramatika: Mga Pangungusap na Walang Paksa

I. Panimula

Isa pang uri ng panitikan ng Mindanao ang ating tutuklasin, ang dula na
pinamagatang Datu Matu. Upang higit mo itong maunawaan at mapahalagahan ay
pag-aaralan din natin ang tungkol sa Mga Pangungusap na Walang Paksa.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang makabubuo ka ng patalastas na
ginagamitan ng mga pangungusap na walang paksa batay sa sumusunod na
pamantayan: a) nakatatawag ng pansin ang paksa, b) wasto at angkop ang nilalaman,
c) masining ang pagkakagawa ng mga larawan, d) makabuluhan ang inilahad na mga

56
impormasyon, e) malinis at maayos ang pagkakagawa, at f) wasto at angkop ang
ginamit na mga salita sa pagbuo ng pangungusap.

Sa pamamagitan ng araling ito ay aalamin mo kung paano nakatutulong ang


dula sa pagpapalaganap at pagpapahalaga sa kaugalian ng mga kapatid nating
muslim, at kung paano makatutulong ang mga pangungusap na walang paksa
sa pagbuo ng patalastas.

II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin
Sa susunod na gawain, tutuklasin kung may alam ka sa mga tradisyon at
kaugalian ng mga kapatid nating Muslim.

GAWAIN 1. Piliin Mo!


Piliin sa kolum B ang mga salitang hiram na tinutukoy sa kolum A. Isulat sa
kuwaderno ang letra ng tamang sagot.
A B
1. Pag-Islam a) Dasal ng Muslim
2. Adzan b) Ginagawa ng pitong araw pagkapanganak
3. Allah sa sanggol
4. Sunnah c) Pagbibinyag ng Muslim
5. Pegubad d) Paglilinis sa mga batang Muslim na babae
e) Kinikilalang Diyos ng Muslim
f) Babaeng Muslim

Alam mo ba na…
ang Pag-Islam ay kahalintulad ng pagbibinyag ng mga Kristiyano. Ito ay
kinapapalooban ng tatlong seremonya. Una, pagkapanganak ng sanggol ay
babasahan ng adzan (dasal ng Muslim) upang ikintal sa bata na ipinanganak
siyang Muslim at ang una niyang maririnig ay pangalan ni Allah, ang kinikilala
nilang Diyos. Ikalawa, ang penggunting o pegubad, ginagawa ito pitong
araw pagkapanganak ng sanggol. Dito ay naghahanda ang magulang dahil sa
pagkakaroon ng anak. Ikatlo ay ang Pag-Islam, na ginagawa kapag ang bata
ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang.Tampok dito ang
pagtutuli sa mga batang lalaki. Sunnah naman ang para sa mga babae. Ito ay
ginagawa upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari.

57
GAWAIN 2. Salamin Ko…Hinuha Mo!
Basahin ang sumusunod na tanong. Subuking sagutin ang mga ito. Isulat sa
kuwaderno ang mga sagot.

Alam mo ba na…
ang dula ay isang uri ng panitikang nasa anyong tuluyan? Ito ay naglalarawan
ng araw-araw na pangyayari sa buhay ng tao, masaya man o malungkot. May
ilang paraan ng pagsasadula. Ang ilan sa mga ito ay ang dulang panradyo at
dulang pantanghalan. Sa dulang panradyo ay hindi nakikita ang mga
gumaganap. Sila ay naririnig sa pamamagitan ng radio, samantalang ang
dulang pantanghalan naman ay itinatanghal sa entablado. Nakikita ang mga
gumaganap sa isang dulang pantanghalan.

Linangin

Basahin at unawain mo ang kasunod na bahagi ng dulang “Datu Matu”. Ito ay


naglalarawan ng kaugalian ng ilang kapatid natin sa Mindanao.
Kalilang
(Bahagi ng dulang Datu Matu)
Taumbayan:
(Awit at sayaw)
Tayo’y magsaya sa kalilang
Magtugtugan,magsayawan
‘pakita ang sagayan
Tugtugin ang kulintang
Paliparin ang sambolayan
Masaya ngayon!

58
Si Khalid, binata na
Panahon na, tuliin siya
Sa kalinisan pagpalain
Sa langit pakikinggan
Sa harap ni Allah at ng bayan
Mga Babae:
Binata na, iyong anak
Lubos ka nang nasisiyahan
Ngunit ika’y nangangamba
Panahong nagbabadya
Panganib, huwag dumalo sana

Taumbayan:
Tayo’y mag-aliw sa kalilang
Khalid, lilinisin sa Pag-Islam
Magsayawan, magtugtugan
Onor, ritmo’y panhuluhan
Ipatulod nangangahulugan
Ganap na Muslim, alagad ng Islam.

(Papasok si Datu Matu)


Si Datu Matu
Sa Gumbaran namumuno
Makapangyarihan, makatarungan
Sinusunod tinitingala
Sa kaniya umiikot mundo’t bayan
Buhay, ang gabay.

Datu Manu:
Assalamo. Allaikum.

Taumbayan:
Allaikum Assalam

Abu:
Datu. Si Datu Awalo ng Biwang.

Datu Matu:
Lubos ang kasiyahan ko sa pagdalo ninyo. Isang malaking karangalan.Nawa’y
maging simula ito ng pagbibigkis ng ating lakas.

Awalo:
Datu Matu, pagare aken. Wala akong ibang sadya rito kundi makiisa sa pagdaraop
ng ating mga palad at damdamin.

59
Datu Matu:
Noon pa man, ang ating mga bayan ay dati nang magkaibigan. Hindi maiwasang
nagkaalitan nang kaunti at nagkasugatan. Ngunit walang dahilan upang di
maghilom ang naiwang sugat at muling maging magkaibigan.

Taumbayan:
Datu Matu, Datu Matu
Tuldok sa gitna ng bilog
Taluktok ng aming bundok
Buhay sa iyo’y umiikot
Datu Manu, Datu Manu
Sinusunod, tinitingala
Iginagalang na pangulo
Mapalad ang aming bansa.

Datu Matu:
Wala akong pagsidlan ng kasiyahan sa Pag-Islam ng aking binatang si Khalid.
Ngayon nama’y marangal kong ibabalita sa inyo ang pagdaraop ng palad ng aking
anak na si Tarintang at ng anak ni Datu Awalo na si Maduk. Magsisilbi itong tatak,
mahigpit na pagkakaisa ng ating dalawang bansa.

Awalo:
Magkapatid tayo mula pa man. Lubos akong naliligayahan.

Datu Matu:
Ituloy ang kalilang.

Taumbayan: (Awit at sayaw)


Tayo’y masaya sa kalilang
Bansa ay magdiwang
Pag-iisahin dal’wang bayan
Karugtong ang kasaysayan
Sa salsilah, magkuwentuhan
Ng onor, si Bapa Salilang.
(Papasok si Bapa Salilang)

Bapa Salilang:
Assalamo Allaikum

Taumbayan:
Allaikum Assalam. Magkuwentuhan.

Bapa Salilang: (Bayok, awit.)


AAaaaooommm…

60
Taumbayan:
Ang kuwento ni Bantugan habang hinahabol sa Lawanen, kuwento ni Pilandok,
tuso, laging panalo. Kuwento ng Indarapatra, mas malawak. Kuwento ng Rajah
Magandiri at ang mga tumulong sa kaniyang mga unggoy.

Abu:
Ang pakikipagsapalaran ni Pilandok upang makapon ang mga walang tuli na
dayuhang unggoy. (Magtawanan.) Da a orak.

Taumbayan:
Swer. Swer, swer. Swer….(Tawanan)

Bapa Salilang:
Unggoy, unggoy, puting unggoy sa ranao lalangoy matapos itaboy ni Pilandok,
isubok. (Mga reaksiyon, tawanan, sigawan.) Ahhh..(titig sa buwan. May sinasabi
ang buwan. (Katahimikan) O sige na, tumahimik ang lahat, walang bibig na
bubuka, walang matang kukurap, mga tenga’y iinat.
Aaaoomm..(Reaksiyon.)

(Bayok, awit.)
Makinig sa kuwentong ito isang bantog na namuno, isang mandirigma may tapang
ng agila Datu Malik ang pangalan niya. (Reaksiyon) Isang gabi, gaya ng gabing
ito, iniluwal ang isang sanggol. Lahat ng palatandaan ng langit ang nagsabing
dakila ang batang ito. Lumaki na malapit na malapit siya sa puso ng kaniyang ina,
minahal siya nang lubos. Kinilala siya na mahusay na mangangaso noon pa man.
Ininat niya ang kaniyang tirador at pinakawalan ang bato. Sa isang bato, tatlong
ibon ang bumagsak. (Mga reaksiyon.)
Isang umaga, (Isasayaw ang bahaging ito, maindayog na tunog ng plauta) hindi
huni ng ibon ang sumalubong sa kaniya, dagundong ng kanyon, sumalakay ang
mga Kastila sa kuta. Sa unang putok lamang, tumimbuwang ang kaniyang ina.
Nasugatan ang kaniyang ama, bago yumao ang kaniyang ama, ibinigay ang kris
sa kaniya. Sinasabing ang kris na minana niya ay lumilipad ng kusa at nanalasa
ng mga kaaway, parang may sariling bait. Lumaki siyang may bait. Lumaki siyang
matipuno at saksakan ng tapang. Isang umaga, muling tumapak sa ating lupa ang
mga puting banyaga. Matibay na kuta at magigiting na mandirigma ang kanilang
nagisnan, si Datu Malik at ang kaniyang makapangyarihang kris. At kaagad ay isa
ang napatay. Sa kaliwa, dalawa ang napatay sa kanan, tatlo ang napatay sa harap.
(Katahimikan.) Ipinamana ang kaniyang kris sa kaniyang anak, kay Datu Matu.
(Huhugutin ni Datu Matu ang kris, iaabot kay Khalid. Sasayaw si Khalid.
Sasama si Hassan, isang kunyaring paglalaban, ang sagayan. May
pakiramdam ng pagmamatyag. Karangyaan sa bansa, magtatawanan.)

Datu Matu:
Bapa! Handa na si Khalid sa ipa-tulod. Inaasahan na magiging isang matapang na
mandirigmang magtatanggol ng bansa. At lalong inaasahan ang pagiging tapat
bilang isang ganap na Muslim, Allahu Akbar!

61
(Ipatulod) Papasok si Khalid, tutuliin. Habang ginaganap ang ritwal mayroong mga
mandirigma sa kilos ng sagayan sa paligid.

Bapa Salilang:
O, tohan Ami. O, marina. Pangalagaan si Khalid, anak ni Datu Matu. Naririto ang
isang agimat upang madaling mahilom ang sugat, upang walang masamang
espiritu sa iyo sisilong, upang bantayan ka na tonong. Allahu Akbar!

Taumbayan:
Tayo’y mag-aliw sa kalilang Khalid lilinisin sa Pag-Islam
Magsayawan, magtugtugan. Onor ritmo’y pgsasaluhan
Ipatulod nangangahulugang ganap.
(Mga tunog ng riple. Tunog ng tambol)
Mula sa: Filipinos: Writing Philippine From the Regions,p. 532-532
GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan
Ipaliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram. Gawing gabay ang
kahulugang nasa kasunod na parihaba. Pagkatapos ay gamitin sa sariling
pangunguap ang mga salitang binigyang-kahulugan. Isulat sa sagutang papel ang
paliwanag.
1. Datu_________________________________________
2. Rajah_________________________________________
3. Assalamo Allaikum _____________________________
4. Allaikum Assalam ______________________________
5. Allahu Akbar___________________________________

Datu – tawag sa mga pinuno sa Mindanao.


Rajah – nangangahulugang hari.
Assalamo Allaikum – sumainyo ang kapayapaan.
Allaikum Assalam – sumainyo rin ang kapayapaan.
Allahu Akbar – Si Allah ay dakila.

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ilarawan ang mga piling tauhan batay sa kanilang mga gawi at kilos sa akda.
Gamitin ang semantic web sa pagsagot. Itala ito sa sagutang papel.

DATU MATU AWALO

62
2. Ayon sa dula, paano magiging ganap na Muslim si Khalid?
3. Ano-anong gawain ang isinasagawa kaugnay ng Pag-Islam? Gamitin ang
kasunod na tsart sa pagsagot. Gawin sa sagutang papel.

Bahagi Kaugnay na Gawain

4. Magbigay ng tatlong katangian ni Datu Matu. Isulat sa sagutang papel.


5. Sa kabuuan, gaanong pagpapahalaga ang ginugugol ng mga Muslim sa Pag-
Islam?Ipaliwanag.

GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman


a) Basahin at suriin ang pagiging makatotohanan ng sumusunod na pangyayari mula
sa mga pahayag batay sa iyong sariling karanasan o karanasan ng ibang kakilala.
Pumili ng tatlong nagpapahayag ng pagkamakatotohanan. Gawin sa sagutang
papel. Ipaliwanag ang mga sagot sa harap ng klase.
Pangyayari Sariling Karanasan
Si Khalid, binata na
Panahon na, tuliin siya
Sa kalinisan pagpalain
Sa langit pakikinggan
Sa harap ni Allah at ng bayan.
Noon pa man, ang ating mga bayan ay dati nang
magkaibigan. Hindi maiwasang nagkaalitan nang
kaunti at nagkasugatan. Ngunit walang dahilan
upang di maghilom ang naiwang sugat at muling
maging magkaibigan.
Wala akong pagsidlan ng kasiyahan sa Pag-
Islam ng aking binatang si Khalid, Ngayon
nama’y marangal kong ibabalita sa inyo, ang
pagdaraop ng palad ng aking anak na si
Tarintang at ng anak ni Datu Awalo na si Maduk.
Magsisilbi itong tatak, mahigpit na pagkakaisa ng
ating dalawang bansa.
Unggoy, unggoy, puting unggoy sa ranao
lalangoy matapos itaboy ni Pilandok, isubok.
(Mga reaksiyon, tawanan, sigawan.) Ahhh..(titig
sa buwan. May sinasabi ang buwan.
(Katahimikan) O sige na, tumahimik ang lahat,
walang bibig na bubuka, walang matang
kukurap, mga tenga’y iinat.

63
Pangyayari Sariling Karanasan
Papasok si Khalid, tutuliin. Habang ginaganap
ang ritwal, mga mandirigma sa kilos ng sagayan
sa paligid.

b) Ihambing ang Pag-Islam sa pagbibinyag ng mga Katoliko gamit ang venn diagram.

PAGISLAM BINYAG

PAGKAKATULAD

c) Ihambing ang Pag-Islam sa pagbibinyag ng iba pang pangkat ng


pananampalatayang Kristiyano tulad ng Iglesia ni Cristo, Born Again, Saksi ni
Jehovah, at iba pa. Gamitin ang kasunod na kolum. Gawin sa sagutang papel.

Kaugalian ng Iba pang


Pag-Islam Pananampalatayang Kristiyano

Paraan ng Pagsasagawa

d) Punan ang mga patlang:


 Natutuhan ko na_______________________________
 Ang Pag-Islam ay _______________________________
 Masasabi ko na________________________________

GAWAIN 6. Dula sa Kasalukuyan


Isulat sa sagutang-papel kung ano-anong pangyayari sa dula na sa
kasalukuyan ay ginagawa pa rin ng kapatid nating Muslim.

Alam mo ba na…
ang katotohanan ay isang pahayag na nagsasaad ng ideya o pangyayaring
napatunayan at tanggap ng lahat na totoo at hindi mapapasubalian. Hindi ito
nagbabago at maaaring alamin ang pagkamakatotohanan nito sa ibang
sanggunian tulad ng mga babasahin at mga taong nakasaksi nito.
Sa pagsusuri ng pagkamakatotohanan ng mga pangyayari, higit na
pinahahalagahan ang katotohanan kaysa kagandahan. Ang manunulat ay
obhetibo. Nagpapakita ang tauhan ng pagbabago o ugnayan ng tauhan sa
kaniyang kapaligiran o kalikasan o maging ng kaniyang pag-unlad.

64
GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika
Ang kasunod na akda ay larawan ng mga kaganapan sa ilang bahagi ng
Mindanao. Ang ilang dulang Pilipino na isinapelikula ay hinango sa mga pangyayaring
ito. Basahin mo ito at suriin ang mga pangungusap na may salungguhit.

Mindanao Isang Paraiso

Sa likod nang hindi magagandang balita sa mga pangyayari sa ilang


lugar sa Mindanao, maituturing na isa pa rin itong paraiso. Maraming
magaganda at makasaysayang lugar doon na tunay na dinarayo ng mga
turista local man o banyaga. Ayon sa ulat ng kagawaran ng Turismo sa ibat
ibang rehiyon sa Mindanao,tumaas nang mahigit 20% noong 2016 ang
dumarayong mga turista.

Napakaganda ng Mindanao dahil sa mga lugar na mapupuntahan,


malabuhangin kalikasan, mayamang kultura na nagpapakilala ng identidad
ng mga taong naninirahan doon. Higit sa lahat, makahulugang pamumuhay
ng mga taong naninirahan doon. Halika na sa Mindanao at nang Makita ang
isang PARAISO.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ilarawan ang Mindanao batay sa binasang teksto?
2. Ano ang nais iparating ng binasang teksto?
3. Anong uri ng teksto ang binasa?
4. Isa-isahin ang mga pahayag / pangungusap na nagsasaad ng katotohanan.
Ipaliwanag kung bakit nagpapahayag ang mga ito ng katotohanan.
5. Nakatutulong ba ito sa pagpapahayag ng pagkamakatotohanan ng mga
pangyayari? Patunayan.

65
Alam mo ba na…
sa wikang Filipino ay may mga pangunugusap na walang paksa. Ang sumusunod
ay halimbawa ng pangungusap na walang paksa.
1. Pamanahon o Temporal– Nagsasaad ng kalagayang panandalian
o panahunan lamang.
Halimbawa: Tag-araw na. Pasukan na naman. Lunes kahapon.
2. Maikling Sambitla – Iisahin o dalawang pantig na nagpapahayag
ng masidhing damdamin.
Halimbawa: Ay! Sus! Naku! Aray!
3. Pautos – Binubuo ng basal na pandiwa at sinusundan ng mo at pang-abay.
Halimbawa: Tawagan mo. Sulat na.
4. Pahanga – Nagpapahayag ng damdaming humahanga.
Halimbawa: Napakabait mo. Kay buti mo.
5. Pormulasyong Panlipunan – Mga pahayag na pagbati, pagbibigay-galang
at iba pang nakagawian sa lipunang Pilipino.
Halimbawa: Tao po. Salamat po. Mano po.
6. Eksistensiyal – Nagsasaad ng pagkakaroon at di-pagkakaroon ng isang
bagay.
Halimbawa: May bagyong darating.
Walang nangyari sa usapan.
7. Penominal – Nagsasaad ng kalagayan ng panahon dulot ng kalikasan.
Halimbawa: Bumabagyo! Lumilindol!
8. Pagyaya o Pagtawag – Naglalahad ng pag-anyaya.
Halimbawa: Halikayo. Tayo na.
9. Pakiusap – Karaniwang ginagamitan o pinangungunahan pa, paki-, maki-
Halimbawa: Pakidala iyan. Makikiraan po.
10. May modal na nangangahulugan ng gusto, nais, ibig
Halimbawa: Nais ko ng prutas. Gusto niya ng papuri.

Magdalena O. Jocson, pp.50-51,2015.


Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Batayang Aklat sa Filipino I

PAGSASANAY 1
Isulat ang tsek () kung ang pangungusap ay walang paksa. Isulat naman ng
ekis (x) kung mayroon. Gawin ito sa sagutang papel.
1. Tayo’y magsaya sa kalilang.
2. Tugtugin ang kulintang.
3. Assalam Allaikum
4. Si Datu Awalo ng Biwang.
5. Lubos ang kasiyahan ko sa pagdalo ninyo.

66
6. Allahu Akbar!
7. Mapalad ang aming bansa.
8. Swer! Swer! Swer!
9. Magsayawan! Magtugtugan!
10. Datu

PAGSASANAY 2

Mula sa mga pangungusap sa Pagsasanay 1, suriin ang uri ng mga


pangungusap na walang paksa. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.
Lagyan ng tsek ang kolum na tumutukoy sa uri ng pangungusap na walang paksa.

Pangungusap Temporal Sambitla Pautos Pahanga Pormulasyong Eksistensiyal Penominal Pagtawag Pakiusap Paggamit
Panlipunan ng Modal
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10

Alam mo ba na…
ang anunsiyo o patalastas ay isang uri ng pakikipagkomunikasyon. Ito ay
ginagamit upang hikayatin ang sa mga tao na tangkilikin ang anumang serbisyo o
produktong ipagbibili.
Maikli lamang ang patalastas ngunit malaman ang detalyeng nais ipabatid
sa mga tao. Ito ay nakalimbag na lathala o patalastas na tinatawag na
advertisement sa Ingles. Makikita ito sa pahayagan, magasin, at telebisyon.
Mahalaga ang patalastas sa mga tao upang makapili sila ng mga produkto
o serbisyong kanilang tatangkilikin. Ayon kay Sharpio (2006), ang anunsiyo ay
nakapagpapabago sa pag-uugali ng mamimili batay sa kanilang karanasan sa
isang produkto.
Narito ang ilang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng anunsiyo o patalastas:
1. Tiyakin kung para kanino ang anunsiyo:
2. Mag-isip ng nakakaagaw-atensiyon na mga pahayag: at
3. Gawing tiyak ang mga impormasyon.
Jocson, Magdalena O. at Tolosa, Marites. Hiyas ng Lahi
(Panitikan, Gramatika at Retorika) Quezon City.2002
Vibal Group of Company. (p.144)

67
PAGSASANAY 3
Bumuo ng isang palatastas tungkol sa nagaganap na pagpapalikas sa mga
apektado ng digmaan na ginagamitan ng pangungusap na walang tiyak na paksa.
Isulat ito sa isang bond paper. Ipaliwanag ang binuong patalastas.

GAWAIN 8. Pag-uugnay sa Retorika


Sumulat ng isang paglalarawan sa gawi at kilos ng isang tauhan mula isang
dulang panlansangan o tanghalan. Isaalang-alang gamit ng mga pangungusap na
walang paksa.

Pagnilayan at Unawain

Alam kong nauunawaan mo na kung ano ang pangungusap na walang paksa.


Upang matiyak ko na ganap mong nauunawaan, sagutin ang kasunod na mga tanong.
Gawin sa kuwaderno.
1. Paano napalalaganap at napapahalagahan ang mga kaugalian ng mga tao sa
iba’t ibang lugar sa pamamagitan dula?
2. Paano magagamit ang mga pangungusap na walang paksa sa pagbuo ng
patalastas?

Ilipat
Bilang isang graphic artist, kinuha ka ng isang movie company upang
gumawa ng isang patalastas para sa kanilang ilalabas na pelikula na may
pamagat na “Dakilang Bayani”. Bumuo ka ng patalastas gamit ang mga
pangungusap na walang paksa. Itataya ang iyong gawa batay sa sumusunod na
pamantayan:
a) nakatatawag ng pansin ang paksa 3
b) wasto at angkop ang nilalaman 5
c) masining ang pagkakagawa ng mga larawan 2
d) makabuluhan ang inilahad na mga impormasyon 3
e) malinis at maayos ang pagkakagawa 2
f) wasto at angkop ang ginamit na mga salita sa
pagbuo ng pangungusap 5
KABUUAN 20

Binabati kita sa matagumpay na pagtuklas ng dula ng mga kapatid nating


Muslim sa Mindanao. Kahanga-hanga ang iyong tiyaga sa ginawa nating pagtalakay.

68
ARALIN 1.6

IV. PAGNILAYAN at UNAWAIN


PARA SA BUONG MODYUL 1
Ayon sa ibinigay na kahulugan ng World Tourism Organization (isang
organisasyon ng mga Nagkakaisang Bansa), ang turismo ay maaaring bigyang-
kahulugan bilang isang hakbang ng paglalakbay para sa layuning panlibangan.
Tinatawag ding turista ang sinumang naglalakbay ng 50 milya (80.5 kilometro) na layo
mula sa kaniyang tirahan.
Mahalaga ang turismo sa ekonomiya ng isang bansa. Bukod sa pagkakataong
magkaroon ng hanapbuhay ang mga taong naninirahan sa isang lugar ay mahalaga
rin ang salaping ipinapasok ng mga turista sa bansa.
Dahil sa kahalagahan ng turismo sa ekonomiya ng isang bansa, ginugugulan
ito ng pamahalaan ng napakalaking halaga para sa mga advertisement na may
layuning iparating sa ibang bansa ang natatanging kaugalian, paniniwala, at tradisyon
na dahilan upang dayuhin ang bansa at mga lugar dito. Gumagamit ng flyers,
brochures, patalastas sa telebisyon at radyo upang maipakilala ang Mindanao pati na
ang kultura nito.
Sa nakaraang patimpalak ng Asia’s Got Talent 2015, nagwagi ng Unang
Gantimpala ang El Gamma Penumbra dahil sa kakaibang talento nila – ang shadow
dance. Kinilala sila sa pagpapalaganap ng turismo sa ating bansa gamit ang
kakaibang talento. Masasabing ang kultural na pagtatanghal ng sayaw, awit, dula, at
iba pa ay maaaring gamitin din sa pagpapalaganap ng turismo.
Sa pagkakataong ito, ikaw naman ang magpapakita ng mahalagang
kaalamang natutuhan mo sa mga araling nakapaloob sa Modyul na ito. Makikibahagi
ka sa paggawa ng malikhaing panghihikayat na babasahin at tatangkilikin din ng iba.
Subalit bago mo ito isagawa, sukatin muna natin kung naunawaan mo ang
mahahalagang nais ikintal sa iyong isipan ng Modyul na ito.
GAWAIN 1. ALAM KO ITO!
Bilang bahagi ng natutuhan mo sa lahat ng aralin sa Modyul na ito, gawin sa
iyong sagutang-papel ang mga natutuhan sa akda, gayundin ang mga natutuhan sa
Gramatika ng bawat aralin. Gayahin ang pormat.
Aralin Mga Natutuhan ko Mga Natutuhan ko sa
Sa Akda Gramatika at Retorika
Nakalbo ang Datu
Ang Aso at Ang Leon
Prinsipe Bantugan
Reyna Matapat
Datu Matu

69
GAWAIN 2. SAGUTIN MO !
1. Masasalamin ba sa panitikan ng ilang lugar sa Mindanao ang kanilang kultura?
Ipaliwanag.

2. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga akdang pampanitikan ng Mindanao?

3. Paano nakatutulong ang tamang paggamit ng gramatika at retorika upang


maunawaan at mapahalagahan ang mga akdang pampanitikan ng Mindanao?
4. Ihambing ang kultura ng isang lugar sa Mindanao sa lugar na iyong kinalakhan.
Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba?
5. Ang kasunod na larawan ay ilang halimbawa ng mga bagay na ginagamit sa
panghihikayat ng mga turista para dumayo rito sa Pilipinas. Ipaliwanag ang gamit
ng mga ito at paano naiiba ang isa’t isa.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagbuo ng Flyers


sa Pagpapakilala sa Isang Lugar
1. Magsaliksik sa mundo ng advertisers/advertisements tungkol sa paggawa ng
flyers gamit ang Internet at iba pang sanggunian.
2. Magkaisa sa tema na gagawin para sa bubuuing flyers.
Halimbawa: “Kalinangan ng Mindanao, Tangkilikin at Ipagmalaki.”
3. Kailangang maipakita sa gagawing flyers ang kulturang umiiral sa lugar na
ipakikilala.
4. May magsisilbing layout artist,editor,photographer at mananaliksik sa
bubuuing flyers.
5. Bawat miyembro ay ipaliliwanag ang nilalaman ng nabuong flyers upang
mahikayat ang mga turista na puntahan ang iminumungkahing lugar sa
Mindanao.

70
Pagkatapos mong malaman ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng flyers
ay natitiyak kong matagumpay mong maisasagawa ang Pamantayan sa Pagganap
para sa Unang Markahan.

V. ILIPAT SA PAGTATAPOS
NG MODYUL 1

Alam kong nakahanda ka na para sa pagsasagawa ng Pamantayan sa


Pagganap para sa Unang Markahan. Sa mga nalinang na kakayahan mo at mga
kaaalamang natutuhan, natitiyak kong kayang-kaya mong makabuo ng isang
proyektong panturismo sa pamamagitan ng pagbuo ng isang flyer na magpapakilala
sa isa sa mga lugar sa Mindanao na nais mong makilala ng mga dayuhan.

Isa kang koordineytor ng travel agency na nais ipakilala ang isang lugar
sa Mindanao. Ang inyong kompanya ay nag-alok ng magandang insentibo sa
sinumang makabubuo ng flyer para maipakilala ang isang lugar sa Mindanao.
Kaya naman naisipan mong magkaroon ng paligsahan sa pagbuo nito upang ito
ay tangkilikin ng mga turista. Sa pagbuo ng nasabing flyer kailangan mo ng
layout artist, editor, photographer,at researcher.
Upang matiyak mo na matagumpay ang kalalabasan ng iyong layunin,
naririto ang pamantayan na kailangang masunod ng mga kalahok.
a) Pagpapakilala ng magandang kultura ng mga
taga-Mindanao 8 puntos
b) Pagkamasining ng flyer/ may orihinalidad 7 puntos
c) Kaangkupan ng layunin 5 puntos
d) Pagkamakatotohanan 5 puntos
Kabuuan 25 puntos

SINTESIS

Bumuo ng paglalagom tungkol sa mga natutuhan mo sa Modyul 1. Gawin sa


sagutang-papel.
Natutuhan ko na… Natuklasan ko na… Masasabi ko na…

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang mga gawain sa modyul na ito.
Sa mga gawaing iyong naisakatuparan ay alam kong nadagdagan ang iyong
kaalaman tungkol sa kultura at panitikan ng mga taga-Mindanao. Tunay nga na isa
kang masigasig na mag-aaral na handang isakatuparan ang lahat ng gawain sa
Modyul na ito. Ngayon ay handa ka na sa susunod na Modyul. Pagbutihin mo.

71
MODYUL 2
Panitikang Visayas:
REPLEKSIYON NG BUHAY AT
KULTURA NG KABISAYAAN

72
I. PANIMULA PARA SA MODYUL 2

Ang Visayas ay isa sa tatlong pangunahing pulo sa Pilipinas. Binubuo ang


Visayas ng mga islang nakapalibot sa Dagat Kabisayaan kasama ang pinakadulong
hilagang bahagi ng Dagat Sulu.

Pangunahing mga pulo sa Visayas ang Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte
at Samar, at nahahati ito sa Rehiyon VI, NIR, VII at VIII na binubuo ng labing anim
na lalawigan. Ang Kanlurang Visayas ay binubuo ng isla ng Panay at ang kalahati
ay ang Negros Occidental na ang mga lalawigang sakop nito ay ang Aklan, Antique,
Capiz, Guimaras at Iloilo. Sa Gitnang Visayas, ang mga lalawigang sakop nito ay
Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor. Ang ikatlo naman ay ang Silangang
Visayas na binubuo ng mga pulo ng Leyte at Samar na ang mga lalawigang sakop
ay Biliran, Leyte, Timog Leyte, Silangang Samar, Hilagang Samar, Kanlurang
Samar at Samar.

Hiligaynon o Ilonggo ang pangunahing wikang sinasalita sa Visayas,


Cebuano sa Gitnang Visayas at Waray sa Silangang Visayas. Ang iba pang wikang
sinasalita ay Aklanon, Kinaray-a at Capiznon. Bihirang gamitin sa pangkaraniwang
pakikipagtalastasan ang Filipino na pambansang wika samantalang ang Ingles ay
malawakang ginagamit at itinuturing na pangalawang wika sa mga pook na urban
sa Visayas.

Sa Kanlurang Visayas, karaniwang ang mga akda ay nasusulat sa wikang


Espanyol kaya mabilis na lumaganap ang Kristiyanismo. Kinilala si Mariano
Perfecto na unang sumulat ng pasyon sa wikang Hiligaynon noong 1884. Ang
pinakapopular na manunulat sa panahong ito ay si Magdalena Jalandoni na
nagpalaganap ng malayang uri ng taludturan ng Hiligaynon at mga akda niyang
tumalakay sa mga uri ng lipunan at pag-ibig.

Kilala rin ang Gitnang Visayas sa natatanging pagdiriwang- Sinulog Festival


ng Cebu o Pista ng Sto. Nino, Bahug-bahug Festival na gumugunita sa labanan nina
Magellan at LapuLapu at ang Folk Healing Festival na ginagawa tuwing Mahal na
Araw sa Siquijor, Yagyag Festival ng Sibulan, sa Lungsod ng Dumaguete naman ang
pagtitipon ng mga hilot at espiritista na ginagawa tuwing huling Linggo ng Abril taon-
taon.

Sa pagtatapos ng Modyul 2, inaasahang mauunawaan at mapahahalagahan


mo ang buhay at kultura ng Kabisayaan sa tulong ng kanilang ilang akdang
pampanitikan tulad ng bulong at awiting-bayan, Alamat ng Bundok Kanlaon, dulang
“Patria Amanda’’, epikong Labaw Donggon at maikling kuwentong “Ang Habilin ng

73
Isang Ina.” Malilinang din ang iba’t ibang kasanayan mo sa pag-aaral ng gramatika at
retorika. Masusi mong mapag-aaralan ang Mga Antas ng Wika Batay sa Pormalidad,
Mga Pahayag sa Paghahambing, Mga Pahayag na Ginagamit sa
Panghihikayat/Pagpapatunay, Mga Pang-ugnay sa Paglalahad at Pagsasalaysay,
Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari at Mga Panghalip na
Anaporik at Kataporik.

Pagkatapos mong mapag-aralan ang lahat ng ito, malalaman mo kung


makatutulong ba ang nilinang na mga kasanayan sa gramatika at retorika na maging
gabay sa pag-unawa at pagpapahalaga sa iba’t ibang uri ng teksto at mga akdang
pampanitikan kasama ang mga gawaing pasulat.

Bilang pangwakas na gawain, magsusulat at iparirinig mo ang sariling likha na


liriko ng isang awiting- bayan batay sa sumusunod na pamantayan: a) gamit ang wika
ng kabataan, b) orihinal na liriko ng awiting-bayan, c) may sukat, tugma, talinghaga,
d) may ugnayan ang mga liriko sa bawat bahagi e) naglalarawan ng kultura ng isa sa
mga lugar sa Visayas, at f) may hikayat ang himig na inilapat.

Sasagutin mo ang kasunod na panimulang pagtataya sa sagutang-papel.


Susukatin lamang sa pagsusulit kung ano na ang nalalaman mo tungkol sa mga
paksang nakapaloob sa Modyul 2.

74
GRAPIKONG PRESENTASYON NG MODYUL 2

Panitikang Visayas:
Repleksiyon ng Buhay at Kultura ng Kabisayaan

ARALIN 2.1
Panitikan : Mga Awiting-bayan at Bulong
Gramatika : Antas ng Wika Batay sa Pormalidad

ARALIN 2.2
Panitikan : Alamat ng Bundok Kanlaon
sa Negros Occidental
Gramatika : Mga Pahayag sa Paghahambing

ARALIN 2.3
Panitikan : Patria Amanda (1916)
(Dula mula sa Cebu)
Gramatika : Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa
Panghihikayat

ARALIN 2.4
Panitikan : Labaw Donggon
(Epiko mula sa Iloilo)
Gramatika : Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

ARALIN 2.5
Panitikan : Ang Habilin ng Ina
(Maikling Kuwento mula sa Iloilo)
Gramatika : Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod
ng mga Pangyayari

ARALIN 2.6
PANGWAKAS NA GAWAIN:
Pagtatanghal ng Orihinal na Awiting-bayan
Gamit ang Wika ng Kabataan

75
II. PANIMULANG PAGTATAYA
PARA SA MODYUL 2
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem.
Piliin at isulat sa sagutang-papel ang letra ng tamang sagot.

Para sa Bilang 1-11


Piliin ang wastong kahulugan ng mga salita o pahayag na initiman sa bawat
bilang at piliin din ang wastong sagot sa mga tanong sa blg. 6-11.

1. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika, ‘’Inay,


igagalang ko ang gusto mo.’’ Ano ang kahulugan ng salitang naumid?
A. di-nakaimik C. di-nagulat
B. di-nakapagsalita D. di-nabahala

2. Lingid sa kaalaman ng marami, may kapangyarihan ang binatang makipag-


usap sa mga hayop at insekto. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. hindi alam ng lahat C. alam na alam na ng lahat
B. inilihim sa tao D. ipinagsabi sa tao

3. Ano ang denotasyong kahulugan ng salitang bola?


A. laruan C. pahayag
B. bato D. nalaman

4. Ano naman ang konotasyong kahulugan ng bola kapag ginamit sa pangungusap


na: “Ayaw ko ng bola”, pahayag ng dalaga sa isang manliligaw.
A. laruan C. niloloko
B. bato D. binibiro

5. Ang pamimilit ni Alunsina kay Tungkung Langit na siya’y makalikha rin ng mga
bagay na nalilikha ng kaniyang asawa ay nagdulot sa kanila ng di
pagkakaunawaan. Ano ang sinisimbolo ng paglikha na nais gawin ni Alunsina?
A. pagtakas C. pakikipaghiwalay
B. paghahanapbuhay D. pakikipagtunggali

6. Paano naiiba ang awiting-bayan sa bulong?


A. isang panalangin C. paulit-ulit na binubulong
B. nilalapatan ng himig D. ginagamit sa ritwal

7. Anong uri ng tuluyan ang nagsasalaysay na ang karaniwang paksa ay buhay


ng tao na nangyayari araw-araw na nag-iiwan ng isang kakintalan.
A. nobela C. sanaysay
B. maikling kuwento D. dula

76
8. Anong uri ng akdang tuluyan ang binubuo ng mga yugto at kailangang itanghal
sa tanghalan?
A. awiting-bayan C. nobela
B. maikling kuwento D. dula

9. Anong akdang pampanitikan ang nagsasalaysay ng pinagmulan ng tawag sa


isang bagay?
A. tula C. alamat
B. maikling kuwento D. epiko

10. Ano ang taglay na katangian ng ilang tauhan sa isang epiko na ikinaiiba nito sa
iba pang akdang pampanitikan?
A. naiibang pagkilos at pagsasalita
B. nakikipaglaban hanggang sa mamatay
C. nagtataglay ng kapangyarihan
D. naglalakbay sa malayong lugar

11. Ano ang karaniwang paksa ng epiko?


A. kabayanihan C. karangalan
B. katatagan D. kahusayan

Para sa Bilang 12-14


Basahin at suriin ang bahagi ng awiting-bayan at bulong sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mensahe ng mga ito. Hanapin sa loob ng kahon at isulat sa sagutang
papel ang letra ng tamang sagot.

12. “Sagwan, tayo'y sumagwan A. nagpapakita ng


Ang buong kaya'y ibigay.
pagmamahal sa
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tangayin, bayan
Pagsagwa'y pagbutihin.” B. nananalangin nang
hindi maganda sa
13. “Tra, la, la, la.
kapuwa bilang ganti
Ako’y nagtanim ng binhi,
Sumibol, nabuhay. sa ginawang
Di naglao’t namunga, masama
Ang bunga’y naging binhi.”
C. nagbunga ng
masaganang ani ang
14. “Nagnakaw ka ng bigas ko
itinanim na binhi
Lumuwa sana ang mata mo’
Mamaga ang katawan mo D. nagpapamalas ng
Patayin ka ng anito.” pagtutulungan

77
15. “Tabi-tabi, Ingkong kami po’y nakikiraan lamang.” Anong kaisipan ang ipinakikita
sa bulong na ito?
A. Nagpapakita ng pagkamagalang sa taong kausap.
B. Nagpapakita ng paggalang sa mga di nakikita.
C. Nagpapasintabi sa dinaraanan.
D. Naniniwala sa mga di nakikita.

16. Ano ang katangiang nangibabaw sa tauhang si Fel sa dulang Patria Amanda?
A. pagiging matiyaga C. pagiging mabait
B. pagiging matalino D. pagiging masipag

17. Anong pagpapahalagang Pilipino ang masasalamin sa pahayag ni Prinsesa


Talisay na, "aking Amang Hari, kung ako na lamang ang tanging pag-asa upang
matigil ang pamiminsala ng ulupong ako po ay pumapayag na maging alay.“?
A. pagpapahalaga sa pamilya
B. pagpapahalaga sa kapuwa
C. pagpapahalaga sa kalikasan
D. pagmamahal sa sarili

18. Katulad ng ibang akdang pampanitikan, nagpasalin-salin ang mga epiko ng iba’t
ibang lugar mula sa kanilang ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon.
Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy ang pagbabahagi
ng mga akdang pampanitikan katulad ng epiko?
A. Nagpapakita ng kultura ng lugar na pinagmulan nito.
B. May mga pakikipaglabang nagaganap.
C. Magkaroon ng pagkakataon na mabasa rin ng kabataan sa kasalukuyan.
D. Malaman kung sino ang itinuturing na mga bayani noon.

19. Alin sa mga katangian ng tauhan ng epiko ang dapat tularan ng isang kabataang
tulad mo?
A. pagkakaroon ng kapangyarihang di kapani-paniwala
B. pagiging malakas sa pakikipaglaban
C. pagkakaroon ng tiwala sa sarili sa pagharap sa mga pagsubok
D. paggamit ng dahas upang makuha ang gusto o naisin

20. Paano maipakikita ang pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan katulad ng


epiko?
A. Pagbabasa ng mga akda tuwing oras ng asignaturang Filipino lamang.
B. Pagbabahagi ng mga mensahe ng akda sa kapuwa.
C. Pagbubuo ng katulad na akda nang may sariling bersiyon nito.
D. Paghihikayat sa kapuwa mag-aaral na basahin at unawain ito.

78
21. Anong kaugaliang Pilipino ang makikita sa pagpapaalam ni Labaw Donggon sa
ina bago ito maglakbay para hanapin ang kaaway?
A. Gumagawa ng paraan ang mga Pilipino upang mabuhay nang matiwasay.
B. May paggalang ang mga Pilipino sa kaniyang magulang kaya
kinakailangan munang magpaalam bago umalis.
C. Laging mapagkumbaba ang mga Pilipino sa mga nangyayari sa kaniyang
paligid.
D. Gumagawa ng kabutihan ang mga Pilipino sa kabila ng kahirapang
nararanasan.

22. “Gusto ko ay dito ka lang sa bahay, magpaganda”, ani Tungkong Langit.


Ano ang masasalamin na katangian ni Tungkung Langit?
A. mapagmahal na asawa C. mabilis magdesisyon
B. mapagbigay na kabiyak D.mahigpit sa mga dapat gawin

Para sa Bilang 23.


Basahin at unawain ang halimbawa ng awiting-bayan. Pagkatapos, sagutin
ang kasunod na mga tanong.
Sagwan, tayo'y sumagwan
Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang ____________
Baka tayo'y tanghaliin,
Pagsagwa'y pagbutihin.

23. Alin ang angkop na salita upang mabuo ang awiting-bayan?


A. hangin C. tingin
B. akin D. awitin

24. Anong bahagi ng akda ang makikita sa pangungusap na: ‘‘Mula noon, ang
bundok ay pinangalanang Kanlaon bilang pag-alaala sa katapangan ni Kan at
kabaitan ni Haring Laon’’?
A. wakas C. kasukdulan
B. resolusyon D. simula

25. “Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw Donggon sapagkat kaagad siyang lumaki
pagkasilang pa lamang niya. Isang matalinong bata, malakas, at natuto kaagad
magsalita.” Anong pangyayari sa epiko ang masasalamin sa bahaging ito?
A. pakikipagtunggali ng bidang tauhan sa ibang lahi
B. pagpapakita ng pag-ibig ng pangunahing tauhan
C. pakikipagsapalaran ng tauhan upang maghiganti
D. pagkakaroon ng kakaibang kapangyarihan ng pangunahing tauhan

79
26. Sa pahayag na:“Di hamak na matangkad si Romeo sa kaniyang kapatid.”,
anong uri ng pang-uri ang sinalungguhitan sa pangungusap?
A. palamang C. magkatulad
B. pasahol D. pasukdol

27. Anong antas ng wika ang pinakagamitin sa kabataan na nasa paaralan o wala
sa paaralan?
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. masining

28. Anong pahayag o kataga ang ginagamit upang makatulong sa pag-uugnay ng


mga kaisipan o pangyayari?
A. pahayag sa paghahambing
B. panghalip na anaporik at kataporik
C. pang-ugnay sa paglalahad at pagsasalaysay
D. pang-ugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

29. Sa pangungusap na: “Talagang nakadidismaya, may mga mambabatas na


sumusuway sa R.A. 9211 o Tobacco Regulation”, aling pahayag ang
nakatulong upang makahikayat o makumbinsi ang mambabasa o tagapakinig?
A. Talagang C. batas
B. sumusuway D. mambabatas

30. Sa pahayag na: “Noong unang panahon, ang estado ng kababaihan ay


talagang naiiba sa kasalukuyan.” Paano ginamit ang pang-ugnay na may
salungguhit?
A. pagkukuwento
B. paglalarawan
C. pagpapatotoo at panghihikayat
D. pagsasalaysay at pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

31. Sa pahayag na “Marami sa ilaw ng tahanan ang nangingibang bansa para


kumita”, anong antas ng wika ang ginamit sa nakasalungguhit na mga salita?
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. pampanitikan
32. Ano ang layon ng paggamit sa pangungusap ng mga pangatnig na: sa totoo
lang, tunay, talaga?
A. pagpapatotoo at panghihikayat
B. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
C. paglalahad ng paksa
D. pagbibigay ng buod

80
33. “Siguradong matutuwa ang kabataan kung maglalagay ng free wifi sa lahat ng
pampublikong lugar.” Anong pang-ugnay ang ginamit sa pangungusap?
A. kung C. sa lahat
B. siguradong D. ng

34. Alin ang angkop na kahulugan sa pahayag na, “maraming bata ang iniwan ng
magulang.”
A. bubukod ng tirahan
B. dahil sa hirap ng buhay
C. dahil akala iyon ay pawang pang-aapi
D. dahil iisa lamang sila sa mundo

35. Sa pangungusap na, "Niligawan niya si Alunsina na sintagal ng pagkakabuo ng


kalawakan“ , anong salita ang nagpapahayag ng paghahambing?
A. pagkakabuo C. niya
B. sintagal D. kalawakan

36. Ano ang salitang-ugat ng salitang pinagbilinan?


A. bilin C. pinag
B. bili D. bilinan

37. Sa pangungusap na, “Bilang panghuli, ang pakikiisa ninyo ay lalong


kinakailangan para sa ikatatagumpay ng programa ng paaralan”, anong
pang-ugnay ang ginamit sa pahayag?
A. ang pakikiisa ninyo C. programa ng paaralan
B. Bilang panghuli D. para sa ikatatagumpay

38. Sa pahayag na: “Bilmoko ng bagong gamit.” Anong antas ng wika ang salitang
may salungguhit?
A. balbal C. lalawiganin
B. kolokyal D. pampanitikan

39. Aling pang-ugnay ang maaaring iangkop sa pangungusap na: “Takot na takot si
Lucy nang sumakay sa taksing nakaparada sa harap ng bahay. ________
tinatambol ang dibdib niya.”
A. anupat C. kundi lang
B. datapuwat D. palibhasa

40. Magandang tamnan ng mangga ang lupain ng Guimaras dahil sa mas mataba
ang lupa dito. Anong pang-uri sa paghahambing ang ginamit sa pangungusap?
A. maganda C. mas mataba
B. lupa D. tamnan

81
Para sa Bilang 41-42
Dugtungan ng salita o parirala ang taludtod sa bawat bilang upang mabuo ang
halimbawang bulong.

41. Batang maganda _____________.


A. ikaw ay mag-ingat C. kumain nang mabuti
B. tumabi-tabi ka D. maligo araw-araw

42. Baka ikaw ay _________________.


A. mapahamak C. magtagumpay
B. masaktan D. magmadali

43. Paano masasalamin ang kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


awiting-bayang: “Ang nuno nating lahat, sa kulog di nasindak”?
A. nagpapahayag ng katapangan ng ating mga ninuno
B. kahit kulog ay haharapin ng ating mga ninuno
C. nagpapakita na kailangang makipagpaligsahan sa kulog
D. nagpapahayag na pahalagahan ang kalikasan

44. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong sumulat ng isang alamat sa inyong


lugar, anong uri ng teksto ang iyong isusulat?
A. nangangatuwiran C. naglalahad
B. naglalarawan D. nagsasalaysay

45. Ang sumusunod ay mga gabay sa pagsulat ng alamat. Alin ang HINDI dapat
gawin?
A. paggamit ng mayamang imahinasyon
B. limitahan sa isang pangunahing tauhan lamang
C. pagtalakay sa pinagmulan
D. pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

46. Kung ikaw ay susulat ng sariling alamat tungkol sa isang produkto na ang
pamagat ay “Ang Alamat ng Mangga”, alin ang panimulang maaaring gamitin?
A. Ang mangga sa Visayas ay tinatawag na pahutan.
B. May isang magsasaka na ang pangalan ay Mang Isko.
C. Ang tagpuan ay sa isang malawak na bukirin.
D. Sa isang malayong lugar sa Visayas sa Negros Occidental.

82
47. Tinugunan at tinulungan nila ang mga taong ang mga bahay ay malapit sa
dalampasigan ng Bacjawan Sur at nailigtas nila mula sa mapaminsalang bagyo
ang mga tagaroon, bata man o matanda. Ngunit sa kanilang pagbabalik sa
evacuation area, isang malaking sanga ng punongkahoy ang tumama kay
Rogelio na naging dahilan ng kaniyang pagkalaglag mula sa trak. Anong uri ng
teksto ang binasa?
A. naglalahad C. nangangatuwiran
B. nagsasalaysay D. naglalarawan
Para sa Bilang 48-49
Basahin at unawain ang kasunod na teksto. Pagkatapos, sagutin ang mga
tanong kaugnay nito.

Naalala niyang nagnakaw siya noong nakaraang araw ngunit hindi siya natatakot
sa paggawa ng kasalanang ito sa Diyos na lumikha sa kaniya. Nanginginig ang
buong katawan ni Crispin sa malaking takot sa Diyos na nagmamay-ari ng
kaniyang buhay. Hindi niya mapigilan ang pagdaloy ng mga luha sa mata.

48. Kung ikaw ay aatasang dugtungan ang sumusunod na pangyayari, anong uri ng
teksto ang iyong mabubuo?
A. naglalahad C. nangangatuwiran
B. nagsasalaysay D. naglalarawan

49. Buhat sa binasang teksto, ano ang ipinahihiwatig ng pagdaloy ng luha sa mata
ni Crispin nang mapatingin siya sa imahe ng Diyos?
A. may takot siya sa Diyos
B. nakakaramdam siya ng takot habang nagdadasal
C. matibay ang pananampalataya sa Diyos
D. may naaalaala siya habang nakatingin sa larawan ng Diyos

50. Ano ang gawi o nakasanayang gawin ng mga taga-Visayas matapos


magtrabaho buhat sa awiting-bayang “Si Felimon, Si Felimon”?
Si Felimon, si Felimon
Nangisda sa karagatan,
Nakahuli, nakahuli
Ng isdang tambasakan,

Pinagbili, pinagbili
Sa isang munting palengke
Ang kaniyang pinagbilhan
Pinambili ng tuba.
A. umiinom ng tuba para mawala ang pagod
B. umiinom ng tuba para makalimot
C. umiinom ng tuba para makatakas sa asawa
D. umiinom ng tuba para masunod ang bisyo

83
III. YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN
Natutuwa ako at nasa Modyul 2 ka na. Lalakbayin mo ang mga lugar sa isa
sa tatlong pulo ng ating bansa, ang Visayas sa pamamagitan ng kanilang ilang akdang
pampanitikan. Palalawakin at pagyayamanin ng Modyul na ito ang iyong kaalaman at
kakayahan sa tulong ng mga araling nakapaloob dito upang lubos mong maunawaan
at mapahalagahan ang panitikan at kultura ng Visayas. Halika, simulan mo na.

GAWAIN 1. Alam-Nais Malaman-Natutuhan


Gayahin ang kasunod na pormat ng talahanayan sa sagutang-papel at isulat
ang hinihinging mga sagot kaugnay ng gawain.

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa kultura ng Visayas?

Nais Malaman: Masasalamin ba sa panitikan ng Visayas ang kanilang natatanging


kultura? Patunayan.

Natutuhan: Mga naunawaang kaisipan o konsepto sa mga akdang pampanitikan.


(Sasagutin ang bahaging ito pagkatapos talakayin ang lahat ng aralin sa
Modyul 2)

Alam Nais Malaman Natutuhan


Ano ang iyong Masasalamin ba sa Batay sa talakayan, isa-
nalalaman tungkol sa panitikan ng Visayas isahin ang naunawaang mga
kultura ng Visayas? ang kanilang kaisipan o konsepto ng mga
natatanging kultura? akdang pampanitikan ng
Patunayan. Visayas na kasasalaminan
ng natatanging kultura nila?

84
GAWAIN 2. Hanggang Saan ang Aking Kaalaman?
Gamit ang kasunod na graphic organizer, ibigay ang mga impormasyong iyong
nalalaman sa mga tanong na nakasulat sa loob ng kahon. Gayahin ang pormat sa
kuwaderno.

 Paano makatutulong ang gramatika


sa wastong pag-unawa at
pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Visayas?
 Paano maiuugnay sa retorika ang
mga natutuhan sa gramatika na
gagamitin sa pagpapahalaga sa
mga akdang pampanitikan ng
Visayas?

Simula pa lamang iyan ng mga gawaing hahamon sa iyong kaalaman, ang dati
at ang malalaman mo pa lamang. Ipagpatuloy mo pa ang iyong pagbabasa sa mga
pahina ng Modyul na ito hanggang matuklasan mo ang tamang sagot sa mga tanong
na nasa Gawain 2.
Tayo na, oras na para pag-aralan mo ang ilan sa mga akdang pampanitikan
mula sa Visayas na nagdala ng malaking impluwensiya sa kasaysayan at
pagkakakilanlan ng ating bansa.

LINANGIN

Narito na ang mga araling nakapaloob sa Modyul 2. Inaasahan ang iyong


sipag, tiyaga at pakikiisa sa bawat gawain upang matuklasan mo kung masasalamin
ba ang buhay at kultura ng Visayas sa kanilang panitikan, at paano nakatutulong ang
gramatika at retorika upang higit mong maunawaan at mapahalagahan ang nasabing
mga akdang pampanitikan.

85
ARALIN 2.1

A. Panitikan: Mga Awiting-bayan at Bulong


B. Gramatika at Retorika: Antas ng Wika Batay sa Pormalidad

I. Panimula

Mayaman sa mga awiting-bayan at bulong ang mga ninuno sa Visayas.


Sinasabing ang mga ito ay nakatutulong upang higit na makilala at maunawaan ang
kanilang paniniwala, pamahiin at uri ng pamumuhay.
Ang Aralin 2.1 ay tungkol sa mga awiting-bayan at bulong na makatutulong
upang malaman mo ang buhay at kultura ng mga taga-Visayas. Tatalakayin din ang
Antas ng Wika na makatutulong upang mapahalagahan mo ang nasabing mga akda.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makalilikha ng sariling
bulong batay sa sumusunod na pamantayan: a) naglalarawan ng mga paniniwala,
pamahiin o uri ng pamumuhay ng isa sa mga lugar sa Visayas, b) maayos ang diwang
binuo, c) pagsasaalang-alang ng antas ng wika, at d) pagpapakahulugan.
Aalamin mo kung masasalamin ba sa mga awiting- bayan at bulong ang
mga paniniwala, pamahiin at uri ng pamumuhay ng taga-Visayas. Gayundin, kung
bakit mahalaga ang paggamit ng antas ng wika sa pagbuo ng awiting-bayan o
maging ng bulong.

II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa susunod na mga gawain, tutuklasin natin kung masasalamin ba sa mga


awiting-bayan at bulong ang mga paniniwala at pamahiin at uri ng pamumuhay ng
taga-Visayas.

86
GAWAIN 1: Mensahe Ko, Alamin Mo
Basahin nang malakas ang kasunod na taludturan. Isulat sa katapat na G-clef
ang kaisipang nais iparating ng awiting-bayan at bulong sa pamamagitan ng pagtukoy
sa paniniwala, pamahiin o uri ng pamumuhay na nakapaloob sa mga ito. Gawin sa
sagutan papel.

"Nagnakaw ka ng bigas ko,


umulwa sana ang mata mo,
mamaga ang katawan mo
patayin ka ng mga anito"

B
Tra, la, la, la.
Ako’y nagtanim ng binhi,
Sumibol, nabuhay.
Di naglao’t namunga,
Ang bunga’y naging binhi.

GAWAIN 2. Umawit Tayo


Batay sa ipinakikita ng kasunod na mga larawan, bumuo ng liriko at lapatan ng
tono. Iparinig sa klase. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong.

1. Masasalamin ba sa mga awiting -bayan at bulong ang paniniwala, pamahiin uri


ng pamumuhay ng mga tao sa Visayas? Patunayan.

2. Bakit mahalaga ang paggamit ng antas ng wika sa pagbuo ng awiting-bayan at


bulong?

87
Matapos nating masukat ang “alam mo na” tungkol sa aralin, magbabasa ka
ng ilang awiting-bayan at bulong mula sa Visayas pero bago iyan ay basahin mo muna
ang ilang impormasyon tungkol dito.

Alam mo ba na…
ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at
tugma. Subalit kalauna’y nilapatan ito ng himig upang maihayag nang
paawit at mas madaling matandaan o masaulo, at ang bulong ay
ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga bagay o
pook tulad ng punong balite, sapa at ilog, punso at iba pang
pinaniniwalang tirahan ng mga lamang-lupa, maligno at ibang
makapangyarihang espiritu nang hindi sila magalit at manakit. Ang
karaniwang paksa nito ay ang pang-araw-araw na pamumuhay,
paniniwala at pamahiin ng mga tao sa isang lugar, kaya naman may
iba’t ibang uri ito para sa iba’t ibang pagkakataon o okasyon gaya ng
sumusunod:
Tungkol pa rin sa awiting-bayan o kantahing bayan –
Pasalitang pagpapahayag ito ng damdamin ng mga katutubo.
Naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng
matatanda sa pagpapaalala sa kabataan kaugnay ng mga dapat ikilos
at gawin. May iba’t ibang uri ito batay sa sitwasyon o layunin ng
pagkakabuo nito.
Kundiman ang panlahat na katawagan sa awit ng pag-ibig.
Nagsasaad ito ng kabuuang mga damdamin at mga saloobing
ipinangangako ng pag-ibig.
Halimbawa ng kundiman sa Visayas ay ang Balitaw. Ang dalaga
ay di agad sumasagot kaya idadaan sa awit ang panliligaw sa kaniya ng
binata.
Diona o ihiman naman ang awiting-bayan sa kasal.

Arrogante, Jose A. et al. 2004. Panitikang Filipino, Antolohiya.


National Bookstore, Mandaluyong City

88
Bilang haligi ng tahanan kailangan ng lalaking magtrabaho upang
maitaguyod ang kaniyang pamilya. Ang talindaw ay inaawit habang
namamangka at habang nagsasagwan; soliranin naman ang awitin sa
paggaod.
Ang oyayi o hele ang katawagan sa awiting nagpapatulog ng
sanggol. Kalimitang ang mga awiting ito ay walang kahulugan, inaawit
lamang sa isang malambing na himig upang makatulog ang isang
bata.(Flora A, Ylagan,1939). Sadyang nakaaantok ang oyayi dahil halos
iisa ang tono, at paulit-ulit ang liriko.
Isa pang pampaalis ng pagod ay ang awit sa lansangan, ang
kutangkutang (Deveza & Guamen, 1979) na ang layunin ay magpatawa,
magpasaring o manukso. Maaaring ang himig nito ay lumang-luma na
ngunit makabago ang liriko na may temang nanunudyo. Maaaring awitin
bago magtrabaho, habang nagtatrabaho o pagkatapos ng trabaho o
kaya’y nagpapahinga na.
Bukod sa pag-ibig sa iniirog mayroon ding awit para sa pag-ibig sa
bayan. Tinatawag din itong awit sa pakikidigma. Ito ay ang kumintang o
tikam na nagtataglay ng malungkot na himig, na karaniwang inaawit ng
mandirigma (Sauco,1978). Karaniwang inaawit sa saliw ng biyolin at gitara
at nagmula raw sa Balayan, Batangas (Cuasay, 1973).
Samantalang ang dalit o imno ay isang awit ng papuri, luwalhati,
kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos, sa mga santo at
santa ng mga Katoliko sapagkat nagpapakita, nagpaparating o
nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.
Tunghayan ang iba pang uri ng awiting namayani sa iba’t ibang
lugar sa ating bansa.
1. Tingad – Awit sa pamamahinga mula sa maghapong pagtatrabaho.
2. Sambotani – Awit sa pagtatagumpay sa isang pakikipaglaban.
3. Dopayinim – Awit sa pagdiriwang sa pagtatagumpay sa isang
labanan.
4. Dolayanin at Indolanin – Awit panlansangan.
5. Tingud – Awit pantahanan
6. Umbay – Awit panlibing
7. Ombayi- Isang malungkot na awit
8. Omiguing – Isang malambing na awit

Casanova, A.P. et.al 2001. Panitikang Pilipino.


Rex Printing Company, Quezon City.

89
Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga
sinaunang tao sa Pilipinas. Isang panalangin ang bulong na binuhay dahil
sa pagnanais na makamtan ang isang pangyayari o pagbabago sa
hinaharap na mga pangyayari sa buhay na maaaring magtadhana ng
kapalaran. Binubuo ng ilang taludtod at ginamit upang hingan ng
paumanhin ang mga lamang-lupa, tulad ng duwende at espiritung hindi
nakikita.
Ito’y ginagamit bilang pagbibigay-galang o pagpapasintabi sa mga
bagay o pook tulad ng punong balite, sapa at ilog, punso at iba pang
pinaniniwalaang tirahan ng mga lamang-lupa, maligno at iba pang
makapangyarihang espiritu hindi sila magalit at manakit. Bukambibig ng
matatanda ang nasabing bulong lalo na sa mga lalawigan. Itinuturo nila ito
sa kanilang mga anak upang hindi mapahamak o bigyan ng sakit o
paglaruan ng mga maligno.
May mga bulong ding inuusal sa panggagamot tulad ng ginagawa
ng isang magtatawas sa napaglaruan ng lamang-lupa o namamaligno o
kaya’y sa mga nakukulam.
Ito’y ginagamit ding pananggalang sa lahat ng lihim na kaaway,
gayundin kapag ang isang tao ay nadudulutan ng sama ng loob ng kapuwa.
Sa ganitong layon ng paggamit ng bulong, hindi maganda ang idinudulot
nito sa taong pinaggamitan nito.
Ginagamit ding pansumpa ang mga bulong. Ang ganitong mga
bulong ay hindi madaling malaman, ito’y lihim na karunungan na isinasalin
o itinuturo lamang sa mga napipili at karapat-dapat sapagkat kung hindi
marunong gumamit ang napagsalinan, ito’y nawawalan ng bisa at ang
nagsalin ay napapasama.

Hinango : Panganiban, Jose Villa, et.al. Panitikan ng Pilipinas. 1995. Rex Book
Store, 1977 CM. Recto, Manila

Linangin

Basahin at unawain ang kasunod na mga awiting-bayan at bulong mula sa


Visayas. Alamin kung masasalamin ba sa mga ito ang paniniwala, pamahiin at uri ng
pamumuhay ng ilang lugar sa Visayas.

90
Ilang Awiting - Bayan ng Visayas

Si Felimon, Si Felimon Si Felimon, Si Felimon


Cebu (Salin sa Tagalog)

Si Felimon, Si Felimon Si Felimon, Si Felimon


namasol sa karagatan; Nangisda sa karagatan,
Nakakuha, nakakuha, Nakahuli, nakahuli
Sang isdang tambasakan, Ng isdang tambasakan
Guibaligya, guibaligya Pinagbili, pinagbili
Sa merkado nga guba, Sa isang munting palengke
Ang halin puros kura, Ang kaniyang pinagbilhan
Ang halin puros Ang kaniyang pinagbilhan
Igo ra i panuba. Pinambili ng tuba.

Ili-Ili Tulog Anay Batang Munti Tulog Na


(Oyayi sa Iloilo) (Salin sa Tagalog)

Ili-Ili Batang munti,


Tulog anay, matulog na
Wala diri Wala rito
Imong nanay, ang iyong nanay,
Kadto tienda Siya’y bumili
Bakal papay, ng tinapay
Ili-ili Batang munti,
Tulog anay. Matulog na.

Dandansoy Dandansoy
(Hiligaynon) (Salin sa Tagalog)

Dandansoy, bayaan ta ikaw Dandansoy, iiwan na kita


Pauli ako sa Payao Babalik ako sa Payao
Ugaling kung ikaw hidlawon Sakaling ika’y mangulila
Ang Payao imo lang lantawon. Sa Payao ikaw ay tumanaw.
Dandansoy, kung imo apason Dandansoy kung ako’y iyong susundan
Bisan tubig di ka magbalon Kahit tubig huwag ka nang magbaon
Ugaling kong ikaw uhawon Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Sa dalan magbubon-bubon. Sa daan, gumawa ka ng munting balon.

91
Mga Halimbawa ng Bulong sa Visayas

(Mula sa Hiligaynon) (Salin sa Tagalog)

“Tabi, tabi… Tabi, tabi


Maagi lang kami Nuno, makikiraan lang
Kami patawaron Patawarin mo kami
Kon kamo masalapay namon.” Kung kayo’y matapakan

Kinaray-a (Hiligaynon) (Salin sa Tagalog)

Ilaga nga hanggod Dagang malaki,


Ilaga nga gamay dagang maliit,
Bul-a ang unto ko heto ang ngipin
nga guba kag raw-ay kong sira na’t pangit,
Kabay nga islan mo sana ay bigyan mo
kang bag-o. ng bagong kapalit.

Narito ang ilang gawain na lilinang sa iyong kaalaman tungkol sa mga awiting-
bayan at bulong ng Visayas.

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan


Isulat sa kasunod na tsart ang konotatibong kahulugan ng mga taludtod ng
halimbawang awiting-bayan at bulong. Ipaliwanag ang mga ito sa pamamagitan ng
pag-uugnay nito sa mga pangyayaring nakaugalian sa inyong lugar. Gayahin ang
pormat na nasa pahina 93 sa iyong sagutang papel.

Ang konotatibo ay ang dimensiyon ng pagpapakahulugan sa hindi literal


ang ibinibigay na kahulugan. Nagkakaroon ito ng ikatlong pagpapakahulugan
gamit ang pahiwatig at paghihinuha bilang gabay.
Halimbawa:
 Salita : krus
Denotasyon : kahoy na krus
Konotasyon: simbolo ng relihiyon

92
Konotatibong Pamahiin, Paniniwala o
Taludturan
Kahulugan Uri ng Pamumuhay

1. Dandansoy kung ako ay susundan


Kahit tubig huwag ka nang magbaon

2. Pinagbili, pinagbili
Sa isang munting palengke
Ang kaniyang pinagbilhan
Ang kaniyang pinagbilhan
Pinambili ng tuba.
3.Batang munti,
Matulog na
Wala rito
ang iyong nanay,
Siya’y bumili ng tinapay
Batang munti,
matulog na.
4. Tabi, tabi
Nuno, makikiraan lang
Patawarin mo kami
Kung kayo’y matapakan
5. Dagang malaki,
dagang maliit
heto ang ngipin
kong sira na’t pangit.
sana ay bigyan mo
ng bagong kapalit.

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang paksa ng mga awiting-bayan at bulong?
A. Awiting-bayan Paksa
1) Si Felimon, Si Felimon

2) Batang Munti Tulog Na

3) Dandansoy

93
B. Bulong Paksa
 Tabi, tabi
Nuno, makikiraan lang
Patawarin mo kami
Kung kayo’y matapakan
 Dagang malaki,
dagang maliit,
heto ang ngipin
kong sira na’t pangit,
sana ay bigyan mo
ng bagong kapalit.

2. Sa awiting-bayang “Dandansoy”, ipinahayag na sakaling mangulila, tumanaw


lamang sa Payao? Ipaliwanag ang ipinahihiwatig nito.
3. Bakit sa bulong ng Kinaray-a, sa daga hinihiling na palitan ang ngipin ng mas
maganda? Pangatuwiranan.
4. Anong pamahiin ang ipinakikita sa bulong na:
“Nuno, makikiraan lang
Patawarin mo kami
Kung kayo’y matapakan.”?
5. Batay sa binasang mga awiting-bayan at bulong, paano mo ilalarawan ang
mga taga-Visayas kaugnay ng kanilang mga paniniwala, pamahiin at uri ng
pamumuhay? Iguhit sa picture frame na nakalaan. Ipaliwanag ang iginuhit na
larawan. Gumawa ng picture frame at gawin sa sagutang papel.

Ngayon pa lamang ay binabati kita sa ipinakita mong husay na masagot ang


mga tanong kaugnay sa nilalaman ng binasang awiting-bayan at bulong.

Alam mo ba na..

maaari kang magbigay ng hatol o puna sa pagpapapahayag ng ideya. Ang


pagbibigay hatol ay pagpapasiya kung matuwid o hindi ang isang sitwasyon o
pangyayari na isang kasanayan na maaaring malinang sa pagpapahayag ng
ideya na maaaring sang-ayon o di-sang-ayon.

94
GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman
5.1. Ideyang Ipinahayag, Bulong ko, Hatulan mo!
Pagkatapos mong pag-aralan at matutuhan ang tungkol sa awiting-bayan at
bulong ng mga taga-Visayas, suriin mo kung ang sumusunod na ideya mula sa
nasabing mga akda ay sumasang-ayon ka o hindi. Isulat ang tsek () sa kolum ng
mapipiling sagot at pagkatapos ay ipaliwanag ito. Gayahin ang kasunod na pormat sa
sagutang papel.

Ideya Sang-ayon Di-Sang-ayon Paliwanag


1. Ang mga awiting-bayan at
bulong ay dapat na laging
inaawit at sinasambit.
2. Makatutulong ang bulong
kapag ginagamit na pangkontra
sa nakakagalit.
3. Malaking tulong ang mga
awiting-bayan upang makilala
natin kung paano namuhay at
namumuhay ang mga taga-
Visayas.
4. Bawat linya o taludtod ng
awiting-bayan at bulong ay
makahulugan sa paglalarawan
ng kultura ng mga taga-
Visayas.
5. Salamin din ng kagandahang-
asal ang awiting-bayan at
bulong.

5.2. Ikaw ang Humatol


Ibigay ang sariling hatol sa sitwasyong pinagtatawanan ng kabataan ang
naririnig na mga awiting-bayan at bulong. Ipaliwanag ang hatol. Gawin sa sagutang
papel.
Hatol: _____________________________________________________
_____________________________________________________
5.3. Iba pang Awiting-bayan at Bulong
Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa iba pang awiting-bayan at bulong mula
sa Visayas upang mapagtibay ang paninindigan o layunin ng pagkakabuo nito at
mabigyang pagpapahalaga ang paniniwala, pamahiin o uri ng pamumuhay ng mga
tao roon. Isulat ang nasaliksik na mga impormasyon sa pamamagitan ng balangkas.
Gawin sa sagutang papel ang balangkas.

95
5.4. Magdugtungan Tayo
Sa pamamagitan ng think-pair-share, magbahaginan tungkol sa kani-kaniyang
lugar. Pag-usapan ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa sariling komunidad, mga
paniniwala, at pamahiin. Pagkatapos, bumuo ng isang awiting-bayan at isang bulong
na pagtutulungan ninyo ng iyong kapareha. Gawing dugtungan ang pagbuo nito.
Ibahagi sa klase ang mabubuo. Gawing gabay at gayahin ang kasunod na pormat sa
sagutang-papel na pagsusulatan ninyo ng bubuing awiting-bayan at bulong.

Awiting-bayan Bulong
Kabataan ako na Sana po ay pagbigyan …
handang makiisa……
____________________
__________________ ____________________
__________________ ____________________
__________________ ____________________
__________________ ____________________
__________________ ____________________

GAWAIN 6. Pagsanib ng Gramatika


Bukod sa awiting-bayan at bulong, mayroon ding mga babasahing
kasasalaminan ng mga pamahiin, paniniwala o uri ng pamumuhay ng mga tao katulad
ng ipinahayag sa kasunod na tekstong iyong tutunghayan. Bigyang-pansin kung ano
ang layon ng paggamit ng mga salitang sinalungguhitan sa teksto. Simulan mo na.
Biskuwit
ni Asuncion B. Bola

Isang blockbuster ang pelikula n’on. Maraming manonood. ‘Yan ang


Pinoy. Kabilang na kami ng utol kong manonood. Unta adlaw kami manonood
kaya lang wala ang titser namin ngayon kaya maaga pa ay nasa lobby na ako
ng sinehan, naghihintay sa aking utol na sinundo pa ng aking ina sa aming
tahanan. Mas maganda kasing manood sa sinehan kaysa sa mga PC, tablet o
TV.
Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad at
tumabi ako sa nakaupong lespu na abala sa kaniyang cp sa pag-tetext.
Mayamaya nakaramdam ako ng pagkalam ng aking sikmura kaya kumuha ako
ng isang piraso ng biskuwit na nasa aking tabi. Nilingon ako ng lespu at
kumuha rin siya. Diri naman sanang problema kung ginhatag ko sa kaniya o
kumuha siya. Kaya lang napansin ko na sa bawat pagkuha ko ng biskuwit
kumukuha rin siya hanggang isa na lang ang natira. Aba, gusto pa niyang
kunin. Inunahan ko nga siya, sabay tayo at irap ang ginawa ko. Ngumiti lang
ang lespu. “Infairness” sabi ko sa sarili, mabait, din naman siya.

96
Sa wakas natanaw ko na rin sina utol at kasama pa ni Ina ang kaniyang
mga kaututang-dila. Ang mga gurangers talaga nakikiuso ring manood kina
Piolo at Sarah. Ikinuwento ko sa aking utol ang nangyari habang papasok kami
sa loob. Inginuso ko sa kaniya ang alaws hiyang lespu na abala pa rin sa pag-
tetext. Natawa ang utol ko dahil sa aking sambakol na mukha at alam na niya
ang kasunod na sasabihin ko ng bilmoko. Di niya pinansin ang aking
paglalambing kaya pumasok na kami. Ang inis at galit ko ay nawala nang
magsimula ang palabas. Ang lahat ay natahimik.
Hanggang sa humantong ang usapan sa pagbabalik ni Gino kay Trixie.
“Puwede ba wag mo na akong pataying muli…” Naluluha ako sa
usapang ito kaya naisipan kong kunin ang dala kong panyo ngunit iba ang
nakapa ko sa aking bag. OMG! Ang biskuwit na pinagtripan ng lespu kanina
ay nasa bag ko pala. Napatawa ako nang malakas na ikinagulat ng aking mga
katabi.
Sa gitna ng drama ako’y tumatawa. Hiyang-hiya ako sa aking sarili.

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Tungkol saan ang teksto?
2. Anong mga pamahiin, paniniwala o uri ng pamumuhay ng mga taga-Visayas ang
masasalamin sa tekstong binasa? Gayahin sa sagutang papel ang kasunod na
pormat para sa mga sagot.

Paniniwala,
Pamahiin

3. Ano ang naging reaksiyon mo sa naging kilos, galaw o pananalita ng mga tauhan
sa teksto? Ipaliwanag.
4. Suriin ang mga salitang may salungguhit. Angkop ba sa mga sitwasyong
isinalaysay sa kuwento ang gamit ng mga ito? Pangatuwiranan.

Sa bawat sitwasyong nararanasan ng isang tao, ang daluyan ng kaniyang


pakipagkomunikasyon ay ang wika. Ang nasabing wika ay may antas na iniaangkop
sa sitwasyon o pangyayari, mga taong gumagamit at layunin ng pag-uusap. Dahil ang
wika ay buhay, sumusunod ito sa mga pagbabago at kasama na rito ang antas ng
wika.

97
Alam mo ba na...
ang mga salita ay maaaring gamitin nang ayon sa sitwasyon at layunin na
kakikitaan kung paano epektibong magagamit nang ayon sa antas nito. Narito
ang antas ng wika.
1) Balbal – Wikang karaniwang ginagamit sa lansangan. Ito ang
pinakamababang antas ng wika. Itinuturing na ang mga salitang ito ay
karaniwang likha
Mga Halimbawa: lespu, ermat, erpat boga, puga, toma.
 Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad at
tumabi ako sa nakaupong lespu na abala sa kaniyang cp sa pag-
tetext.
 Ang gurangers talaga nakikiuso ring manood kina Piolo at Sarah.
Pansinin ang salitang lespu ay mula sa salitang pulis na binaligtad lamang
samantalang ang “gurangers” ay mula sa salitang gurang na ang ibig
sabihin ay matatanda.
2) Kolokyal – Antas ng wika na ginagamit sa karaniwang usapan at
ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap. Karaniwang may palit
koda (code switching) o halong koda (mixed switching) na ibig sabihin
pinaghahalo sa pagsasalita o pagsulat ang Filipino at Ingles.
Mga Halimbawa: pinoy, titser, p’re, te’na
 Habang naghihintay, naisipan ko munang magbasa sa wattpad
 Maaga pa ay nasa lobby na ako ng sinehan.
3) Lalawiganin o Diyalektal– Wikang ginagamit sa isang rehiyon o isang
lalawigan. May pagkakataon o sitwasyon na hinihiram ang salitang
lalawiganin na nagkakaroon ng ibang kahulugan.
Mga Halimbawa:
Mga Salita sa Luzon na Ginagamit sa Ibang Rehiyon/Lugar
 kaunin (sunduin) – Batangas
 mabanas (mainit ang panahon) – Laguna
 abiarin (asikasuhin) – Quezon
 balaw (alamang) – Aurora
Mga Salita sa Visayas na Ginagamit sa Ibang Rehiyon/Lugar
 bana – asawang lalaki
 onse – labing-isa
 sugba – ihaw
 kadyot – sandali lang
Mga Salita sa Mindanao na Ginagamit sa Ibang Rehiyon/Lugar
 malong –kasuotan ng mga kapatid na Muslim
 kulintang – instrumentong pangmusika

98
4) Teknikal- Ginagamit sa isang tiyak na disiplina o sitwasyon.
Mga Halimbawa:
Disiplina: Information technology Google
Internet Basher
Mouse Instagram
Windows Chat
Facebook Yahoo
Ilang Salitang Ginagamit sa Bangko Kaugnay ng SitwasyongPag-iipon
Account Current
Savings Checking
ATM Withdrawal
5) Pampanitikan – Ang pinakamataas na antas ng wika na karaniwang
ginagamit sa pagsulat ng akdang pampanitikan kabilang dito ang
matatalinghagang salita at pahayag na nagbibigay ng pahiwatig, simbolismo
at larawang diwa.
Mga Halimbawa:
mahal na tao mahabang dulang
nakabibinging katahimikan kisap mata
nalalagas ang dahon nagpupuyos sa galit

PAGSASANAY 1
Suriin ang mga salitang sinalungguhitan sa tekstong “Biskuwit” batay sa antas
ng wika at isulat sa talahanayang nakalaan. Gayahin ang kasunod na pormat sa
sagutang papel.
Balbal Kolokyal Lalawiganin Teknikal Pampanitikan
1. 1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4. 4.
PAGSASANAY 2
Piliin at isulat ang kahulugan ng mga salitang nakasulat nang pahilis na ginamit sa
pangungusap na nasa A. Piliin sa B ang letra ng tamang sagot. Gawin sa kuwaderno.
A B
1. Alaws siyang tigil sa pagbabasa ng a. ina
wattpad, kaya’t hindi niya namamalayan
b. buhay
ang pagtabi ng pulis sa kaniya.
2. Ang kapatid ko ay madalas na sabihin c. wala
ang bilmoko. d. bili mo ako
3. Napagkamalan kong ang lespu ang
kumuha ng aking biskuwit. e. kotse
4. Nagmamadali kaming sumakay ng tsekot f. pulis
matapos ang panonood ng sine.
5. Madalas na kasama ng aking ina ang
katulad niyang ilaw ng tahanan.

99
PAGSASANAY 3
Basahin ang kasunod na usapang naganap sa isang handaan. Suriin kung ang
nakasulat nang pahilis ay nasa antas balbal, kolokyal, lalawiganin, teknikal o
pampanitikan. Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.

FB o Pakbet?
ni Bennedick T. Viola
Tita Beth: Muntik na akong tubuan ng pakpak sa tagal ninyong dumating.
Milet: Nay ‘wag ka namang killjoy, talagang napagod kami ang layo ng
pinuntahan namin, eh.
Robert: Tita Beth, wala pa bang tsibog diyan? Kanina pa kasi ako nagugutom eh.
Tita Beth: Para naman kayong may bulate sa tiyan niyan.
Joy: Hay, naku! Tita beth kanina pa kasi fb ng fb ‘yang mga yan.
Robert: Eh, ikaw naman nakababad sa google.
Tito Alex: Ano ba kayo mga anak? Lagi na lang kayong nag-aaway, para kayong
mga aso’t pusa niyan.
Tita Beth: Oh siya sige kumain na kayo ngarud, nagluto ako ng masarap na
pinakbet.
Milet: OMG, paborito ko ‘yan!

GAWAIN 7. Pag-uugnay sa Retorika

Sumulat ng bulong o awiting- bayan na may paksang,”Awiting-bayan at Bulong


ng Kabisayaan, Salamin ng Kanilang Kultura.” Isaalang-alang ang antas ng wika na
gagamitin sa pagsulat. Angkupan ng sariling pamagat at humandang ibahagi sa klase.
Gawin sa sagutang papel.

Pamagat
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________

100
Pagnilayan at Unawain

1. Sa tulong ng kasunod na grapikong representasyon, sagutin ang mga tanong.


Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.
Oo 1. Masasalamin ba sa mga awiting -bayan at Hindi
bulong ang paniniwala, pamahiin o uri ng
pamumuhay ng taga-Visayas? Patunayan.

2. Bakit mahalaga ang paggamit ng antas ng wika sa pagbuo ng bulong?

Natitiyak kong malaki ang naitulong ng mga gawain sa iyong pag-unawa sa


aralin. Subukin mong ilapat ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng susunod
na gawain.

Ilipat

Ipagpalagay na taga-Visayas ka, at kaugnay ng pista sa inyong lugar,


magkakaroon ng cultural night. Isa sa layunin ng gawaing ito ay maipakilala ang
inyong mga paniniwala, pamahiin at uri ng pamumuhay sa pamamagitan ng
bulong. Bilang pangulo ng Samahan ng Kabataang Panliterasi sa inyong lugar,
hinilingan kang sumulat ng isang bulong na isasama sa pagtatanghal ng
nasabing pagdiriwang. Sa pagsulat mo ng nasabing bulong itataya ito batay sa
sumusunod na pamantayan:
a) naglalarawan ng mga paniniwala, pamahiin o uri ng
pamumuhay ng isa sa mga lugar sa Visayas …………… 5
b) maayos ang diwang binuo ……………………………….. 5
c) pagsasaalang-alang sa antas ng wika (bibigyang-pansin
ang gamit ng wika ng kabataan) ………………………….. 5
d) pagpapakahulugan (interpretasyon) ……………………… 5
KABUUAN 20

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Natitiyak kong napatunayan mong nasasalamin ang paniniwala, pamahiin at
katangian ng taga-Visayas sa kanilang mga awiting-bayan at bulong. Gayundin, kung
paano nakatutulong ang antas ng wika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
awiting-bayan at bulong. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang
magpatuloy sa pagsasagawa ng susunod na aralin ang tungkol sa alamat.

101
ARALIN 2.2

A. Panitikan: Alamat ng Bundok Kanlaon


sa Negros Occidental
B. Gramatika: Mga Pahayag sa Paghahambing

I. Panimula

Sa Kanlurang Visayas matatagpuan ang mga lungsod na nagpayabong sa


kultura at kabihasnan na naging dahilan upang makilala ang mga ito bilang puntahan
ng mga turista. Sa katunayan, kilalang tourist spot sa buong mundo ang Isla ng
Boracay sa Aklan at ang Bundok Kanlaon sa Negros Occidental. Ang mga ito ay ilan
lamang sa magagandang tanawing dinarayo ng mga turista sa Visayas.
Ang Aralin 2.2 ay tungkol sa Alamat ng Bundok Kanlaon. Bahagi rin ng
aralin ang pagtalakay sa Mga Pahayag sa Paghahambing na makatutulong na
malinang ang kakayahang suriin ang mga pahayag na naghahambing sa mga akdang
pampanitikan tulad ng alamat na tatalakayin.
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang makasusulat ng alamat batay sa
sumusunod na pamantayan: a) naisasalaysay ang mga pangyayari tungkol sa
natatanging produkto sa isa sa mga lugar sa Kanlurang Visayas, b) sariling likha, c)
nagtataglay ng mga elemento ng alamat, at d) may maayos na pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari.
Iyong aalamin kung paano nakatutulong ang alamat sa pagpapakilala ng
mga lugar-panturismo (tourist spots) at natatanging produkto sa Kanlurang
Visayas. Gayundin, kung paano makatutulong ang wastong paggamit ng mga
pahayag sa paghahambing sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga alamat at
mga lugar-panturismo (tourist spots) sa Kanlurang Visayas.

Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, tutuklasin natin ang alam mo na kung paano


nakatutulong ang alamat sa pagpapakilala ng mga lugar-panturismo (tourist spots) at
natatanging produkto sa Kanlurang Visayas. Subukin mong sagutin ang mga gawaing
inihanda para sa iyo.

102
GAWAIN 1. Ihanay, Alamat na Alam Mo
Sa unang kolum, itala ang tatlong pamagat ng alamat na nabasa mo na. Sa
ikalawang kolum, ang lugar-panturismo na isinalaysay sa alamat, at sa ikatlong
kolum, ang natatangi o sikat na produktong matatagpuan sa lugar na pinagmulan ng
alamat. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Pamagat ng Alamat na Lugar-Panturismo Natatanging Produkto ng


Nabasa na Lugar
1
2
3

GAWAIN 2. Picto-Match
A. Pumili at gumuhit o magdikit ng isang larawan ng isa sa mga lugar-panturismo na
isinulat mo sa ikalawang kolum sa Gawain 1. Ilagay ito sa coupon bond na
ipalalagay na ito ang kahong katabi ng larawan.Sagutin ang mga tanong sa
kasunod na talahayanan. Pagkatapos, ihambing ang iginuhit o idinikit na larawan
sa larawan ng Negros Occidental.

Negros Occidental Lugar-Panturismo

Negros Occidental Lugar-Panturismo

103
Tanong Negros Occidental Lugar-Panturismo

1. Anong alamat mayroon sa


lugar na ito?
2. Anong tanyag o kilalang
lugar ang matatagpuan dito?
3. Anong natatanging produkto
ang nasa lugar na ito?

B. Sumulat ng isang talatang naghahambing sa pinili mong lugar-panturismo at sa


Negros Occidental gamit ang alinman sa mga pahayag na naghahambing tulad
ng kasing, mas, di-gaanong, di-lubhang at iba pa. Isulat ang talata sa sagutang
papel.

GAWAIN 3. Tuklas-Diwa, Iyong Sagutin


Gamit ang kasunod na graphic organizer, subuking sagutin ang sumusunod
na tanong. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Gayahin ang pormat

Paano susuriin ang mga pahayag sa


Paano nakatutulong ang mga
paghahambing na ginamit sa akdang
alamat sa pagpapakilala ng
pampanitikan na makatutulong sa
magagandang tanawin o
pag-unawa at pagpapahalaga sa
natatanging produkto sa Kanlurang
mga alamat at mga lugar-panturismo
Visayas?
sa Kanlurang Visayas?

_______________________________ ________________________________
_______________________________ ________________________________
_______________________________ ________________________________
_______________________________ ________________________________
_______________________________ ________________________________

104
Bago basahin ang kasunod na alamat, narito ang ilang impormasyon.

Alam mo ba na…
mayaman ang Visayas sa mga alamat. Maraming lugar dito ang
nagkaroon ng pangalan batay sa alamat noong panahon ng mga
Espanyol. Isa na rito ang pinagmulan ng Negros na dating tinatawag na
“buglas”, na ang ibig sabihin ay humiwalay. Pinaniniwalaang ang
Negros noon ay dating bahagi ng isang malaking pulo na dahil sa
paglaki at pagtaas ng tubig ay naputol at humiwalay sa malaking
bahagi ng lupa.
Samantala, ang Iloilo na dating bundok ay tinatawag daw na
Ilong-ilong dahil sa hugis nitong “parang ilong na nasa tabi ng ilog”.
Ayon sa alamat nito, minsan daw namamasyal ang alkalde mayor
kasama ang kaniyang asawa. Pinag-uusapan nila kung anong pangalan
ang ibibigay sa bundok na nasasakupan niya. Hanggang sa mapuna
nilang ang hugis ng bundok ay parang isang ilong sa tabi ng ilog kaya
tinawag nila itong “Ilong sa Ilog”. Dahil mahirap itong bigkasin, sa
paglipas ng panahon ay tinawag itong Ilong-Ilong hanggang sa maging
Iloilo.
Ang bawat alamat ay may mga elemento tulad ng sumusunod:
Ang banghay na payak lamang subalit magkakaugnay ang mga
pangyayari na may layuning masagot ang pinagmulan ng mga bagay,
lugar, pangyayari o katawagan. Ito ay nahahati sa mga bahagi:
 Panimula - Dito nagaganap ang pagpapakilala at suliranin ng
pangunahing tauhan
 Papataas na pangyayari - Nagtatangkang malutas ang
suliraning magpapasidhi sa interes ng mga mambabasa
 Kasukdulan - Dito haharapin ng pangunahing tauhan ang
kaniyang suliranin
 Pababang pangyayari - Nalulutas ang suliranin patungo sa
wakas
 Wakas – Nagtatapos ang akda
Ang mga tauhan na gumaganap sa alamat na maaaring
pangunahin, pantulong at iba pang tauhan. Ang bawat isa ay may
mahalagang papel na ginagampanan sa kabuuan nito.
Mayroon ding tagpuan na naglalarawan ng lugar na
pinagganapan ng mahahalagang pangyayari sa isang alamat.

105
Linangin

Basahin at unawain ang kasunod na alamat upang matuklasan mo kung


nakatutulong ba ito sa pagpapakilala ng magagandang tanawin o natatanging
produkto sa Negros Occidental.

Alamat ng Bundok Kanlaon


(Negros Occidental)
Natatangi sa Negros ang baranggay ni Datu Ramilon dahil sa kaniyang
kahanga-hangang katapangan at kabaitan. Dagdag pa sa pagiging bantog ng
datu ang pagkakaroon ng napakagandang anak na nagngangalang Kang.
Hindi tumututol si Datu Ramilon sa pamimintuho ng kalalakihan sa
kaniyang anak dahil sa siya ay maunawain at mapagmahal na ama. Madalas
nga niyang sinasabing "ang lalaking maibigan ng aking anak na si Kang ay
hindi ko tututulan. Igagalang ko ang kaniyang kapasiyahan kung ito ang
kaniyang ikaliligaya."
Sa dinami-dami ng mangingibig ni Kang, ang nagkapalad ay si Laon na
anak ng isang raha sa kalapit nilang baranggay. Isang araw, naglakas-loob
ang magkasintahang magtapat.
"Ama, may sasabihin po sa inyo si Laon," ang bungad ni Kang kay Datu
Ramilon.
"Magsalita ka, binata," tugon ng datu. " Ano ang iyong pakay?"
"Nais ko pong hingin ang inyong pahintulot sa aming pag-iibigan ni
Kang." pagtatapat ni Laon.
"Wala kang aalalahanin," sagot ni Datu Ramilon. "Humanda kayo at
idaraos natin ang inyong kasal sa kabilugan ng buwan."
Naghandog si Laon ng dote kay Datu Ramilon. Sagana ang hapag-
kainan sa masasarap na pagkain bilang pagsalubong sa pagtataling-puso nina
Kang at Laon.
Subalit hindi pa natatapos ang seremonya ng kasal ay biglang narinig
ang malakas na tinig ng isang kawal. "Mahal na Datu Ramilon! Mahal na Datu
Ramilon! Dumarating po ang pangkat ni Datu Sabunan!"
Si Datu Sabunan ng Palawan ay masugid na manliligaw ni Kang.
Nagpasiya itong lumusob sa baranggay ni Datu Ramilon sapagkat nabalitaan
nitong ikakasal sina Kang at Laon. Mabilis na iniutos ni Datu Ramilon na
harapin ng kaniyang mga kawal ang kalaban. Naganap ang madugong
labanan at sa kasamaang-palad ay nalipol ang pangkat ni Datu Ramilon,
kabilang sina Kang at Laon.
Sa tibay ng pag-iibigan nina Kang at Laon, natagpuan ang kanilang
bangkay na magkayakap. Di nagtagal ay may lumitaw na munting burol sa
kinamatayan ng magkasintahan.

106
"Aba! Lumalaki ang burol na kinalugmukan nina Kang at Laon!" nasabi
ng isang kawal.
"Oo nga at tila nagiging mabilis ang paglaki nito," ayon naman sa
kausap.
Mula noon ang dating maliit na burol ay naging isang malaking bundok.
Tinawag ito ng mga tao na bundok nina Kang at Laon subalit sa paglipas ng
panahon, ito ay kinilalang bundok ng Kanlaon.

Ramos, Maria S. 1984. Katha Publishing Company. Quezon City

GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan


Unawain ang sumusunod na salitang paulit-ulit na ginamit sa akda. Ibigay ang
sariling interpretasyon ang bawat isa. Gawing gabay ang ibinigay na halimbawa.
Gayahin ang kasunod na pormat sa iyong kuwaderno.

Salita Sariling Interpretasyon


Halimbawa: bundok pagsubok sa buhay
1. pag-iibigan
 "Nais ko pong hingin ang
inyong pahintulot sa aming
pag-iibigan ni Kang."
pagtatapat ni Laon.
 Sa tibay ng pag-iibigan
nina Kang at Laon,
natagpuan ang kanilang
bangkay na magkayakap.

2. kasal
 Subalit hindi pa natatapos ang
seremonya ng kasal ay
biglang narinig ang malakas
na tinig ng isang kawal.
 “Humanda kayo at idaraos
natin ang inyong kasal sa
kabilugan ng buwan."

3. burol
 Di nagtagal ay may lumitaw na
munting burol sa kinamatayan
ng magkasintahan.

107
 Mula noon ang dating maliit na
burol ay naging isang
malaking bundok.
4. kawal
 Subalit hindi pa natatapos ang
seremonya ng kasal ay biglang
narinig ang malakas na tinig ng
isang kawal.
 Mabilis na iniutos ni Datu
Ramilon na harapin ng
kaniyang mga kawal ang
kalaban

GAWAIN 5. Sagutin Mo!


1. Sino ang pangunahing tauhan sa alamat? Ang mga pantulong na tauhan?
2. Paano mo ilalarawan ang pangunahin at pantulong na tauhan sa alamat?
Gayahin ang kasunod na pormat sa pagsagot sa kuwaderno.

Pangunahing Katangian Pantulong na Katangian


Tauhan Tauhan

3. Ano ang suliranin ng kahariang pinamumunuan ni Datu Ramilon?


4. Paano nasolusyunan ni Datu Ramilon ang suliranin?
5. Paano nagwakas ang alamat?
6. Bakit tinawag na Kanlaon ang bundok?
7. Batay sa mga pangyayari sa alamat, ilarawan ang Bundok Kanlaon.
Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

108
8. Suriin ang mga elemento ng binasang akda na Alamat ng Bundok Kanlaon.
Isulat ang mga ito gamit ang kasunod na tsart. Gawin sa sagutang papel.

Tagpuan
Tauhan

Panimula Kasukdulan

Banghay Papataas na Pangyayari Pababang Pangyayari

Wakas

GAWAIN 6. Pagpapayaman ng Nilalaman


6.1. Di-makatotohanang Pangyayari...Bigyang Kahulugan Mo!
Anong mga di-makatotohanang pangyayari ang inilahad sa alamat? Bigyan ng
sariling pakahulugan ang mga ito. Isulat ang iyong sagot gamit ang kasunod
na talahanayan. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Di-makatotohanang Pangyayari Sariling Pakahulugan

6.2. Elemento ng Alamat


Isa-isahin ang elemento ng alamat gamit ang kasunod na concept map upang
mabatid mo na sa kabila ng di-makatotohanang mga pangyayari sa mga
alamat. Paano nakatutulong ang mga ito sa pagpapakilala ng magagandang
tanawin o natatanging produkto sa Negros Occidental. Gawin sa sagutang
papel.

109
Mga Elemento ng Alamat

Alamat
ng
Bundok
Kanlaon

6.3. Sa Alamat Masasalamin ang Taga-Visayas


Anong mga pangyayari sa Alamat ng Bundok Kanlaon masasalamin ang
kaugalian, paniniwala at mga katangian ng mga taga-Visayas? Isulat mo ang
iyong sagot gamit ang kasunod na pormat.

Pangyayari Mula Kaugalian ng mga Paniniwala Katangian ng mga


sa Alamat taga-Visayas taga-Visayas

6.4. Produkto at Tanawin sa Negros Occidental


Bukod sa bundok ng Kanlaon, magtala ng iba pang magagandang tanawin o
lugar na matatagpuan sa Negros Occidental gayundin kung ano ang mga
pangunahing produkto roon.
Negros Iba pang Magagandang Natatanging Produkto
Occidental Tanawin na Matatagpuan Doon sa Negros Occidental

6.5. Negros Occidental ...Isang Lugar na Panturismo


Nakatulong ba ang akdang Alamat ng Bundok Kanlaon at kanilang
natatanging produkto upang makilala ang Negros Occidental bilang isa sa mga
lugar- panturismo sa Pilipinas. Patunayan?

GAWAIN 7. Pahalagahan Mo, Aral Ito


1. Gamit ang cue card, ayusin ang mga salita o pahayag upang mabuo ang aral
mula sa “Alamat ng Bundok Kanlaon.” Ipaliwanag din ang nasabing aral ng
alamat. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

110
Nabuong Pahayag
hanggang Wagas na
magkasama pagmamahal

kamatayan

Paliwanag:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano ka makahihikayat na pahalagahan ang nasabing aral?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Binabati kita dahil nasagot mo ang mga gawaing inihanda para sa binasa mong
alamat. Alam kong may sarili kang pananaw kung paano nakatutulong ang mga
alamat sa pagpapakilala o pagpapalaganap ng magaganda at makasaysayang lugar
gayundin ang kanilang natatanging produkto sa kabila ng pagkakaroon nito ng mga
di-makatotohanang pangyayari.

GAWAIN 8. Pagsasanib ng Gramatika


Katulad ng Negros Occcidental, isa pa sa ipinagmamalaking lugar ng mga
taga-Visayas ang Guimaras. Alam mo ba na sa Guimaras matatagpuan ang
pinakasikat na mangga sa buong Pilipinas? Sa katunayan, iniaangkat ang mga
manggang Guimaras sa United States simula pa noong 2001 dahil sa kakaibang
tamis nito. Dahil dito, patuloy ang pag-angat ng ekonomiya ng kanilang lalawigan.
Upang mapatunayan mo kung talagang nakatutulong ang alamat upang
makilala ang mga lugar-panturismo at natatanging produkto sa Kanlurang Visayas,
basahin at unawain mo ang kasunod na komiks na halimbawa ng tekstong
nagsasalaysay na may paglalarawan. Alamin mo kung paano nakatutulong ang mga
pahayag na naghahambing sa pagsulat ng isang alamat. Ngunit alam mo bang maaari
ka ring makapagsalaysay ng isang alamat gamit ang komiks?

111
Basahin ang kasunod na komiks at sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

Produktong Sikat sa Bayan Namin


ni Bennedick T. Viola / Iginuhit ni Romeo De Castro Jr.

112
113
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng magkaibigan? Ilarawan ito.
2. Anong mensahe ang nais iparating ng binasang komiks?
3. Mabisa bang nagamit ang mga salita sa komiks bilang paglalarawan ng
produktong binanggit?Patunayan.
4. Ihambing ang tekstong naglalarawan sa tekstong naglalahad. Gawin sa
sagutang-papel.

A
Tekstong
Naglalarawan
AB
B
Tekstong
Naglalahad
Marahil napansin mong isinakomiks ang isang alamat. Ito ay upang
maunawaan mo na ang mga alamat ay maaari mo ring ikuwento sa iba pang paraan.
Ito rin ay magpapataas ng antas ng iyong pag-unawa para mabigyan mo ng halaga
ang mga alamat ng ating bansa. Ngayon nama’y basahin mo ang mga impormasyon
tungkol sa komiks at mga hakbang kung paano makagagawa nito.

114
Alam mo ba na...
ang binasa mong komiks bagamat nagsasalaysay ay may integrasyon ng
paglalarawan. Binigyang-pokus ng paglalarawan ang isang bagay na
pinakapaksa ng teksto. Ano nga ba ang paglalarawan? Isang uri ito ng
tekstong naglalayong ilarawan o bigyang-katangian ang pisikal na katangian
ng mga pangunahing tauhan at ilang mga bagay.
Samantala, sa halimbawang ipinabasang teksto, komiks ang ginamit
upang makapagsalaysay at makapaglarawan.
Sinasabing ang komiks ay isang epektibong babasahin sa ating
bansa at maituturing na anyo ng panitikang Pilipino. Sa kasalukuyan, isa
itong uri ng panitikang popular. Binubuo ito ng frames, teksto at mga diyalogo.
Sa frames nakalagay ang mga salitaan at ilustrasyon na kailangan ng
tagaguhit. Nakalagay sa teksto ang mga salaysay at mga diyalogo. Ang
diyalogo ay ang ipinahahayag ng nagsasalita at kalimitang inilalagay sa
tinatawag na speechballoon. May iba’t ibang uri ang speech balloon,
halimbawa ay ang sumusunod:

ORDINARYO - ang ipinahahayag ng nagsasalita ay sa paraang


ordinaryo o karaniwang pagsasalita.
PABULONG
- ang pahayag na ito ay ibinubulong lamang ng
nagsasalita.
SA SARILI - ang pahayag o diyalogo ay kumakausap sa sarili

PASIGAW - ang pahayag o diyalogo ay sa paraang pasigaw.

Tunghayan ang ilang hakbang sa pagsulat ng kuwento para sa komiks.


1. Isipin kung ano ang kuwentong nais isalaysay. Maraming paraan
upang mabuo ang kuwento. Umisip ng paksang maaaring gamitin sa
pagsulat nito.
2. Gumawa ng sinopsis ng kuwento. Isalaysay ang buong kuwento. Ito
rin ang magiging gabay sa paggawa ng frame by frame presentation
ng bubuuing kuwento.
3. Sa tulong ng mga frame, isalaysay ang kuwento.
4. Pagguhit ng bawat frame kasama ang illustration guide. Kapag
natapos na ang buong komiks, lagyan ng angkop na pamagat.
Hango sa aklat na Tudla I nina Obrero,Jasmine et al.2010
Sta. Teresa Publications, Inc. Quezon City.

115
- ang pahayag na ito ay ibinubulong lamang ng nagsasalita.
Ngayon ay marami nang naibahagi sa iyong mga impormasyon tungkol sa
komiks. Bigyang-pansin naman kung paano makatutulong sa isang pagsasalaysay o
iba pang pagpapahayag ang paglalarawan ng isang lugar, bagay o pangyayari.
Maaaring magkaroon ng ideyang gagamitin sa paglalarawan ang mga pahayag o
salitang naghahambing. Batay sa binasa mong tekstong may pamagat na
Produktong Sikat sa Bayan Namin, tinatawag na mga pahayag sa paghahambing
ang mga salitang may salungguhit. Upang higit mo itong maunawaan, basahin mo
ang kasunod na paliwanag.

Alam mo ba na…
tinatawag na pang-uring pahambing ang pang-uring naglalarawan o
nagbibigay-katangian sa dalawang tao, bagay, lugar o pangyayari. May mga
pahayag na ginagamit sa paghahambing gaya ng sumusunod:
1. hambingang magkatulad – Ang dalawang tao, bagay, lunan o
pangyayaring pinaghahambing ay magkatulad, pareho o timbang.
Naipakikita ito sa pamamagitan ng paggamit ng:
a) salitang kapwa at pareho
Mga Halimbawa: kapwa maganda, parehong matalino
b) mga panlaping sing-, kasing-, magsing-, magkasing-, at ga-, gangga-.
Mga Halimbawa: singhusay, kasingganda, magsintaas,
magkasingyaman, gamunggo
2. hambingang di-magkatulad – Ang dalawang tao, bagay, lunan o
pangyayaring pinaghahambing ay di-magkatulad, di- pareho o di-patas.
Ang hambingang di-magkatulad ay maaaring palamang o pasahol.
a) Hambingang palamang – Malaki, mataas ang uri o nakahihigit ang
itinutulad sa pinagtutularan, nakikilala ito sa pamamagitan ng:
Mga Halimbawa: matalino kaysa, mas listo kaysa, malaki-laki kaysa
b) Hambingang pasahol – Maliit, alangan, mababa ang uri ng
inihahambing sa pinaghahambingan. Naipakikita ito sa pamamagitan
ng paggamit ng sumusunod: di-gasino, di-gaano, di-totoo, di-lubha at
alinman sa mga katuwang na ito: gaya, tulad, paris, para.
Mga Halimbawa: di-gaanong malaki gaya, di-lubhang palakibo tulad,
di-totoong tanyag paris, di-gasinong makisig gaya.
Nakpil, Lolita et.al. Gintong Pamana Wika at Panitikan II,2000.
SD Publications, Inc. Quezon City. p 81

116
PAGSASANAY 1: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Piliin ang mga
pahayag na naghahambing. Pagkatapos, suriin kung anong uri ito ng pahayag na
naghahambing. Gayahin ang kasunod na talahanayan sa kuwaderno.
1. Katulad ng palay, naging mainam na hanapbuhay ang pagtatanim ng mangga
sa Guimaras.
2. Sariwa ang simoy ng hangin sa bukid, di-tulad ng hangin sa lungsod.
3. Ang mangga sa aming lugar ay higit na matamis kaysa sa Iloilo.
4. Mabuting di-hamak sa kalusugan ang karne ng baka kaysa sa karne ng kalabaw.
5. Kasinsipag ng magsasaka ang mga manggagawa.
6. Di-gaanong mainam sa kalusugan ang pagpupuyat.
7. Mas mainam ang pagiging maagap kaysa sa pakikipag-unahan.
8. Di-hamak na matamis ang manggang galing sa Guimaras kaysa sa ibang lugar
sa Pilipinas.
9. Mas malayo ang Negros Oriental kaysa sa Antique.
10. Kasingkinis ng mansanas ang bunga ng manggang Guimaras.

Salita/Pahayag na Naghahambing Uri ng Paghahambing

PAGSASANAY 2: Sumulat ng paghahambing sa sumusunod na bagay, lugar,


pangyayari at iba pa. Isaalang-alang ang gamit ng mga pahayag na naghahambing.
Isulat sa sagutang-papel ang sagot.
1. Luzon at Visayas
2. mangga ng Guimaras at mangga ng Zambales
3. yamang-dagat sa Visayas at yamang-dagat sa Mindanao
4. awiting-bayan ng Visayas at awiting-bayan ng Luzon
5. lugar-panturismo sa Mindanao at lugar-panturismo sa Visayas

PAGSASANAY 3: Magsaliksik tungkol sa iba pang alamat sa Kanlurang Visayas na


ang paksa ay tungkol sa mga bagay tulad ng prutas, hayop at iba pa. Maaaring ang
nasabing mga paksa ay naging produkto di kalaunan. Sumulat ng paglalarawan sa
mga ito na ihambing sa ibang produkto na maaaring magmula sa Luzon at Mindanao.
Isulat ang paglalarawan sa coupon bond.

GAWAIN 8. Pag-uugnay sa Retorika


Batay sa elementong tinalakay, sumulat ng isang paghahambing tungkol sa
mga alamat na iyong mga nabasa. Isaalang-alang ang gamit ng mga pahayag na
naghahambing (higit/mas, di-gaano, di-gasino at iba pa). Gawin sa sagutang-papel.

117
Pagnilayan at Unawain
Sa tulong ng kasunod na grapikong representasyon, sagutin ang mga tanong.
Isulat sa sagutang-papel ang mga sagot.

Paano susuriin ang mga pahayag sa


Paano nakatutulong ang mga paghahambing na ginamit sa akdang
alamat sa pagpapakilala ng pampanitikan na makatutulong sa
magagandang tanawin o pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
natatanging produkto sa alamat at mga lugar-panturismo sa
Kanlurang Visayas? Kanlurang Visayas?

_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________
_________________________ _________________________

Ilipat
Sa lahat ng mga konseptong natutuhan mo tungkol sa alamat, paggawa ng
komiks at paggamit ng mga pahayag sa paghahambing, tiyak kong kaya mo nang
sumulat ng alamat. Iyo lamang tandaan na ang pagsulat ng isang alamat ay simple
lamang. Halika at humanda ka sa paglipat ng iyong mga natutuhan sa araling ito.
Basahin ang nasa loob ng kahon.

Head ka ng Comics Department ng isang publishing company. Naatasan


kang lumikha ng isang komiks na magpapakita ng pinagmulan o alamat ng isa
sa natatanging produkto ng isa sa mga lugar sa Visayas. Kinakailangang
makabuo ka ng komiks kasama ang iyong mga staff gaya ng lay-out artist,
manunulat, illustrator, consultant, content editor at language editor. Gagamitin
ang komiks na inyong gagawin sa pagpapalakas ng turismo sa Visayas. Itataya
ang inyong isinakomiks na alamat batay sa sumusunod na pamantayan
a) naisasalaysay ang mga pangyayari tungkol sa natatanging
produkto sa isa sa lugar sa Kanlurang Visayas 5
b) sariling likha 5
c) nagtataglay ng mga elemento ng alamat 5
d) may maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari 5
KABUUAN 25

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Tiyak kong malinaw na sa iyo kung paano nakatutulong ang mga alamat sa
pagpapakilala ng mga lugar-panturismo sa Visayas. Gayundin, nakatitiyak akong
mahusay mong nagamit ang mga pahayag sa paghahambing sa paglalarawan ng
produkto ng isang lugar.
Ngayong malinaw na sa iyo ang lahat, maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na aralin. Alamin mo ang isa sa mga dula ng mga taga-Visayas.

118
ARALIN 2.3

A. Panitikan: Patria Amanda (1916)


(Dula mula sa Cebu)
Orihinal na kinatha ni Amando Navarette Osorio
Salin sa Ingles ni Nenita Lozada Mision
Isinalin sa Filipino ni Joey A. Arrogante

B. Gramatika : Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Panghihikayat

I. Panimula

Ang Cebu ay isa lamang sa bumubuo sa Rehiyon VII ng Gitnang Visayas.


Maburol at bulubundukin ang Gitnang Visayas. Matatagpuan din sa Gitnang Visayas
ang Bundok Kanlaon at Bundok Mandalagan. Mula rin sa Visayas mapapasyalan ang
kilalang mga burol sa Bohol na kilala sa tawag na Chocolate Hills. Bago dumating ang
mga Espanyol, tinatawag na Sugbo ang Cebu. Ito ay pinamunuan noon ni Raha
Humabon. Dito unang lumunsad at nanirahan ang mga Espanyol nang sila ay
dumating sa Pilipinas noong 1521.
Iba’t ibang uri ng panitikang tuluyan ang namayani sa Visayas noong panahon
ng mga Espanyol. Isa sa pinakalaganap ang dula. Ang salitang dula ay nagmula sa
salitang Cebuano na ang kahulugan ay libangan na katumbas naman sa Tagalog ay
dula rin. (Hinango sa Lorenzo, C.S. -et.al Literatura ng Iba’t Ibang Rehiyon ng
Pilipinas.2001.Grandwater Publications and Research Corporation, Makati City.)

Dahil sa kakulangan ng teatrong pagtatanghalan ng mga dula noon, ito ay


karaniwang itinatanghal sa mga plasa, sabungan, imbakan at maluluwang na mga
bakuran.
Ang Aralin 2.3 ay tungkol sa dula mula sa Cebu na pinamagatang Patria
Amanda (1916). Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa Mga Pang-ugnay na
Nanghihikayat na makatutulong upang makapagtanghal ng Reader’s Theater na
ibabahagi sa klase batay sa sumusunod na pamantayan: a) naglalarawan sa iskrip ng
isang pagdiriwang o kalagayan ng isa sa mga lalawigan sa Visayas, b) kaangkupan
ng lakas, hina at taginting ng tinigng magsisiganap, c) maayos at wastong pagbigkas
ng mga bahaging dapat bigyang-pokus, d) hikayat sa madla, e) kumpas, f) kasuotan,
g) tikas at tindig.
Aalamin mo rin kung nailalarawan ba sa mga dula ang mga taga-Visayas
ang kanilang kakaibang mga pagdiriwang. Gayundin kung bakit mahalaga ang
mga pang-ugnay sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat.

119
II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa kasunod na mga gawain, tuklasin kung may alam ka na tungkol sa Cebu at


paano nakatutulong ang tradisyonal na mga pagdiriwang ng Kabisayaan na
magkaroon ng kamalayan ang mga tao sa kahalagahan ng mga ito mula sa lugar na
pinanggalingan ng nasabing pagdiriwang. Gayundin, kung paano magagamit nang
wasto ang mga pang-ugnay sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat na ang paksa
ay tungkol sa mga pagdiriwang sa Kabisayaan.

GAWAIN 1. Hala Bira…Visayas


Suriin ang sumusunod na larawan. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga
tanong. Gawin sa sagutang papel.

1. Anong kaugalian o tradisyon ang ipinakikita sa bawat festival na idinaraos sa


ilang lugar sa Visayas?
2. Bigyang-interpretasyon ang ibig sabihin ng pagdiriwang na nasa larawan.
3. Ano ang kahalagahan ng festival sa Festival
Sinulog pamumuhay at kamalayang
Masskarapanlipunan
Festival sa
ng mga taong naninirahan doon? Bacolod
Cebu
GAWAIN 2. Sagutin… Mga Pokus na Tanong
Magbigay ng hinuha tungkol sa Mga Pokus na Tanong para sa aralin.
Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Nailalarawan bas a mga


dula ang kakaibang
pagdiriwang na ginagawa
ng mga taga-Visayas?
Patunayan.

Marahil ay nasiyahan ka sa iyong natuklasang mga bagong kaalaman. Batid


kong magiging kapana-panabik pa ang susunod mong gawain.

120
Alam mo ba na…
isa pang uri ng akdang pampanitikang tuluyan ang dula na naglalarawan ng mga
pangyayari sa buhay ng tao sa pamamagitan ng mga tauhang gumaganap sa
ibabaw ng tanghalan. Ipinakikita sa dula ang buhay ng tao na sadyang pabago-
bago at paiba-iba ang takbo. Kung minsan ay malungkot, kung minsan naman
ay masaya. Kung minsan ay mapagbiro, kung minsan naman ay walang kibo.
Lorenzo, Carmelita S. et.al. 2001.Literatura ng Iba’t Ibang Rehiyon ng Pilipinas,
Grandwater Publications and Research Corporation,Makati City

Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na


maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay
hango sa totoong pangyayari sa buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha
ng malikhain at malayang kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na iskrip.
Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na
dula ay yaong pinanonood sa isang tanghalan, pinaghahandaan at may
batayan.
Mga Elemento ng Dula
 Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula;
lahat ng bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang
iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
 Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay
sa mga tauhan sa dula; sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo; sila
ang nagbibigay-buhay sa iba’t ibang damdamin; sila rin ang binibigyang-
pokus ng mga manonood.
 Tanghalan – Anumang pook na pinagpasiyahang pagtanghalan ng
isang dula ay tinatawag na tanghalan. Maaaring ang tanghalan ay sa
plasa, bakuran ng isang bahay, kalye, sa loob ng klasrum, tanghalang
pantanghalan at iba pa.
 Tagadirehe o direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang
iskrip; siya ang nagsasagawa ng nilalaman ng iskrip mula sa pagpasiya
sa hitsura ng tagpuan, ng kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan
ng pagganap at pagbibitiw ng diyalogo ng mga tauhan ay nakabatay sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip
 Manonood – Hindi maituturing na dula ang isang binansagang
pagtatanghal kung walang manonood sapagkat layunin ng dula ay
maitanghal sa mga manonood.
Hango sa aklat na Lunday Ikatlong Taon. Banadera,et.al.
Sunshine InterlinksPublishing House,Inc.: 2011

121
Linangin
Basahin at unawain ang isang dula mula sa Cebu. Alamin kung paano
nakatutulong ang dula sa paglalarawan ng pagdiriwang ng mga tao sa nasabing lugar
na kung iyong susuriin ay nagpapakita kung paano sila namuhay at may
pagpapahalaga sa kulturang kinagisnan.

Alam mo ba na...
ang sumulat ng dulang “Patria Amanda.” ay si Amando Osorio na mula sa
katutubong bayan ng Dumaguete City. Ipinanganak noong ika-6 Pebrero, 1890
at anak nina Ricardo Osorio at Filomena Navarrete. Nag-aral siya sa Cebu High
School at sa School of Arts and Trades kung saan nakuha niya ang sertipiko ng
kasanayan kaugnay ng pag-aaral. Nagpatuloy siya sa kaniyang pag-aaral sa
San Carlos College, Liceo de Manila, at sa Colegia Mercantil kung saan niya
tinapos ang kursong A.B.
Ang dulang “Patria Amanda” ay inialay ng may akda sa kaniyang
magulang. Itinanghal ito noong ika-9 ng Pebrero, 1916 sa unang Carnival Fair
sa Dumaguete na idinirehe mismo ni G. Osorio. Ito ay lubos na pinanabikan ng
mga manonood kaya muling itinanghal nang sumunod na taon nang magdiwang
ng pista ang nasabing bayan. Ang dulang ito ay itinanghal din sa panulukang
Escolta at kalye Sandalo, Maynila noong Setyembre 19, 1921 nang ipagbunyi
ang pista ng Birhen ng Consolacion, ang pangalawang patron ng bayan ng may
akda.
Hinango sa: www. cebuano studies center.com.ph 7-14-2015

PATRIA AMANDA (1916)


Sarsuwelang orihinal na kinatha ni Amando Navarette Osorio
Salin sa Ingles ni Nenita Lozada Mision
Isinalin sa Filipino ni Joey A. Arrogante

Prologo

O, bawat isa dito sa malawak na lupa


May kanyang tungkuling dapat isagawa;
Anumang dumating sa kanyang tadhana
Hindi dapat maging sanhi para ikahiya.

UNANG YUGTO
(Bahagi lamang)

Tagpuan: Isang gabing maliwanag ang buwan sa isa sa mga lungsod ng


Luzon, malapit sa Maynila, noong panahon ng mga Katipunero. Sa
kasalahan ng isang malaking bahay na napapalamutian ng mga
nakakuwadrong larawan, mga lantang dahon ng pitogo, mga artipisyal
na bulaklak, atbp. Sa gitna ng mesa at ilang silya-tumba-tumba, at mga

122
upuang “vienna” na mahusay na nakaayos. May dalawang pinto: isa
(sa kanan) patungong beranda at ang isa pa (sa kaliwa) patungong
silid-tulugan. Sa pagbubukas ng telon, makikita ang mga tauhang abala
lahat sa kanilang gawain: nagsusulsi ng mga lumang damit,
nagwawalis at nagbubunot ng sahig, nagpupunas ng mga muwebles,
nagpupunas ng mga pinggan at mga kutsara’t tinidor at kung ano-ano
pa. Habang sila ay abala, inaawit din nila ang sumusunod:

MUSIKA:
Sabi nila’y nakahihiya ang magtapon ng basura
Magwalis at maglinis ng sahig;
Ngunit, gaano man kababa ang trabahong-bahay
Ang paggawa ng mga ito ay malaking karangalan.
Itinuturing ng iba ito ay kahiya-hiya,
ang mababa sa tinging-gawa;
dito sila namamali,
sa harap ng Diyos tanan ay pantay-pantay.
Hindi mabibigat ang mga gawain.
Silang nagpapakumbabang gumagawa,
Ay nagkakadangal at dinadakila
Dahil mula sa kanilang pawis na nabubuhay sila.
May ilang kabataang ganito ang haka...
Bilang mag-aaral, ang paggawa’y
mababasa kanilang pagkatimawa.
Ngunit bakit ganito ang iniisip nila?
Mga prinsipe ma’t prinsesa sa nadudumhang kusina.

Tagpo 1
SI PATRIA AY MAKIKITANG NAKAUPO
AT NAGBABASA NG PAHAYAGAN

Pat: Sa bayan, ang Katipunan ay umalsa laban sa pamahalaan at sa


Balintawak, si Bonifacio ay sumigaw ng kalayaan. Iyan ang balita rito
sa pahayagang Maynila. (Ilulupi ang pahayagan) Nag-aalala ako
tungkol sa balitang ito, hindi dahil sa ako’y hindi umaayon sa
paghihimagsik ng bayan. Hindi. Ang ipinangangamba ko’y si tatay na
ngayon ay nasa Maynila, sinusundo ang nakababata kong kapatid na
lalaki na nag-aaral sa Ateneo at, walang duda, inabot sila ng gulong ito.
Ano na kaya ang nangyayari sa kanila? Nilalakasan ko na lamang ang
pag-asa kong nawa’y huwag silang mahagip ng mga balang ligaw.
At...(mag-iisip) ngunit, ano na ang mangyayari sa aming lahat. Ano ang
kahahantungan sa labanang ito ang daratal? Isa marahil sa dalawa.
Ang kaligayahan ng tagumpay o ang kapighatian ng pagkatalo. Subalit,
magagapi kaya natin ang kapangyarihan ng Espanya dito sa Pilipinas?
Panahon, iyang walang salang hukom ng pinakamagaling na
makahahatol at habang hindi pa natin nalalaman, manalangin tayo sa
Diyos na ang kalayaan, iyang walang kasinghalagang karapatan na
ipinagkait sa atin ng pagmamahal para sa kaniyang katutubong lupa ay
maangkin natin para mabayaran ang ilog ng dugong dadanak sa

123
lambak ng digmaan, ang ating Inang-bayan, matapos dumanas ng libo-
libong pagdurusa ay maging malayang bansa at sa kaniyang
kandungan, tayo na kaniyang mga anak, ay maligayang mamuhay sa
ating langit? Kung ang ating mga sandata, mga punyal, mga gulok at
mga sibat ay hindi kakasihan ng kapalaran, kung ang ating mga
pagsigaw para maging isang taong malaya’y hindi pakikinggan ng
matatayog na langit, ano pa ang ating magagawa? Madilim-o ! madilim
nga ang ating kapalaran...(mag-iisip) Kapighatiang walang hanggan ng
mga kabiyak sa mga maglalahong asawa! Ang mga anak na mauulila
ng kanilang mga ama ay tanawing kahabag-habag. At ...ang mga
buntong-hininga at mga luha ng mga dalagang maiiwan ng kanilang
mga katipan. (Yuyuko at bubuntunghininga.)

MUSIKA:
Ano ang nangyari sa mga langit
Na kahit minsa’y di dinggin ang ating pakiusap!
Silang nabubuhay sa panganib
Ay di-bigyan ng kaligayahan
Ako’y natatakot sa kamatayan
Habang iniisip ko ang ating hinaharap na mga araw.
Kaawaan kaya tayo ng Diyos
At pigilin ang naaantalang digmaan?
Ano ang kahihinatnan ng ating Pilipinas
Mapait tayong mangag-iiyakan!
Isang ilog ng dugo ang aagos
Sa mga lambak ng labanan.
Ngunit bakit ang ating mga nasa
Sa atin ay di-ibigay
Ito ba ang tinatawag nilang katarungan
Dito, dito sa kapatagan ng mga luha?
Anong dilim ng gabi!
Maulap ang kalangitan,
Nagsasaad ng isang mapanglaw na bukas
Sa ating bayang pinakahihiyas,
Kay panglaw din ng palad ng sinta
Na nabubuwal sa larangan ng digma
Tayo’y magwawalay kapagdaka
Sa wakas ng panahon hangga.

(Tatanaw sa malayo si Patria, malungkot na malungkot; ang orkestra ay


patuloy sa pagtugtog. Tatanghal si Felipe)

Tagpo 2:
SA DATING SILID
Fel: Aking pinakamamahal,
Aking pinakasisinta, may dinaramdam ka ba?
Bakit ka nagpapakahapis
Magsaya ka, magsaya ka,
Ako’y kapiling mo na.

124
Tahan na
Huwag mabalisa.
Aking kabiyak, hiyas ng aking kaluluwa
Sa iyo’y may nangyayari ba?
May nangyayari ba?

Pat: Nang iyong ako ay lilisanin mo,


Hindi pa ba sapat na ikalungkot ko?
(Tatayo)
Kung ikaw’y mabalitaang patay na
Mamamalagi ako sa pagdurusa
At kung wala ka na...
O, naiisip kong kailanma’y hindi na tayo magkikita.

Fel: Bakit, Patria? Saan ako pupunta?

Pat: Sa digmaan...

Fel: Nagdurugo ang puso ko pag ganyan kitang namamasdan

Pat: Bakit?

Fel: Dahil ikaw, aking hirang, ay luhaan.

Pat: Kaninong puso ang di mawiwindang


Kung ang iniirog ay lilisan?
Anumang maaaring mangyari sa iyo.
Ay sapat nang ikapigtas ng puso ko.

Fel: O! Kabiyak ng aking kaluluwa!


Sinasamo kitang huwag na sanang mangamba
Sa aking paglayo
Walang masamang daratal sa kasuyo.

Pat: Totoo? Natitiyak mo?


Kapag mabalitaan ang iyong pagkabuwal
Hindi ba ako luluha?
May dahilan ba akong matuwa?

Sabay: Ang lalaki ay tunay na maligalig


Kapag siya’y talagang umiibig
Ang babae ay maaagawan ng kaniyang katipan
Kung matitimbuwang sa larangan ng digmaan.
Kahit hindi natin mahulaan
Ang mga paraan ng buhay,
Ngunit ang takot sa kamatayan
Ay maghahari sa ating isipan.

125
Pat: Lilisanin mo pa ba ako?

Fel: Oo!

Pat: Huwag!

Fel: Patria ng aking puso, sino ang nagsabi sa iyong ako ay aakyat sa
bundok para umanib sa manghihimagsik?

Pat: Walang nagsabi sa akin, ngunit hindi na kailangang may magsabi pa


sa akin sapagkat ikaw, ang iyong sarili, ang nagsabi noon na kapag
ang Pilipinas ay tumayo para maghimagsik laban sa Kastilang pang-
aalipin, ikaw, habang binata pa, ay tutungo sa bundok upang ipaglaban
ang layunin.

Fel: Kailan ko sinabi sa iyo, ‘yan?

Pat: Nakalimutan mo noong gabi, noong gabing maliwanag ang buwan,


noong ikaw ay lumiligaw pa sa akin at napag-usapan natin ’yan sa may
tabing-dagat? Kung nakakalimutan mo ‘yon, tatawagin ko ang saksing
maliwanag na buwan, ang mga alon na sumasaboy sa dalampasigan,
ang mga simoy na kahit ngayon ay sumasalubong sa atin. Tutunguhin
ba natin ang dating pook? Nakakalimutan mo ’yon, Felipe? Hindi mo
maalaala?

Fel: Oo, naaalaala ko na lahat.

Pat: At...narinig mo na ba ang balita na ang Katipunan ay bumabangon na


ngayon.
Fel: Oo, ako ang isa sa unang nakarinig.

Pat: Kung gayon... ano ang iyong balak ngayon?

Fel: Aba...ang minumutyang tinubuang lupa ay nakaharap sa isang


napakahalagang sandali at ito na ang oras para sa lahat ng kalalakihan
na magtanghal ng kanilang kagitingan.

Samakatuwid, giliw, hayaan mo akong pumabundok sapagkat


tungkulin ko kasama ng ating mga kababayang ipakipaglaban ang
ating bayan. Masakit sa aking iwan ka at mapait para sa akin ang
sumugod sa lambak ng pakikibaka, subalit sa makalawang-wari,
nakapananariwang gampanan itong walang kasinghalagang tungkulin
sa mapanganib na panahon nitong ating bayan, ito ay ang
pinakadakilang tungkulin dito sa daigdig ang nagpapalakas sa aking
umanib. Bukod diyan, batid mo na naman, Patria, na lagi akong walang
lubay na tinutugis ng ating mga kaaway sanhi ng mga artikulong
sinulat ko sa pahayagang Manila na ipinagtatanggol ko ang karapatan
ng ating bayan; Mabuti na ring magkanlong sa kabundukan sapagkat
dito sa poblasyon, nararamdaman kong ako’y nanganganib at hindi

126
ligtas at aking ikinatatakot baka masangkot pa ang mga walang malay;
bukod pa riyan, mayroon akong mga pag-aalinlangan at mga
pagkatakot na baka mahulog ako sa kamay ng mga kaaway. Dahil
sayang, hindi ba matalinong ako’y pumabundok.

Pat: Felipe, hindi ko ibig ang isip mong pumabundok para sumanib sa mga
manghihimagsik sapagkat lagi kitang ikababalisa. Isipin mo na lamang
ang mga kahirapan ng kanilang buhay at kalagayan doon, kahabag-
habag sila; nakikita mo, para silang mga labuyo sa gubat. Saan man
sila datnan ng gabi, doon sila magkakanlong matapos galugarin ang
kabundukan. Ngunit kung sadyang pasya mo na, hindi kita pipigilin!
( Magmumuni-muni sila.) Paalala lamang kung iyong mamarapatin.

Fel: Ano ‘yon?

Pat: Ito, gawa nang ika’y tinutugis ng mga Kastilang opisyal ng bayan, sa
halip na magtiis sa init ng araw at sa ulan sa kabundukan, lihim kang
magtungo sa Maynila na makukuhanan mo ng barko patungong Hong
Kong at doon ligtas kang makapagtatago. At kapag napayapa nang
muli ang Pilipinas, ikaw ay magbalik para tuparin ang ating mga
pangako. Ngayon, Felipe, ano sa tanto mo? Mas magaling kayang ikaw
ay tumakas sa malayo sa ating katutubong bayan nang makaligtas ka
sa mga panganib?

Fel: Iyan ay magaling na plano, Patria, gawang iyan ang iyong ibig. Ngunit
pakaisipin mo: Ang Pilipinas ay handa akong isuplong at sa aking noo
matatak ang kahihiyan, ang walang pagkakaburang tanda ng aking
kataksilan sa katutubong bayan sa pagtalikod ko sa kaniya sa panahon
ng kagipitan, bukod pa riyan, handa akong isumpa ng aking kababayan
sapagkat sa bawat pahina ng pahayagan ako ang pumukaw sa
kanilang maghimagsik, at...kanilang iisiping bakit ngayon pa, ako, sa
lahat ng tao, ang una pang uurong. Hindi ba ito’y kahiya-hiyang bagay
kong gawin? Subalit Ah! Patria, ako’y nasa mahirap na kalagayan.
Nararamdaman ko ang mga paghihirap saanman ako bumaling. Ako’y
naliligalig.

Pat: Bakit, Felipe?

Fel: Sapagkat kung ako’y mananatili lamang, dito, bagay na ikabubuti ko,
dahil palagi kong mamamasdan ang malugod mong mukha, ngunit
walang pag-aalinlangan, sa huli madarakip ako at mahuhulog sa mga
kamay ng ating mga kaaway. Kung mamundok ako, maaaring hindi nila
ako mahuli, ngunit ang buhay ko’y manganganib. Kung tatakas ako
patungong Hong Kong, totoong ligtas ang aking buhay at malaya ako
sa mga panganib ng digmaan; ngunit doon, ang puso ko’y hindi liligaya
at ang tulog ko’y hindi matitiwasay sapagkat ang nasa diwa ko’y laging
ikaw at mag-aalala ako sa maaaring sumapit sa iyo. Hindi ko alam ang
susulingan ko, Patria, aking mutya. Ang mga iyan kaya ang
mabulagtang patay sa akin sa iyong paanan!

127
Pat: Kung ikaw ay mamamatay, wawakasan ko na rin ang aking buhay.
(Magbubulay-bulay si Patria at mukhang alalang-alala.)

IKALAWANG YUGTO
(Bahagi lamang)

Tagpuan : Sa gilid ng isang malaking gubat. May kaingin sa tabi ng bundok.


Pawang punongkahoy ang makikita.

Tagpo 1:
PAPASOK SI FELIPE

Fel : Uhoy! Pagod na pagod na ako! (Ilalapag ang kaniyang maleta at ang
kaniyang sandata, sisipatin ang pook.) Ano ang mangyayari sa akin?
Nabubuhay lamang ako sa mga bungangkahoy. Tatlong araw ko nang
naliligid ang buong kabundukan ngunit wala pa akong nakikitang
sinuman. Nasaan ang mga rebolusyonaryo? Saan ko sila
matatagpuan? Pag hindi ko sila nakita kagipitan ang aabutin ko.
Mamamatay ako sa gutom. Maglalaho ako rito sa gubat. O, Diyos ko!

Musika: Sa mga oras ng paghihirap


Nananabik ako sa aking nililiyag
Nasaan ka, Patria, na sinasamba ko?
Dumulog ka’t paginhawain ako sa mga kalungkutan ko.
Magagalak ang puso ko
Kung katabi lamang kita
Matatagpuan ko ang aliw sa mga bisig mo
Sa halip na hibik at buntunghininga
O mapait ang diwa
Ng mga paghihirap na walang ginhawa
Dakilang mga hirap ang aking nadarama
Sa pamamagitan ba nito ang buhay ko’y natapos na?

Tagpo 2:
PAPASOK SI DAMON

Dam: (Tututukan ng baril sa likod si Felipe) Bang!Pong!

Fel: (Matatakot, lilingon) O, ikaw pala, Damon...Huwag kang magbiro,


Ite.(nagtatawanan) Tinakot mo ako nang husto.

Dam: Saan ka galing, Iping?

Fel: Pumabundok na ako ng gabing magkita tayo sa bahay

Patria. Hindi ko pa nakikita ang mga manghihimagsik. Tatlong araw ko na


silang pinaghahanap.

Dam: Anong daan ang tinunton mo?

128
Fel: (Itinuturo) Ayung isa sa Paling-paling.

Dam: Mabuti na lang walang masamang nangyari sa ‘yo. Ang malayong daan
pala ang tinunton mo. Kaya hindi kataka-takang maligaw ka.

Fel: Aling daan ba dapat ang patungong Kandungaw?

Dam: Tuntunin mo ang daan patungo kina Mang Sorio. Iyon ang malapit na
daanan.

Fel: Kaya, heto ako, pagod at pata. Ngunit sa palagay ko, kailangang bathin
ang mga pagsubok sa atin nang maluwag sa puso, sa daan ng ating
tinubuang lupa.

Dam: Oo, tama ka...

Fel: Ikaw, Damon? Kailan ka dumating?

Dam: Kahapon lang.

Fel: Makikipaglaban ka rin ba?

Dam: Ano pa ang magagawa ko? Kailangang lumaban tayo. Ano man ang
mangyari!

Fel: Gayon pala, nasaan ang inyong mga himpilan?

Dam: Doon, sa likod ng kakahuyang ito. Dito tayo daraan. (Ituturo ang lugar)
Halika na, aalis na tayo. Ihayag mo ang iyong sarili sa aming heneral
para bigyan ka niya ng baril.

Fel: Nakikita ko na mayroon ka na.

Dam: Siyempre. Ako ang bantay sa mga taguang-hukay. Halika na. Aalis na
tayo.

Fel: Hintay, kumusta si Patria? Mabuti ba ang kalusugan niya nang iwan
mo siya?
Dam: Kahapon, nakita kong magaling siya. Ngunit ninakawan sila ng mga
kabayo at baboy kagabi. Naglipana ang mga magnanakaw sa bayan.

Fel: Masama pala. Mabuti pang umalis na tayo, Damon.

Dam: Teka, dumarating ang heneral...(sasaludo)

Tagpo 3:
PAPASOK ANG HENERAL

Heneral:Kumusta ang kalagayan dito, Damon?

129
Dam: Nasa mabuting kalagayan ang lahat dito, heneral. (Ituturo si Felipe)
Ang lalaking ito, Sir. Si Felipe Libre. Gusto niyang sumapi sa atin.

Heneral:(Kay Felipe) Ikaw rin, nais makipaglaban para sa ating tinubuang


lupa?

Fel: Iyan ho ang ipinarito ko, Sir.

Heneral: (Tatango) Mabuti. Nasisiguro kong ang layunin nating ito ay


pagpapalain ng ating Panginoon.

Fel: Ipagpaumanhin ninyo, Sir, marami ba tayong mga sundalo?

Heneral: O...Oo, sa mga kawal sa kasalukuyan ay napakarami. Ngayon nga


mayroon silang pagsasanay. (Kay Damon)

Damon, puntahan mo at sabihan ang Komander ng Kompanya na


magpadala rito ng pulutong. Mabuting magsanay rin sila sa linyang ito
sapagkat maaaring magkaroon ng labanan dito.

Dam: Opo, Sir. (sasaludo at lalabas)

Tagpo 4:
ANG HENERAL AT SI FELIPE

Heneral: Ipagpaumanhin mo Felipe. Sino ang iyong mga magulang?

Fel: Ang aking ama ay ang yumaong Kapitan Miguel.

Heneral: O... naalala ko siya, Kapitan Miguel Libre; kilala ko siya. Dati akong
pumupunta sa inyong bahay nang ako’y kawani pa sa pamahalaang
panlalawigan. Hindi kita napansin doon.

Fel: Marahil dahil sa pinalaki ako sa kolehiyo ng mga pari saMaynila.

Heneral: Hintay sandali. Ikaw ba’y sumasapi sa amin ayon sa sarili mong
kagustuhan?

Fel: Opo, Sir. Walang nag-utos sa aking gawin ito. Katunayan, tatlong araw
na ang nagugol ko sa paghahanap sa inyo rito sa bundok.

Heneral: Iyan ang tunay na damdamin ng isang magaling na sundalo.


Hihirangin kita bilang isang opisyal, ha? (Tatapikin sa balikat si Felipe).

Fel: Nasa sa inyo ho iyon, Sir.

Heneral: Sa mga kolehiyo sa Maynila ang kasanayang militar ay isa sa mga


kursong pangkalalakihan. Kumuha ka ng kursong ito sa palagay ko.

130
Fel: Oho, Sir, mayroon akong kaunting kasanayang pang militar. Sa aming
kolehiyo, nahirang ako bilang Pinunong Opisyal ng batalyon.

Heneral: Ako’y natutuwang marinig iyan na marunong ka nang magbigay


utos.

Tagpo 5:
PAPASOK SI DAMON AT ILANG SANDALI

Dam: Naririto na sila, Sir.

Heneral: Dito kayo magsasanay. (Malakas na boses: “Fallin”! (Sumunod ang


mga sundalo). Mga kasamahan, sa harap ninyo, hinihirang ko ang
taong ito, si Felipe Libre, bilang inyong Tenyente. Mula ngayon,
ituturing ninyo siya bilang isa sa inyong mga opisyal. Inaasahan kong
susundin ninyo ang kaniyang mga ipinag-uutos. At ...Mabuhay ang
Pilipinas.

Fel: Oho, Sir, company, Tention! Right face! Left face! About face! Parade
rest! Company Attention! Forward, march! To the rear, march!
Company, halt.

MUSIKA

Sundalo Maging maliksi, mga manghihimagsik


Dalhin ang inyong mga baril
Sa larangan ng digmaan
Humanda kayong mamatay.
Kahit kayo’y matimbuwang
Walang anuman ang kamatayan
O, Pilipinas, sa iyong kapakanan
Lahat kami’y handang mamatay.

Kalalakihan at kababaihan, matatanda at kabataan


Lahat ay handang iligtas ka.
Ikaw ay naghihirap sa paniniil.
Kami, mga anak mo’y handa nang makitil.
(Magmamartsa patungo sa bambang.)

IKATLONG YUGTO
(Bahagi lamang)

Gabing maliwanag ang buwan. Sa loob ng himpilan ng mga sundalo,


may mga bangkong nakasandal sa dingding, isang mesa at dalawang silya.
Tagpo 1

Papasok ang Heneral at si Felipe, ang huli ay nakaunipormeng


pansundalo na.

131
Heneral : Ito ang himpilan, Felipe. Maupo ka. (Uupo sila.) Masdan mo, tayo
ay napaliligiran ng mga dalisdis, bundok at kapatagan. Sa palagay mo
kaya, ang kutang ito’y napasakamay ng mga kaaway.

Fel: (Iiling) Hindi sa palagay ko...ngunit...)

Heneral: Bakit, Felipe? Bakit may ngunit?

Fel: Mga sandata. Marahil wala pa tayong sapat na mga sandata at mga
munisyon.

Heneral: Siyempre, hindi bawat isa sa puwersa nating umaabot sa 2,000


sundalo ay husto sa kagamitan. Ngunit marami tayong itak.

Fel: Ngunit ano ang mabuting magagawa ng mga itak laban sa libo-libong
riple mayroon ang ating mga kaaway.

Heneral: Hindi bale. Mamamatay tayong lahat, may mga sandata man o
wala. Ang kailangan lamang ng ating Inang-bayan ay ang ating
kagitingan, anumang klase ng sandata ang gamitin natin.

Tagpo 2:
PAPASOK SI DAMON
Dam: Heneral! (Sasaludo)

Heneral: Ano yon, Damon?

Dam: May balitang ang ating bayan ay bobombahin; ang simbahan ay


ninakawan ng mga insurekto mula sa Hilaga..

Fel: Si Patria? Alam mo ba kung nasaan siya?

Damon: Si Patria ay maaaring narito sa bundok ngayon sapagkat ang


bayan, sabi nila ay iniwanang parang isang libingan. Ibig sabihin, kahit
mga pusa at aso ay nagsilikas din.

Heneral: Sino ang nagbalita sa ‘yo nito, Damon?

Dam: Si Kaloy, ang nakababatang kapatid ni Lolay. Sabi pa nga niya sa akin
papunta siya rito para sumapi sa atin.

Fel: Nasaan ngayon si Kaloy?

Dam: Sabi niya pupunta raw muna siya kina Tenyente Binoy para tingnan si
Lolay.

Fel: Tenyente Binoy! Ang Tiyo ni Patria?

Dam: Oo.

132
Heneral: Sino ang Patriang itong tinutukoy mo?
Fel: Kaibigan ko, Sir.
Dam: (sa manonood) Sabi niya “kaibigan ko”...kahit na siya ay nobya niya.

Heneral: Ano pa ang nabalitaan mo, Damon?

Dam: Ang mga picadores o sacadores ay pupunta rito sa bundok para lusubin
tayo.

Heneral: Mabuti! (Tatayo). Hayaan mong pumarito silang may ibig...At ikaw,
Damon, bumalik ka sa gilid ng gubat. Magbantay ka doon...
Dam: Oho, Sir! ( sasaludo at lalabas.)

Tagpo 5:
SI FELIPE AT ANG HENERAL

Fel: Ito ho bang si Ninay ay nasa himpilan ding ito, Sir?

Heneral: Wala. Ngunit nakatira siya malapit sa bahay ni Tenyente Binoy.


Palagi namin siyang inaanyayahan dito sapagkat mahusay siyang
umawit ng balitaw. Dito, sa gitna ng bundok na ito, balitaw lamang ang
nakaaaliw sa amin.

Fel: Ito’y tunay na nakaaaliw, Sir, marahil sa dahilang ito ang katutubong
awit at sayaw ng mga Pilipino.
Tagpo 25:
PAPASOK SI PATRIA
Pat: Damon, nasaan si Felipe?

Dam: Narito, pinamumunuan niya ang mga sundalong nagbabantay ng


kampo.

Pat: Halika, pahiramin mo ako ng salawal, kamiseta, sombrero at baril at


makikipagbarilan ako.

Dam: Hesus, Nyora...sasama kayo? Huwag! Nakikiusap ako huwag! Baka


mapatay kayo, huwag nawang itulot ng Diyos.
Pat: Walang halaga, walang makapipigil sa mundong ito sa akin. Sige na
kunin mo ang mga kailangan ko.

Dam: Siya. Hahalinhan ninyo itong lalaking “duwag na matapang.” (Lalabas.)

Tagpo 40:
PAPASOK SI DAMON

Dam: (Nanginginig sa takot) Sir!

133
Heneral: Anong nangyayari, Damon? (Mas malakas na maririnig ang ugong
ng mga kanyon.)
Dam: Nakasisindak ang putukan. Natatakot ako, Sir.

Heneral: Ah, mahina ka. Lakasan mo ang iyong loob, anak.

Dam: Sino ang hindi matatakot, Sir, makakita ng tagaan, saksakan dito at
pagdanak ng dugo doon?
Heneral: Sadyang gayon lagi ang larawang nakikita sa digmaan. ( Maririnig
muli ang putukan.)

Dam: Kung gayon, paano si Patria, ang kasintahan ni Felipe? Sumama


siyang makipaglaban. Nanghiram siya sa ‘kin ng mga damit at isang
baril na nakita ko sa inyong higaan, Sir.
Heneral: Oo, ngunit... Mauunawaan ang panganib) Ano? Naroon si Patria?
Pumarito ba siya?

Dam: Pumunta siya rito para makinig ng balitaw. Naghahapunan kayo noon.
Pero napasama sila sa kaguluhan dito sa kampo.

Heneral: Nasaan siya, kung gayon?

Dam: Nasa larangan kasama ng mga sundalo natin.

Heneral: (sa sarili) Panginoon ko! Kung si Patria’y masawi habang


nakikipaglaban, huwag nawang itulot ng langit! Mabigat kong
daramdamin ang pagkawala ng kaniyang buhay. Patria! O, kay tamis
ng pangalang ito. Sagisag ito ng ating Inang-bayan.
Patria...napakahalaga para mapatay gayong mahalaga lamang na
siya’y pag-alayan natin ng ating pinakabuhay.

(kay Damon) Damon! Lumisan ka at iyong hanapin si Patria. At iyong


sabihin sa kaniyang inaatasan ko siyang iwan ang luklukan ng digmaan
at magkanlong dito sa ating himpilan.

Dam: Dapat ba akong gumitna sa putukan? Paano kung tamaan ako ng mga
bala, Sir?
Heneral: (maiinis) Anong magagawa natin? Ngayon, humayo ka! (ipapadyak
ang paa)

Dam: Sige na nga gagawin ko na. Susubukin ko ang mga balang ito.
Mangyari, maaari ding mabait sila... (Lalabas)
Tagpo 43:
PAPASOK SI DAMON
Heneral: Ano ngayon, Damon? Nasaan si Patria!

Dam: Patay na siya.

134
Fel: Patay? Patria, namatay? (hihimatayin at mabubuwal sa sahig;
paliligiran nila itong papaypayan)

Heneral: Damon, talaga bang nakita mo ng iyong sariling mga mata ang
bangkay ni Patria?

Dam: Sir, hindi ko nakita ang bangkay niya; pero hindi ko rin siya nakitang
buhay.

Heneral: Kung gayon, paano mo napatunayang patay na siya? (Galit) Basta


ka magsalita ng walang kabuluhan! Buhay siya. Hala sige, hanapin mo
siya. (Lalabas si Damon, ngunit masasalubong si Patria sa pintuan).

Tagpo 44:
PAPASOK SI PATRIA, LOLAY AT INE

Dam: (Sa may pintuan), O, heto na si Patria.

Heneral: Nakita mo! Ngunit sinabi mong patay na siya:

Pat: (Papalapit ) Magandang gabi sa inyong lahat, mga ginoo.

Heneral: Magandang gabi naman.

Dam: Nyora, ay Inor, Patay na si Felipe? (Ituturo si Felipe).

Pat: Ha? Patay na si Felipe? ( Hihimatayin; papaypayan nina Lolay at Ine.)

Heneral: (Babatukan si Damon.)


Hindi patay si Felipe, hinimatay lamang dahil sa ‘yong kalokohang
ibinalita na si Patria ay patay na. At ngayon tingnan mo ang pinsalang
ginawa mo! (Ituturo ) Pati si Patria ay hinimatay sa kalokohan mo.

Fel: (Mahihimasmasan ) Bakit, ano ang nangyari? Sino ‘yan?


Heneral: Si Patria. Hinimatay siya dahil pinasalabungan siya ni Damon ng
balitang ikaw ay patay na.

Fel: (Nagmamadaling tutungo sa tabi ni Patria) Gumising ka, Patria,


gising....

Pat: (mahihimasmasan) O, Felipe.

Heneral: Ngayon, mga ginoo, awitin natin ang “Awit sa Yutang Natauhan.”

MUSIKA: Lupang pinakasasamba


Dito, sa sinisikatan ng araw
Kung saan ang init
Namamasong walang hanggan.
Lupa ng pag-ibig

135
Na sinilangan ng matatapang,
Ang mga manlulupig...
Di makapanlalapastangan.
Mulang karagatan,
Hanggang kapatagan,
At ang kabundukan,
Mga anak mo’y sa ‘yo lagi umaasam
Oo mga anak mo’y sa ‘yo lagi umaasam
At panambitan
Ng iyong kalayaan,
Lupa ng pag-ibig.

Ang iyong watawat sa larangan ng digmaan


Kumakaway-kaway sa pinagtagumpayan.
Mga bituin nito’t araw
Di kailanman mawawalang ilaw.
Lupaing kay ganda
Sa ‘yong dibdib
Kay tamis mabuhay
Kalwalhatian ito
Ng iyong mga anak
Ang mamatay sa iyo,
Kapag ika’y hinamak.

BABABA ANG TELON


-Wakas-

Sa pamamagitan ng binasang dula, magkakaroon ka na ng kaalaman kung


paano binibigyang-buhay at pinahahalagahan ang pamumuhay, pag-uugali at iba
pang aspeto ng kultura ng lugar na pinagmulan nito. Maiuugnay ang ilang tagpo rito
kung paano naiuugnay sa anumang pagdiriwang sa Kabisayaan ang ilang
pangyayaring isinasalaysay sa dula.

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan


Ang pagkiklino ay isang kasanayan sa paghinang ng talasalitaan na
paghahanay ng salita batay sa digri o antas ng kahulugan. (madali , katamtaman at
mataas na kahulugan)
Halimbawa: ngiti, tawa, halakhak
Iayos ang mga salita ayon sa digri o antas ng kahulugan (pagkiklino). Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.

1. kalungkutan, kapighatian, kalumbayan

136
2. galak, tuwa, saya

3. nakipaglaban, nakipaghimagsik, nakipagtuos

4. mamatay, makitil, masawi

5. umalis, lumisan, lumikas

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang mga tanong.
1. Sino-sino ang tauhan sa dula? Isulat ang katangian ng bawat tauhan. Gawing
gabay ang nasa halimbawang bilog.

Patria
matapang

2. Ano ang suliraning bumabagabag sa simulang bahagi ng dula?

137
3. Paano ipinakita ni Patria ang kaniyang kamalayan sa nagaganap o maaaring
mangyaring digmaan?
4. Ano ang pananaw ng may akda tungkol sa himagsikan? Ang mga tauhang
nilikha niya sa kaniyang dula?
5. Paano naiugnay ng may akda sa takbo ng dula ang paksa nito na tungkol sa
himagsikan? Malinaw ba itong nabigyan ng pokus? Ipaliwanag ang sagot.
6. Magbigay ng bahagi o tagpo sa dula na maiuugnay sa mga pagdiriwang ng
Kabisayaan. Ipaliwanag ang nasabing bahagi o tagpo.

GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman


5.1. Sa Diyalogo...Damhin Mo!
Suriin ang mga pahayag ng ilang tauhan mula sa dula. Ilahad ang nais
ipakahulugan ng may akda tungkol sa nasabing mga pahayag. Gawin sa
sagutang papel.
a. Ano ang mangyayari sa akin? Nabubuhay lamang ako sa mga bungangkahoy.
Tatlong araw ko nang naliligid ang buong kabundukan ngunit wala pa akong
nakikitang sinuman. Nasaan ang mga rebolusyonaryo?
b. Kaya, heto ako, pagod at pata. Ngunit sa palagay ko, kailangang bathin ang
mga pagsubok sa atin ng maluwag sa puso, sa daan ng ating tinubuang lupa.
c. Sa harap ninyo, hinihirang ko ang taong ito, si Felipe Libre, bilang inyong
Tenyente. Mula ngayon, ituturing ninyo siya bilang isa sa inyong mga opisyal.
Inaasahan kong susundin ninyo ang kaniyang mga ipinag-uutos. At ...
Mabuhay ang Pilipinas!
d. Palagi namin siyang inaanyayahan dito sapagkat mahusay siyang umawit ng
balitaw. Dito, sa gitna ng bundok na ito, balitaw lamang ang nakaaaliw sa
amin.
e. Isipin mo na lamang ang mga kahirapan ng kanilang buhay at kalagayan doon,
kahabag-habag sila; nakikita mo, para silang mga labuyo sa gubat. Saan man
sila datnan ng gabi, doon sila magkakanlong matapos galugarin ang
kabundukan.

5.2. Pagdiriwang …Interpretasyon Mo


Balikan ang binasang dula gayundin, alamin ang ilang tradisyonal na
pagdiriwang sa Kabisayaan. Mula sa dula, suriin ang tagpo o bahagi na
maiuugnay sa ilang pagdiriwang nila. Gayahin ang kasunod na pormat sa
sagutang papel.

138
Pangyayari Mula sa Dula
na Maiuugnay sa Ilang Pag-uugnay
Pagdiriwang sa Kabisayaan ___________________________
______________________ ___________________________
______________________ ___________________________
______________________ ___________________________

Pangyayari Mula sa Dula


Paalaala
Angnapagbibigay-interpretasyon
Maiuugnay sa Ilang ay
Pagdiriwang
pagbibigay sa Kabisayaan
ng pagpapakahulugan Pagbibigay ng Interpretasyon sa Pagdiriwang
o ibig sabihin/layunin ng mga at Pangyayaring Pinag-uugnay
______________________ _____________________________________
pangyayari o pagdiriwang.
______________________ _____________________________________
______________________ _____________________________________
__________ _____________________________________
_____________________________________
5.3. Alam na Alam! _____
Magbigay ng mga pagdiriwang na ginaganap sa iba’t ibang parte ng Visayas
tulad ng Sinulog Festival, Maskara Festival, Dinagyang Festival at iba pa.
Bigyan ito ng interpretasyon at ihambing sa pagdiriwang na maaaring
nakapaloob sa binasang dulaPagbibigay
na Patria ng
Amanda. Gayahinsaang
Interpretasyon kasunod na
Pagdiriwang
pormat sa sagutang papel. at Pangyayaring Pinag-uugnay
__________________________________
__________________________________
__________________________________

VS

139
Ngayon pa lang ay binabati na kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita. Handa
ka na bang basahin ang isang tekstong naglalahad ng opinyon o kuro-kuro tungkol sa
nangyayaring modernisasyon sa ating kapaligiran at kung paano ito nakaaapekto sa
kinagisnang tradisyon. Inaasahang masasagot mo na ang tanong na paano
maibibigay ang sariling interpretasyon sa mga tradisyonal na pagdiriwang ng
Kabisayaan at paano magagamit nang wasto ang angkop na mga pang-ugnay sa
pagbuo ng editorial na nanghihikayat?

GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika


Pagkatapos mong pag-aralan ang isang halimbawa ng dula ng Visayas, halika
na at simulan mong basahin ang tekstong nagpapaliwanag ng opinyo o kuro-kuro.
Isang editoryal ito na makatutulong upang maunawaan kung magagamit nang wasto
ang angkop na mga pang-ugnay sa pagbuo ng editoryal na nanghihikayat.

MODERNISASYON AT TRADISYON
ni Ma. Teresa Padolina Barcelo

Handa ka na ba sa pagbabago at pagdating ng ika-21 siglo?


Pinaghahandaan na nga ito, tunay ngang abalang-abala na ang marami sa
paghahanda sa ika-21 siglo. Sa kabila ng mga pag-aalinlangan, ito'y
nagsisilbing hudyat sa pagsilang ng mga inobasyon at tuklas sa makabagong
kaalaman.
Ating nasaksihan kung paano pinaunlad ang ating pamumuhay sa
pamamagitan ng agham at teknolohiya. Teknolohiya! Tumpak, iyan ang
kalakasan ngayon. Naniniwala ang marami na ang teknolohiya ay mahalaga
para sa kaunlaran ng ating bayan. Kitang-kita ang mga pagbabago, mga
imbensiyon sa pamamagitan ng teknolohiya. Ngunit nakalulungkot isipin na
ang kapalit ng malawakang pagbabagong ito na para sa modernisasyon ay
nagiging daan sa paglimot at pagtalikod sa mga nakagisnang kaugalian.
Naririnig sa paligid ang iba’t ibang pananaw tungkol sa paggamit ng
modernong teknolohiya. Maraming tao ang matatalino dahil nakalilikha sila ng
iba’t ibang kagamitan. Simulan natin sa imbensyon ng radyo at telebisyon
upang madaling makakuha ng balita at impormasyon. May LRT (Light Rail
Transit) upang mapadali ang pagpunta sa isang lugar nang hindi natatrapik.
May kompyuter na ginagamit sa pananaliksik. May mga telepono para
mapabilis ang pakikipag-ugnayan sa iba. Usong-uso na rin ang paggamit ng
cellphone na kahit mahirap na tao ay nagpipilit ding makabili upang mapabilis
ang pakikipagkomunikasyon. May internet din na isang pandaigdigang network
na gumagamit ng kompyuter na inuugnay sa mga linya ng telepono.
Dahil sa mga teknolohiyang ito, talagang maraming kabutihan at
kaginhawaang naibibigay ang mga ito. Malaki nga ang kapakinabangan pero
naisip din ba natin ang kasamaang dulot nito? Lahat tayo ay naapektuhan sa
di-mabuting dulot nito. Nawawala na ang ganda ng kalikasan. Kabi-kabila na

140
ang polusyon. Ang iba ay naging tamad na dahil sa teknolohiya. Marami ang
umaabuso sa paggamit ng teknolohiya.
Dahil sa patuloy na modernisasyon, naibabaon sa hukay ang mga
pinaghirapang pamana sa atin ng ating mga ninuno. Nabago na pati ang
tradisyong dapat ay ating iniingatan.
Sa bilis ng pagtakbo ng ating pamumuhay, ang babagal-bagal ay
maiiwan. Ito na ang bagong prinsipyo sa kasalukuyan, kaya naman naitutuon
natin ang ating atensiyon sa ating mga sarili lamang. Wala na tayong panahon
na intindihin ang kapakanan ng iba dahil abala tayo sa ating sarili. Nais nating
makasabay sa mabilis na pagbabago kaya't isinasantabi natin ang
pangangailangan ng iba.
Hindi masama ang pag-unlad at pagbabago. Ito'y nagpapakita na
tayo'y may kakayahan at talinong umangat sa ating mga pamumuhay. Ngunit
ang pagbabago ay hindi paglimot sa mabuting asal at kaugalian o di kaya'y
pagtalikod sa nakaraan. Bagkus ito ay pagpapatuloy ng tradisyon ng
pakikipagbayanihan at pagiging kontento sa simpleng pamumuhay, sapat at di
naman salat. Kaya't sa makabagong panahong ito, huwag nating hayaang
matangay ang sarili sa pagbabago. Walang kabuluhan ang modernisasyon
kung ang mamamayan ay di-nagpapahalaga sa mahahalagang kaugalian,
mga kaugaliang naging pundasyon ng lipunan.
Kasamaan o kabutihan man ang dulot nito, nasa sarili pa rin natin ang
tamang pagdedesisyon. Gamitin natin sa tamang lugar at panahon ang mga
imbensiyong ito dahil nakatutulong ito upang maisulong ang pag-unlad ng
ating bansa.

Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.


1. Ano ang paksang tinalakay sa editoryal?
2. Paano inilahad ng sumulat ang kaniyang mga opinyon?
3. Bigyang-pansin ang mga salitang sinalungguhitan, ano ang naging tungkulin
nito sa mga pangungusap na pinaggamitan nito?
4. Nakatulong ba ang mga salitang may salungguhit sa paglalahad ng mga
opinyon sa paksang tinatalakay? Patunayan.
5. Ano ang tawag sa nasabing mga salita?

141
Alam mo ba na …
sa pagnanais na mahikayat ang mambabasa sa isang opinyon o pananaw,
makatutulong ang paggamit ng angkop na mga salita para sa layuning ito.
Sa panghihikayat, nililinaw rin nito ang dahilan kung bakit dapat susugan ang
isang gawain.
Tinatawag na pangatnig ang nasabing pang-ugnay. Ang pangatnig
ay kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap. Ang mga pangatnig na karaniwang
ginagamit sa pag-uugnay ay ang : at, pati, saka, o, ni, maging, subalit,
ngunit, kung, bago, upang, dahil sa, sapagkat, palibhasa, kaya, sana, totoo,
tunay, talaga, pero, at kung gayon. Karaniwang ginagamit ito sa pagbibigay
ng opinyon.

Natitiyak ko na alam mo na ang wastong gamit ng mga pang-ugnay na


nanghihikayat sa pagbibigay ng opinyon. Ngayon, subukin mong sagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

PAGSASANAY 1
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Iguhit sa sagutang-papel ang emoticon
na 😊 kung may ginamit na pang-ugnay sa bawat pangungusap, ☹ kung walang pang-
ugnay.

_____ 1. Mula sa Visayas ang Wayang Orang na sinasabing isa sa mga unang
dulang lumabas noong Panahon ng Katutubo.
_____ 2. Kahawig ng puppet show ang Wayang Orang kaya nilalapatan ito ng awit
na may kasamang sayaw at galaw ng katawan, ng kamay, leeg, mata at
bigla-biglang hakbang.
_____ 3. Katumbas naman ng tula ang binalaybay na mula sa wikang Hiligaynon.
_____ 4. Ang pagbabagong anyo mula pasalita tungo sa nakasulat na panulatan at
ang biglang pagputok ng mga gawain sa produksyong pampanitikan ang
nagpasimula ng pagkakatatag ng “Ang Suga” (Ang Liwanag), ang unang
peryodikong Cebuano.
_____ 5. Si Vicente Sotto ang nagbigay ng kasiglahan hindi lamang realism sa
teatrong Cebuano kundi sa paglitaw ng sugilanon o maikling kuwento.
_____ 6. Mahalaga sa pag-unlad ng sugilanon ng mga Cebuano ang paglunsad
noong 1931 upang lalong makilala ang kanilang panitikan.
_____ 7. Kinikilalang “Ama ng Makabagong Pagsusulat” sa Cebuano si Marcel
Navarra.
_____ 8. Ang eksperimento na subuking gawing pampanitikan ang isang magasin na
lubos-lubusang komersyal ay nahinto noon dahil sa pagkalugi bunga ng
pagbaba ng sirkulasyon.

142
_____ 9. Kapag pinag-usapan ang panitikang Waray, ito’y tumutukoy sa panitikan na
nagmula sa Silangang Visayas tulad ng Samar, Leyte, Biliran at iba pang
kalapit na pulong nagsasalita ng Waray.
_____ 10. Tunay na namayani ang iba’t ibang uri ng panitikang tuluyan sa Visayas.

PAGSASANAY 2
Basahin ang sumusunod na editoryal tungkol sa isang pagdiriwang sa Iloilo, isang
lalawigan sa Visayas. Piliin ang ginamit na mga pang-ugnay. Isulat ito sa sagutang-
papel.

PAGDIRIWANG TIMU-OM

Isang pagdiriwang ang Timu-om sa Cabatuan, Iloilo tuwing Setyembre


1-5 taon-taon. Kahanga-hanga ang nasabing pagdiriwang sapagkat kakikitaan
ito ng kultura ng mamamayan sa nasabing lugar.
Ano ba ang Pagdiriwang Timu-om? Marami ang nagsabi na talagang
kakaiba ang nasabing pagdiriwang. Ang nasabing pagdiriwang ay tungkol sa
kasaysayan ng Cabatuan, Iloilo at sa kilalang pagkain na sabaw na tunay na
nakahihikayat alamin.
Ang mga sahog ng kakaibang sabaw ay manok, kamatis, bawang,
sibuyas, luya at tanglad na lahat ay ibinabalot sa dahon ng saging. Ito ang
ilalagay sa sabaw upang maging malinamnam.
Pinararangalan ng pagdiriwang ang nasabing pagkain sa
pamamagitan ng natatanging mga gawain kaya nagiging makulay ito.
Nakakabilib talaga ito! Ilan sa makahulugang mga gawain ay ang patimpalak
sa pagluluto at pagsasayaw sa mga kalye ng nasabing lugar.
Napakasarap maranasan ang nasabing pagdiriwang sapagkat buhay
na buhay ang kultura ng mamamayan ng nasabing lugar.

PAGSASANAY 3
Basahin at unawain ang bawat pahayag. Gawan ito ng pangungusap na
nagpapahayag ng opinyon. Isaalang-alang ang gamit ng mga pang-ugnay. Isulat sa
sagutang papel ang mabubuong pangungusap.

1. Mayaman sa kultura ang mga pagdiriwang.


2. panlipunang impluwensiya ng panitikang Visayas
3. gamit ng wikang Cebuano
4. layunin ng mga manunulat ng Visayas sa pagsulat
5. ugnayan ng mga pangyayari sa lipunan
6. Puno ng aral ang mga akdang pampanitikang Visayas.

GAWAIN 7. Pag-uugnay sa Retorika

1. Kapanayamin ang isang taga-Visayas tungkol sa iba’t ibang tradisyonal na


pagdiriwang sa kanilang lugar. Pabigyan ito ng interpretasyon.

143
2. Sumulat ng isang editoryal na nanghihikayat tungkol sa tradisyonal na
pagdiriwang sa isang lugar sa Visayas na ang batayan ay ang mga
impormasyong nakuha sa kinapanayam. Isaalang-alang ang gamit ng mga
pang-ugnay. Isulat sa sagutang-papel.

Pagnilayan at Unawain
Sagutin ang sumusunod na tanong. Gawin sa sagutang papel.

a. Nailalarawan ba sa mga dula ang mga kakaibang pagdiriwang na ginagamit


ng mga taga-Visayas? Patunayan.

b. Bakit mahalaga ang mga pang-ugnay sa pagbuo ng editoryal na


nanghihikayat?

Natitiyak kong malaki ang naitulong ng mga gawain sa iyong pag-unawa sa


aralin. Pagkakataon mo na ilapat ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng
susunod na gawain.

Ilipat

Ang Reader’s Theater ay mabisang paraan ng pagtatanghal ng anumang


akdang pampanitikan sa madulang paraan.
May mga dapat Isaalang-alang sa pagtatanghal ng Reader’s Theater
tulad ng sumusunod:
1. Hindi kailangang memoryado o saulado ang mga bahaging bibigkasin nang
madula na ginawan ng iskrip. Mula sa isang iskrip magmumula ang
madulang pagbasa. Ang iskrip ay hawak ng bawat mambabasa at
madulang binibigkas ang mga bahagi.
2. Nakapokus sa pagbabasa ang malikhaing pagpapahayag o pagbabago ng
tinig.
3. May mga kumpas na angkop sa binabasang bahagi.
4. Maayos ang kilos at tindig ng mga babasa.
5. Maaaring may angkop na kasuotan.
6. Maayos at pare-pareho ang pagbigkas nang ayon sa nilalaman ng iskrip.

144
Naanyayahan ang inyong Dulaan na magtanghal ng isang Reader’s
Theater tungkol sa interpretasyon ng isang tradisyonal na pagdiriwang sa isang
lalawigan sa Visayas na magdaraos ng pagkakatatag nito.
Itataya ang pagtatanghal batay sa sumusunod na pamantayan:
a) naglalarawan sa iskrip ng isang pagdiriwang
o kalagayan ng isa sa mga lalawigan sa Visayas 5
b) kaangkupan ng lakas, hina at taginting ng tinig 5
c) maayos at wastong pagbigkas ng mga bahaging
dapat bigyang-pokus 5
d) hikayat sa madla 5
e) kumpas 5
f) kasuotan 2
g) tikas at tindig 3
KABUUAN 30

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Kung hindi mo pa lubos na nauunawaan ang araling pinag-aralan ay maaari mo itong
balikan. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na aralin sa Modyul na ito.

ARALIN 2.4

A. Panitikan: Labaw Donggon


(Epiko mula sa Iloilo)
B. Gramatika: Mga Pang-ugnay sa Pagsasalaysay

I. Panimula
Iloilo ang kabisera ng Kanlurang Visayas na matatagpuan sa Timog-Silangang
bahagi ng pulo ng Panay at nasa hangganan ng Antique sa Kanluran at Capiz sa
Hilaga. Kabilang sa mga bayan ng Iloilo ang Lambunao na iItinuturing na first class na
lungsod ng lalawigan. Ang Lambunao ay binubuo ng 73 baranggay.
Ang Aralin 2.4 ay naglalaman ng epiko mula sa Lambunao, Iloilo na
pinamagatang Labaw Donggon. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa Mga Pang-
ugnay sa Paglalahad at Pagsasalaysay na makatutulong upang masuri ang
ugnayan ng mga pangyayari na magiging gabay sa pagpapahalaga at pag-unawa sa
inilarawang aspetong pangkultura ng lugar na pinagmulan ng akda.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng isang
salaysay batay sa sumusunod na pamantayan: a) nagsasalaysay ng isa sa mga
pangyayari sa Visayas na kasasalaminan ng alinman sa kaugalian, kalagayang
panlipunan, at paniniwala, b) may magandang pamagat, c) may kawili-wiling simula,

145
d) maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari gamit ang pang-ugnay sa
pagsasalaysay at e) may kawili-wiling wakas, f) makatotohanan.
Aalamin natin kung paano nakatutulong ang mga pangyayari sa epiko na
makapaglarawan ng aspetong pangkultura ng Visayas tulad ng kanilang
kaugalian, kalagayang panlipunan at paniniwala. Gayundin, kung paano
makatutulong ang paggamit ng mga pang-ugnay sa pagsasalaysay.

II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin
Sa sumusunod na gawain aalamin mo kung paano nakatutulong ang mga
pangyayari sa epiko na makapaglarawan ng aspetong pangkultura ng Visayas. Handa
ka na ba? Susubukin mo ngayon ang kasunod na mga gawain. Tiyak kong mag-eenjoy
ka.
GAWAIN 1. Kabayaniha’y Tuklasin, Epiko’y Unawain
Bago paunlarin ang iyong kaalaman, basahin ang kasunod na epiko.
Pagkatapos, itala ang mahahalagang detalye tungkol dito. Gamitin ang kasunod na
river flow chart sa pagsagot. Gayahin ang pormat sa sagutang-papel.

HINILAWOD:PAKIKIPAGSAPALARAN NI HUMADAPNON
(Epiko Mula sa Panay)
Natutulog si Buyong Humadapnon sa kaniyang duyan nang nagpakita
sa kaniyang panaginip sina Taghuy at Duwindi, ang mga kaibigan niyang
espiritu. Sinabi ng dalawa na marapat nang hanapin ng datu ang babaeng
kaniyang mapapangasawa, na kapantay niya ang uri. Ibig sabihin, anak-
maharlika rin, may kapangyarihan, bulawan ang buhok, may alam sa
panggagamot. Ang babae’y si Nagmalitong Yawa, anak nina Buyong Labaw
Donggon at Uwa Matan-ayon.
Humiling si Humadapnon ng pahintulot sa kaniyang magulang na
maglakbay para hanapin ang kaniyang mapapangasawa. Sa tulong ng mag-
anak, pinagsama-sama nila ang kanilang mga dugo mula sa daliri at nakalikha
sila ng isang datung kapamilya, si Buyong Dumalapdap. Siya ang
makakasama ni Humadapnon sa kaniyang paglalakbay, sakay ng ginintuang
biday o barangay na pamana pa ng magulang kay Buyong Humadapnon.
Bilang paghahanda sa gagawing paglalakbay, dumaan muna si
Buyong Dumalapdap sa pagsasanay. Anim na ulit siyang sinibat ng kaniyang
kapatid at namatay. Muli naman siyang nabuhay hanggang sa sumapit ang
ikapitong pagsibat at nakayanan ni Dumalapdap na iwasan ang rumaragasang
patalim na kasimbilis ng kidlat.
Sumulong na ang ginintuang biday (balangay o barangay na ginagamit
ng mga datu sa paglalakbay) ni Humadapnon. May ritwal muna bago ito

146
isulong sa dagat: pinausukan ng kamanyang at dinasalan para sa maayos na
paglalakbay. Pinaalalahanan ang binata ng kaniyang magulang na mag-ingat
sa engkantadong isla ng Tarangban. May puwersa itong bumubura sa
konsepto ng pinagmulan. Hindi naman natinag si Humadapnon hanggang sa
narating nila ito at kaniyang narinig ang paanyaya ng binukot (well-kept
maidens). Napakaganda ng mga tinig at nahalina ang binata. Pinigil naman
siya ni Dumalapdap at laging pinapaalala sa marapat nilang puntahan.
Ang Tarangban ay isla ng mga binukot. Sa una, ayaw pagbigyan ni
Humadapnon ang paanyaya ngunit nang lumitaw ang pinakabunso,
pinakabatang binukot na si Malubay Hanginon, naakit ang binata at umibis ng
kaniyang sinasakyan. Tinanggap niya ang inaalok na nganga ng binukot.
Doon, siya’y namalagi kasama ang mga dalaga. Itinuring ng binata na kalaro
at laruan lamang ang mga binukot. Inabot ng pitong taon ang pamamalagi niya
sa isla kasama ang mga binukot.
Nang natauhan si Humadapnon at nagtangkang umalis, nagsara ang
yungib ng Tarangban. Naging bihag ang binata. Nagluksa naman si
Dumalapdap sa kapalaran nilang magkapatid. Hindi sila nagtagumpay sa
paghahanap ng tamang binibini at sa pagpapatnubay sa isa’t isa.
Bumalik sa kanilang tahanan si Dumalapdap. Ipinaalam niya ito sa
kaniyang magulang. Nangako naman ang magulang na gagawin ang kanilang
makakaya. Hindi nagtagumpay ang mag-anak. Nangako sila ng pabuyang
kayamanan (para sa lalaking tagapagligtas) at kasal (para sa babae). Hindi
nagtagumpay ang kalalakihan, gayundin ang mga dalagang Babaylan.
Nanangis sa harap ng Tarangban si Dumalapdap hanggang sa makaisip ang
kaniyang mga kaibigang espiritung sina Duwindi, Taghuy, at Hangin na
pakiusapan ang binibining talaga naman nilang pakay sa paglalakbay.
Mangyari, siya lamang ang maaaring makapagligtas sa nakulong na binata
dahil magkasinlakas sila. Sa paanyaya, pang-uudyok, at pananakot ng mga
espiritu, napapayag na rin si Nagmalitong Yawa. Una, sinabi nilang kapatid
ang nakulong. Ngunit ipinagtapat nilang iyon ang binatang ang diwata ang
pakay. Nagbalatkayo si Nagmalitong Yawa bilang lalaki (buyong, datu). Ang
hindi lamang niya maitago ay ang kaniyang matamis na amoy ng isang binukot.
Pagdating nila sa Tarangban, naakit muli ang mga binukot. Binuksan nila ang
Tarangban sa galak na makakitang muli ng makisig na binata.
Bilang nagbabalatkayong lalaki, nagsamandirigma si Buyong
Sunmasakay. Pinaslang niyang lahat ang mga binukot sa isla, maging ang
pinakapinunong si Lubay Hanginon ay kaniyang sinaksak. Lumabas naman si
Humadapnon na naengkanto. Wala na ito sa kaniyang sarili. Sa tulong ni
Buyong Sunmasakay at ng mga kaibigang espiritu, ibinalik nila ang buhay
(tubig buhat sa ikapitong antas ng langit) at katinuan ng nabihag na bayani.
Hindi naman nagpakilala si Nagmalitong Yawa bilang tagapagligtas ng lalaki.

Jocano F. Lano, et.al. Epic of Labaw Donggon. University of the Philippines 1965

147
Itala ang mahahalagang pangyayari sa binasang epiko na naglalarawan ng
alinman sa kaugalian, kalagayang panlipunan, paniniwala o prinsipyo ng mga taga-
Visayas. Gamitin ang river flow chart sa pagsagot. Gayahin ang kasunod na pormat
sa sagutang papel.

GAWAIN 2. Kayang-kaya Mo
Maglahad ng ilang impormasyon na nagpapakita ng aspetong pangkultura
tulad ng kaugalian, kalagayang panlipunan at paniniwala o prinsipyong masasalamin
sa epikong Hinilawod. Subuking gamitin ang alinman sa mga pang-ugnay sa
paglalahad tulad ng una, pagkatapos, samantala, gayundin, sumunod, sa wakas,
at samakatuwid sa pagbibigay ng impormasyon. Gawin sa sagutang papel.

Paksa Sariling Paglalahad


kaugalian
kalagayang panlipunan
paniniwala o prinsipyo

GAWAIN 3.Tuklas-Diwa, Ating Sagutin


Sa tulong ng kasunod na grapikong representasyon, sagutin ang kasunod na
mga tanong. Gayahin ang grapikong representasyon sa sagutang papel.

1. Paano nakatutulong ang mga pangyayari sa epiko sa paglalarawan ng


aspetong pangkultura tulad ng: kaugalian, kalagayang panlipunan, paniniwala
o prinsipyo ng mga taga-Visayas?

148
2. Paano makatutulong ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay?

Alam mo ba na….
sa pagbabasa ng epiko, agad na makikita ang kakaibang katangian ng
pangunahing tauhan. Mauuri sa alinman sa sumusunod ang kaniyang
katangian: pisikal, sosyal, supernatural, gayundin ang intelektuwal at moral na
katangian. Katulad ng alamat at ibang uri ng akdang pasalaysay, binubuo ng
tauhan, tagpuan at banghay ang elemento ng epiko.
Ang isang tauhan ng epiko ay maaaring magtaglay ng kapangyarihang
supernatural o di pangkaraniwang katangian. Kadalasan ang paksa ng epiko ay
umiikot sa tauhan kasama ang kaniyang pakikipaglaban sa mahihiwagang
nilalang, anting-anting, at ang kaniyang paghahanap sa magulang o sa
kaniyang minamahal.
Mahalagang elemento ng epiko ang tagpuan sapagkat dito pinakikilos at
pinag-iisip ang mga tauhan. Inilalarawan din sa tagpuan ang suliraning
kakaharapin ng tauhan sa daloy ng mga pangyayari lalo na kung di-
pangkaraniwang mga tauhan ang ginagampanan nila. Isang magandang simula
ng epiko ang paglalarawan sa tagpuan.
Ang banghay ay ang bahaging tumutukoy sa pangyayari. Maingat na
inilalahad ang magkakasunod na pangyayari. Ang mga bahagi ng banghay ay
simula, gitna at wakas. Sa proseso ng paglalahad ng mga pangyayari ay
pumapasok din ang ibang elemento tulad ng tunggalian, suliranin,
kasukdulan at kakalasan.
Itinuturing din na ang epiko ay isang uri ng tulang pasalaysay na
nagsasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng mga saknong.
Ang Labaw Donggon ay inaawit na parang pasyon sapagkat itinuturing
ito na isa sa pinakamatandang akdang pampanitikan ng mga Pilipino.
Pasaknong ang paraan ng pagkakasulat. At kapag ibinubuod ito, maaaring
patalata na ang paraan ng pagkakasulat.
Hango sa aklat na Tudla I, nina Jamine Obrero, et al;
Sta. Teresa Publications, Inc. Quezon City;2010

Linangin

Basahin at unawain ang epiko mula sa Lambunao, Iloilo upang mapatunayan


mo na ang mga pangyayari dito ay maaaring maglarawan ng aspetong pangkultura
tulad ng kaugalian, kalagayang panlipunan, paniniwala o prinsipyo ng mga taga-
Visayas.

149
LABAW DONGGON
(Epiko ng Lambunao, Iloilo)

Si Labaw Donggon ay isa sa tatlong anak nina Diwata Abyang Alunsina


at Buyung Paubari. Kagila-gilalas ang katauhan ni Labaw sapagkat kaagad
siyang lumaki pagkasilang pa lamang niya. Isang matalinong bata, malakas,
at natuto kaagad magsalita.
Minsan ay nagpaalam siya sa kaniyang ina upang hanapin ang isang
babaeng nagngangalang Anggoy Ginbitinan.
Kaagad niyang narating ang lugar ng babae at napasang-ayon niyang
mapakasal sa kaniya. Hindi pa nagtatagal na sila ay nakasal, umalis na naman
si Labaw upang suyuin ang isa pang babaeng si Anggoy Doroonan. Ito ay
naging asawa rin ni Labaw.
May nabalitaan na naman siyang isang magandang babaeng
nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata kaya’t pinuntahan na
naman niya. Ngunit si Nagmalitong Yawa ay may asawa na, si Buyong
Saragnayan. Ayaw ibigay ni Buyong Saragnayan ang asawa kay Labaw kaya’t
sila ay naglaban.
Tumagal ng maraming taon ang paglalaban sapagkat kapuwa sila may
taglay na pambihirang lakas. Inilublob ni Labaw si Buyong sa tubig at ito’y
tumagal ng pitong taon sa ilalim ng tubig. Hinampas ni Labaw si Buyong ng
matitigas na puno ngunit nalasog lamang ang mga ito. Hinawakan ni Labaw si
Buyong sa mga paa at inikot-ikot ngunit buhay pa rin ito. Napagod si Labaw at
siya naman ay itinali ni Buyong na parang baboy. Siya ay nanatiling nakatali
sa ilalim ng bahay nina Buyong.
Samantala, nagkaanak si Anggoy Doroonan, si Baranugun.
Nagpaalam siya sa ina upang hanapin ang kaniyang ama. Nagkaanak din si
Anggoy Ginbitinan, si Asu Mangga. Nagpaalam din sa ina si Asu Mangga
upang hanapin ang ama. Nagkita ang magkapatid at nagsama sila upang
mapalaya ang ama sa mga kamay ni Buyong sa isang labanan. Naglaban ang
dalawa ngunit hindi nagapi ni Buyong si Baranugan. Humingi ng tulong sa mga
impakto si Buyong at isang kawan ang dumating. Sa ganitong pagkakataon
nagtulong ang magkapatid at nagtagumpay sila. Ngunit hindi mamatay-matay
si Buyong. Si Barunugan ay humingi ng tulong sa kaniyang lolang si Abyang
Alunsina. Ayon sa lola, kailangang pumatay silang magkapatid ng isang
baboy-ramo upang mapatay nila si Buyong. Natagpuan naman agad ng
magkapatid ang baboy-ramo at ito ay kaagad nilang pinatay. Lumindol at
nagdilim nang mapatay ng magkapatid si Buyong.
Ipinagpatuloy ng magkapatid ang paghahanap sa kanilang ama ngunit
wala ito sa silong ng bahay ni Buyong. Sina Humadapnon at Dumalapdap, mga
kapatid ni Labaw ay tumulong din sa paghahanap sa kaniya. Natagpuan nila

150
si Labaw na hindi na makarinig at hindi na magamit ang pag-iisip. Pinaliguan
ni Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon si Labaw, binihisan at pinakain.
Inalagaan nila ito ng mabuti. Samantala si Buyung Humadapnon at Buyung
Dumalapdap ay ikinasal kina Burigadang Pada Sinaklang Bulawan at
Lubaylubyok Hanginon Mahuyukhuyukon. Ang dalawang babae ay ang
magagandang kapatid ni Nagmalitong Yawa.
Nang malaman ni Labaw Donggon ang kasal sinabi nito sa dalawang
asawa na nais niyang mapakasalan si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata.
“Gusto kong magkaroon ng isa pang anak na lalaki!” sabi ni Labaw
Donggon.
Nagulat sina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon sa sinabi ng
asawa at dahil mahal na mahal nila ang asawa ay tinupad nila ang kahilingan
nito. Masayang-masaya si Labaw ng naibalik ang kaniyang lakas at sigla ng
isip at ang kaniyang tinig ay umalingawngaw sa buong lupain.

Nagustuhan mo ba ang epikong iyong binasa? Bago natin ito talakayin ang
kuwento, sukatin mo muna ang iyong kaalaman kung paano ito nabuo ang ilang
salitang ginamit dito.

GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan


Alam mo ba na isa pang paraan pagbibigay kahulugan sa salita ay pag-alam
sa etimolohiya nito?

Ang etimolohiya ay ang pag-aaral ng pinagmulan ng salita at kung paano


nag-iba ang anyo nito at ibig sabihin sa paglipas ng panahon.

Halimbawa: Ang salitang mito ay galing sa salitang Latin na mythos at


mula sa Greek na muthos na ang kahulugan ay kuwento.

Magsaliksik ng pinagmulan ng sumusunod na salita, isulat sa kasunod na


talahanayan ang pinagmulang salita at bansa at kahulugan nito. Gawing batayan ang
halimbawa sa unang bilang. Maaaring dagdagan pa ang mga salitang ibibigay ang
etimolohiya. Gawin sa kuwaderno.

Salita Pinagmulang Bansang Kahulugan


Salita Pinanggalingan
1. epiko Epos Greece Awit
2. diwata
3. buhay

151
Mahusay, ngayo’y handa ka nang sumagot sa mga inihandang tanong upang
lubusang maunawaan ang nilalaman ng epikong Labaw Donggon.

GAWAIN 5.Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin sa sagutang papel ang mga tanong.
1. Ano-ano ang katangian ng pangunahing tauhan at pantulong na tauhan sa
epiko? Gamitin ang kasunod na graphic organizer sa pagsagot. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Pamagat ng Epiko

Pamagat ng Epiko
Pangunahing Katulong na
Tauhan Tauhan

2. Isa-isahin ang mahahalagang pangyayari sa epikong Labaw Donggon.


Maaaring dagdagan ang graphic organizer para sa iba pang pangyayari ayon
Katulong na Tauhan
sa maayos na pagkakasunod-sunod. Gawin ito sa sagutang papel.
Mahahalagang pangyayari

Mahahalagang pangyayari

3. Bakit nakipagtunggali si Labaw Donggon kay Buyong?


4. Isulat ang supernatural o kakaibang katangian ni Labaw Donggon at ng kaniyang
katunggaling si Buyong? Isulat mo ito sa kasunod na tablet of wisdom. Gawin sa
sagutang papel.

5. Anong damdamin ang nangibabaw sa mga tauhan sa bawat pangyayari nang


ayon sa iba’t ibang tagpuan?

GAWAIN 6. Pagpapayaman sa Nilalaman


6.1. Lugar Nyo, I-relate Mo
a. Anong katangian ni Labaw Donggon ang dapat tularan at di-dapat tularan
bilang isang Pilipino?

152
b. Kung ikaw ay isa sa mga anak ni Labaw Donggon, gagawin mo rin ba ang
kanilang ginawa upang mahanap ang kanilang ama? Pangatuwiranan.
c. Pumili ng isa sa mga pangyayaring isinalaysay sa epikong Labaw Donggon.
Suriin ito at ihambing sa ilang pangyayari sa inyong lugar. Kung wala naman
sa inyong lugar, magsaliksik ng iba pang lugar na maaaring mapaghambingan
nito. Gamitin ang kasunod na graphic organizer. Gawin sa sagutang-papel.

Pangyayari sa Pangyayari sa Isang


Pagkakatulad o
Epikong Labaw Lugar na Maaaring
Pagkakaiba
Donggon Paghambingan
6.2. Salamin ng Kultura, Ilahad Mo
a. Batay sa ilang kasunod na pangyayari sa binasang epiko, ibigay at ipaliwanag
ang mga aspetong pangkultura tulad ng: kaugalian, kalagayang panlipunan,
paniniwala o prinsipyo ng mga taga-Visayas. Gawin sa sagutang papel.
Pangyayari Aspetong Pangkultura

Pagpapaalam ni Labaw
Donggon sa ina bago
hanapin si Anggoy Ginbitinan

Pagtatanggol ni Buyong sa
pag-angkin ni Labaw
Donggon sa kaniyang asawa

Paghahanap ng magkapatid
na Baranugan at Asu
Mangga sa kanilang ama

b. Batay sa natatanging aspetong pangkultura tulad ng heograpiya, uri ng


pamumuhay, ilarawan o tukuyin ang bahaging nagbibigay hugis sa panitikan
ng Iloilo. Sagutin gamit ang kasunod na talahanayan. Gawin sa sagutang
papel.
Aspetong Pangkultura Bahagi sa akdang binasa na
nagpapakilala sa kulturang Visayas
Heograpiya
Uri ng Pamumuhay
Kasuotan
Tradisyon
Magaling, nabigyan mo ng kulay ang ating paglalakbay sa Visayas. Binabati
kita dahil naisagawa mo ang bawat gawaing inihanda kaugnay ng binasang epiko.
Marahil nagiging malinaw na sa iyo na maaaring makilala ang mga aspetong

153
pangkultura ng isang lugar tulad ng Visayas sa mga akdang pampanitikan nila gaya
ng epiko.
Ngayon nama’y pag-aralan mo kung anong mga pang-ugnay ang ginamit sa
pagsasalaysay ng epiko na may maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika
Katulad ng kabayanihang ipinakita ni Labaw Donggon, maraming mga epiko
tungkol sa kabayanihan ang maririnig at mababasa natin sa kasalukuyan. Basahing
mabuti ang kasunod na tekstong nagsasalaysay at alamin kung paano naiuugnay ang
mga pangyayari sa epiko sa mga pangyayari sa kasalukuyang lipunan natin.
Pagkatapos basahin ang teksto, sagutin ang mga tanong na kasunod nito.
ROGELIO LARDERA: Paggunita sa Isang Ama, Guro, Bayani
ni Jee Y. Geronimo
Isinalin sa Filipino ni Bennedick T. Viola

Isang gurong naging tagapagligtas. Siya si Rogelio Lardera, isa sa mga


unang nagresponde sa bayan ng Concepcion sa Iloilo sa kasagsagan ng
Super Bagyong Yolanda.
Maraming bayani ang nakilala at nakaligtas mula sa bagsik ng Super
Bagyong Yolanda. Maaari nilang maikuwento ang kanilang pinagdaanan
ngunit hindi si Rogelio Lardera.
Ang buhay niya ay patuloy na ibinabahagi at ikinukuwento ng kaniyang
mga kamag-anak, kaibigan, kapuwa guro, mga mag-aaral at higit sa lahat ang
Kagawaran ng Edukasyon. Isang kuwentong nararapat na ibahagi sa lahat, at
ang alaala niya’y dapat gunitain lalo na tuwing Abril 9, Araw ng Kagitingan.
Inilathala ng kagawaran ng Edukasyon ang kaniyang kabayanihan sa
Facebook.
Sa ikalimang pagbagsak sa lupa ng Yolanda sa Concepcion, Iloilo
noong Nobyembre 8, 2013, naging unang tagaresponde ng bayan si Rogelio,
isang guro sa Concepcion Central School. Handa siya sa mga ganoong
sitwasyon, siya ay nakapagsanay at alam ng lahat na kaya niya itong gawin.
Dinala muna niya ang kaniyang asawa at apat na anak sa ligtas na
lugar bago lumahok sa Manaphag Quick Response Team noong umaga ng
Nobyembre 8, 2013.
Rumisponde sila sa mga bahay na malapit sa dalampasigan ng
Bacjawan Sur at nailigtas nila mula sa mapaminsalang bagyo ang mga
tagaroon, bata at matanda. Ngunit sa kanilang pagbabalik sa evacuation area,
isang malaking sanga ng punongkahoy ang tumama kay Rogelio na nagdulot
sa kaniyang pagkalaglag mula sa trak kung saan siya ay nakasakay kasama
pa ng ilang nagresponde.
Siya ang naging unang biktima ng bagyong Yolanda sa bayan ng
Concepcion.

154
Bakit itinuring siyang isang taong mapagmalasakit?
Mas kilala siya sa tawag na Sir Elyong, isang guro ng Agham at
Agrikultura. Ang kaniyang impluwensiya ay hindi lamang sa apat na sulok ng
silid-aralan maging sa buhay ng kaniyang mga mag-aaral.
Sa mahigit na dalawampung taong pagtuturo ni Sir Elyong, naging
masipag siyang hardinero gayundin agriculturist din siya ng kanilang paaralan.
Itinuturo rin niya ang tamang pagtatapon ng basura at tamang pangangalaga
ng tubig para sa paligid ng paaralan.
Tuwing Sabado at Linggo, makikita siyang gumagawa sa Gulayan ng
paaralan. Lagi niyang ibinabahagi sa mga kapuwa guro ang kaniyang mga
aning prutas at gulay. Tinutulungan din niya ang mahilig sa paghahalaman
sapagkat nagpapahiram din siya ng mga gamit para dito.
Sa mga katangian niyang ito higit sa lahat, itinuring siyang huwarang
guro dahil sa kasipagan; pangalawang magulang ng kaniyang mga mag-aaral
dahil siya’y maalaga na parang tunay niyang anak; at isang kaibigan na
handang dumamay sa suliranin ng kapuwa.
Hindi na siya iba sa lahat, siya’y asawa, ama, anak at kapatid na
kayang ibigay ang lahat ng makakaya para sa kaniyang minamahal na
pamilya.
Nailathala ng Kagawaran ng Edukasyon ang kaniyang buhay isang
buwan pagkatapos ng Yolanda. Nawalan man ng isang guro, mabuting ama,
kapatid at kaibigan ang Kagawaran ng Edukasyon, ngunit mananatili ang
walang kapalit na paglilingkod ni Sir Elyong.

Geronimo, Jee Y. Rappler.com Published April 9, 2014


Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.
1. Tungkol saan ang tekstong binasa?
2. Ano-anong katangian ni Rogelio ang nagpapatunay na siya ay isang bayani?
3. Paano isinalaysay ng may akda ang kabutihan ng isang tao sa kanilang
lugar?
4. Mayroon bang kahalintulad na kuwento sa inyong lugar ang kuwento ni
Rogelio? Isalaysay ito sa klase.
5. Suriin ang mga salitang sinalungguhitan, ano ang naging gamit nito sa
pagbuo ng pagsasalaysay tungkol kay Rogelio Lardera?

Upang mas maunawaan ang gamit ng sinalungguhitang mga salita sa


binasang teksto, basahin ang kasunod na paliwanag.

155
Alam mo ba na …….
karaniwang gumagamit ng mga pang-ugnay upang maiugnay ang mga
pangyayari sa isang pagsasalaysay. Maaaring gumamit ng mga pangatnig
at pang-ukol bilang pang-ugnay. Itinuturing ding pang-ugnay ang cohesive
devices.
Ang at, ngunit at sapagkat ay ginagamit na pangatnig sapagkat
nag-uugnay ang mga ito ng dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
Samantala ang at, gayundin at ngunit pa rin ay maaaring gamiting
cohesive devices, na ang at at gayundin ay maaaring gamitin sa
pagdaragdag samantalang ang ngunit ay pagpapahayag ng taliwasan o
salungatan.
Halimbawa:
1. at–Maraming bayani ang nakilala at nakaligtas mula sa bagsik ng
Super Bagyong Yolanda.
2. gayundin – Sa mahigit na dalawampung taong pagtuturo ni Sir Elyong,
naging masipag siyang hardinero gayundin, agriculturist din siya ng
kanilang paaralan.
3. ngunit – Maaari nilang maikuwento ang kanilang pinagdaanan ngunit
hindi si Rogelio Lardera.
Ang dahil sa ay pang-ugnay na cohesive devices at ang sapagkat
na pangatnig ay maaaring gamitin sa pagpapahayag ng dahilan-resulta ng
isang pangyayari o kaganapan.
Halimbawa: Sa mga katangian niyang ito, higit sa lahat, itinuturing siyang
huwarang guro dahil sa kasipagan.
Ang para sa ay pang-ugnay na pang-ukol. Karaniwang nag-uugnay
na may pinag-uukulan.
Halimbawa: Hindi na siya iba sa lahat, siya’y asawa, ama, anak at kapatid
na kayang ibigay ang lahat ng makakaya para sa kaniyang
minamahal.
Maaaring cohesive devices rin ang para sa na nagbibigay ng punto de vista.
Marami pang cohesive device na maaaring gamiting pang-ugnay sa
pagsasalaysay gaya ng: saka, bukod sa, bunga nito, kung, kapag, pero,
kung gayon, maaari, puwede, gayunpaman, samakatuwid, kaugnay nito at
iba pa.

156
PAGSASANAY 1
Basahin ang kasunod na teksto at isulat sa sumusunod na kahon ang mga pang-
ugnay na ginamit. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Ang Panitikan ng Reporma, Rebolusyon at Patriotismo


Ang mga serye ng maliit at malaking rebelyong isinagawa ng mga
katutubong Panay laban sa pamahalaang Espanyol ay naging sukdulan sa
kanilang paglahok sa himagsikang Katipunan noong 1896. Ang imprenta ng
pahayagang Katipunan ay donasyon noong 1895 ng dalawang taga-Aklan, sina
Francisco del Castillo at Candido Iban, na nanalo ng pera sa loterya. Sila rin ang
nagbuo ng sangay ng Katipunan sa Visayas na itinatag sa Capiz. Ang pagbitay
sa tinatawag na “19 na Martir ng Kalibo” noong 1897 ay isang bigong tangka ng
mga Espanyol upang mapigilan ang rebolusyon. Gayunpaman, noong 1898, ang
pamahalaang rebolusyonaryo ay itinatag sa Santa Barbara,kung saan ang
unang bandilang Pilipino at ang unang sigaw ng kalayaan sa Panay ay
isinagawa.
Maraming makabayang paksa ang naisulat ni Graciano Lopez Jaena
para sa Kilusang Propaganda, bagamat naisulat ang mga ito sa Espanyol.
Maibibilang din ang tulang makabayan na “Bansa Ko” ni Segundo Lopez; ang
“Ang Magahiyugma sa Iyo Dite” na sarsuwelang Hiligaynon ni Salvador Ciscon;
“Dutay Olipon”, katipunan na tula ni Jose Ingalla at ang kasaysayan at kultura ng
Panay.
”Pagmamahal sa Bansa“ ni Manuel Lacerna na inilathala sa Kalibo, Aklan

Isulat mo ang mga pang-ugnay na ginamit sa teksto. Gawin sa sagutang papel.


1. _______________ 2.________________ 3. ______________
4. _______________, 5. ________________ 6. ______________

PAGSASANAY 2
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Suriin kung may ginamit na pang-
ugnay, isulat ang tsek () kung may pang-ugnay at ekis (X) kung wala. Gawin sa
sagutang papel.

1. Ang tula ay hgit na kilala sa wikang Hiligaynon na binalaybay.


2. Mga metapora at larawang mula sa likas na kapaligiran ng taumbayan at
kulturang materyal ang ginagamit ng mga nagbubugtungan upang
kumatawan sa mga bagay na tinutukoy.
3. Ang titigohon ay isang maikling tula na binubuo ng dalawang linya at
naglalarawan ng isang bagay, ngunit ang paglalarawan ay may
paghahambing.

157
4. Ang mga tulang Waray ay higit na maaalala kung ito ay nanunuya o katawa-
tawa.
5. Ang tula ng mga rebolusyonaryong hukbo ay mahalaga sapagkat ito ang
tumatayong kasulatan ukol sa damdamin ng isang pamayanan sa isang bahagi
ng Visayas.
6. Ang paglago at pananatili ng dramang Waray ay nakasalik sa taunang
pagdiriwang ng mga pistang bayan.
7. May katamlayan ang produksiyon ng dramang Waray sa kasalukuyan, ang
mga bagong dula ay manaka-nakang naisusulat.
8. Sa pagdami ng mga manonood, ang dramang Waray marahil ay magbabalik
sa pamayanan, hindi bilang isang bilihin kundi bahagi ng kultura ng bayan.
9. Ang mga katutubong awitin ay kumakatawan sa mga katutubong tula ng mga
Waray.
10. Sa mga pahina ng peryodiko, pinangunahan ni Sotto ang maigting na
kampanya upang buhayin ang wikang Cebuano.

PAGSASANAY 3
Dugtungan ang sumusunod na pahayag gamit ang mga pang-ugnay upang makabuo
ng makabuluhang pangungusap. Gawin sa sagutang papel.

1. Mayaman sa panitikan ang Visayas ______________________________


_________________________________________________________.

2. Isa sa pangunahing layunin ng panitikang Visayas __________________


__________________________________________________________.

3. Makukulay na tradisyon _______________________________________


__________________________________________________________.

4. Salamin ng kulturang Pilipino ang mga akdang pampanitikan nila ______


__________________________________________________________.

5. Buhay na buhay ang mga paniniwala sa Kabisayaan ________________


___________________________________________________________

6. Bago pa dumating ang mga Espanyol may sarili ng panitikan ang Visayas
_____________________________________________________________

GAWAIN 8. Pag-uugnay sa Retorika


Sumulat ng isang pagpapaliwanag kung paano pinahahalagahan ng mga taga-
Visayas ang kinagisnang kultura. Subuking gumamit ng mga pang-ugnay sa
pagpapahayag ng mga ideya na katulad kung paano ito ginagamit sa pagsasalaysay.
Isulat ang paliwanag sa sagutang papel.

158
Pagnilayan at Unawain

Sa tulong ng kasunod na grapikong representasyon, sagutin ang mga tanong.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano nakatutulong ang mga pangyayari sa epiko na makapaglarawan ng


aspetong pangkultura ng Visayas tulad ng kaugalian, kalagayang panlipunan,
paniniwala o prinsipyo ng mga taga-Visayas?

2. Paano makatutulong ang paggamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay?

Ilipat

Sa lahat ng mga konseptong natutuhan mo tungkol sa epiko at paggamit ng


mga pang-ugnay sa pagsasalaysay, tiyak kong kaya mo nang sumulat ng isang
tekstong nagsasalaysay. Basahin ang kasunod na impormasyon.

Alam mo ba na…
na ang pagsasalaysay ay maaaring pasulat, pasalita, patula, tuluyan, imahe,
paawit, teatro, o pasayaw. Isang hanay ng magkakasunod na pangyayari na
maaaring gawa-gawa lamang o nakabatay sa totoong pangyayari o maaaring
mabatay sa alinman sa sumusunod:
a. sariling karanasan
b. pangyayaring nakita o nasaksihan
c. pangyayaring narinig
d. pangyayaring nabasa
e. bungang-isip
Naririto ang ilang hakbang na maaaring pagbatayan sa pagsulat ng
pagsasalaysay.
1. Linawin kung anong paksa ang iyong
159 tatalakayin.
2. Gumawa ng isang balangkas. Ito ay isang iskeleton ng iyong gagawing
pagtalakay sa paksa.
3. Alamin rin kung paano mo isasalaysay ang iyong pagsasalaysay.
Naririto ang ilang hakbang na maaaring pagbatayan sa pagsulat ng
pagsasalaysay.
1. Linawin kung anong paksa ang tatalakayin.
2. Gumawa ng isang balangkas. Ito ay isang iskeleton ng iyong gagawing
pagtalakay sa paksa.
3. Alamin kung paano isasalaysay ang kuwento. Nararapat na nakaayon ito
sa tamang estruktura:
a. Introduksiyon – Sa bahaging ito inilalahad ang paksang tatalakayin.
b. Eksplorasiyon – Sa bahaging ito naman iniisa-isa ang mga
kaalamang may kinalaman sa paksa.
c. Kongklusyon – Tinatawag din itong wakas at sa bahaging ito
maaaring magbigay ng hamon sa mga mambabasa kung paano
magkakaroon ng implikasyon ang mga pangyayaring isinasalaysay
sa aktuwal na buhay.
4. Bigyang-pansin ang wastong mekaniks sa pagsulat tulad ng wastong
baybay, bantas at pamimili ng angkop na salita.
Ang Masining na Pagsasalaysay
Ang Pagsisimula
Ang panimula ay kailangang makaakit agad sa mambabasa sa tunay na
daigdig na ginagalawan ng mga tauhan at ng maging bahagi siya ng daigdig sa
iyong kuwento.
Mga Uri ng Panimula
1. Panimulang nagbibigay-tuon sa kalagitnaan o sa pagwawakas na halos
ng mga pangyayari.
2. Paglalarawan ng tagpuan at panahon
3. Paglalarawan ng pangunahing tauhan
4. Panimulang pagbibigay-komentaryo sa kahulugan ng karanasan.
Kaugnay ng ganitong panimula, dapat namang iwasan ang sumusunod:
a. Iwasan ang pangangaral o pagsesermon.
Halimbawa: Kung hindi uukol ay hindi bubukol. Ito’y napatunayan ko
na noon pa mang ako’y nasa haiskul pa lamang.
b. Iwasan ang panimulang nagpapahiwatig ng mga detalye tungkol sa
magiging wakas ng kuwento.
5. Paggamit ng karaniwang pahayag
6. Paggamit ng Usapan o Diyalogo
Pangkalahatang panahon– Ang tinutukoy ay ang mga panahon sa
kasaysayan.
Tiyak na panahon – Kung ang uri ng araw ay tutukuyin sa isusulat na
kuwento.

160
Paglikha ng mga tauhan
Ang mga tauhan, lalo na ang pangunahing tauhan, ay mailalarawang
buhay na tauhan kung matutukoy ang paraan ng pagkilos at pagsasalita.
Ilan Pang Mungkahi sa Paglalarawan ng Tauhan
1. Pumili ng ilang pangunahing katangian ng pangunahing tauhan na
madaling makatulong upang siya’y matandaan.
2. Ipakita ang gawi (mannerism) na magpapakita ng kaniyang
personalidad at magpapakita rin ng kaniyang nadarama.
3. Gawing malinaw ang paglalarawan.
4. Maaaring makalikha ng paglalarawan ng tauhan kilos, pagsasalita,
anyo na kailangan sa pagsasalaysay.
Ang Diyalogo o Usapan
Dalawang Bahagi ng Diyalogo
1. Tuwirang Pahayag-Eksaktong sinasabi ng tauhan.
2. Tag na Diyalogo-Hindi na ginagamit lalo na kung ang mga tagpo ay
kababakasan ng mabilisang pangyayari o mabilisang pag-uusap.
Ang Wakas ng Pagsasalaysay
Karaniwang isinalaysay ang isang bahagi ng aksiyon o pag-uulit sa
ginawang panimula na magbibigay-diin sa pangunahing layunin ng
pagsasalaysay.
Pagpili ng Makatawag-pansing Pamagat
May mga katangiang dapat taglayin ang isang kaakit-akit at
mabuting pamagat tulad ng:
1. may orihinalidad
2. di-pangkaraniwan
3. makahulugan
4. kapansin-pansin; at
5. kapana-panabik
Ang Gitnang Bahagi
Ang pinakamahalaga at mahirap sulatin ang gitnang bahagi ng isang
pagsasalaysay.Karaniwan itong nagtataglay ng sumusunod na
sangkap: pananaw, aksiyon, tagpuan, tauhan at diyalogo. Tunghayan ang
kasunod na mungkahi sa pagsasalaysay.
1. Pumili ng punto de vista o pananaw na gagamitin sa pagsasalaysay.
2. Sikaping magkaroon ng pagkakaugnay-ugnay ang mga suliranin sa
kuwento; kailangang ang mga ito ay di- pangkaraniwang suliranin.
3. Isalaysay ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga
ito. Inaasahan na ang mga ito’y maliwanag na masusundan ng
mambabasa sapagkat umaayon sa pananaw o punto de vista ng
tauhang nagsasalaysay.
4. Panatilihin ang detalye ng aksiyon.
5. Pangunahing elemento ng kuwento ang pandama at isipan.

161
Ang pamahalaan ng Pilipinas ay labis na nagpapasalamat sa tulong na
ibinibigay ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa pagpapaunlad ng
ekonomiya ng bansa. Bilang POEA Chairman, ikaw ay naglunsad ng paligsahan
ng pagsulat ng pagsasalaysay tungkol sa isang pangyayari saan mang lugar sa
Visayas. Ang magwawagi sa paligsahan ay itatanghal sa programang inihanda
ng ahensiyang OWWA na dadaluhan ng ating Pangulo, ilang Senador,
Embahador sa iba’t ibang bansa. Itataya ang isinulat na pagsasalaysay batay
sa sumusunod na pamantayan:
a) nagsasalaysay ng isa sa mga pangyayari sa Visayas
na kasasalaminan ng alinman sa kaugalian,
kalagayang panlipunan, paniniwala ………………………… 4
b) may magandang pamagat …………………………………… 2
c) may kawili-wiling simula ……………………………………… 2
d) maayos ang pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari gamit ang pang-ugnay
sa pagsasalaysay …………………………………………….. 3
e) may kawili-wiling wakas ……………………………………… 2
f) makatotohanan …………………………………………………2
KABUUAN 15

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Ipagpatuloy mo pa ang paglalakbay sa Visayas at simulan mo nang tunghayan ang
maikling kuwento sa susunod na aralin.

ARALIN 2.5

A. Panitikan: Ang Habilin ng Ina


Isinalin sa Filipino ni Magdalena Jalandoni
(Maikling Kuwento mula sa Iloilo)
B. Gramatika: Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari

I. Panimula
Ang Iloilo ay lalawigan sa Pilipinas na matatagpuan sa rehiyong Kanlurang
Visayas at sa Timog-Silangang bahagi ng pulo ng Panay at nasa hangganan ng
Antique sa Kanluran at Capiz sa Hilaga.
Kilala ang mga taga-Iloilo bilang mga Ilonggo at ang kanilang wika ay pormal
na kilala bilang Hiligaynon. Masasalamin sa kanilang mga panitikan ang mga
pangarap at pananaw ng sinaunang lahi o sa pamanang Ilonggo. Taglay ng kanilang
mga kuwento, tula, dula at iba pang saklaw ng literaturang Hiligaynon ang kapayakan,
kadakilaan at kadalisayan. (Buenaobra, 2002 Mga Piling Literaturang Hiligaynon)

162
Ang Aralin 2.5 ay tungkol sa maikling kuwento na pinamagatang Ang Habilin
ng Ina mula sa Iloilo na ang orihinal na sipi ay nakasulat sa wikang Hiligaynon. Bahagi
rin ng aralin ang pagtalakay sa Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga
Pangyayari, na makatutulong upang makasulat ka ng sariling maikling kuwento batay
sa sumusunod na pamantayan: a) sariling likha, b) may pinagbatayang pananaliksik,
c) taglay ang mga elemento ng isang pagsasalaysay d) maayos na pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari at e) kakintalan ng kultura ng taga-Visayas.
Aalamin mo kung repleksiyon ba ng mga katangian ng mga taga-Visayas ang
kanilang mga maikling kuwento at kung bakit mahalaga ang mga pang-ugnay sa
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin
Sa kasunod na mga gawain, tutuklasin muna kung may alam ka na tungkol sa
maikling kuwento mula sa Iloilo at kung aalamin sa pamamagitan ng pagsusuri ang
mga elemento ng maikling kuwento ng Visayas

GAWAIN 1. Alam-Nais Malaman-Natutuhan


Gayahin ang kasunod na pormat ng talahanayan sa sagutang papel at sagutin
ang sumusunod na tanong maliban sa bahaging Natutuhan.

Alam: Ano na ang iyong nalalaman tungkol sa maikling kuwento ng mga


taga-Visayas?
Nais Malaman:Ano ang gusto mong malaman tungkol sa maikling kuwento ng
taga-Visayas?
Natutuhan: Masasalamin ba sa binasang maikling kuwento ng taga-Visayas ang
katangian ng mga tao dito?

Alam Nais Malaman Natutuhan

163
GAWAIN 2. Pagbibigay Hinuha
Magbigay ng hinuha sa sumusunod na tanong sa tulong ng graphic organizer.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Repleksiyon ba ng mga
katangian ng mga taga-
Visayas ang kanilang mga
maikling kuwento? Bakit mahalaga ang mga
Patunayan. pang-ugnay sa
pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari?

Matapos mataya ang dating alam mo, tungkol sa aralin, magbabasa tayo ng
isang maikling kuwento ngunit bago simulan ito, unawain ang kasunod na mga
impormasyon tungkol dito.

Alam mo ba na…
ang maikling kuwento ay anyo ng panitikang nagsasalaysay sa maikli at
masining na paraan na natatapos ang pagbasa sa isang upuan lamang. Ito ay
nagdudulot ng aliw at nag-iiwan ng isang kakintalan na magagamit sa pang-
araw-araw na pamumuhay. Ayon naman kay Genoveva Edroza Matute, ang
maikling kuwento ay isang maikling kathang pampanitikan na nagsasalaysay
ng pang-araw-araw na buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari
at may isang kakintalan.
Mga Elemento ng Maikling Kuwento
1. Tauhan – Ito ay likha ng manunulat na siyang kumikilos upang
magkabuhay ang isang kuwento na nagtataglay ng mga katangiang
pisikal, espirituwal, intelektuwal at pisyolohikal. Ang tauhan ay may
damdamin na maaaring makadama ng kasiyahan, kalungkutan,
kalumbayan, kapighatian, kapanabikan at iba pa,
2. Tagpuan – Tumutukoy ito sa lugar kung saan nangyari ang kuwento.
Sinisikap ng mga manunulat na maging makatotohanan ang tagpuan ng
kuwentong kanilang lilikhain. Ito ay magsisilbing daigdig na gagalawan ng
mga tauhan para sa kanilang pakikipagsapalaran.
3. Panahon – Ito ay kalagayan ng klima o atmospera ng lugar na
ginagalawan ng mga tauhan sa kuwento. Ang ilang halimbawa ng
panahon sa kuwento ay tag-ulan, tag-araw, taglamig, panahon ng
pananakop, panahon ng himagsikan, panahon ng paglaya at iba pa.
4. Paksa o Tema – Ito ay maaaring naglalaman ng mensahe ng may akda
o layunin ng pagkakasulat ng kuwento.
5. Banghay – Ito ay ang sunod-sunod na magkakaugnay na pangyayari at
papataas na aksiyon sa kuwento.
1. Panimula - Dito nakasalalay164ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito
rin kadalasang ipinakikilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
2. Saglit na Kasiglahan - Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng
5. Banghay – Ito ay ang sunod-sunod na magkakaugnay na pangyayari at
papataas na aksiyon sa kuwento.
a. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito
rin kadalasang ipinakikilala ang iba sa mga tauhan ng kuwento.
b. Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang nasasangkot sa suliranin.
c. Tunggalian- Ito ang suliranin ng kuwento. May apat na uri: tao laban
sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran
o kalikasan.
d. Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kaniyang ipinaglalaban. Kapana-panabik na bahagi ng
kuwento.
e. Kakalasan - Tulay sa wakas. Resolusyon o kalutasan ng suliranin sa
kuwento.
f. Wakas- Ito ang kahihinatnan ng kuwento.
Padolina, Ma. Teresa C. et al.2013. Lunday 7 Wika at Panitikan
Sunshine Publishing House, Quezon City.

LINANGIN

Alam kong handa ka nang basahin ang maikling kuwentong nasa wikang
Hiligaynon na isinalin sa Filipino. Alamin kung ano ang mga katangian ng mga taga-
Visayas.

ANG HABILIN NG INA


Isinalin sa Filipino ni Magdalena G. Jalandoni
Maikling Kuwento mula sa Iloilo

Papalubog na ang buwan at mag-aalas onse na ng gabing iyon.


Umuungol ang mga aso. Sa isang kubong kinatatanglawan lamang ng lampara
ay nakahiga sa isang payak na higaan ang isang payat at maputlang babae
na halos hindi makakilos dahil sa malubhang sakit.
Nakaupo sa kaniyang tabi ang isang batang lalaking may sampung
taong gulang. Sa uluhan ng maysakit ay may maliit na larawan ng Santo Kristo.
Matagal niya itong tinitigan at pagkatapos ay hinipo at ilang ulit na hinagkan.
Napabuntung-hininga siya, ang ilang namumuong luha sa kaniyang mga mata
ay dumaloy na para bang may mahalagang habilin. Nilingon niya ang anak at
sinabihan. “Pinakamamahal kong anak at bahagi ng buhay ko, ito na ang
sandaling magkakahiwalay tayo. Ako’y mamamatay na at maiiwan ka rito sa
lupa sa pagtahak sa matinik na landas ng buhay. Maiiwan kang walang
magulang at kapatid. Ang Diyos ang magiging ama mong mapagkakatiwalaan.

165
Siya ang magbabantay at magsisilbing ilaw mo. Matagal nang itinuro ko sa iyo
ang magandang asal. Tinuruan kitang huwag mang-api at magnakaw.
Isinasama kita sa simbahan tuwing Linggo at pista. Tinuruan din kitang
pagsilbihan Siya na may-ari ng buhay mo. Maaasahan ko kayang
pahahalagahan mo ang magagandang asal na ito habang buhay ka?”
Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwikang:
“Inay, igagalang ko ang gusto mo. Susundin ko ang mga habilin mo habang
ako’y nabubuhay.”
Lumipas ang ilang sandali ng kanilang pag-uusap at tuluyang pumikit
ang mga mata ng kawawang babae. Humalik siya sa noo ng bangkay
hanggang sa ito’y binasa ng kaniyang mga luha. Nagdadalamhating humikbi
ang bata at saka nagsalita: “Inay ko...Inay ko...!
Lumipas ang ilang araw at naipalibing ang bangkay ng kaniyang ina sa
tulong ng mga kapitbahay. Si Crispin, ang naiwang bugtong na anak sa lupa
ay namasukan sa isang mayamang amo. Makikita siya tuwing umagang bitbit
ang bote ng gatas. Umaalis siya ng bahay tuwing umaga upang bumili ng gatas
sa kaniyang suki. Sa kaniyang pag-uwi, dumaraan muna siya sa simbahan
upang magdasal dahil ito ang habilin ng yumao niyang ina. Tinutupad niya ito
na parang buhay ang inang nagbabantay sa kaniya.
Lumipas ang mga buwan. Sinusunod ni Crispin ang lahat ng utos ng
kaniyang amo kaya nabihag nito ang kaniyang pagmamahal. Walang
nangyayaring masama sa kaniyang paglalakad tuwing umaga maliban lamang
noong isang umagang umuulan nang siya’y nadulas at nadapa kaya nabasag
ang boteng may lamang gatas. Kinabahan si Crispin nang makitang dumaloy
sa lupa ang lahat ng laman ng bote at walang naiwan kahit isang patak. Ito ang
kauna-unahan niyang pagkakamali. Alam niyang malupit ang kaniyang amo at
marahil kapag nalaman nila ang nangyari ay isang malakas na palo ang
matatanggap niya. Nanginginig ang buo niyang katawan sa takot kaya hindi
niya napigilan ang pag-iyak. Natatakot siyang umuwi na walang dalang gatas
kaya bumalik siya sa kaniyang suki. “Mama….,” ang sabi niya. “Natapon ang
dala kong gatas. Bigyan mo ako ulit.”
“Anak, alam mong singkuwenta sentimos ang halaga ng dala mong
gatas kanina. Hindi na kita maaaring bigyan pa ng libre. Bibigyan kita kagaya
ng natapon ngunit ipangako mong babayaran mo bukas.”
Hindi kaagad nakasagot si Crispin. Huminga siya nang malalim na
parang hindi alam ang gagawin. Ngunit saan siya kukuha ng perang pambayad
sa gatas? Ito ang katanungang gumugulo sa kaniyang isipan nang araw na
iyon. Wala siyang mapagkunang pera. Nanginginig na ipinagtapat niya sa
among nagkautang siya ng singkuwenta.
Wala siyang nagawa kaya nalito siya ng gabing iyon. Dahil sa
matinding pangangailangan, nakalimutan niya ang habilin ng ina. Dinukot niya
ang bulsa ng amerikana ng kaniyang amo na nakasabit sa dingding. Walang

166
ibang nakakita sa kaniya. Natagpuan niya ang nakahalong singkuwenta
sentimos at iyon lang ang kaniyang kinuha.
Binayaran niya ang utang sa matanda kinaumagahan. Katulad ng
ibang umaga, dumaan siya sa simbahan sa kaniyang pag-uwi. Lumuhod siya
at nanalangin. Nang itaas niya ang ulo, nakita niya ang malaking larawan ng
Santo Kristo na sa tingin niya’y parang malungkot. Tatayo sana siya upang
halikan ang paanan nito ngunit hindi niya nagawa dahil bigla siyang kinabahan.
Naalala ni Crispin ang habilin ng ina. Kinatatakutan niya ang kaunting
pagkakamali sa amo. Naalaala niyang nagnakaw siya noong nakaraang araw
ngunit hindi siya natatakot sa paggawa ng kasalanang ito sa Diyos na lumikha
sa kaniya. Nanginginig ang buong katawan ni Crispin sa malaking takot sa
Diyos na nagmamay-ari ng kaniyang buhay. Hindi niya napigilan ang pagdaloy
ng mga luha sa mata. Buong pusong nagsisi siya. Tiningnan nito ang larawan
at nagsabing, “Panginoon, patawarin mo ako. Pinagsisisihan ko na ang aking
pagkakasala.”
Umuwi siya sa bahay na tinitirhan at walang takot na ipinagtapat sa
among lalaki ang nagawa. Siya’y nagwika: “Ginoo, ninakaw ko ang
singkuwenta sentimos sa bulsa ng amerikana ninyo habang natutulog kayo
kagabi. Naibayad ko na po ang pera sa matandang pinagkautangan ko ng
gatas. Handa akong tanggapin ang parusang katumbas ng aking
pagkakamali.”
Sa halip magalit ang amo ni Crispin, niyakap siya nito at hinalikan
sabay na nagwikang, “Simula ngayon, pinagkakatiwalaan na kita at kapag
malaki ka na, magiging katiwala ka ng mga ari-arian ko.”
Nagkatotoo ang pangako ng amo dahil pinag-aral nito si Crispin. Sa
paglipas ng panahon, siya’y isa nang ganap na binata, matalino, maka-Diyos
at mapagkakatiwalaan ng lahat kapalit ang pagtupad sa mga habilin ng
kaniyang ina.

Alam mo ba na...
kontekstuwal ang pagpapakahulugan sa salita kung iuugnay kung paano
ginamit sa pangungusap, gayundin kung paano nagkaroon ng ugnayan ang
bawat salitang ginamit sa pangungusap?
Ang denotasyon ay ang kahulugan ng salita na literal ang
pagpapakahulugan. Karaniwang makukuha ito sa diksyunaryo. Salitang
ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Halimbawa: Ayaw ko ng bola. (laruan)
Samantalang ang konotasyon ay ang kahulugan ng salita o pahayag
kapag ito ay hindi tuwiran? Nagkakaroon ng ikalawang kahulugan ang salita o
pahayag. May mga paniniwala sa dimensiyong ito ng pagpapakahulugan na ang
pansariling kahulugan ng isang tao ay maaaring ibigay rin.
Halimbawa: Ayaw ko ng bola. (niloloko o binibiro lamang)

167
Alam mo ba na...
kontekstuwal ang pagpapakahulugan sa salita kung iuugnay kung paano
GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan
A. Ibigay ang kahulugan batay sa kontekstuwal na pagkagamit sa pangungusap ng
salitang may salungguhit. Susuriin din kung denotasyon o konotasyon ang
dimensiyon ng pagpapakahulugan. Pagkatapos, gamitin ang kahulugan nito sa
makabuluhang pangungusap. Gawin sa sagutang papel.
1. Napabuntung-hininga siya at saka dumaloy ang ilang patak ng luha mula sa
kaniyang mga mata.
2. Nilingon niya ang anak na parang may mahalagang habilin.
3. Naumid ang dila ng bata at pagkatapos ng ilang sandali’y nagwika
“Inay, igagalang ko ang gusto mo.
4. Hindi niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa mata.
5. Nagkatotoo ang pangako ng amo dahil pinag-aral nito si Crispin.

B. Ibigay ang kahulugan ng mga salitang nasa unang kolum sa pamamagitan ng


denotasyon at konotasyon na pagpapakahulugan. Gawin sa sagutang papel.

Mga Piling Salita Denotasyon Konotasyon


1. payat
2. bugtong
3. yumao
4. amo
5. lupa

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin sa sagutang papel ang mga tanong.
1. Ano ang tanging habilin ng ina sa kaniyang anak?
2. Natupad ba ang mga tagubiling ito? Magbigay ng mga patunay.
3. Ano ang mabuting naidudulot ng tagubilin ng isang ina sa kaniyang anak?
4. Anong mabuting pag-uugali ng mga taga- Visayas ang nakapaloob sa akda?
5. Sa pamamagitan ng character web, ano ang katangian ng ina sa kuwentong
binasa?

pisikal na pananalita
katangian

kilos gawi

168
6. Punan ng mahahalagang pangyayari ang story frame ,batay sa maikling
kuwentong ‘’Ang Habilin ng Ina’’. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

KUWADRO 1
Panimula

KUWADRO 2
Saglit na kasiglahan

KUWADRO 3
Tunggalian

KUWADRO 4
Kasukdulan

KUWADRO 5
Kakalasan

KUWADRO 6
Wakas
7. Anong mensahe ang nais iparating ng binasang kuwento?

Sa kasunod na mga gawain, pagtitibayin mo ang iyong nalaman tungkol sa


mga elemento ng maikling kuwento mula sa Visayas.

GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman

5.1. Concept Caravan


Gamit ang concept caravan, bumuo ng mahalagang kaisipan mula sa
binasang maikling kuwento.Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang
papel.

169
5.2. Kung Ako…Ang May Akda
Kung ikaw ang may akda ng binasang maikling kuwento, anong bahagi ang
nais mong baguhin at bakit mo ito babaguhin? Pangatuwiranan.

Bakit nais baguhin?

_________________________________________________
Pangyayaring
nais baguhin _________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
____________________________________________

5.3. Pagsunod-sunurin Mo
Itala ang mga pangyayari sa kuwento sa pamamagitan ng pagpuno sa timeline
na magpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na may pagtiyak
sa mga nangyari dito. Gamitin ang kasunod na pormat sa pagsagot sa iyong
sagutang papel.

PANGYAYARI PAGTIYAK

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

________________________________

Ngayon pa lang ay binabati na kita sa sipag at tiyaga na iyong ipinakita. Ang


susunod mo namang babasahin ay tekstong naglalarawan. Huwag mong kalimutang
sagutin ang mga tanong kung paano susuriin ang maikling kuwento ng Visayas ayon
sa mga elemento nito. Gayundin, kung paano magagamit nang wasto ang mga pang-
ugnay sa pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.

170
GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika
Matapos mataya ang iyong kaalaman sa maikling kuwento mula sa Visayas,
magbabasa naman tayo ng isang tekstong nagsasalaysay. Alamin kung paano
makatutulong ang pang-ugnay sa malinaw at maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari.
ISANG GASERANG GAAS...KATUMBAS NG TAGUMPAY!

Naniniwala si Chris na ang tahanan ay higit sa isang silungan, sa


anumang relasyon sa kapuwa o mga taong nakapaligid. Ang tahanan para sa
kaniya ay kung saan nabibilang o nakatalaga na maaaring gabayan ka
hanggang sa pag-abot ng tagumpay.
Makalipas ng dalawampung taon ay muling nakauwi sa lupang
sinilangan si Chris. Kahit sandali’y nakalayo siya sa araw-araw na magulong
takbo sa lungsod. Higit sa lahat, dahil nais niyang dalawin ang kaniyang ina.
Makikita sa kanilang tahanan ang sitwasyong kaya umangat ang
kabuhayan, kapuna-puna ang magandang pagtanggap ng bawat panauhin lalo
sa mga bagong mukha.
Naalala niya ang mga araw na matatamis at maging ang mapapait na
karanasang humubog sa murang isip at katawan ni Chris. Di niya malilimutan
ang nakatokang trabahong dapat na ginagawa dahil siya ay panganay na anak
na lalaki – mag-igib ng tubig bago pa sumikat ang araw, magputol ng kahoy
bago pumasok, at magpakain ng manok bago pumasok sa eskuwela. Umuulan
o umaaraw man.
Higit siyang nahihirapan habang gumagawa ng homework ...isang
gaserang de gaas ang tanging gamit niya na ilawan dahil sa karalitaan.
Madalas na marinig sa kaniyang Ina habang nag-aaral ang mga salitang ‘‘
Anak, tigilan mo na iyan at baka maubos ang gaas, wala tayong gamiting
panluto sa kalan bukas.“
Labinlimang minutong paglalakad ang ginagamit niyang madalas
papunta at pauwi tuloy bubuo ng mga pangarap. Punong-puno ng pag-asang
makaahon sa nararanasang kahirapan. Mga binuong pangarap na hanggang
sa kasalukuyan ay pinagsusumikapan pa ring matupad.
Magtatapos na siya sa elementarya nang magkaroon ng kuryente ang
Sitio San Luis...parang mga bulag na biglang nakakita ng liwanag ang mga
taga-Sitio San Luis. Pagkatapos ng mahabang panahon ng pangangapa sa
dilim...paalam sa gaserang gaas. Sa wakas nakaranas din na magsindi sa
pamamagitan ng switch. Bunga nito, matataas na marka ang kaniyang
nakukuha sa lahat ng asignatura.
Sa Antipolo... kasama ang kaniyang tatlong anak at maging ang
kanyang asawa at ang trabaho na malayo sa kaniyang bayang
sinilangan...subalit walang katiting na pagsisisi....ang mahalaga ang tagumpay
na nakamit.

171
Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa tekstong binasa. Gawin sa
sagutang papel.
1. Ano ang pinahahalagahan sa binasang teksto?
2. Magsalaysay ng kaugnay na karanasan mula sa binasa.
3. Suriin ang mga salitang sinalungguhitan kung paano nagkaroon ng
pagkakaugnay ng mga pangyayari.
4. Pumili sa kasunod na mga emoticon o iguhit ang sariling emoticon na
naglalarawan ng damdamin kaugnay ng mga pangyayari.

5. Ano-anong pagpapatunay na ang binasa ay tekstong nagsasalaysay?

Alam mo ba na…
ang wastong paggamit ng mga pang-ugnay ay nakatutulong sa pagkakaroon
ng pagkakaugnay ng mga pangyayari. Nagiging malinaw ang daloy ng mga
pahayag dahil sa mga pang-ugnay na dapat gamitin para sa pagsasalaysay at
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari.
Naririto ang Uri ng pang-ugnay
1. Pandagdag o adisyon - Nagsasaad ito ng diwa ng pagpupuno o
pagdaragdag ng impormasyon. Halimbawa: at, pati, saka
Sa isang kubong kinatatanglawan lamang ng lampara ay
nakahiga sa isang payak na higaan ang isang payat at maputlang babae
na halos hindi makakilos dahil sa malubhang sakit.
2. Pagbibigay-eksepsiyon - Nagsasad ng pagbubukod o paghihiwalay.
Halimbawa: maliban sa, bukod sa, bukod kay, puwera, huwag lang,
kundi lang
 Bukod sa pagputol ng kahoy na gagamitin sa pagluto, si Crispin ay
nag-iigib ng tubig.
3. Pagbibigay - sanhi o dahilan- Pinag-uugnay ang mga lipon ng salita
upang magbigay-katuwiran at magsabi ng kadahilanan.
Halimbawa: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, mangyari,kundangan
 Nagtagumpay siya dahil sa pagtitiyaga sa paggamit ng isang
gaserang gaas.
4. Paglalahad ng resulta at bunga - Nagsasaad ng kinalabasan o
kinahinatnan.Halimbawa: kaya, tuloy, bunga nito,kaya naman
 Sa pagdating niya sa kanilang tahanan, kaya umangat ang
kabuhayan, kapuna-puna ang magandang pagtanggap ng bawat
panauhin lalo sa mga bagong mukha at siya na anak na matagal na
nalayo.
5. Pagbibigay-layunin - Nagsasaad ng hangarin o naisin.
Halimbawa: upang, nang sa ganon, nang sa gayon, nang, para sa
 Dala ng naranasang hirap upang maging matagumpay.

6. Pagbibigay-kondisyon- Nagsasaad ng kondisyon o pasubali.


Halimbawa: kapag, kung, sakali, sandali, basta
172
 Ang pagtatagumpay ay makakamit basta may pagtitiis, .
7. Kontrast/pagsalungat - Nagsasaad ng pag-iiba, pagkontra o pagtutol.
Halimbawa: pero, ngunit, sa halip, datapwat, subalit
6. Pagbibigay-kondisyon- Nagsasaad ng kondisyon o pasubali.
Halimbawa: kapag, kung, sakali, sandali, basta
 Ang pagtatagumpay ay makakamit basta may pagtitiis, .
7. Kontrast/pagsalungat - Nagsasaad ng pag-iiba, pagkontra o pagtutol.
Halimbawa: pero, ngunit, sa halip, datapwat, subalit
 Sa halip na sumuko sa hirap, magpatuloy sa pangarap.
8. Pagbibigay-kongklusyon- Nagsasaad ng panghuling pananaw o opinyon.
Halimbawa: samakatuwid, kung kaya, kaya, kung gayon, anupa’t, sa
wakas
 Sa wakas, may pagmalasakit din ang pamahalaang lungsod.

Natitiyak ko na alam mo na ang wastong gamit ng mga pang-ugnay sa malinaw


at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

PAGSASANAY 1
Piliin sa bahagi ng kuwento ang ginamit na pang-ugnay at suriin kung anong
uri ito. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

Takot na takot si Lucing nang sumakay sa taksing nakaparada sa harap


ng bahay. Palibhasa tinatambol ang dibdib niya. Alam niyang paglapat ng pinto
ng taksi pagkaupo niya sa likmuang nasa likod ng drayber ay sisibad na ang
sasakyan patungo sa di niya natitiyak na tunguhin.
Ilang beses na siyang nakasakay sa taksi na iisang pook ang tinuturol,
ano mang oras o araw siyang sumakay. Bibigyan lamang niya ng direksiyon ang
tsuper at waring ang mga daan, gusali, bahay, lawak ng mga bakanteng lote o
laksang mukha ng mga taong nararaanan at nagdaraan, ilaw-trapikong nagbitin
sa mga sangandaa’y parang dagitab na magsisibaran sa mga mata niya’t
kaagad-agad ay naroon na siya, sa pulang geyt na magluluwa ng isang
binatilyong boy na magbabayad ng kaniyang taksi. Ni hindi niya mamamalayan
ang tagal o ikli ng oras. Ni hindi siya mag-aabalang tanungin kung magkano ang
kunsomo ng taksi mula Pandacan hanggang Project 8. Ang pananabik niyang
makarating sa destinasyo’y tila agad-agad ding pinasusukdol ng pagbubukas ng
pulang geyt, mangyari’y pinatitiim ng paglalapat ng pintong isinasara
pagkapasok niya.
Ngayo’y kaiba ang araw at panahon sapagkat kaiba ang pakiramdam
niya. Kaiba rin ang layon ng pagsakay sa taksi. Kakatwang wala ang dating
siglang umaahon sa mga hakbang niya patungo sa nakaparadang taksi. Sa
halip, isang nakapanlulumong katamlayan ang gumagapang sa mga paa niya,
gumugupo sa kaniyang isip.
Mabanglo, Ruth Elynia S. 2004.Usok ng Mapupusok na Araw .1983.
Panitikang Filipino (Antolohiya) National Bookstore,Manila.

173
PAGSASANAY 2
Pag-ugnayin ang bawat pangyayari sa Kolum A at Kolum B sa pamamagitan ng
mga pang-ugnay. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot.

KOLUM A KOLUM B
1. Maraming kabataan ang naliligaw ______sa impluwensiya hindi
ng landas mabubuting kaibigan.
2. Iniisip lamang ng bawat magulang _____dapat itong pahalagahan ng
ang kapakanan ng mga anak mga anak.
3. Magiging maganda ang buhay ng _____susunod siya palagi sa
sinumang anak kaniyang magulang.
4. Bawat pagsisikap may katumbas _____magandang buhay ang
na tagumpay pupuntahan ng isang kabataan.
5. Mahalin natin ang ating _____wala silang katulad sa
magulang mundong ibabaw.
PAGSASANAY 3
Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay gamit ang mga elemento ng isang
maikling kuwento. Isaalang-alang sa pagsasalaysay ang pang-ugnay. Gawin sa papel.

Sang-ayon ka na ba maaaring makatutulong ang mga pang-ugnay sa malinaw


at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa pagsasalaysay?
GAWAIN 7. Pag-uugnay sa Retorika
Sumulat ng sariling kuwento tungkol sa ginawang pagpapalaki ng sariling
magulang o tagatangkilik (guardian). Isaalang-alang ang mga dapat tandaan sa
pagsulat ng pagsasalaysay lalo na ang mga elementong dapat gamitin sa maikling
coupon bond, mga dalawa o tatlong pahina. Pagkatapos isulat, isalaysay ito nang
pasalita nang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.

Pagnilayan at Unawain
Sa tulong ng kasunod na grapikong representasyon, sagutin ang mga tanong.
Gawin sa sagutang papel.
Mga Tanong

Repleksiyon ba ng mga Bakit mahalaga ang mga pang-


katangian ng mga taga-Visayas ugnay sa pagsusunod-sunod ng
ang kanilang mga maikling mga pangyayari?
kuwento? Patunayan.

174
Ilipat

Isa kang kilalang Researcher. May samahan kayo na ang tawag ay


“Risertser Kami.” Pinangunahan mo ang isang paanyaya ng isang pagdiriwang
sa isang lugar sa Visayas. Kailangang makapagsaliksik kayo ng mga kuwento
sa Visayas na hindi pa naisusulat. Ikaw ang naatasan ng inyong samahan na
sumulat ng kuwento na batayan ang ginawa ninyong pananaliksik. Maaaring
kilalang personalidad na o maaari namang hindi kilala sa Visayas. Ang isusulat
na kuwento ang iyong isasalaysay sa nasabing pagdiriwang sa Visayas. Itataya
ang iyong isusulat na pagsasalaysay batay sa sumusunod na pamantayan:
a) sariling likha ..……………………………………………. 5
b) may pinagbatayang pananaliksik ……………………. 5
c) taglay ang mga elemento ng isang pagsasalaysay … 5
d) maayos na pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari ………… …………………………. 5
e) kakintalan ng kultura ng taga-Visayas ……………….. 5
KABUUAN 25

Binabati kita! Matagumpay mong naisagawa ang mga gawain sa araling ito.
Natitiyak kong napatunayan mong nasasalamin sa mga pangyayari sa maikling
kuwento ang mga katangian ng taga-Visayas. Malaking tulong na natutuhan mo ang
tungkol sa wastong gamit ng mga pang-ugnay sa malinaw at maayos na
pagsasalaysay. Kung hindi mo pa lubos na nauunawaan ang mga paksa sa aralin,
maaari mong balikan ang modyul na ito. Kung malinaw na sa iyo ang lahat ay maaari
ka nang magpatuloy sa aralin na magsasagawa sa Pagganap para sa kwarter na ito.

ARALIN 2.6

IV. PAGNILAYAN at UNAWAIN


PARA SA BUONG MODYUL 2

PANGWAKAS NA GAWAIN
Pagtatanghal ng Orihinal na Awiting-bayan
Gamit ang Wika ng Kabataan

Ang mga unang awit ay mga anyong tula rin, na may mga tugtugin at indayog
na ayon sa damdamin, kaugalian at himig ng pag-awit noong unang panahon. Marami
sa mga awit noon ay naririnig pa ngayon, subalit marami na rin ang nakalimutan.
Sa kabila nito, nagpapatunay pa rin na mayaman ang Visayas sa mga awiting-
bayan. Sa ngayon, karaniwang nasusulat pa rin sa orihinal na liriko ang ilan sa mga

175
ito. Marahil ay natuwa ang iba sa inyo sa mga nakaalam at gumamit o inawit ang mga
ito.
Sa pagkakataong ito, ikaw ay inaasahang makasusulat at makapagtatanghal
ng awiting-bayan. Bago mo isagawa ang pagsulat ng orihinal na liriko ng awiting-
bayan gamit ang wika ng kabataan, sagutin mo muna ang mga gawaing inihanda ko
upang masukat kung ano ang antas ng iyong pagkatuto sa mga natalakay natin sa
buong Modyul 2.

GAWAIN 1. Muling Balikan...


Balikan ang mga natalakay na aralin. Isulat sa loob ng grapikong
representasyon ang mahalagang kaisipan o konsepto tungkol sa panitikan at
gramatika na natutuhan mo sa bawat aralin. Gumamit ng sagutang papel.

Masasalamin ba ang kultura ng bansa sa mga akdang


pampanitikan ng Visayas?

GAWAIN 2. Suriin Mo!


Masasalamin ba ang kultura ng bansa sa mga akdang pampanitikan ng Visayas?
Itala mo ang mga pagkakakilanlan ng taga-Visayas batay sa kaugalian,
paniniwala, pamahiin at uri ng pamumuhay mula sa mga panitikang nabasa at
tinalakay. Gawin sa sagutang papel.
Panitikang Visayas:
Repleksiyon ng Buhay at
Kultura ng Kabisayaan

Panitikang Visayas:
Repleksiyon ng Buhay at
GAWAIN 3. Pagnilay-nilayanKultura
Mo! ng Kabisayaan
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga panitikan ng Visayas?
2. Paano masasalamin sa panitikan ng Visayas ang kanilang kultura?
3. Paano napanatili ng bawat akdang pampanitikang nabasa mo ang
pagkakakilanlan ng ating lahi?

176
4. Paano nakatutulong ang paggamit ng gramatika at retorika sa pag-unawa at
pagpapahalaga sa iba’t ibang tekstong binasa?
5. Bilang isang kabataang Pilipino, paano ka makatutulong sa pagpapanatili at
pagpapaunlad ng mga panitikan mula sa Visayas?

V. ILIPAT SA PAGTATAPOS
NG MODYUL 2
Ngayong batid mo na ang lahat tungkol sa panitikang Visayas, handang-handa
ka na sa pagsasagawa ng Pamantayan sa Pagganap o Pangwakas na Gawain para
sa Modyul 2. Basahin mo muna ang mga hakbang sa pagsasagawa nito.
1. Susulat ka muna ng maikling tulang may sukat at tugma tungkol sa anumang
bagay na maaaring magpakilala sa kultura ng Visayas. Magsisilbi itong orihinal
na liriko ng iyong awiting-bayan. Sikaping gumamit ng mga salitang
nauunawaan ng tulad mong kabataan sa kasalukuyan. Maaaring gamiting
batayan ang natutuhang sukat, tugma, talinghaga o tayutay.
2. Pagkatapos na mabuo ang maikling tula, lapatan mo ng angkop na tono upang
maging isang awiting-bayan.
3. Iparinig ang nabuong awiting-bayan sa mga kasapi ng pangkat upang
makapagbigay ng puna at mungkahi.
4. Mula sa napakinggang awiting-bayan, suriin ang kultura ng inyong lugar.
Gayundin ang mga talinghaga o tayutay na ginamit at binigyang-kahulugan.
Magdiriwang ng “Gabi ng Kultura” sa isa sa mga bayan o lalawigan sa
Visayas. Ang dalawang pinakamahuhusay sa mga napakinggang orihinal na
awiting- bayan ay itatanghal. Susulat at iparirinig mo ang isang liriko ng awiting-
bayan ng Visayas batay sa sumusunod na pamantayan:
a) gamit ang wika ng kabataan …………………………………. …. 8
b) orihinal na liriko …………………...………………………………. 8
c) may sukat, tugma, talinghaga ……………………………………..7
d) may ugnayan ang mga liriko sa bawat bahagi …………………. 5
e) naglalarawan ng kultura ng isa sa mga lugar sa Visayas ………7
f) may hikayat ang himig na inilapat ………………………………. 5
KABUUAN 40
Gawing malikhain ang pagtatanghal sa pamamagitan ng mga kagamitan o
instrumentong likha ng mga kasapi ng pangkat tulad ng kutsara’t tinidor, bato o
baryang kinakalansing sa loob ng lata o bote, angkop na kasuotan at angkop
na kilos o sayaw.

Binabati kita sa matagumpay mong pagtuklas ng karunungan at pagpapaunlad


ng iyong mga kasanayan. Ipinakita sa iyo ng mga natalakay na akdang pampanitikan

Magdiriwang ng “Gabi ng Kultura” sa isa sa mga bayan o lalawigan sa Visayas.


Ang dalawang pinakamahuhusay sa 177mga napakinggang orihinal na awiting-
bayan ay itatanghal. Susulat at iparirinig mo ang isang liriko ng awiting- bayan
ng Visayas batay sa sumusunod na pamantayan:
mula sa Visayas kung gaano kahalaga ang kultura at kung paano makatutulong ang
mga ito sa pag-unlad ng pamumuhay ng ating bansa. Ihanda mo naman ang iyong
sarili sa paglalakbay sa mga akdang pampanitikan ng Luzon.

SINTESIS

Nais kong malaman ang kaganapan ng iyong pagkaunawa sa buong Modyul


2 sa pamamagitan ng pagdurugtong ng mga pahayag sa sumusunod:

Nalaman ko _______________

Naramdaman ko ____________

Nabigyang-halaga ko ___________

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga gawain sa Modyul na ito.
Sa gawaing ito ay naisakatuparan mo na ang nararapat na kaalaman tungkol sa
kultura at panitikan ng Visayas.
Napatunayan mong ang Panitikang Visayas ay Repleksiyon ng Buhay at
Kultura ng Kabisayaan.
Tunay kang masipag na mag-aaral na handang isakatuparan ang lahat ng
gawain sa Modyul na ito. Paghandaan ang susunod na Modyul. Pagbutihin mo.

178
MODYUL 3
Panitikan ng Luzon:
LARAWAN NG
PAGKAKAKILANLAN

179
I. PANIMULA PARA SA MODYUL 3

Ang Luzon ang pinakamalaking pulo sa Pilipinas. Binubuo ito ng Rehiyon I, II,
III, IV-A (CALABARZON), IV-B (MIMAROPA), V, Cordillera Administrative Region
(CAR), at National Capital Region (NCR).
Ang Luzon ay binubuo ng iba’t ibang etnolingguwistikong pangkat. Karamihan
ng Ilocano ay naninirahan sa hilagang bahagi ng Ilocos at Cagayan, sa Pangasinan,
ang mga Pangasinense, sa Pampanga, Tarlac at sa iba pang bahagi ng Gitnang
Luzon ay ang mga Kapampangan, at mga Tagalog sa Bulacan, CALABARZON at
Kalakhang Maynila. Mayroon mga pangkat-etnikong matatagpuan sa Luzon gaya ng
mga Ita sa Zambales, Ibanag ng Cagayan at Isabela, at Igorot, Ibaloi, Kankanaey at
iba pa sa CAR.
Ang Modyul 3 ay naglalaman ng ilang akdang pampanitikan ng Luzon tulad
ng tulang panudyo, tugmang de gulong, bulong, awiting-bayan, mito, sanaysay, at
maikling kuwento. Tatalakayin ang iba’t ibang gramatika at retorika tulad ng ponemang
suprasegmental, iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin, mga
salitang hudyat ng panimula, gitna at wakas, mga pahayag na ginagamit sa
paghihinuha ng mga pangyayari at mga panandang anaporik at kataporik ng
pangngalan. Inaasahang ang mga aralin sa Modyul na ito ay makatutulong sa iyo
upang maunawaan at mapahalagahan ang kultura ng mga taga-Luzon sa tulong ng
kanilang mga akdang pampanitikan.
Sa pagpapatuloy ng talakayan iyong aalamin kung paano nakatutulong ang
panitikan sa pagpapalaganap ng kultura ng mga taga-Luzon. Gayundin, kung bakit
mahalaga ang paggamit ng wastong gramatika at retorika upang higit nating
maunawaan at mapahalagahan ang kanilang panitikan at kultura.
Sa pagtatapos ng Modyul 3, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makapagsasagawa ng komprehensibong pagbabalita ( radio broadcasting) batay sa
sumusunod na pamantayan: a) magtatampok ng isa sa mga natatanging produkto ng
alinmang lugar sa Luzon, b) nagtataglay ng mga elemento ng komprehensibong
pagbabalita, c) ganda at linaw ng tinig, d) paraan o estilo, at e) kahali-halina ang tinig.

180
GRAPIKONG PRESENTASYON NG MODYUL 3

Panitikan ng Luzon: LARAWAN NG PAGKAKAKILANLAN

Aralin 3.1

Panitikan: Tulang Panudyo at Tugmang de Gulong


Gramatika: Ponemang Suprasegmental

Aralin 3.2

Panitikan: Bulong at Awiting-bayan ng Luzon


Gramatika: Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag
ng Emosyon o Damdamin

Aralin 3.3
Panitikan: Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan
(Mito mula sa Pampanga)
Gramatika: Mga Salitang Hudyat ng Panimula, Gitna
at Wakas

Aralin 3.4
Panitikan: Nang Maging Mendiola Ko ang Internet
Dahil Kay Mama ni Abegail Joy Yuzon Lee
(Sanaysay mula sa Maynila)
Gramatika: Pahayag na Ginagamit sa Paghihinuha ng mga
Pangyayari

Aralin 3.5

Panitikan: Sandaang Damit ni Fanny Garcia


(Maikling Kuwento mula sa Bulacan)
Gramatika: Mga Panandang Anaporik at Kataporik
ng Pangngalan

Aralin 3.6
PANGWAKAS NA GAWAIN:
Pagtatanghal ng Komprehensibong Pagbabalita
(Radio Broadcasting)

181
II. PANIMULANG PAGTATAYA
PARA SA MODYUL 3
Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem.Isulat sa sagutang-
papel ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang iba pang tawag sa tulang panudyo?


A. tugmang patula C. tugmang walang diwa
B. tugmang panlaro D. tugmang paawit

2. Ano ang tulang nagpapahayag ng buhay ng mga tsuper at ng mga pasahero sa


dyip, bus at iba pang transportasyon?
A. tugmang padula C. tugmang tuluyan
B. tugmang patula D. tugmang de gulong

3. Ano naman ang sinasambit bilang pagbibigay-galang sa makapangyarihang


espiritu upang hindi sila magalit o manakit, gayundin bilang pagpapahalaga sa
kakaibang bagay at mahalagang pook?
A. bulong C. panalangin
B. himno D. papuri

4. Anong uri ng tula ang naglalarawan ng mga pang-araw-araw na gawain ng mga


tao sa isang lugar?
A. bugtong C. awiting – bayan
B. tulang dula D. tulang panudyo

5. Ano ang layunin ng nagsasalita sa kasunod na bulong?


“Dagang malaki,
Dagang maliit,
Heto na ang ngipin kong sira at pangit,
Bigyan ng bagong kapalit.”
A. ibinibigay lahat ng ngipin sa daga
B. ipinaayos ang mga ngipin sa daga
C. inuutusan ang daga na palitan lahat ng ngipin niya
D. ibinibigay ang mga sira at pangit na mga ngipin at hinihiling na palitan ng
mas maganda

6. Batay sa kasunod na saknong, ano ang layunin ng sumulat?


“Kotseng kakalog-kalog
Sindihan ng posporo
Itapon sa ilog.”
A. magpaalala C. manlibang
B. magpasaya D. manghikayat

182
7. Sa kasunod na awiting-bayan, ano ang ipinahahayag na diwang nakapaloob
dito?
“Lalaking matapang, lalaking malakas
Ikaw’y siya naming tinatawagan…
Hoy!
Halika, halika’t tinatawag ka…
Hoy!
A. nagagalit C. naiinip
B. naghahamon D. natutuwa

8. Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng


tinig kapag binibigkas ?
A. antala C. hinto
B. diin D. intonasyon

9. Kung ikaw ay bibigkas ng tula at gagamitin ang ponemang suprasegmental sa


pagmamarka kung paano ito bibigkasin, ano ang dalawang magiging pokus sa
pagmamarka?
A. damdamin C. kaisipan
B. antala/hinto D. tono o intonasyon

10. Ano ang damdaming ipinahahayag ng kasunod na saknong?


“Putak, putak
Batang duwag!
Matapang ka’t nasa pugad!
A. nagagalit C. nanunudyo
B. naiinis D. natutuwa

11. Suriin ang kasunod na awiting-bayan . Saang uri ito maihahanay?


“Ang nuno nating lahat
Sa kulog di nasindak
Sa labanan di naawat
Pinuhunan buhay hirap
Upang tayong mga anak
Mabuhay nang mapanatag.”
A. awit sa paggawa C. awit sa pakikidigma
B. awit sa lansangan D. awit sa pagpapatulog ng bata

12. Ano ang ipinahahayag ng pangungusap na, “harinawa’y makapasa ka sa


pagsusulit.”?
A. pagbibigay ng pag-asa C. pagmamalasakit
B. paghihintay D. pagpapaalaala

183
13. “Ang laki ng iyong ipinayat!” Ano ang tono ng pangungusap na ito?
A. nagpupuri C. nagdududa
B. nanunudyo D. pumupuri

14. “Hindi maganda.” Ano ang mensaheng ipinahahayag ng pangungusap na ito?


A. Nagpapahayag ng kagandahan ang mga nasa paligid.
B. Pinasubalian ang isang bagay ay sinasabing maganda ito.
C. Sinasabing hindi maganda ang isang bagay.
D. Sinasabing kailangang maging maganda.

15. Sa pangungusap na:


 Hindi akin iyan!
 Hindi/akin iyan.
Anong ponemang suprasegmental ang tumutukoy sa saglit na pagtigil sa
pagsasalita upang malinaw na maihatid ang mensaheng nais iparating?
A. tono C. hinto
B. diin D. antala

16. May mga paalaala kang nababasa sa loob ng sasakyan. Ano sa kasunod na
mga tula ang halimbawa nito?
A. Ang di magbayad walang C. Pungpung kasile
problema Ipinanganak sa kabibe
Sa karma pa lang bayad ka na. D. Putak, putak
B. Kotseng kakalog-kalog Batang duwag!
Sindihan ng posporo Matapang ka’t nasa pugad!
Itapon sa ilog.

17. Alin sa kasunod na mga tula ang halimbawa ng tulang panudyo?


A. “Ale, aleng namamangka C. “Pung, pung kasili
Isakay mo yaring bata Ipinanganak sa kabibe
Pagdating mo sa Maynila Anong anak?
Ipagpalit ng kutsinta” Babae!
B. “Barya lang po sa umaga.” D.“Tabi-tabi po, apo
Baka po kayo ay mabunggo”

18. Basahin at unawain ang kasunod na tugmang de gulong. Piliin ang nawawalang
salita na kailangan upang mabuo ang diwa ng nasabing tugmang de gulong.
“Sitsit ay sa aso
Katok ay sa pinto
__________ ang para sa tabi tayo’y hihinto.”
A. Isenyas C. Sambitin
B. Isigaw D. Sundin

184
19. Ano ang angkop na mga salitang dapat ipuno sa kasunod na patlang?
“Tabi-tabi po
Baka po kayo ______.
A. malito C. maupo
B. mapuno D. mabunggo

20. Ano ang isa sa matandang uri ng panitikan sa Pilipinas na ang karaniwang
tauhan ay higante, duwende, ada, hari, reyna, diwata, at prinsesa at iba pang
kakaibang nilikha?
A. alamat C. kuwentong- bayan
B. epiko D. mito

21. Anong uri ng panitikang tuluyan ang isinusulat nang patalata na nagpapahayag
ng sariling pananaw, kuro-kuro, opinyon, at damdamin tungkol sa isang
mahalagang isyu o paksa?
A. dula C. maikling kuwento
B. sanaysay D. nobela

22. Ano ang bahaging dapat pumukaw sa interes ng mga mambabasa upang
maging epektibo ang isang akda?
A. katawan C. panimula
B. pamagat D. wakas

23. Anong kasanayan sa pagbasa ang nililinang kapag nagpapaliwanag o


nagbibigay ng kahulugan sa tulong ng pahiwatig?
A. paghihinuha C. pagbibigay ng kongklusyon
B. pag-uugnay ng implikasyon D. pagbibigay ng opinyon

24. _________________ malaki ang epekto ng labis na paggamit ng internet sa


kabataan lalo na sa kanilang pag-aaral. Ano ang angkop na pahayag ang dapat
ipuno sa patlang?
A. Dahil sa C. Sa aking palagay
B. Sa simula D. Walang ano-ano’y

25. ________________ napatunayan na ang bisa ng malunggay bilang halamang-


gamot. Alin ang angkop na pananda ang dapat ipuno sa patlang?
A. Sa huli C. Pagkatapos
B. Kasunod D. Sa simula pa lamang

26. Maaaring sa simula, nalilibang sila sa paggamit ng internet subalit sa kalaunan


ay nahuhumaling na sila rito. Ano ang salitang naghihinuha ang ginamit sa
pangungusap?
A. kalaunan C. simula
B. maaaring D. subalit

185
27. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga salita ayon sa kasidhian ng
kahulugan?
A. inis, galit, suklam, poot C. poot, inis, suklam, galit
B. inis, poot, galit, suklam D. suklam, inis, poot, galit

28. “Hindi siya namimili ng tao.” Ano ang ibig ipakahulugan ng pangungusap?
A. Magaling siyang makisama.
B. Lahat ng tao ay kaibigan niya.
C. Wala siyang kinikilingang tao.
D. Mahusay siyang makipagkapuwa-tao.

29. Aling bahagi ng banghay sa maikling kuwento ang pinakamasidhing bahagi kung
saan kakaharapin ng pangunahing tauhan ang tunggalian o suliranin?
A. kasukdulan C. pababang pangyayari
B. resolusyon/wakas D. panimulang pangyayari

30. Ano ang karaniwang iniiwan ng isang akdang pampanitikan sa mambabasa?


A. alaala C. kaisipan
B. diwa D. konsepto

31. “Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para makapag-isip.”
Ano ang mensahe ng pahayag?
A. Lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos.
B. Ang tao ang pinakamahalagang elemento ng daigdig.
C. Malaya ang taong magpahayag ng kaniyang mga pananaw at opinyon.
D. Pananagutan ng tao anuman ang kaniyang maging desisyon.

32. “Hindi dapat magkaroon ng deskriminasyon sa pagsasalita.” Ano ang


damdaming nangingibabaw sa pahayag?
A. nagbababala C. nagpapayo
B. nagpapaalala D. nanunumbat

33. “Ang internet ay nagsisilbing Mendiola naming kabataan ngayon”. Tungkol saan
ang pahayag?
A. Maraming kabataan ang nawiwili sa internet.
B. Maipahahayag ang mga naiisip, damdamin at saloobin sa pamamagitan
ng internet.
C. Ang internet ang nagsisilbing instrumento upang magkaroon ng
maraming kaibigan.
D. Ang internet ang maaaring lugar sa pag-aaklas upang maipaglaban ang
karapatan ninuman.

186
34. Anong uri ng media ang may kapangyarihang pakilusin ang biswal na pandama
at lumilinang ng pagkamalikhain sa pakikinig?
A. pelikula C. teatro
B. radyo D. telebisyon

35. Ano ang tinatawag na sine totoo na matapat na inilalahad ang mga pangyayari
sa ating lipunan?
A. balita C. investigative journalism
B. dokumentaryo D. pelikula

36. “Mabuting tao ang pamilyang Quintana. Tinutulungan nila ang kanilang mga
kapitbahay.” Ano ang tawag sa salitang sinalungguhitan?
A. pananda C. pang-ugnay
B. panghalip D. pantukoy

37. Ano ang angkop na gamiting salita sa pangungusap na“__________, maraming


kabataan ang mas maraming inilalaang oras sa paggamit ng internet kaysa pag-
aaral.”
A. Dahil sa C. Kung
B. Datapwat D. Sa tingin ko

Para sa Bilang 38-41


Basahin ang kasunod na teksto. Sagutin ang kasunod na mga tanong kaugnay
nito.

Inutusan si Alvin ng kaniyang ina na bumili ng suka sa tindahan. Sa


kaniyang paglabas, nakita niya sa kanilang bakuran na naglalaro ang kaniyang
bunsong kapatid na si Andrew na tatlong taon pa lamang. Binigyan niya ito ng
isang mabilis na halik sa mabilog nitong pisngi at kumaripas nang palabas ng
gate upang sundin ang utos ng kaniyang ina. Nakalimutan niyang isara ang gate
at nakita ito ni Andrew. Napangiti ang bata.

38. Binigyan niya ito ng isang mabilis na halik sa mabilog nitong pisngi at kumaripas
nang palabas ng gate upang sundin ang utos ng kaniyang ina. Anong angkop
na paglalarawan ang maibibigay kay Alvin sa bahaging ito ng teksto?
A. tapat na bata C. masayahing bata
B. masunuring bata D. masipag na bata

39. Ano ang maaaring gawin ni Andrew matapos na makitang bukas ang kanilang
gate?
A. Pupunta siya sa gate at isasara ito.
B. Pupunta siya sa gate at lalabas upang sundan ang kapatid.
C. Pupunta siya sa loob ng bahay at isusumbong ang kaniyang kuya.
D. Pupunta siya sa loob ng bahay at iiyak dahil iniwan ng siya ng kaniyang
kuya.

187
40. Ano ang tawag sa kasanayang nagbibigay ng prediksiyon sa susunod na
pangyayari sa isang akda?
A. paghihinuha
B. pagtukoy sa pahiwatig
C. pagkuha ng pangunahing kaisipan
D. pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

41. “Lagi siyang nakadikit sa isang sulok. Nakaupo na’y tila ipinagkit.” Ano ang
kasingkahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. idinidikit ang upuan C. hindi tumitigil sa kinauupuan
B. hindi inaalis ang upuan D. hindi umaalis sa kinauupuan

42. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasalaysay ng isang kuwento na ginagawa sa


pamamagitan ng malikhaing paraan?
A. masining na paglalahad C. masining na pagkukuwento
B. masining na pagsasadula D. masining na pagmomonologo

43. Nahuli ang anunsiyo ng suspensiyon ng klase ngunit nakaalis na ako ng bahay
kaya naipit __________ sa matinding baha. Ano ang angkop na panghalip na
dapat gamitin sa pangungusap?
A. ako C. sila
B. kami D. siya

44. Ano ang panghalip na nasa unahan bilang pananda sa pinalitang pangngalan
ang binanggit sa hulihan ng pangungusap?
A. anaporik C. modal
B. kataporik D. pamatlig

45. Ano ang panghalip na nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang pangngalan
ang binanggit sa unahan ng pangungusap?
A. anaporik C. modal
B. kataporik D. pasaklaw

46. Ano ang tawag sa pagbabalita sa pamamagitan ng isang one-way wireless


transmission mula sa mga himpilan ng radyo papunta sa mga tumatangkilik dito?
A. print media C. TV broadcasting
B. radio broadcasting D. Internet live streaming

188
Para sa Bilang 47-48

Kahapon ay nasaksihan ko kung paano inaakay ng isang batang lalaki ang


isang matandang babae. Sa kalaparan ng mataong lansangan ay tumawid
____; at ang matanda ay nailayo sa panganib at kamatayan. Sabi ko sa
aking sarili, gayundin ang dapat kong gawin!

47. Anong panghalip ang angkop gamitin sa bahaging may salungguhit?


A. ako C. sila
B. kami D. siya

48. Ano ang layunin ng teksto?


A. magbigay-impormasyon C. mangatuwiran
B. maglarawan D. manghikayat

49. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang nang halos
pabulong kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa kung magsalita. Ano ang
kahulugan ng salitang sinalungguhitan?
A. pahimig C. papahina/pawala na
B. paimpit D. pasigaw

50. Sila’y mga binatilyong kagaya ko, datapwa't may hawak na bote ng alak at sa
mga bulang silang nilalagok ay unti-unting silang nangawala sa kanilang mga
sarili. Anong panghalip ang dapat gamitin bilang pamalit sa salitang
sinalungguhitan?
A. akong C. kanilang
B. kaming D. siyang

189
III. YUGTO NG PAGKATUTO
PARA SA MODYUL 3

TUKLASIN
Magsisimula ka na sa iyong paglalakbay sa pinakamalaking pulo ng Pilipinas,
ang Luzon. Palalawakin at pagyayamanin mo ang iyong kaalaman at kakayahan
tungkol dito. Ngunit bago iyan subuking sagutin ang kasunod na mga gawain upang
masukat ang “alam mo na” kung paano nakatutulong ang mga panitikan sa
pagpapalaganap ng kultura ng mga taga-Luzon? At bakit mahalaga ang paggamit ng
wastong gramatika at retorika para sa malalim na pagsusuri ng akdang pampanitikan
ng Luzon?
GAWAIN 1. Natuklasan Ko
Itapat ang mga larawang nagpapakita ng pagkakakilanlan ng bawat rehiyon sa
Luzon. Lagyan ng guhit na mag-uugnay sa rehiyon at sa larawan. Pagkatapos, sagutin
ang kasunod na mga tanong.

NCR

CAR

1. NCR 5.
Rehiyon I
CAR
Rehiyon II
Rehiyon I
2. Rehiyon III 6.
Rehiyon II
MIMAROPA
Rehiyon III
CALABARZON
3. 7.
MIMAROPA
Rehiyon V
CALABARZON

4. Rehiyon V 8.

190
GAWAIN 2. Tanong Ko… Sagutin Mo!
Sagutin ang kasunod na mga tanong. Gayahin ang grapikong representasyon
sa sagutang papel sa pagsusulatan ng mga sagot.

1) Paano nakatutulong ang panitikan sa


pagpapalaganap ng kultura ng mga
taga-Luzon?

2) Paano nakatutulong ang gramatika at


retorika para sa malalim na
pagsusuri ng akdang pampanitikan
ng taga-Luzon?

Simula pa lamang iyan ng mga gawaing hahamon sa iyong kaalaman.


Ipagpatuloy mo pa ang iyong pagbabasa sa mga pahina ng Modyul na ito hanggang
matuklasan mo ang tamang sagot sa mga nasa grapikong representasyon.
Tayo na, oras na upang pag-aralan mo ang ilan sa mga akdang pampanitikan
mula sa Luzon na nagdala ng malaking impluwensiya sa kasaysayan at
pagkakakilanlan ng ating bansa.

LINANGIN

Sa bahaging ito, tatalakayin mo ang iba’t ibang araling makatutulong sa mga


taga-Luzon ang kanilang panitikan sa pagpapalaganap ng kanilang kultura, gayundin
ang kahalagahan ng wastong paggamit ng gramatika at retorika. Simulan mo na ang
pag-aaral.

191
ARALIN 3.1

A. Panitikan: Tulang Panudyo at Tugmang de Gulong


B. Gramatika: Ponemang Suprasegmental

I. Panimula

Ang Aralin 3.1 ay tungkol sa mga tulang panudyo at tugmang de gulong.


Pag-aaralan mo kung paano naiiba ang tulang panudyo at tugmang de gulong sa iba
pang akdang pampanitikang nasa anyong patula. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay
sa ponemang suprasegmental na makatutulong sa iyo kung paano bibigkasin nang
wasto ang nasabing mga tula. Ito ang magiging gabay mo upang mas madaling
maunawaan ang pag-aaralang mga tula.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng tugmang de
gulong batay sa sumusunod na pamantayan:
a) Nilalaman
1) Malinaw ang mensahe
2) May orihinalidad
b) Pagiging masining
1) Malikhain ang presentasyon
2) May hikayat sa madla
3) Angkop ang mga salitang ginamit

Aalamin mo kung paano makatutulong ang tulang panudyo at tugmang de


gulong sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan (social awareness)para sa
kabutihan ng mga taga-Luzon. Gayundin, kung bakit mahalaga ang mga ponemang
suprasegmental sa pagbuo ng mga tugmang panudyo at de gulong tungo sa pag-
unawa ng tulang pag-aaralan.

II. Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin
Sa sumusunod na gawain, aalamin mo kung ano na ang iyong nalalaman
tungkol sa tulang panudyo at tugmang de gulong.

192
GAWAIN 1. Paalala Lang Po
Hindi lamang traffic signs o mga simbolo ang nakikita kapag tayo ay sumasakay
sa iba’t ibang uri ng transportasyon. Nakababasa rin tayo ng mga paalaala o pahayag.
Magtala ng mga paalalang madalas na mabasa o makita sa loob ng sasakyang
pampasahero. Isulat sa kasunod na paskilan ang iyong sagot. Gayahin ang kasunod
na pormat sa sagutang papel .
1.

2. 3.
1.

1. 1.4.

1.
Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Nakatutulong ba sa mga pasahero ang nababasang paalala o pahayag na
nakapaskil sa sasakyan? Pangatuwiranan?
2. Paano binubuo ang mga paalalang nakikita sa loob ng mga sasakyan?
3. Maituturing bang tula ang mga paalalang ito? Ipaliwanag.

GAWAIN 2. Ano ang Alam Mo?


Gamit ang kasunod na linear chart, magbigay ng iyong hinuha tungkol sa
kasunod na mga tanong. Gayahin ang porma sa sagutang papel.

1. Paano makatutulong ang tulang


panudyo at tugmang de gulong sa
pagkakaroon ng kamalayan
panlipunan (social awareness) para
sa kabutihan ng lahat ng mga taga-
Luzon?

2. Bakit mahalaga ang mga


ponemang suprasegmental sa pag-
buo ng mga tulang panudyo at
tugmang de gulong?

Nasiyahan ka ba sa iyong ginawa? Huwag kang mag-alala at marami pang


gawaing naghihintay sa iyo na kawiwilihan at kapupulutan mo pa ng maraming
kaalaman. Pero bago iyan, basahin mo muna ang kasunod na talakayan.

193
Alam mo ba na…
ang mga tulang panudyo ay kilala rin sa tawag na “tugmang walang diwa”.
Kung susuriin, ang mga ito'y pawang laro lamang na nagpapahayag ng
katutubong kaugalian, tradisyon, gawain, at kagandahang-asal ng ating mga
ninuno. Nailalarawan din sa mga ito ang pang-araw-araw na pamumuhay ng
mga sinaunang Pilipino, gayundin ang kanilang paniniwala at kaisipan.
Nagtataglay rin ang mga ito ng aral at magagandang mensahe. Binuo ito ng
ating mga ninuno ayon sa layunin at nilalaman at hindi gaanong binigyang-
pansin ang estruktura nang pagkakabuo nito.
Ang katutubong panitikang ito ay itinuturing na kinamulatan ng isang
lipunan. Maaaring tinukoy ito bilang panlipunang kamalayan; upang malaman
ang mga problema ng bawat pangkat na nasa iba’t ibang pamayanan na
batayan ang pang-araw-araw na buhay ng mga taong namumuhay roon.
Nalalaman din ang mga problema at kahirapan ng isang pamayanan dahil sa
mga tugmang ito.

Linangin
Ang Matandang Panitikan
Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan, ang panitikan ng Pilipinas ay
nagmula sa magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkakaagwat na
dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o
Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito, ang
sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng panitikang pagsulat at
panitikang pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang
pagsulat ang mga Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran.
Tinawag itong Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at labing-apat na katinig.
Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punongkahoy
na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang matutulis na bato at kahoy rin. Mayroon
na ring panitikang pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay
may anyong panulaan, tuluyan, at dula.
Nahahati sa dalawang kategorya ang tradisyong patula: panugmaang-
bayan at kantahing-bayan.
Ang anyong panugmaang-bayan ay taludturan o dadalawahing taludtod
lamang, dili kaya’y apaludturan o aapating taludtod lamang ang bumubuo sa
isang saknong. Bawat taludtod ay may sukat (may bilang ang pantig) at tugma
(ang hulihan ay magkakasintunog).
Nahahati ang kategoryang ito sa tugmaang walang diwa o tugmaang
pambata, tugmaang matatalinghaga at tugmaang ganap na tula.
Sinasabing ang Tugmaang Walang Diwa o Tugmaang Pambata ang
pinagmulan o pinag-ugatan ng tula. Ang mga salita ay tila larong-bibig na
pangkasanayan ng mga bata sa pagsasalita. Maririkit ang pananalitang
ginagamit sa payak nitong kaanyuang sukat at tugma. Tila kulang sa kahulugan.
194
Walang talinghaga. Bukambibig magpahanggang sa ngayon. Kung hindi naman,
nagtataglay ng kahulugan kaya lang mababaw. Maririninig natin ito kapag ang
isang ina ay naaaliw sa kanyang paslit at palagian sa mga batang naglalaro sa
Sinasabing ang Tugmaang Walang Diwa o Tugmaang Pambata ang
pinagmulan o pinag-ugatan ng tula. Ang mga salita ay tila larong-bibig na
pangkasanayan ng mga bata sa pagsasalita. Maririkit ang pananalitang
ginagamit sa payak nitong kaanyuang sukat at tugma. Tila kulang sa kahulugan.
Walang talinghaga. Bukambibig magpahanggang ngayon. Kung hindi naman,
nagtataglay ng kahulugan kaya lang mababaw. Maririninig natin ito kapag ang
isang ina ay naaaliw sa kaniyang paslit at palagian sa mga batang naglalaro sa
bakuran o sa daan. Layunin marahil sa bagay na ito ang sumusunod:
pampatuwid ng dila nang ang bata ay di-mautal pag nagsasalita; panunudyo ng
mga nagkakapikunang bata sa laro; pang-alo sa nagmamaktol na paslit; at
pansabi-sabi sa mga nagmamasid sa kapaligiran.
Ang Tulang Pambata ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng
ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapaalala sa maliligayang
karanasan noong sila'y bata pa.
Tunghayan ang mga kasunod na halimbawa ng tulang panudyo na
tinatawag ding tulang pambata. Alamin din kung anong kamalayang panlipunan
ang nakapaloob.
Arrogante, Jose A. et.al 2004.Panitikang Filipino Antolohiya.
National Bookstore. Mandaluyong City

A. Basahin at unawain ang kasunod na paliwanag tungkol sa tulang panudyo at


tugmang de gulong kasama ang ilang halimbawa upang malaman kung paano
nakatutulong ang mga ito sa pagkakaroon ng kamalayang panlipunan (social
awareness) ng mga taga-Luzon.

“Pung, pung kasili Ako ay isang lalaking matapang,


Ipinanganak sa kabibe Huni ng tuko ay kinatatakutan.
Ano ang anak? Nang ayaw maligo kinuskos ng gugo,
Babae. Pedro Penduko, matakaw sa tuyo.
Batang makulit,
Palaging sumisitsit
Sa kamay mapipitpit.

Ale, aleng namamangka,


Putak, putak
Isakay mo yaring bata,
Batang duwag!
Pagdating sa Maynila,
Matapang ka’t nasa pugad!
Ipagpalit ng kutsinta.

195
TUGMANG DE GULONG
Ito ay maikling tulang nakasulat sa mga pampublikong sasakyan at
malaya ang publikong basahin ito. Kawili-wili at katawa-tawa ang nilalaman nito
sa dahilang ito ay naglalarawan ng pang-araw-araw na buhay at damdamin ng
mga drayber, gayundin ng mga pasahero. Nagpapakita ito ng karanasan ng mga
drayber sa pakikipag-ugnayan nila sa kanilang mga pasahero malungkot man ito
o masaya. Masasalamin sa tugmang de gulong ang uri ng mga pasaherong
sumasakay lalo na sa mga dyip. Payak ang mga salitang ginagamit dito.
Ipinakikita rin ng tulang ito ang pagpapahalaga ng drayber sa kaniyang trabaho
na sa kabila ng hirap na kaniyang dinaranas ay positibo pa rin ang kaniyang
pananaw sa buhay. Di alintana ang panganib na kaniyang sinusuong sa araw-
araw. Namayani ang mga tugmang de gulong noong Dekada ’70 partikular sa
Kalakhang Maynila na may layong magbigay ng paalala sa ilang sitwasyon na
ang tunguhin ay ang aral na dapat matutuhan ng mga drayber at pasahero.
Basahin ang ilang halimbawa nito.
Ang di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay di makabababa sa
paroroonan.
Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para” sa tabi tayo’y hihinto.
Kahit ano pa ang ganda, drayber lang ang katapat niya.
Huwag dumikuwatro sapagkat dyip ko’y di mo kuwarto.

Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber naghahabol ng hininga.

Mga pare, please lang kayo’y tumabi sapagkat dala ko’y sandatang walang
kinikilala. Ang aking manibela.

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan


Suriin ang pangkat ng mga salita sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang
magkakapangkat at ibigay ang kahulugan nito sa pamamagitan ng paliwanag.
1. konduktor piloto drayber makinista
Kahulugan: _______________________________________________

2. namatanda nanuno nakulam natahimik


Kahulugan: _______________________________________________

3. panunukso paglalaro pang-iinis panunuya


Kahulugan: _______________________________________________

4. nagbibiruan nagtutudyuhan naglalaro nagtutuksuhan


Kahulugan: _______________________________________________

5. matuwa magpaalala masiyahan magalak


Kahulugan: _______________________________________________

196
GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
1. Bakit lumaganap sa bansa ang mga tulang pambata o panudyo bago pa man
dumating ang mga Espanyol?
2. Ano ang layunin ng pagkakasulat ng mga tulang pambata o panudyo?
3. Mabisa bang paraan ang mga tulang panudyo upang makita ang kamalayang
panlipunan ng mga tao sa isang pamayanan? Ipaliwanag.
4. Ano ang layunin ng pagkakabuo ng mga tugmang de gulong?
5. Bakit sinasabing kawili-wili at katawa-tawa ang nilalaman ng mga tugmang de
gulong?
6. Mabisa bang gamitin ang mga tugmang de gulong upang magbigay ng paalala
sa mga tao? Patunayan.
7. Paano makikita sa mga tugmang de gulong ang kamalayang panlipunan ng mga
tao sa isang pamayanan?
8. Ano ang iyong nararamdaman kapag nakaririnig ka ng mga tulang pambata o
panudyo? Gawin sa sagutang papel.

DAMDAMIN
Tulang Pambata/Panudyo Tugmang de Gulong

GAWAIN 5. Paghambingin Mo
Ilahad ang pagkakatulad at pagkakaiba ng tulang pambata o panudyo at
tugmang de gulong. Gawin sa sagutang papel na kokopyahin ang pormat.
A. Tulang Panudyo/Pambata

AB

B. Tugmang de Gulong

GAWAIN 6. Pagpapayaman ng Nilalaman


A. Magtala ng tatlong halimbawa ng tulang panudyo na karaniwang sinasambit o
naririnig mo sa iyong paglalaro. Pagkatapos, isulat ang damdaming nakapaloob
dito.
Damdamin: May pag-aalala
Halimbawa:
Ale, aleng namamangka,
Isakay mo yaring bata,
Pagdating mo sa Maynila,
Ipagpalit ng kutsinta.

197
Isulat sa sagutang-papel na gagayahin ang kasunod na tsart.
Tulang Panudyo Damdaming Nakapaloob Dito
1.
2.
3.

B. Magtala ng tatlong halimbawa ng tugmang de gulong na iyong nakikita/ naririnig


sa mga pampublikong sasakyan. Isulat ang uri ng pasaherong inilalarawan dito at
ang damdamin ng drayber na masasalamin dito.Gawin sa sagutang papel.
Halimbawa:“Huwag dumikuwatro sapagkat dyip ko’y di kuwarto.”
Damdamin: Nagpapaalala
Tugmang de Gulong Uri ng Pasahero Damdaming Nakapaloob
1.
2.
3.

C. Sa pamamagitan ng kasunod na graphic overview, ilahad kung ano ang naging


bisang pandamdamin, bisang pangkaisipan, at bisang pangkaasalan sa iyo ng
mga tulang panudyo o pambata at tugmang de gulong. Kopyahin ang kasunod na
pormat sa sagutang papel.

TULANG
PANUDYO
__________________

Bisang Pandamdamin Bisang Pangkaisipan Bisang Pangkaasalan


__________________ _________________ __________________

D. Ipaliwanag kung paano naiiba ang tulang panudyo o pambata at tugmang de


gulong sa iba pang mga unang tula ng mga Pilipino. Isulat sa kuwaderno ang
sagot.
Sa isinagawang gawain, natitiyak ko nang alam mo na kung papaanong ang
tulang panudyo o pambata at tugmang de gulong ay nakapagpapahalaga sa iyong
damdamin, kaisipan at higit sa lahat ang kagandahang-asal bilang kabataan sa
kasalukuyang panahon gayundin nakatutulong ito sa pagkakaroon ng kamalayang
panlipunan (social awareness) para sa kabutihan ng mga taga-Luzon.

GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika


Alam mo na hindi lang mga tulang pambata/panudyo at tugmang de gulong
ang nagpapataas ng kamalayang panlipunan ng mga tao para sa kabutihan ng lahat.
May mga paraan upang mas maunawaan ang nasabing mga tula at ang isa rito ay
ang wastong pagbigkas na may wastong diin ng mga salita, wastong tono o
intonasyon, at wastong antala o hinto.

198
Sa pagkakataong ito, tuklasin mo kung bakit mahalaga ang mga ponemang
suprasegmental sa pag-unawa ng mga tulang panudyo at tugmang de gulong.
Sundin ang mga panutong nakasaad sa kasunod na mga pahayag. Ito ay iyong
bibigkasin sa harap ng iyong guro at mga kamag-aral upang malaman kung wasto
ang iyong ginagawa.
Pag-iba-ibahin ang bilis ng pagbigkas sa mga pangungusap sa bawat letra (A,
B, C) batay sa hinihingi sa bawat bilang.

A. “ Umuulan na naman”

1. Iklian ang bigkas na parang nagulat.


2. Habaan ang bigkas na parang nanghihinayang.
“ Umuulan na naman”
3. Katamtaman ang bigkas na parang nagsasaad lamang ng tunay na
pangyayari.

B. “Lumapit ka, _________.” Idugtong ang sumusunod:


1. pag hindi, iiwan kita!
2. at may ipakikita ako sa iyo.
3. at nang makita mo ang hinahanap mo!

C. “Ayoko! Ayoko! Ayoko!”


1. Dalangan ang bigkas sa bawat pantig ng huling ayoko!
2. Dagdagan ang tindi sa bawat pag-ulit hanggang sa halos pasigaw na ang
kahuli-hulihan.
3. Isigaw ang unang “ayoko” at saka bawasan ang tindi na parang
alingawngaw ng damdaming bumugso sa unang pagbigkas.
Mula sa Lektyur ni M.O Jocson sa Kasugufil 2013

Sagutin ang sumusunod na tanong.


1. Ano ang napansin mo sa pagbigkas ng mga pangungusap batay sa tono, diin,
at hinto ng mga ito?
2. Nagkaroon ba ng pagbabago ang kahulugan habang binibigkas sa iba-ibang
paraan? Patunayan.
3. Madali bang naunawaan ang mga pahayag sa iba’t ibang pagpapahayag?
Ipaliwanag.

199
Alam mo ba na…
sa paggamit ng ponemang suprasegmental, malinaw na naipahahayag ang
damdamin, saloobin at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita upang
madaling matukoy ang kahulugan, layunin o intensiyon ng nagsasalita..
Sa ponolohiyang Filipino, may tinatawag ding ponemang
suprasegmental.
May tatlong uri ng ponemang suprasegmental: (1) intonasyon o tono;
(2) diin at haba; (3) hinto/antala. Isa-isa nating pag-usapan ang nasabing
mga ponemang suprasegmental.
1. Intonasyon o Tono
Ang intonasyon o tono ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na
iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng salita na maaaring makapag-iba sa
kahulugan ng mga salita upang higit na maging mabisa ang ating pakikipag-
usap maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.
Ang pagsasalita ay tulad din ng musika na may tono- may bahaging
mababa, katamtaman, mataas o mataas na mataas.
Upang higit nating maunawaan ang tono narito ang ilang halimbawa
at pagpapaliwanag:
a.) 3 b.) 3
2 pon 2 ha
ka 1 ka 1
ha pon
Sa kahapon (a) ang nagsasalita ay nagdududa o nagtatanong,
samantalang sa kahapon (b) ito ay nagsasalaysay. Ito ay dahil sa tono. Sa
nabasang halimbawa, nakitang sadyang makahulugan o ponemiko ang tono
bilang suprasegmental. Naroon ang diwa ng salitang kahapon na ang ibig
sabihin ay nagdaang araw. Ngunit dahil sa tono, nagkaroon ito ng dagdag
na diwang ibig ipahatid ng bumigkas: nagtatanong o nagdududa na humihingi
ng kasagutan sa kausap.
Narito ang iba pang halimbawa:
Ang ganda ng dalaga? (Nagtatanong/Nagdududa)
Ang ganda ng dalaga. (Naglalarawan)
Ang ganda ng dalaga! (Nagpapahayag ng kasiyahan)
2. Diin at Haba
Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita
sa patinig ng pantig ng salita. Ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng
bigkas sa pantig ng salita.
Ang Filipino batay sa Tagalog (buhat sa angkang Malayo Polinesyo)
ay sinasabing syllable-timed, samantala ang Ingles buhat sa angkang Indo-
Europeo ay sinasabi namang stress-timed. Samakatuwid, higit na mahalaga
sa Filipino ang haba sa pagsasalita. Ang salitang kasama (companion) ay
salitang malumay na ang diin ay nasa penultimang pantig na ang ibig sabihin,
ang patinig na /a/ sa pantig na sa ay higit na mahaba ang nagiging bigkas
kaysa dalawang patinig na /a/ sa mga pantig na ka- at -ma.
Subuking alisin ang haba ng patinig sa pantig na sa at mababago ang
kahulugan ng salita – hindi na companion kundi tenant na sa ibang salita.
200
Iba pang halimbawa:
/kasah.ma/ = companion
/kasama/ = tenant
/magnana. kaw/ = thief
/magna. na. kaw/ = will steal
/magna. nakaw/ = will go on stealing
3. Hinto o Antala
Ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging
malinaw ang mensaheng ipinahahayag. Ginagamit ang kuwit, tuldok, semi
kolon, at sesura sa pagsulat upang maipakita ito.
Halimbawa:
Hindi maganda. (Sinasabing hindi maganda ang isang bagay)
Hindi, maganda.(Pinasubalian ang isang bagay at sinasabing
maganda ito.)
Santiago, Alfonzo D. 1995, Panimulang Lingguistika, Rex Book Store,
Lungsod ng Quezon

Matapos na talakayin ang ponemang suprasegmental, sa pagkakataong ito ay


gagamitin ang iyong mga natutuhan sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa tulang
“Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” ni Amado V. Hernandez.

PAGSASANAY 1. Bigkasin nang may wastong tono, diin, at hinto ang sumusunod
na taludtod ng tulang “Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayan” ni Amado V.
Hernandez.
A. Basahin nang may damdamin ang sumusunod na saknong:
Lumuha ka habang sila ay palalong nagdiriwang
sa libingan ng maliit ang malaki’y may libangan
katulad mo ay si Huli na aliping bayad-utang
katulad mo ay si Sisa binaliw ng kahirapan
walang lakas na magtanggol
walang tapang na lumaban
tumataghoy kung paslangin
tumatangis kung nakawan.
B. Sa pamamagitan ng mga bantas na ginamit basahin nang may damdamin
ang bawat taludtod ng tula.
Lumuha ka; habang sila ay palalong nagdiriwang;
sa libingan ng maliit; ang malaki’y may libangan;
katulad mo ay si Huli; na aliping bayad-utang;
katulad mo ay si Sisa; binaliw ng kahirapan;
walang lakas na magtanggol;
walang tapang na lumaban;
tumataghoy; kung paslangin;
tumatangis kung nakawan.”

201
C. Sa pamamagitan ng mga pananda at sesurang ginamit, basahin nang may
damdamin ang bawat taludtod.
3
2 1
“Lumuha ka habang sila ay palalong nagdiriwang/
3
2 1
sa libingan ng maliit/
2
3 1
ang malaki’y may libangan//
2 3 1
katulad mo ay si Huli/ na aliping bayad-utang/
walang lakas/ na magtanggol/ walang tapang na lumaban//
2 3
katulad mo ay si Sisa binaliw ng kahirapan
tumataghoy kung paslangin/ tumatangis kung nakawan
Mula sa Lektsyur ni M.O. Jocson, Kasugufil 2013

D. Magkaroon ng pagsusuri sa ginawang pagbigkas sa A, B, at C


1. Ano ang pagkakaiba ng pagbabasa sa Gawain A, B at C?
2. Paano nakatutulong ang kaalaman sa ponemang suprasegmental sa
pagbasa o pagbigkas ng isang tula?
PAGSASANAY 2. Lagyan ng wastong pananda at sesura ang sumusunod na tulang
panudyo at tugmang de gulong. Gawin sa kuwaderno. Bigkasin ito sa harap ng klase.
Gagamit ka ng rubrik na magiging gabay sa pagmamamarka sa gawaing ito.
TULANG PANUDYO TUGMANG DE GULONG
1. Si Maria kong Dende 1. Mga pare,
nagtinda sa gabi Please lang kayo’y tumabi.
Nang hindi mabili Pagkat dala ko’y
Umupo sa tabi. Sandatang walang kinikilala;
ang aking manibela.
2. Kulasising berde 2. Ang di magbayad mula sa kaniyang
Dumapo sa pili pinanggalingan,
Humuning malumbay Ay di makakababa sa paroroonan.
Makawili-wili,
Kung mawili man
Hindi tagarine
Siyempre uuwi,
Siyempre uuwi
Sa bayang sarili.
3. Kotseng kakalog-kalog 3. Ang di magbabayad
Sindihan ng posporo walang problema,
Itapon sa ilog. Sa karma pa lang, bayad ka na.

202
Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos
Maliwanag na nabigkas ang bawat linya ng tulang
5
panudyo at tugmang de gulong.
Nalapatan ng wastong ritmo ang bawat linya sa
5
binibigkas na tula dahil sa tono, diin at hinto.
Madaling maunawaan ang binigkas na mga tulang
5
panudyo at tugmang de gulong
Angkop ang bawat kilos at ekspresiyon ng mukha
sa binibigkas na tula: kumpas ng kamay, galaw ng 5
mata, labi at iba pa.
KABUUANG PUNTOS 20
5 – Napakahusay 2- Hindi Mahusay
4 – Mahusay 1- Kailangan pang Paunlarin
3 – Katamtaman

Natitiyak ko na sapat na ang mga impormasyon at gawaing nakapaloob sa


araling ito upang masagot mo nang tama ang Mga Pokus na Tanong na ibinigay na
sa iyo sa bahaging Tuklasin.

GAWAIN 8. Pag-uugnay sa Retorika


Sumulat ng halimbawa ng tulang panudyo. Isulat sa sagutang-papel. Isaalang-
alang ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng tulang panudyo. Maging malaya sa
pagpili ng paksa.

Pagnilayan at Unawain
1. Magbigay ng hinuha tungkol sa Mga Pokus na Tanong para sa aralin. Gamitin
ang Linear Chart. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Paano makatutulong ang tulang


panudyo at tugmang de gulong sa
pagkakaroon ng kamalayang
panlipunan (social awareness) para
sa kabutihan ng mga taga-Luzon?

Bakit mahalaga ang mga ponemang


suprasegmental sa pag-buo ng mga tulang
panudyo at tugmang de gulong?

2. Magbigay ng mga patunay kung paano naiiba ang tulang panudyo at tugmang
de gulong sa iba pang uri ng tula.

Handa ka na para ilipat ang mahahalagang konseptong natutuhan mo sa


araling ito.

203
Ilipat
Isa kang traffic enforcer. Napansin mong madalas na hindi
nagkakaintindihan ang mga pasahero at drayber sa inyong lugar. Naisip mong
bumuo ng tugmang de gulong na ipapaskil sa mga traysikel. Itataya ito batay sa
sumusunod na pamantayan:
a) Nilalaman
1) Malinaw ang mensahe……………………………. 3 puntos
2) May orihinalidad …………………………………. 3 puntos
b) Pagiging masining
1) Malikhain ang presentasyon ……………………. 3 puntos
2) May hikayat sa madla ……………………. ……. 3 puntos
3) Angkop ang mga salitang ginamit ……………… 3 puntos
KABUUAN 15 puntos

Binabati kita! Natitiyak ko na nasagot mo na ang mga Pokus na Tanong.


Humanda ka na para sa pag-aaral ng bulong at awiting-bayan.

ARALIN 3.2

A. Panitikan: Bulong at Awiting-bayan ng Luzon


B. Gramatika: Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag
ng Emosyon o Damdamin

I. Panimula
Ang Aralin 3.2 ay tungkol sa bulong at awiting-bayan mula sa Luzon. Bahagi
rin ng aralin ang pagtalakay sa Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon
o Damdamin. Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makalilikha ng
awiting-bayan na iu-upload mo sa alinmang social networking site batay sa
sumusunod na pamantayan: a) nagpapakita ng magagandang kaugalian ng mga taga-
Luzon,b) naglalahad ng tungkol sa mga paniniwala ng isa sa mga lugar sa Luzon, c)
malinaw ang pagpapahayag, d) malikhain, e) nakahihikayat ang tono o himig at f)
gamit ang social media hindi bababa sa 10 ang magla-like.
Tuklasin kung masasalamin ba sa bulong at awiting-bayan ang paniniwala at
kaugalian ng mga taga-Luzon. Gayundin kung paano makatutulong ang paggamit ng
iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa paglikha ng bulong
at awiting-bayan.
Halika na sa unang bahagi ng araling ito na kung saan ang ilalahad ay tungkol
sa matandang panitikan ng ating bansa na ang ilan dito ay ang bulong at awiting-
bayan.

204
II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa sumusunod na gawain, aalamin kung ano na ang alam mo sa bulong at


awiting-bayan at kung paano masasalamin sa nasabing mga akda ang paniniwala at
kaugalian ng mga taga-Luzon.

GAWAIN 1. Magagawa Natin


A. Suriin ang kasunod na halimbawa ng mga bulong at awiting–bayan.

1. Aming pinuputol lamang


Ang sa ami’y napag-utusan.(Rosario Torres-Yu,1980)

2. Itong ating kabukiran,


Sampung bahay at tahanan
Ibig nilang kuning tunay
Maagaw sa ating kamay,
Tayo baga’y naaasal
Bagong buhay,
Tila patay. (Deveza & Guamen,1979)

3. Tabi-tabi po apo
Baka po kayo ay mabunggo. (Deveza & Guamen,1979)

4. Anak upo ka sa bato.


Anak, upo ka sa bato,
At hihiluran ko ang likod mo.
Ang libag mo anak ko
Ang libag mo anak ko
Nakakahiya sa mga tao.

5. Dagang malaki,
Dagang maliit
Heto na ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan ng bagong kapalit.

B. Pangkatin sa dalawa ang binasang mga halimbawang tula. Isulat sa kasunod


na mga kolum kung saan nabibilang ang bawat isa. Sipiin ang buong tula.
Isulat din ang kaugalian at paniniwalang nakapaloob dito. Gayahin ang
kasunod na pormat sa sagutang papel. Gawing landscape ang pagkokolum.

205
Kaugalian at Awiting-bayan Kaugalian at
Bulong
Paniniwala Paniniwala

GAWAIN 2. Mahusay na Hinuha


Unti-unti ka nang nakakakuha ng mga impormasyon tungkol sa bulong at
awiting–bayan. Batay sa iyong mga nalaman tungkol sa bulong at awiting-bayan,
sagutin ang kasunod na mga tanong sa pamamagitan ng tree map. Gawin sa
sagutang papel.

1. Masasalamin ba sa bulong at awiting-bayan ang paniniwala


at kaugalian nmga taga-Luzon?

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

2. Paano makatutulong ang paggamit ng iba’t ibang paraan


ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa paglikha
ng bulong at awiting-bayan?

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________

Matapos mong subuking sagutin ang mga pokus na tanong at bago mo gawin
ang iba pang gawain ay dapat mong malaman na…

Alam mo ba na…
ang bulong at awiting-bayan ay itinuturing na matandang panitikan ng Pilipinas?
Walang talang naisulat ang ating mga ninuno tungkol sa mga halimbawa nito,
sapagkat nagpasalin-salin lamang ang mga ito sa bibig ng mga tao noon
hanggang maisulat na ang mga ito sa aklat at ibang babasahin.

Alam mo ba na… 206


ang bulong at awiting - bayan ay itinuturing na ilan sa matandang panitikan ng
Pilipinas? Walang talang naisulat ang ating mga ninuno tungkol sa mga
halimbawa nito, sapagkat nagpasalin-salin lamang ang mga ito sa bibig ng mga
Linangin

Basahin at unawain ang ilang tala tungkol sa mga bulong at awiting-bayan


upang malaman mo kung masasalamin ba sa mga ito ang paniniwala at kaugalian
ng lugar na pinagmulan nito.

BULONG
Ang bulong ay ginagamit bilang pagbibigay- galang o pagpapasintabi sa
mga bagay o pook tulad ng punong balite, sapa at ilog, punso at iba pang
makapangyarihang espiritu upang hindi sila magalit at manakit kapag natapakan,
nabunggo, pinutol at iba pa, na makasasakit sa kanila.
Sa Maynila, ang bulong ay bukambibig ng matatanda. Itinuturo nila sa
kanilang mga anak ang paniniwalang hindi sila maparurusahan o bibigyan ng
sakit o paglalaruan ng maligno, tulad ng:
"Tabi-tabi po Apo baka po kayo mabunggo."
Isang halimbawa naman ng bulong mula sa Ilocos kung nangangahoy sa
gubat, upang hindi mamatanda ay bumibigkas bilang paghingi ng paumanhin
gaya ng:
“Aming pinuputol lamang
Ang sa ami' y napag- utusan."
Sa Bicol may mga bulong din ang matatanda kung nabubungian ng ngipin
at humihingi ng panibagong ngipin. Haharap sila sa posteng kawayan na may
butas na maaaring paghulugan ng nabunging ngipin at ito' y ihuhulog doon sabay
ang "bulong" na:
“Dagang malaki, dagang maliit
Heto na ang ngipin kong sira at pangit
Bigyan mo ng bagong kapalit."

Bisa, Simplicia at Paulina Bisa. Lahing Kayumanggi. National Book Store. Mandaluyong City p.7

Awiting-bayan
Ang ating mga ninuno, upang mapayaman sa lalong masining na paraan
ang kanilang magagandang kaisipan at damdamin, ay tinutumbasan nila ng awit
para sa lahat ng pagkakataon: pagsilang, pagsakop, pag-ibig, panunuyo,
pakikidigma, pakikipagtaling-puso at iba pa. Ang mga awiting–bayan ay mga
tulang may sukat at tugma na nabibilang sa iisang uri lamang. Naririto ang ilang
halimbawa mula sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon.

:
207

Awiting-bayan
A. Rehiyon I (Ilocano) Salin sa Filipino
Dungdungwen (Awit ng Pagliligawan)
Dungdungwen kanto unay-unay
Itinatangi kita sa lahat
Indayonen kanto iti sinamay
Iduduyan kita nang malumanay
Tultuloden kanto’t naalumanay
Ipaghehele kitang parang isang
Pagammuanen inka mailibay.
paslit
Apaman nga inkanto makaturog Walang ano-ano’y ika’y maiidlip
Iyabbong konto ta rupam daytoy paniok
At kung ikaw ay tulog na
Tapno dinakanto kagaten ti lamok
Kukumutan kita ng panyolito
Ket maimas monto’t maturog.
Upang hindi ka kagatin ng lamok
Annay!Pusok! Annay! Annay! At mahihimbing ka sa pagtulog
Nasaem naut-ut la unay
Aray! Puso! Aray! Aray!
Itdem kaniac tu pannaranay
Mahapdi makirot talagang-talaga
Ta kaasiak a maidasay.
Kailangan ko ang kalinga mo
Upang hindi ako gumulapay.
(Jose Villa Panganiban)

B. Rehiyon 2 Salin sa Filipino


(Isang Tula ng Ivatan)
Dumheb Ako A Dumanis
Tinatago ko ang aking mukha at
Dumineb ako a dumanis ta ta pidilban ko
lumuluha
sira
Kung aking nakikita ang mga
U kadedevan ko pa sira yan kade dekey
kabataang
A minted dana sira minay pa kachichiva
Pawang nagsitangkad na’t matayog na
Du ka chipuwawan a kayanunukan
Sa mga puno sa kalaan ng chipuku at
Nila u yakem aya di minayakachvam.
nunuk
Samantalang ako ay hindi pa man lang
Pumapantay sa talahib sa tumana.
(Jose Villa Panganiban)

C. Cordillera Administrative Region Salin sa Filipino


(CAR) (Awit sa Kasal)
Chua-Ay
Magdalena B. Bautista Lalaking matapang,
lalaking malakas,
Chua-ay tal-lumalay Ika’y siya naming tinatawagan……
takuay oe! oe! Hoy!
Lalakis wag silayan Halika,halika’t tinatawag ka….
oe! oe! Hoy!
Tawad ay, mangika wili, (J.V. Panganiban, 1954)
oe! oe!
Pakey tong chong si-ili,
Oe! oe!

208
D. Rehiyon 3 E. Rehiyon 5
Ang Maggagaod (Bataan) Awiting-bayan ( Bicol)
Tumulong ka, bata Dumaan sa samuya
Itulak ang bangkal Islang rapurapu
Paglabas sa look An anng tawo diyan
Ika’y masusubok Anas milyonaryo
Sa ibayong yaon, Mayo man nin landing
Ikaw,munting kahoy May bitbit na tawo
Igwang eroplano
Ay iyong samahang
Na layong kun banggi.
Pasadsad sa baybay
Ng mabining lanaw Salin sa Filipino
Doo’y ibibigay
Ang sa bangkang lulan Sa aming bayan
Huwag kaligtaan Isla ng Rapurapu
Iyong pagbantayan Ang lahat ng tao
Bilis ng agusan Ay milyonaryo
Tayo’y hinihintay, Wala namang lalandingan
Inip na ang tanan Pero may eroplano
Ng katatagpuan Na lumilipad kung gabi
May bitbit na tao.
Na ating iniwan.
(Jose Villa Panganiban)

F. Rehiyon 4
Sa Talon ng Pagsanjan
(Laguna)
Handa na ang lunday
Umupo ng husay
At titingnan natin
Ang talong Pagsanjan.
Matulin ang agos
Kidlat ang kawangis
Pagbagsak ng tubig
Bomba ang tinig.

Lorenzo,Carmelita S.et.al.2004.Literatura ng Iba’t Ibang Rehiyon sa Pilipinas,


National Bookstore, Mandaluyong City.
GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan
Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang tsek sa kolum ng mapipiling
F. Rehiyon 4
sagot. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.
Sa Talon ng Pagsanjan
Tanong Oo Hindi
( Laguna)
1. Ibig bang sabihin ng makikiraan ay uunahan?
Handa na ang lunday
2. Nangangahulugan ba angng
Umupo mabangga
husay ng mabunggo?
3. Kapag sinabing Atmakirot, may nararamdaman bang masakit?
titingnan natin
4. Pababayaan ba Angang ibig sabihin
talong ng kalinga?
Pagsanjan.
5. Gulapay na ba ang isangang
Matulin tao kapag
agos hirap na hirap na ?
6. Ibig bang sabihinKidlat
ng pumapantay ay nakahihigit?
ang kawangis
Pagbagsak ng tubig
Bomba ang tinig.
209
GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman
Sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Paghambingin ang bulong at awiting-bayan batay sa binasang mga halimbawa.


Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Paghahambing

Bulong Awiting-bayan

Katangian Katangian

Hambingan at Kontrast

Pagkakatulad Pagkakaiba

2. Anong mga paniniwala at kaugalian ng taga-Luzon ang nakapaloob sa mga


binasang bulong at awiting -bayan? Isulat ang sagot sa kuwaderno.

3. Sa iyong palagay, ano ang naging dahilan upang makalikha ng mga bulong at
awiting-bayan ang mga ninuno ng mga taga-Luzon? Isulat ang sagot sa
kuwaderno.

4. Isa-isahin ang nilalalaman ng bawat halimbawang bulong at awiting-bayan.


Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel. Para sa bulong, isulat ang
pamagat nito at para naman sa awiting-bayan, isulat ang lugar na pinagmulan
nito.

Bulong Nilalaman Awiting-bayan Nilalaman

210
GAWAIN 5. Pagpapayaman ng Nilalaman
Ilapat at isulat sa mga kasunod na piraso ng bato ang kasunod na halimbawa
ng mga awiting-bayan ayon sa ipinahahayag nito. Gawin sa sagutang papel na
gagayahin ang mga kapirasong bato.

1. Hindi ka man lang nagpaalam 3. Ang nuno nating lahat


O, mahal ng buhay ko, Sa kulog di nasindak
ano at nangyari ito sa iyo? Sa labanan di naawat
Hindi ka man lang nagpaalam Pinuhunan buhay hirap
Bumangon ka’t makipag-usap Upang tayong mga anak
Bago ka lumisan. Mabuhay nang mapanatag.
2. Anak magpakabait ka 4. Anak, upo ka sa bato.
Iugoy ka ng lola mo Anak, upo ka sa bato.
at ipaghehele pa. At hihiluran ko ang likod mo.

Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng mga bulong at awiting-bayan ng Luzon.


Gayahin ang kasunod na ilustrasyon at isulat ang nasaliksik na bulong at awiting-
bayan.

211
GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika
Bukod sa bulong at awiting-bayan, ang kuwentong-bayan ay kinapapalooban
din ng paniniwala at kaugalian gaya ng kasunod na iyong tekstong babasahin. Iyong
bigyang-pansin ang pagpapahayag ng damdamin o emosyon.

SI MALAKAS AT SI MAGANDA
(Kuwentong-bayan mula sa Maynila)

Bago nagsimula ang panahon, ang daigdig ay isang malaking kawalan.


Ang tahanan ng Diyos ay di-masukat na kalawakan. Naging malungkutin ang
Diyos sapagkat wala Siyang makita at walang marinig.
Ang araw ay sumisikat, maliwanag na parang ginto at ang langit ay
napapalamutihan ng mapuputing ulap. Sa malayo ay nakasilip ang buwang
kabilugan samantalang kukuti-kutitap ang libong mga bituin.
Iniangat ng Diyos ang Kaniyang kanang kamay at ito’y itinuturong
pababa. Sa isang iglap ay nalalang ang mundo. Ang mga luntiang kakahuyan
ay sumibol, pati ang damo. Namukadkad at humalimuyak ang mga bulaklak.
Ang mga dagat ay umalon at ang mga ilog ay umagos. Nagliparan ang
mga ibon sa himpapawid at nag-aawitan.
Nabuo ng Diyos ang sanlibutan. Ito ay isang ginintuan at mahiwagang
paraiso.
Ganda!Ubod ng ganda!
Isang araw, ang hari ng mga ibon ay lumipad at ginalugad ang
papawirin. Pagkatapos ay ikinampay ang matipunong mga pakpak at
napaimbulog na pababa sa kakahuyan.
Mula sa malayo, kaniyang natanaw ang mataas na kawayang
yumuyukod sa mahinhing paspas ng hangin.
Kaniyang binilisan ang paglipad at napaimbulog na pababa. Siya’y
dumapo sa naturang kawayan upang magpahinga.
Tok! Tok! Tok!
Nadama niya ang maririing katok na nagmumula sa loob ng kawayan.
May tinig siyang narinig!
“Palayain mo ako, oh, makapangyarihang hari ng mga ibon!” ang
hinaing. “Tuktukin ng iyong tuka ang kawayang kinapapalooban ko. Hindi ako
makahinga. Para itong karsel! Gustong-gusto ko nang makita kung ano ang
nasa labas ng kawayang ito.”
“Baka ito’y patibong!” ang isip ng ibon. Mayamaya’y may butiking
gumapang na paitaas sa kawayan. Ang ibong palibhasa’y gutom, ito’y tinuka
nguhit hindi nahuli.

212
Buong lakas na tinuktok uli ng ibon ang kawayan.
Krak!
Nabiyak ang kawayan. Isang makisig na lalaki ang lumabas.
A. Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
1. Ilarawan ang daigdig noong unang panahon.
2. Ano-ano ang katangian at paniniwala ng tauhan sa akda?
Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.
Tauhan Katangian Paniniwala

3. Sa kabila nang di masukat na kalawakan ng daigdig, bakit naging


malungkutin ang Diyos? Paano niya binago ang daigdig?
4. Anong uri ng teksto ang binasang akda?
5. Paano ito naiiba sa iba pang uri ng tekstong iyong nabasa?

B. Suriin ang sinalungguhitang salita o pangungusap.


1. Ano ang ipinahahayag ng bawat isa?
2. Paano nakatulong ang mga ito sa pagpapahayag ng emosyon o damdamin?

Ngayon ay basahin mo na ang kasunod na paliwanag tungkol sa Iba’t Ibang


Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin na makatutulong sa paglikha mo
ng bulong at awiting-bayan.

Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin


Maraming paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin. Isang
paraan ang paggamit ng padamdam na pangungusap na nagsasaad ng
masidhing damdamin, gayundin ang mga pahayag na nagtatanong.
Ipinakikita ng kasunod na mga halimbawa na ang tandang padamdam at
maging ang tandang pananong ay ginagamit ding signal sa pagpapahayag ng
ilang masidhing damdamin. Maging ang gamit ng bantas na tuldok ay maaaring
magamit sa pagpapahayag ng emosyon o damdamin nang ayon sa nilalaman
nito.
Halimbawa:
1. Paghanga: Wow! Ganda! Matindi! Galing!
2. Pagkagulat: Sus! Grabe! Aba! Sobra!
3. Takot: Inay! Huwag! Sunog!
4. Tuwa: Yehey! Salamat! Wow!
5. Pag-asa: Harinawa. Sana nga.
6. Pagtataka: Bakit? Talaga?
Ang isa pang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin ay
pangungusap na tiyakang nagpapadama ng damdamin ng nagsasalita.
Halimbawa:
1. Totoong galit na galit ako sa iyo.
2. Sa ginawa mong pang-iiwan sa akin, nagtatampo ako sa iyo.
3. Naaawa ako sa mga batang lansangan.
213
Ang pangungusap na nagpapahayag ng gusto at ayaw sa paraang
nagpapahiwatig o hindi tuwirang inihahayag ang damdamin o gustong
2. Sa ginawa mong pang-iiwan sa akin, nagtatampo ako sa iyo.
3. Naaawa ako sa mga batang lansangan.
Ang pangungusap na nagpapahayag ng gusto at ayaw sa paraang
nagpapahiwatig o hindi tuwirang inihahayag ang damdamin o gustong mangyari
ay ginagamit din sa pagpapahayag ng emosyon.
Halimbawa:
1. May matutuluyan naman tayo sa Palawan.
2. Baka abutin tayo ng hatinggabi sa birthday party ni Amie.
3. Maganda palang maging pinuno.

Natitiyak ko na matapos na mapag-aralan ang Iba’t ibang Paraan ng Pagpapahayag


ng Emosyon o Damdamin maaari mo nang sagutin ang sumusunod na pagsasanay.

PAGSASANAY 1.Tukuyin ang damdaming ipinapahayag ng bawat patak ng tubig.


Gayahin ang pormat sa sagutang-papel.

Pahayag Damdaming Ipinapahayag


1. _____________________ ____________________________
2. _____________________ ____________________________
3. _____________________ ____________________________
4. _____________________ ____________________________
5. _____________________ ____________________________
6. _____________________ ____________________________
7. _____________________ ____________________________
8. _____________________ ____________________________
9. _____________________ ____________________________
10. _____________________ ____________________________

214
PAGSASANAY 2. Bumuo ng sariling halimbawa ng iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng emosyon o damdamin. Gawin sa sagutang papel. Iwasang gamitin
ang mga naibigay na.

1. Pagtataka -
2. Pagkagulat -
3. Pagkatakot-
4. Pagtataka-
5. Pag-asa-

PAGSASANAY 3. Batay sa kasunod na larawan, sumulat ng iba’t ibang pahayag na


may emosyon o damdaming nakapaloob. Gawin sa sagutang papel.

GAWAIN 7. Pag-uugnay sa Retorika


Sumulat ng isang bulong o awiting-bayan na ang paksa ay tungkol sa araw-
araw na buhay ng ilang lugar sa Luzon. Isaalang-alang ang pagpapahayag ng
emosyon o damdamin. Gawin sa sagutang papel.

Pagnilayan at Unawain

Sagutin.

Masasalamin ba sa bulong at awiting-bayan ang


paniniwala at kaugalian ng mga taga-Luzon?
Ipaliwanag.

Masasalamin ba sa bulong at awiting-bayan ang


paniniwala at kaugalian ng mga taga-Luzon?
215
Paano makatutulong ang iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa paglikha ng
bulong at awiting-bayan?

Kung malinaw na ang konseptong iyong natutuhan, mabisa mo nang maililipat


ang iyong kaalaman sa bulong, awiting-bayan at iba’t ibang paraan ng pagpapahayag
ng emosyon o Paano makatutulong
damdamin ang sa
sa pagganap paggamit ng iba’t ibang paraan
isang tungkulin.
ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin sa paglikha
ng bulong at awiting-bayan?

Ilipat

Composer ka ng isang banda. May magagandang kaugalian at


paniniwala sa isang lugar sa Luzon na halos hindi alam ng maraming Pilipino.
Kasama ang bokalista at gitarista bubuo kayo ng awiting-bayan. Plano ninyong
i-upload ito sa alinmang social media upang mapakinggan ng kabataan at iba
pang mamamayan. Itataya ang inyong nilikhang awiting-bayan sa sumusunod
na pamantayan:
a) nagpapakita ng magagandang kaugalian ng mga taga-Luzon……. 3
b) naglalahad ng mabubuting kaugalian at
paniniwala ng isa sa mga lugar sa LUZON …………………….… 3
c) malinaw ang pagpapahayag ……………………………………….. 4
d) malikhain ……………………………………………………………… 3
e) nahihikayat ang tono o himig…………………………………………. 3
f) gamit ang social media, hindi bababa
sa 10 ang magla-like ………………………………………………... 4
KABUUAN 20

Binabati kita at iyong napagtagumpayan ang mga gawain sa Aralin 3.2 maaari
mo nang pag-aralan ang Aralin 3.3.

Composer ka ng isang banda. May magagandang kaugalian at paniniwala


sa isang lugar sa Luzon na halos hindi alam ng maraming Pilipino. Kasama ang
bokalista at gitarista bubuo kayo ng awiting-bayan. Plano ninyong i-upload ito sa
alinmang social media upang mapakinggan ng kabataan at iba pang
mamamayan. Itataya ang inyong nilikhang awiting-bayan sa sumusunod na
pamantayan:

g) nagpapakita ng magagandang kaugaliang Pilipino - - - - - - - - - - 3


h) naglalahad ng mabubuting kaugalian at
paniniwala ng isa sa mga lugar sa LUZON - - - - - - - - - - - - - - - 3
i) malinaw ang pagpapahayag - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 4
j) malikhain - - - - - - - - - - - - - - - - 216
---------------------- 5
k) gamit ang social media, hindi bababa
sa 10 ang magla-like - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 5
Kabuuan - - - - - 20
ARALIN 3.3

A. Panitikan: Ang Hukuman ni Mariang Sinukuan


(Mito mula sa Pampanga)
B. Gramatika: Mga Salitang Hudyat ng Simula, Gitna
at Wakas

I. Panimula

Ang Aralin 3.3 ay naglalaman ng mitong pinamagatang Ang Hukuman ni


Mariang Sinukuan. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa Mga Salitang Hudyat ng
Panimula, Gitna, at Wakas na makatutulong sa iyo sa pagbuo ng iskrip na gagamitin
sa pagtatanghal ng dulang panradyo.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasusulat ng iskrip ng
dulang panradyo na may temang kababalaghan batay sa sumusunod na pamantayan:
a) maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, b) pag-uugnay ng aspetong
pangmusika o panteknikal na kailangan sa mga pangyayari, c) may orihinalidad, d)
angkop at maayos na gamit ng mga salita, at e) madaling maunawaan .
Aalamin mo sa araling ito sa pamamagitan ng pagsagot sa Mga Pokus na
Tanong; paano makatutulong, ang mga pangyayari sa mito, alamat, at kuwentong-
bayan sa paghubog ng pagkatao nito. Paano makatutulong ang mga salitang hudyat
sa simula, gitna at wakas sa pagbuo ng isang akda.

II. Yugto Ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa susunod na gawain, tutuklasin kung paano makatutulong ang mga


pangyayari sa mito sa paghubog ng pagkatao. Subuking gawin ang mga inihanda para
sa iyo. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Gayahin ang kasunod na pormat.
GAWAIN 1. Salita…Iugnay Mo!
Sa pamamagitan ng word association, ibigay ang mga salitang may
kaugnayan sa mito. Gawin sa sagutang papel.
mito

mito

217
GAWAIN 2. Dugtungan Mo!
Gamit ang estratehiyang ANA, dugtungan ang sumusunod na pahayag.
Kopyahin ang pormat sa sagutang papel.

GAWAIN 3. Salamin…Salamin!
Gamit ang kasunod na gawain, maghinuha sa Pokus na Tanong kung paano
nakatutulong ang mito sa paghubog ng pagkatao.Gayundin, sumulat ng maikling
talata gamit ang salitang hudyat sa panimula, gitna, at wakas gamit ang reflective
mirror. Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________
__________________________

218
Alam mo ba na...

maraming bagay-bagay, pisikal at espiritwal, na may kinalaman sa


kalikasan, daigdig at buhay ng tao, ang abot ng kaalaman at kakayahan
ng mga ninuno, ayon na rin sa sarili nilang paghahaka at karanasan,
nagkaroon ng kabatiran, matuwid at kapaliwanagan? Kabilang na sa mga
ito ang paniniwala sa mga kapangyarihang lumikha ng lahat- sa araw, sa
ilog, sa mga hayop, sa mga punong kahoy at sa iba pang kapangyarihan
na tagapagdulot ng kabutihan at taga-usig ng kasamaan.

Ang mito o mulamat ay isa sa pitong uri ng matatandang


kuwentong-bayan tulad ng: alamat, pabula, parabula, kuwentong
katatawanan at kuwentong kababalaghan na tungkol sa mga bathala, sa
pagkakalikha ng daigdig at iba pang kalikasan, tungkol din sa pinagmulan
o pagkakalikha ng mga unang tao, sa mga bayani na nagpapakita ng
kanilang kagitingan at kapangyarihan at sa iba pang may kinalaman sa
pagsamba ng tao sa kanilang mga anito.

Arrogante, Jose A. et.al.2004. Panitikang Filipino (Antolohiya)


National Bookstore, Mandaluyong City.

Linangin
Lilinangin ang iyong kaalaman sa pagbabasa ng mito. Susubukin ang iyong
galing sa pamamagitan ng mga gawaing kaugnay nito. Alam ko na kayang-kaya mo
ito sapagkat naniniwala ako sa iyong kakayahan. Sasagutin mo rin kung paano
makatutulong ang mga mito sa paghubog ng pagkatao. Maaari mo itong sagutin
matapos basahin ang kasunod na mito.
Ang Hukuman Ni Mariang Sinukuan
(Mito mula sa Pampanga)
Sinasabing sa isang maganda at mataas
na bundok sa Gitnang Luzon, naninirahan ang
isang magandang diwata sa Bundok Arayat. Ang
diwata ay si Mariang Sinukuan, isang mabait at
makatuwirang diwata. Mayroon siyang hukuman
na naging sagisag ng katarungan at pag-ibig. Sa
kaniyang hukuman nagtutungo ang mga tao at
hayop na nakatira sa Bundok Arayat upang
magsumbong at humingi ng payo.

219
Isang araw, narinig ni Mariang Sinukuan ang taghoy ng Ibong Martines.
Ipinatawag niya ang Martines sa kaniyang hukuman. Halos madurog ang puso
niya sa lungkot nang ipakita ng Martines ang sirang pugad at basag na mga
itlog.
"Ano ang nangyari sa iyong pugad, mahal kong ibon"? tanong ni Maria
kay Martines.
"Kasi po kagabi", humihikbing huni ni Martines, "biglang dumamba
nang dumamba si Kabayo at natapakan ang aking pugad."
Madaling nagsiyasat ang magandang diwata at ipinatawag si Kabayo.
"Bakit ka dumamba nang dumamba kagabi na ikinabasag ng mga itlog ni
Martines?" tanong ni Maria nang dumating si Kabayo sa kaniyang hukuman.
"Kasi po", mahinay na halinghing ni Kabayo, "nagulat ako nang biglang
kumokak nang malakas si Palaka."
Ipinatawag ni Mariang Sinukuan si Palaka at tinanong. "Bakit ka biglang
kumokak nang malakas kagabi na ikinagulat ni Kabayo kaya nabasag ang mga
itlog ni Martines?"
"Kasi po", paos na kokak ni Palaka, "Humingi lamang po ako ng saklolo
dahil nakita kong dala ni Pagong ang kaniyang bahay."
Agad namang ipinatawag ni Maria si Pagong. "Bakit dala mo ang bahay
mo kagabi kaya natakot at kumokak si Palaka at dumamba si Kabayo kaya
nabasag ang mga itlog ni Martines?"
"Kasi po", humihingal na paliwanag ni Pagong, "natakot akong
masunog ang aking bahay dahil nakita kong palipad-lipad si Alitaptap at may
dalang apoy."
Ipinatawag naman ni Maria si Alitaptap at tinanong. "Bakit may dala
kang apoy kagabi kaya nagbuhat ng bahay si Pagong at natakot si Palaka kaya
dumamba nang dumamba si Kabayo na naging dahilan ng pagkabasag ng
mga itlog ng Martines.”
"Kasi po", kutitap ni Alitaptap, "kailangan kong magdala ng apoy para
pananggalang laban kay Lamok na palipad-lipad at may dalang itak."
Lalong nahiwagaan si Maria sa pangyayari. Kaya agad niyang
ipinatawag si Lamok, "Bakit may dala kang itak kagabi kaya nagdala ng apoy
si Alitaptap at nagbuhat ng bahay si Pagong kaya natakot si Palaka dumamba
nang dumamba si Kabayo kaya nabasag ang mga itlog ni Martines?"
Hindi agad nakasagot si Lamok. Tumingin siya sa paligid at nakita
niyang naghihintay ng kaniyang sagot ang mga hayop sa hukuman.
"Kasi po”, paputol-putol na ugong ni Lamok, "hinahanap ko si
Alimango."

220
"At bakit naman may dala ka pang itak sa paghahanap kay Alimango?",
nahihiwagaang usisa ng diwata.
"Kasi po, gusto ko pong gumanti sa ginawa niya sa akin", paliwanag ni
Lamok. "Noong isang linggo bigla na lamang niya akong sinipit. Mabuti at hindi
niya nasipit ang aking leeg. Pero nasugatan ang aking isang paa."
Nawala ang pagtitimpi ni Lamok at galit na galit na umugong-ugong.
"Ngayong magaling na ang aking paa, isinumpa kong hahanapin ko
siya habang ako'y nabubuhay! Alam kong nagtago siya pero susuutin ko ang
lahat ng butas at bitak hanggang makita ko ang taksil na si Alimango!"
Masyadong nadala si Lamok ng sama ng loob at wala sa loob na
iwinasiwas ang kaniyang itak. Hindi sinasadya, dumulas ang itak sa kaniyang
kamay at muntik nang tamaan sa ulo si Palaka.
Sa takot, napalundag at kumokak nang malakas si Palaka. Dahil
nagulat, dumamba nang dumamba si Kabayo. Dala-dala ang kaniyang bahay
na nagtago si Pagong. Nagningas ang apoy ni Alitaptap at lumipad na dala
ang pugad ni Martines.
Itinaas ng magandang diwata ng Arayat ang kaniyang kamay para
payapain ang lahat. Pagkatapos, itinuro niya si Lamok at nagwika, "masyado
kang marahas, Lamok. Nagulo ang aking kaharian ng dahil lamang sa sama
ng iyong loob kay Alimango."
"Dapat mong malaman na ang karahasan ay nagdudulot ng
kapahamakan." Pinagbawalan niyang magdala uli ito ng itak. Pagkatapos,
pinayuhan niya si Martines na huwag nang gagawa ng pugad sa lupa.
Mula noon, sa ituktok ng punongkahoy na gumagawa ng pugad si
Martines. Pero matatakutin pa rin at malakas kumokak si Palaka. Dumadamba
pa rin nang dumadamba si Kabayo kapag natatakot at dala-dala pa rin ni
Pagong ang kaniyang bahay. Samantala, lagi pa ring may dalang apoy si
Alitaptap kapag gabi.
At ang Lamok? Matigas ang ulong hinahanap pa rin niya si Alimango
at lihim na nagdadala ng itak tuwing gabi. Kung may naririnig kayong kulisap
na paugong-ugong sa inyong tainga, ang Lamok iyon. Sapagkat hanggang
ngayon ay hinahanap pa rin niya sa butas ang Alimango na akala niya'y sa
butas ng tainga naninirahan.
**** *
Marahil ay makatutulong sa iyo ang binasang halimbawa ng mito upang
madagdagan ang iyong kaalaman tungkol dito. Unti-unti ay mapatutunayan mo na
makatutulong ang mito sa paghubog ng pagkatao kasabay ng pagtalakay sa iba pang
impormasyon kaugnay nito.

221
GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan
Isulat ang bilang sa patlang ayon sa antas ng pagpapakahulugan. Isulat sa
sagutang papel ang sagot.

Halimbawa: pagkawala __1_____


pagkasaid __3_____
pagkaubos __2_____
1. maganda ______ 3. umiiyak ______
kaakit-akit ______ lumuluha ______
kabigha-bighani ______ nananaghoy ______
2. poot ______ 4. pighati ______
galit ______ lumbay ______
suklam ______ lungkot ______

5. ngiti ______
tuwa ______
galak ______

GAWAIN 5. Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang mga tanong. Gawin sa sagutang papel.

1. Ilrawan si Mariang Sinukuan.

Mga katangian:

________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
_________
2. Ano ang suliranin ni Martines? Ipaliwanag.
3. Ilahad ang pinagmulan ng suliranin ni Martines.
4. Ano ang naging payo ni Mariang Sinukuan kay Martines upang maproteksyunan
ang kaniyang mga itlog?
5. Bakit patuloy pa ring may dalang itak at bumubulong-bulong si Lamok?
6. Naging makatarungan ba ang naging pasiya ni Mariang Sinukuan sa naging
suliranin ng mga hayop? Bakit?

GAWAIN 6. Pagpapayaman ng Nilalaman


Ngayon naman, babasahin mo ang isang alamat at kuwentong-bayan.
Pagkatapos, suriin ang pagkakaiba ng dalawang akdang pampanitikan na babasahin
ayon sa mga elemento nito.

222
Alamat ng Lakay-Lakay

Sa hilagang-silangang bahagi ng
Cagayan ay may dalawang batong hawig
ng babae at lalaki. Tinawag nila itong
Lakay-Lakay o matandang lalake at Baket-
Baket o matandang babae. Sa di kalayuan
ay may maliit na batang babae o Ubing-
Ubing.
Noong unang panahon, may mag-anak na naninirahan sa tabing-
dagat. Sila’y nabubuhay sa pangingisda. Sa tuwing maraming nahuhuling
isda ang lalaki ay nag-aalay sa kanilang Diyos bilang pasasalamat. Di
nagtagal, namuhay sila nang maginhawa. Isang umagang maraming nahuli
ang lalaki ay nakasalubong niya ang matandang humihingi ng tulong ngunit
ito’y kaniyang pinagtabuyan. Kinahapunan humingi ng tulong ang pulubi at
ang babae ang nakaharap nito, siya’y pinagtabuyan din.
Kinaumagahan ang lalaki ay nagtungo sa dagat upang mangisda.
Maghapon siyang hinintay ng kaniyang asawa ngunit gabi na ay wala pa rin
ito. Maagang-maaga’y tinungo ng mag-ina ang karagatan. Naghanap sila
kung saan-saan ngunit sa di-kalayuan sa dagat ay may pigura ng isang taong
yari sa bato. Nagmadali silang nilapitan ito sa pamamagitan ng bangka.
Namukhaan nila ito dahil sa dala-dala nitong lambat. Sila’y nalumbay at
nakadama ng galit ang babae at nakapagmura. Narinig ito ng Diyos ng Dagat
at ginawa rin silang taong-bato. Ngunit sa kabila nito binigyan ang nasabing
pamilya ng Diyos ng kapangyarihan upang bantayan ang karagatan.
At pinaniniwalaang ligtas sa kapahamakan ang mga manlalakbay sa
dagat kapag di nila pinipintasan ang Lakay-Lakay. Dapat ding mag-alay para
sa pamilyang bato.
******
Ngayon naman ay babasahin mo ang isang halimbawa ng kuwentong-bayan
na mula sa Luzon. Paghambingin mo ang dalawang akda; kung paano nagkakaiba
ang mito sa alamat.

Si Mariang Mapangarapin

Magandang dalaga si Maria. Masipag,


masigla, masayahin, at matalino rin. Anupa't
masasabing isa siyang ulirang dalaga na totoong
mapangarapin. Umaga o tanghali man ay
nangangarap siya. Lagi na lamang siyang
nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip
at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala

223
siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkus
ay ikinatuwa pa niya ang bansag o itinatawag sa kaniya.
Minsan, niregaluhan siya ng binata ng isang dosenang dumalagang
manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay
sa kaniya ng nag-iisa niyang manliligaw. Nagpagawa siya sa kaniyang ama
ng kulungan para sa kaniyang mga manok. Higit sa karaniwang pag-aalaga
ang ginawa ni Maria. Pinatutuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga,
tanghali at hapon. Dinagdagan pa niya ito ng pagpapainom ng gamot at
pataba. Pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng
mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na
nangitlog ang lahat ng inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog
ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. Kinuwenta niya ang bilang
ng itlog na ibinibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw
sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kaniyang pangarap.
At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok araw-araw.
Sa kabuuan, umabot ito ng limang dosena. Isang araw ng linggo pumunta sa
bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan,
nangangarap siya. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog.
Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipatatahi niya ito ng magandang
bestida at saka lalakad siya nang pakendeng-kendeng. Kaya’t sa pagdadala
niya ng mga itlog ang pinapangarap niyang paglalakad ang ginawa niya.
Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa
nangyari. Umiyak siya nang umiyak. Gumuho ang kaniyang pangarap kasabay
ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kaniyang sunong-sunong.

Alam mo ba na…
may iba’t ibang elemento ang mito, alamat at kuwentong-bayan na maaaring
makapagpatunay ng pagkakatulad at pagkakaiba ng pagkakasulat ng mga ito.
Sinasabi na ang mito ay galing sa salitang Latin na mythos at mula
naman sa muthos ng Greece na ang kahulugan ay kuwento. Hindi man kapani-
paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, itinuturing itong
sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap.
May tauhan, tagpuan, mga pangyayaring may kababalaghan, may
banghay din na nagpapakita ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari at may wakas. May aral ding inihahatid sa mambabasa. Naihahanay
sa piksyon ang mito.
Isang uri ng tuluyan ang alamat. Isa rin ito sa pinakaunang panitikan na
lumabas sa Pilipinas.
Naglalaman ng kababalaghan na isang elemento ng alamat. Itinatayang
ito rin ay nasa kategorya ng piksyon na bunga rin ng malikhaing imahinasyon.
Karaniwang paksa ng alamat 224 ay ang paraan ng pamumuhay, mga
paniniwala, mga gawain sa isang lugar o isang pangkat ng tao. Naging gabay ito
upang magkaroon ng kaalaman sa isang lugar, gayundin makilala ang pangkat
ng tao na tinutukoy rito.
Naglalaman ng kababalaghan na isang elemento ng alamat.
Itinatayang ito rin ay nasa kategorya ng piksyon na bunga rin ng malikhaing
imahinasyon.
Karaniwang paksa ng alamat ay ang paraan ng pamumuhay, mga
paniniwala, mga gawain sa isang lugar o isang pangkat ng tao. Naging gabay
ito upang magkaroon ng kaalaman sa isang lugar, gayundin makilala ang
pangkat ng tao na tinutukoy rito.
Hindi ganap na alamat ang isang alamat kung hindi nito taglay ang
elementong ang paksa ay dapat na pinagmulan ng isang bagay, lugar,
pangyayari o paano pinangalanan ang isang lugar at pangyayari. Iba pang
elemento nito ay tauhan, tagpuan, banghay, mga pangyayaring bunga ng
imahinasyon at wakas. Elemento rin ang aral na dapat makintal sa isip ng
mambabasa.
Sinasabi na masasalamin sa pamamagitan ng mga kuwentong-bayan
ang kalinangan at kabihasnan, sapagkat ang uring ito ng matandang panitikan
ay pamanang pangkalinangang hindi maililibing ng panahon kailanman.
Sa Pilipinas ayon sa ilang mananaliksik, ang kuwentong-bayan ay
nabibilang sa mito na ang karaniwang mga tauhan o paksa ng kuwento ay
tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang, at sa mga
pagkagunaw ng daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga kuwentong-
bayan sa mga pangkat-etniko sa kasalukuyang naninirahan sa bulubundukin
ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Katulad ng mito at alamat, may mga elemento ito tulad ng tauhan,
tagpuan, banghay, mga pangyayaring may kababalaghan, wakas, at aral na
dapat pahalagahan ng mambabasa.
Sa banghay na tinutukoy sa mga akdang pampanitikan, binubuo ito ng
panimula, papaunlad o papataas na pangyayari, kasukdulan at pababang
pangyayari.
*****
6.1.AlamPaghambingin
mo ba na… Mo!
may Paghambingin ang mito,
iba’t ibang elemento angalamat, at kuwentong-bayan
mito, alamat na iyong
at kuwentong-bayan na binasa ayon sa
maaaring
mga elemento ng bawat
makapagpatunay isa gamit angatVenn
ng pagkakatulad Diagram.
pagkakaiba ngGawin ito sa sagutang-papel.
pagkakasulat ng mga
ito?
Alamat

Sinasabi na ang mito ay galing sa salitang Latin na mythos at mula


naman sa muthos ng Greece na ang kahulugan ay kuwento. Hindi man
kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa, at mga bayani, itinuturing
itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap.
Kuwentong-
bayan
Mito
May tauhan, tagpuan, mga pangyayaring may kababalaghan, may
banghay din na nagpapakita ng maayos na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari at may wakas. May aral ding inihahatid sa mambabasa.
Naihahanay sa piksyon ang mito.

225
Isang uri ng tuluyan ang alamat. Isa rin ito sa pinakaunang panitikan na
lumabas sa Pilipinas.
6.2. Ibuod Mo!
Ibuod ang isa sa binasang mga akda. Maaaring pumili lamang sa mito, alamat,
at kuwentong-bayan. Gawin nang maayos at magkakaugnay ang banghay sa
pamamagitan ng kasunod na storyladder.Gawin sa sagutang papel.

Resolusyon/Wakas

Pababang Pangyayari

Kasukdulan

Papataas na Pangyaya

Panimulang Pangyayari

6.3. Ipokus Mo!


Paano nakatutulong ang matatandang uri ng panitikan tulad ng mito, alamat, at
kuwentong-bayan sa paghubog ng ating pagkatao? Kopyahin ang kasunod na speech
balloon sa kuwaderno at isulat ang sagot.

GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika


Naririto ang isang halimbawa ng tekstong nagsasalaysay. Basahin at unawain
kung paano nakatutulong ang mga pahayag sa panimula, gitna at wakas sa
pagsasalaysay.

Ang Sayaw Ng Mandirigma


Noong unang-unang panahon ay mababa
lamang ang kalangitan. Napakababa nito na kayang
abutin ng mga tao. Dahil sa lapit na ito ng langit, ang
kahilingan ng mga tao ay agad na naririnig ng mga
diyos sa kalangitan at kaagad na ipinagkakaloob sa
kanila. Ito ang dahilan kung bakit sadyang inilapit ng
mga diyos ang langit sa mundo.
Ang nais nila ay matulungan ang mga tao. Sa ganitong kalagayan,
maligaya ang mga tao. Wala silang gagawin kung hindi humingi at agad
namang ipagkakaloob sa kanila.

226
Hindi nagtagal, umabuso ang mga tao. Naging tamad na sila.
Hanggang kasunod nito ayaw na nilang magtrabaho at iniaasa na lamang sa
mga diyos ang kanilang pangangailangan. Dahil dito, nagalit ang mga diyos
kaya binago nila ang kanilang panuntunan. Patuloy pa rin nilang
pangangalagaan at pagbibigyan ang mga tao sa kanilang kahilingan ngunit
paghihirapan muna nila ito. Kailangan nilang magtrabaho bago nila makamtan
ang anumang nais nila.
Mula noon, hindi na naging madali ang pamumuhay ng mga tao.
Nagsimula na silang gumawa sa bukid sa ilalim ng init ng araw o buhos ng
ulan. Ang pagtatanim at pag-aani ay kanilang pinagtutulungan.
Pagkatapos ng anihan, sila ay nagkakaroon ng mga pagdiriwang bilang
pasasalamat sa masaganang ani. Naghahanda sila ng maraming pagkain at
inumin. Ang kasayahang ito ay inaabot ng isang buong linggo. Masaya ang
lahat, lalo na ang mga magsasaka, dahil makapagpapahinga sila ng ilang
buwan habang marami pa silang pagkain.
Isang araw ay inihayag ni Abing, pinuno ng tribo, na magkakaroon sila
ng marangyang pagdiriwang dahil sa higit na masaganang ani. Tulad ng
inaasahan, nagkaroon ng malaking kasayahan ang buong nayon. Bumaha ang
napakaraming pagkain at inumin.
Matapos magpasalamat sa mga diyos, nagsimula ang pagdiriwang.
Pinagpistahan ng mga dumalong panauhin ang masasarap na pagkain at
inumin.
Matapos ito ay inanyayahan ng pinuno na manood ang lahat sa
ipakikitang sayaw ng mga mandirigma bilang parangal sa pagpapanatili nila ng
katahimikan sa kanilang lugar.
Gayon na lamang ang tuwa ng mga tao nang magsimulang sumayaw
ang mga mandirigma na buong husay na iwinawasiwas ang kanilang mga
sibat. Sinabayan sila ng mga panauhin sa pag-indak sa tugtog habang
pumapalakpak. Isang mandirigmang napakahusay humawak ng sibat ang
labis na hinangaan ng mga manonood. Bigla silang natahimik habang
pinanonood ang kakaibang husay nito sa pagsayaw at paghawak ng sibat.
Dahil sa kalasingan at nakikitang paghanga ng mga tao sa kaniya, marahan
itong umikot paitaas at inihagis ang kaniyang sibat ng napakataas.
Napasigaw ang lahat! Nakalimutan ba ng mandirigma na mababa
lamang ang langit? Hindi lamang niya natusok ang mga ulap, nasugatan din
niya ang isa sa mga nanonood na diyos! Nagalit ang ibang mga diyos sa
pangyayaring ito. Nang gabi ring iyon, ipinasiya nilang itaas ang langit mula sa
lupa.
Sa huli, ang panalangin ng mga tao ay naglalakbay muna ng
napakalayo bago marinig ng mga diyos at ito ay ipagkakaloob sa kanila.

227
Patuloy pa ring pinangangalagaan ang mga tao ng mga diyos sa langit ngunit
ang binibigyan lamang nila ng grasya ay iyong mga karapat-dapat. At kung
ibigay man ang hinihiling nila, ito ay karaniwang hindi kaagad. Nagtatagal
muna bago ito ipagkaloob. Nangyari ito dahil lamang sa walang ingat na
pagsasayaw ng isang mandirigmang nakatusok sa ulap at nakasugat sa isa sa
mga diyos.
A. Sagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
1. Bakit nagalit ang mga diyos at binago nila ang kanilang panuntunan?
2. Ano-anong pagbabago ang naganap sa takbo ng pamumuhay ng mga tao
mula nang nagalit ang mga diyos?
3. Isalaysay ang isinagawang pagsasayaw ng mandirigma at ano ang naging
bunga nito sa buhay ng mga tao.
4. Ipaliwanag kung anong uri ng teksto ang binasa.
5. Paano ito naiiba sa iba pang uri ng tekstong iyong binasa?
B. Suriin ang sinalungguhitang mga salita sa ilang pangungusap sa akda.
1. Paano nakatulong ang mga ito sa pagsasalaysay ng panimula, gitna at
wakas ng teksto?
2. Naging maayos ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? Ipaliwanag.

Basahin ang kasunod na paliwanag tungkol sa Mga Salitang Hudyat ng


Panimula, Gitna at Wakas na makatutulong upang makapagsulat ka ng isang akda.

Alam mo ba na…
sa pagsulat ng isang talata na may panimula, gitna at wakas ay kinakailangang
magtaglay ng mga angkop na pahayag upang ito ay masimulan.
Mga Salitang Hudyat ng Panimula, Gitna at Wakas
1. Panimula – Simula ng akda na pumupukaw sa interes ng mga mambabasa
kung kaya’t kinakailangang epektibo ito. Maaaring simulan ito sa noon,
una, sa simula pa lamang, at iba pa.
2. Gitna – Dito kinakailangang mapanatili ang interes ng mambabasa sa
kawing-kawing na mga ideya. Maaaring gamitin ang samantala, saka,
mayamaya, hanggang kasunod, walang ano-ano, at iba pa.
3. Wakas – Napakahalaga ng huling bahagi ng akda dahil dito naiiwan sa
mambabasa ang mahahalagang kaisipan. Dito nakapaloob ang isahan at
panlahat na mensahe. Maaaring gumamit ng: pagkatapos, sa huli, sa
wakas, o iba pang panandang maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.
Halimbawa:
a. Sa simula pa lamang, maraming akdang pampanitikan na namayani
noong panahon ng mga katutubo.
b. Kasunod ng paglabas ng mga akdang pampanitikan ay ang
pagpapahalaga sa kultura ng lahi.
c. Sa huli, hindi maaaring paghiwalayin ang panitikan at kultura.

228

Alam mo ba na…
PAGSASANAY 1. Punan ng angkop na pahayag / salita ang panimula, gitna at wakas
ng talata.
1) _____________ ay makikita na ang kaibahan ng magkapatid na sina Jerry
at Chris.2) _____________ nilang pagkakaiba ang kulay ng kanilang balat,
kayumanggi si Chris at maputi naman si Jerry. 3) ______________ nilang pagkakaiba
ay ang kanilang ugali. Si Jerry ay masipag mag-aral at masunurin sa magulang,
samantalang si Chris ay ubod nang tamad mag-aral at bulagsak sa mga gamit.
Magkaiba rin sila sa mga bagay na nais gawin. Si Jerry ay madalas tumulong sa
kaniyang ina sa gawaing-bahay samantalang si Chris ay mas gustong maglaro ng
computer. 4) __________ ay nakita kung sino sa dalawa ang tunay na may
magandang ugali at karapat-dapat tumanggap ng parangal.

Kasunod Sa simula pa lamang Una Sa huli

PAGSASANAY 2. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pahayag na maaaring


gamitin sa panimula, gitna, at wakas ng pagsasalaysay.
1. Noon____________________________________________________
2. Mayamaya _______________________________________________
3. Hanggang ________________________________________________
4. Sa huli __________________________________________________
5. Pagkatapos_______________________________________________

PAGSASANAY 3. Suriin ang ginamit na pahayag sa panimula, gitna at wakas sa


binasang “Ang Sayaw ng Mandirigma.”Isulat sa bawat kahon ang sagot. Gawin ito sa
sagutang papel.

Ang Sayaw ng Mandirigma


Panimula Gitna Wakas

GAWAIN 8. Pag-uugnay sa Retorika


Basahin ang sumusunod na teksto na nagpapaliwanag tungkol sa Panitikang
Iloco. Gumawa ng buod nito na isasaalang-alang ang angkop na mga pahayag sa
panimula, gitna, at wakas ng isang akda. Isulat sa kuwaderno.

229
Panitikang Iloco
Ang Panitikang Iloco ayon sa matiyagang pagsasaliksik at panulat ni
Leopoldo Y. Yabes ay inuri sa sumusunod:
a. mga simu-simula
b. mga akdang ukol sa pananampalataya at kagandahang-asal
c. mga akdang ukol sa wikang Iloco
d. panulaang Iloco
e. maikling kuwento at nobela at mga dula
Ang yaman sa estruktura ng mga nasulat na mga akdang Iloco ang
naglagay sa kanila sa ikalawang antas ng pinakamayamang mga nasulat na
akda. Sa simula pa lamang, bagaman di pa nasusulat ang mga akdang Iloco
lumalaganap na sa Kailocohan ang mga awiting-bayan, kuwentong-bayan, at
karunungang-bayan.

Pagnilayan at Unawain

Sa tulong ng kasunod na grapikong representasyon, sagutin ang mga tanong.


Gawin sa sagutang papel.

1. Paano makatutulong ang mito, alamat,


at kuwentong-bayan sa paghubog ng
pagkatao?

2. Paano makatutulong ang mga salitang hudyat sa


simula, gitna at wakas sa pagbuo ng isang akda?

230
Naniniwala akong nauunawaan mo na ang mito, alamat at kuwentong-bayan kasama
ang mga elemento nito. Ililipat mo naman sa isang kapaki-pakinabang na gawain ang
iyong mga natutuhan.

Ilipat

Alam mo ba na...
ang radyo ay isang midyum ng pagtatanghal. Noong araw maraming
nakikinig sa radyo habang sila ay gumagawa ng mga gawaing-
bahay. Ito ay ang pangunahing libangan ng mga Pilipino hanggang
lumabas na ang telebisyon. Pag-aaralan ang paggawa ng iskrip ng
dulang panradyo.
1. Lumikha ng malinaw na imahe sa iyong isusulat.
Halimbawa: bughaw na langit , malungkot na mukha
2. Maghanap ng magaling na tagapagsalaysay. Siya ang
magpapahayag ng mga tagpuan, tauhan at ang buod, at
wakas ng pangyayari.
3. Lumikha ng maaksiyong diyalogo. Mahalaga ang
diyalogong ginagamit dahil ito ang nagbibigay-kulay at
aksiyon sa eksena o pangyayari.
4. Gawing marami, ang sound effects. Ito ang nagbibigay
ng emosyon, tunog sa mga bagay, at mga hudyat ng
mga pangyayari.
5. Maglagay ng background music. Ito ay makatutulong sa
tono, damdaming dapat naaayon sa eksena, ang musika
upang maganda ang kalabasan nito.
6. Lumikha ng mga kapani-paniwala ng karakter.
7. Maging wasto ang mga salitang gagamitin sa dulang
panradyo.

Upang matiyak mo kung iyong nauunawaan ang araling ito. Bubuo ka


ng isang dulang panradyo na may temang kababalaghan.

231
Marami sa iyong kababayan ang hindi na nagkakaroon ng interes sa
pakikinig ng dulang panradyo kung kaya’t naisipan ng station manager ng isang
estasyon ng radyo na magkaroon ng programang may temang kababalaghan.
Ikaw ang naatasang sumulat ng iskrip .Ayon pa rin sa manager at sa mga
tagapakinig, ito ang ibig nilang makita sa ipinagagawang dulang panradyo batay
sa sumusunod na pamantayan:
a) maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ….. 5
b) pag-uugnay ng aspetong pangmusika/
panteknikal na kailangan sa mga pangyayari …………….. 5
c) may orihinalidad ………………………………………………. 5
d) angkop at maayos na gamit ng mga salita ………………… 5
e) madaling maunawaan ……………………………………….. 5
KABUUAN 25

Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa aralin. Alam kong


marami kang natutuhan sa iyong paglalakbay, naging matagumpay ka dahil
napagtagumpayan mo ang mga gawaing ipinagawa sa iyo.Nalaman mo rin kung
paano nakatutulong ang mito, alamat, at kuwentong-bayan sa paghubog ng pagkatao
gayundin kung paano nakatutulong ang mga salitang hudyat ng panimula, gitna at
wakas ng akda. Ito ay hudyat upang paghandaan ang iyong talas ng isipan sa
susunod na aralin ang sanaysay.

232
ARALIN 3.4

A. Panitikan: Nang Maging Mendiola Ko ang Internet


Dahil Kay Mama
ni Abegail Joy Yuson Lee
(Sanaysay mula sa Maynila)
B. Gramatika: Pahayag na Ginagamit sa Paghihinuha
ng mga Pangyayari

I. Panimula

Halina at maglakbay sa Maynila. Ito ay ang sentro ng kalakalan at komersiyo ng


Pilipinas. Mayaman sa kultura ang nasabing lungsod.

Ang Aralin 3.4 ay naglalaman ng sanaysay na pinamagatang Nang Maging


Mendiola Ko ang Internet Dahil kay Mama. Bahagi rin ng aralin ang pagtalakay sa
mga pahayag na ginagamit sa paghihinuha ng mga pangyayari.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makikibahagi sa pagtatanghal


ng balitang dokumentrayo batay sa sumusunod na pamantayan: a) iskrip na
naglalaman ng napapanahong isyu, nagmumungkahi ng solusyon, at maayos ang
daloy ng iskrip; b) pagtatanghal na isasaalang-alang ang tinig, teknikal na aspeto, at
dating sa manonood.

Aalamin mo kung paano nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahayag ng


sariling karanasan, saloobin, opinyon at damdamin ng tao, mapatutunayan mo rin
kung bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag na naghihinuha sa tekstong
naglalahad.

II. Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa bahaging ito ay aalamin ang iyong kakayahan sa paggamit ng internet.


Gawin ang sumusunod na gawain sa sagutang-papel.

GAWAIN 1. Sa Internet…Ano ang Saloobin Ko?


Pumili ng isa sa mga gawaing may kaugnayan sa paggamit ng internet.
Pagkatapos, maglahad ng iyong saloobin kung bakit ito ang pinili. Gayahin ang
kasunod na pormat sa sagutang papel.

233
GAWAIN 2. Hinuha Ko sa Sitwasyon
Sumulat ng paghihinuha sa maaaring mangyari batay sa kasunod na
mga sitwasyon. Isulat sa sagutang papel.

Ginagawa Sariling Saloobin


sa Internet
___________________________
___________________________
___________________________
Pananaliksik
___________________________
___________________________
___________________________
Paggamit ng Social ___________________________
Media
___________________________
___________________________
Paglalaro ng ___________________________
On-line games
___________________________
___________________________
Pagpo-post ng mga ___________________________
larawan
___________________________
_________________________
Nag-cutting class ang isang grupo
ng mag-aaral at ginugol ang
kanilang oras sa pag- iinternet

Nagkipagkita ang dalagita sa


lalaking naka-chat lang niya sa
social media.

Nag-post ang isang mag-aaral


hindi magagandang pananalita
laban sa isa sa kamag-aral niya.

234
GAWAIN 3. Pag- isipan natin
Magbigay ng iyong hinuha sa kasunod na mga tanong. Isulat ang mga sagot
sa loob ng kahon. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

1.Paano nakatutulong ang


sanaysay sa pagpapahayag ng 2. Bakit mahalaga ang paggamit ng
sariling karanasan, saloobin, mga pahayag sa paghihinuha ng
opinyon, at damdamin ng tao? mga pangyayari?

Babasahin mo ang isang sanaysay na ang paksa ay tungkol sa internet upang


sa gayo’y mapatunayan mo na maaari mong ipahayag ang iyong saloobin, opinyon at
damdamin sa pamamagitan nito. Ngunit bago iyon, tunghayan at unawain mo ang
kasunod na mga impormasyon.

Alam mo ba na …
ang sanaysay ay isang uri ng akdang tuluyan. Isinusulat ang sanaysay nang
patalata. Karaniwang tumatalakay sa isang paksa o kaisipan na sadyang
kapupulutan ng aral o aliw sa mambabasa,gayundin, naipapahayag ang
sariling pananaw, kuro-kuro, opinyon at damdamin tungkol sa isang
mahalagang isyu o paksa.
May dalawang uri ang sanaysay: ang pormal at impormal.
Ang sanaysay na pormal o maanyo ay nagtataglay o naghahatid ng
mahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng lohikal o makaagham
na paglalahad ng mga impormasyon tungo sa malinaw na pagtalakay sa
paksa. Maingat ang pagpili ng mga salita tulad ng salitang nasa anyong
pampanitikan-makahulugan, matalinghaga at matayutay. Samantalang ang
impormal o pamilyar na sanaysay ay karaniwang naglalahad ng kawili-wiling
paksa tulad ng iba’t ibang bagay at mga karanasan ng tao. Ang pananalita ay
karaniwan ang himig o tono gayundin ang gamit ng mga salita na parang
nakikipag-usap lamang ang may akda sa kaniyang mambabasa.

235
Sa sanaysay maaaring mabasa ang pangunahing kaisipan
at pantulong na kaisipan kaugnay ng paksa.

1. Pangunahing kaisipan –Ito ang tumutukoy sa nais sabihin


at ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa. Karaniwang
matatagpuan ito sa unahan o hulihan ng talata.
2. Pantulong na kaisipan – Nagtataglay ng mahahalagang
impormasyon o mga detalye na sumusuporta sa
pangunahing kaisipan. Ito rin ang gumagabay sa
mambabasa upang maunawaan ang nilalaman ng talata.

Halimbawa:
Maraming kabataan ang nahuhumaling sa paggamit ng
internet. Iba’t ibang dahilan kung bakit sila na-eenganyo
sa paggamit nito. Maaari kang makipagkaibigan gamit ang
social media. Maaari ka ring maglaro online games.
Makapagpapahayag ka rin ng damdamin at saloobin gamit
ang iba’t ibang site.
Paliwanag:
Ang pangungusap na may salungguhit ay ang
pangunahing kaisipan samantalang ang mga
pangungusap na walang salungguhit ay ang mga
pantulong na kaisipan na nagpapahayag kung bakit
maraming kabataan ang nahuhumaling sa internet.
Banadera, Wilma B. et.al. 2011. Lunday III (Ikatlong Edisyon).
Sunshine Interlinks, Publishing House, Inc. Quezon City.

Alam mo ba na…
ang Nang Maging Mendiola Ko ang Internet Dahil kay Mama ay uri ng
sanaysay na di-pormal? Mahalagang matukoy ang mahahalagang kaisipan at
saloobin na inilahad ng may akda upang mabisang maihatid ang kaniyang ideya
sa mga mambabasa.

Halika, ipagpatuloy mo na ang pagbabasa. Tulad ng nabanggit, aalamin natin


kung makatutulong ba ang sanaysay upang mabisa mong maipahayag ang iyong
damdamin, opinyon at saloobin gamit ang internet.

236
Linangin

Ihanda mo na ang iyong sarili sa pagbasa ng akda na isang sanaysay. Tulad


ng nabanggit, aalamin mo kung makatutulong ba ang babasahing sanaysay sa
mabisang pagpapahayag ng damdamin, opinyon at saloobin?

Nang Maging Mendiola Ko


Ang Internet Dahil kay Mama
ni Abegail Joy Yuson Lee

Binigyan tayo ng Diyos ng bibig para makapagsalita at utak para


makapag-isip.
Iyan ang paulit-ulit na diyalogo sa akin ni
Mama sa tuwing nalalaman niyang hindi na
naman ako nagsalita upang ipagtanggol ang
aking sarili. Ako kasi yaong tipo ng taong hindi
nagsasabi ng tunay na nararamdaman at
hinaing. Napag-isip-isip kong may punto naman
siya roon. Tama naman talaga siya. Ginagamit
natin ang ating mga bibig para masabi kung ano
ang ating mga saloobin kaagapay ang utak
upang iproseso ang mga napapansin at kapansin-pansing mga bagay na
nangyayari sa ating paligid.
Ngunit, naisip ko, habang sinasabi na naman niya sa akin ang paborito
niyang linya, paano naman kaya ang mga piping hindi nasasabi ang kanilang
mga saloobin? O kaya, ang mga taong katulad ko na nahihiya o kung minsan
ay natatakot sabihin ang mga saloobin? Paano kaya nila sasabihin sa mga tao
sa kanilang paligid ang kanilang mga hinaing? Paano kaya nila maipararating
ang kanilang mga nasasaisip. Paano kaya nila maipagtatanggol ang kanilang
mga sarili laban sa iba? Hindi naman sa lahat ng oras ay nariyan ang mga
taong nakauunawa sa bawat pagkumpas ng kanilang mga kamay at
pagbabago ng ekspresiyon ng kanilang mga mukha o ang mga simpleng
pananahimik nila sa sulok ng bahay. Nagtataka ako. Paano kaya nila sasabihin
ang mga gusto nilang sabihin kung ipinagkait sa kanila ang kakayahan at
karapatang makapagsalita?
Ang lahat naman ay magagawan ng paraan, ang motto nga ni Mama.
Salamat sa internet! Ito ang nagsilbing tulay ko upang maipahayag sa
aking mga kausap ang ilang mga bagay na hindi ko kayang maiparating nang
tuwiran. Hindi ko man maisatinig palagi ang mga nais kong sabihin, maaari ko

237
namang maisulat ang mga ito. Gamit ito, naipararating ko sa aking mga
kaibigan ang aking kasalukuyang kalagayan, opinyon, pananaw, at mungkahi
ukol sa ilang mga isyung personal at panlipunan.
Minsan nga ay nabasa ko ang ipinost ng isa kong kaibigan sa pagfa-
facebook. Nanghihingi siya ng mga mungkahi kung anong magandang gawin
ngayong bakasyon. Marami ang nagbigay ng kanilang mga opinyon. May mga
nagsabing magbabad na lamang sa pag-facebook. May mga nagsabing
maglaro na lamang daw sila ng mga computer games. Alam ko na mag-
aaksaya lang sila ng panahon, pati na rin ng kuryente na nagbabadyang
tumaas na naman ang halaga. Hindi ako sumang-ayon sa mga mungkahi nila.
Sa una’y nag-aalinlangan akong magbigay ng opinyon pero nag-aalala ako na
baka hindi nila magustuhan ang sasabihin ko o baka hindi maganda ang
magiging reaksiyon ng mga makakapansin sa aking isusulat. Ngunit, maya-
maya ay napagpasyahan ko na magbigay na rin ng aking opinyon. Naisip ko,
wala namang masama kung susubukin kong magtipa ng mga nais kong
sabihin. Iyon ang unang pagkakataong nagbigay ako ng opinyon maliban sa
mga madalas kong iminumungkahi na ”ha ha ha,” ”tama,” at kung ano-anong
mga pangkaraniwang ekspresiyon.
“Sulitin mo ang summer, kumain ka ng sorbetes o ’di kaya’y mag-
swimming ka para ma-enjoy mo ang init ng panahon. Kung gusto mo’y pwede
ka ring mag-exercise, magiging fit ka pa niyan. Sumulat ng blogs tungkol sa
iyong sarili o ilang mga tula tungkol sa iyong mga nararamdaman ngayong tag-
init.” Iba-iba ang naging reaksiyon ng mga nakapansin sa sinulat ko. Marami
ang nag-like ngunit may ilan-ilan ding umalma. Gayunpaman, natuwa pa rin
ako dahil marami ang nagsabing maganda ang mungkahi kong iyon. Kahit
papaano’y naibahagi ko ang mga ideyang maaaring makatulong sa iba, hindi
ba? Kaya simula noon ay ganap nang natanggal ang mga pag-aalinlangan
kong magkomento o magpahayag ng aking mga opinyon, pati ang mga nais
kong sabihin ay madalas ko na ring ipinopost sa Facebook at Twitter.
Hindi dapat magkaroon ng diskriminasyon sa pagsasalita, isa na
naman iyan sa mga pahayag ni Mama.
Ang pahayag na iyon ni Mama ang nagpapaalala sa akin kung bakit
hindi ako nag-aalangang maghayag ng aking saloobin sa internet sapagkat ito
ay hindi namimili ng tao. Sa madaling salita walang diskriminasyong
nagaganap sa mundong ito. Lahat ay puwedeng gumamit nito. Bukas kasi sa
publiko. Walang pinipiling taong gagamit. Mapa-bata, estudyante,
mangangalakal, guro, doktor, mga kawani ng gobyerno, mga tagapag-ulat,
manunulat, mga lolo’t lola, maging ang mga may kapansanan – sinuman ay
mamamangha sa dami ng pakinabang nito.
Siyempre, hindi magpapatalo ang mga kabataang tulad ko. Ito ngayon
ang paraan ko at ng iba pang kabataan para ipaalam sa lahat ang reaksiyon,

238
opinyon, at saloobin namin tungkol sa mga nangyayari sa aming paligid –
pamilya, pamayanan, lipunan at mundo. Ang bawat titik na itinitipa namin sa
kompyuter ay may mahalagang mensahe. Umaasa kami na mapapansin ang
mga ipinopost naming blogs sa internet, na kahit sa mundo ng cyberspace ay
puwede naming baguhin ang reyalidad, na maaari naming gawing tama ang
ilang mga maling napapansin namin sa paligid, at hindi lang kami basta-basta
nagpapalipas ng oras gamit ito. Alam kong mapatutunayan namin ito.
Napag-isip-isip ko na kahit sa lipunan ay makatutulong kaming mga
kabataan sa pamamagitan ng internet, hindi ba’t kami rin naman ang
sinasabing kinabukasan ng ating bayan? Ang mga raliyista sa Mendiola ay
nahihirapan na iparating ang kanilang mga hinaing sa pamahalaan.
Nakapagsasalita man sila, hindi naman sila pinakikinggan ng gobyerno.
Nakatitiyak ako na gumagamit din ng internet ang pamahalaan at siguradong
mababasa rin nila ang mga blogs na naka-post doon. Isa ako sa mga
sumusuporta sa kanila kung alam kong tama ang ipinaglalaban nila. Lahat
tayo’y umaasa na sa oras na mabasa ng may kapangyarihan ang mga
reaksiyon at opinyon na inilalagay natin sa internet ay malalaman nila at
babaguhin ang kanilang mga pagkakamali.
Ang Internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga
kabataan ngayon.
Ito na ang malayang kalsada na kung saan kami ay nagpapalitan ng
iba’t iba naming reaksiyon at kuro-kuro sa maiinit na isyu at pangkasalukuyang
kaganapan ng ating lipunan. Dito namin ipino-post ang mga naglalakihan
naming plakards ng reaksiyon at hinaing. Dito na namin ipinakakalat ang mga
nalilikha naming mga tula, sanaysay, at artikulong magbubukas ng isip sa
kapuwa namin kabataan.
Hindi naman kasi totoong puro kompyuter at pag -facebook na lang ang
inaatupag ng lahat ng mga kabataan ngayon. Siguro nga’y napapansin na
halos ‘di kami matinag sa harap ng kompyuter pero hindi naman sa lahat ng
oras ay naglilibang lang kami. Dala na rin siguro ng modernisasyon kaya
nakasanayan na naming gumamit ng internet para maipahayag namin ang
aming mga sarili – ang aming mga saloobin, mga pananaw, reaksiyon, at mga
opinyon. Alam kong may pagkakatong hindi na rin namin makontrol ang aming
mga sarili sa paggamit ng internet, at inaamin ko na nagkakamali kami, pero
sana’y maunawaan ninyo na sa mga edad naming ito ay masyado kaming
sensitibo, mausisa, at mapaglakbay sa totoong mundo at sa mundo ng
cyberspace. Nais naming ilabas ang aming mga saloobin sa pamamagitan ng
internet.
Tuwing kinakausap ako ni Mama noon ay nakikinig lamang ako sa
kaniya. Para akong piping hindi nagsasalita kapag tinatanong niya ako kung
ano ang opinyon at pananaw ko sa isang bagay. Hindi ko alam kung nag-aalala

239
ako na baka mali ang masasabi ko o natatakot ako sa magiging reaksiyon niya.
Pero ngayon, panatag ko nang nailalahad ang aking mga opinyon, pananaw,
at mga nararamdaman kay Mama, at pati na rin sa mga taong malalapit sa
aking buhay. Para akong piping natutong magsalita. Salamat kay Mama
sapagkat natuklasan kong naging Mendiola ang internet na naging dahilan sa
pagsasatinig at pagsasatitik ng aking mga saloobin. Malaking bagay na natuto
kang ibahagi ang aking nararamdaman, ideya, at karanasan dahil alam kong
makatutulong din ang mga ito sa ibang tao. Ewan ko ba! Gumagaan ang
pakiramdam ko sa tuwing naipahahayag ko ang aking nararamdaman gamit
ang internet.

Upang mas lalo mong maunawaan ang aralin, subukin mong gawin o sagutin ang
sumusunod na gawain. Makakatulong ito upang malaman mo kung paano
nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahayag ng sariling karanasan, saloobin,
opinyon at damdamin ng isang tao.

GAWAIN 4. Paglinang ng Talasalitaan


Isulat ang kahulugan ng mga pariralang nasa loob ng bilohaba. Pagkatapos,
ibigay ang kahulugan at hinuha sa maaaring mangyari kaugnay rito. Gawin sa
sagutang papel.

Kahulugan Kahulugan Kahulugan

Natatakot Hindi
Ginagamit
sabihin namimili ng
ang bibig
tao

Hinuha Hinuha Hinuha

GAWAIN 5. Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?
2. Paano ipinahayag ng may akda ang kaniyang saloobin at damdamin?
3. Sino ang nanghikayat sa may akda na makapagpahayag ng kaniyang
saloobin?
4. Nakatulong ba sa may akda ang payo na natanggap niya? Ipaliwanag

240
5. Ano kaya ang maaaring mangyari kung sakaling hindi sinunod ng may akda
ang ipinayo sa kaniya?
6. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na, “binigyan tayo ng Diyos ng bibig para
makapagsalita at utak para makapag-isip”?

GAWAIN 6. Pagpapayaman sa Nilalaman


1. Isulat ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan na inilahad sa
binasang sanaysay. Gawin sa sagutang papel.
Halimbawa:

Pangunahing Kaisipan Ang lahat ng bagay ay magagawan ng


paraan.

 magsilbing tulay sa pagpapahayag


nang tuwiran sa kausap
Pantulong na Kaisipan  maaaring masulat ang ibig ipahayag
 malayang naipahahayag ang opinyon,
pananaw at mungkahing panlipunan
maging ang tungkol sa sarili

Pangunahing Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

Pangunahing Kaisipan

Pantulong na Kaisipan

2. Anong bahagi ng binasang sanaysay ipinahayag ang Pangunahing Kaisipan at


mga pantulong na kaisipan?

Pangunahing Kaisipan Pantulong na Kaisipan

3. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng pangunahin at pantulong na kaisipan. Gawin sa


sagutang papel.

4. Paano nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahayag ng sariling karanasan,


saloobin, opinyon at damdamin ng may akda? Sagutin na gagayahin ang pormat
sa sagutang papel.

241
5. Isulat ang buod ng binasang sanaysay na ilalahad ang pangunahin at pantulong
na mga kaisipan. Isulat sa kuwaderno.
Tinitiyak ko na higit mo nang nauunawaan ang aralin tungkol sa sanaysay. Ngayon
naman babasahin mo ang isang kaugnay na teksto na makapagpapalawak sa iyong
kaalaman sa gramatika na aalamin mo kung bakit mahalaga ang paggamit ng mga
pahayag sa paghihinuha sa paglalahad ng sariling karanasan, saloobin, opinyon at
damdamin ng tao?.
GAWAIN 7. Pagsasanib ng Gramatika
Basahin mo naman ang isa pang sanaysay na may kaugnayan sa paggamit
ng internet tulad din ng unang sanaysay na iyong binasa. Mas lalo pang
madaragdagan ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng nilalaman ng sanaysay na
ito. Kasabay nito aalamin mo rin kung bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag
sa paghihinuha ng pangyayari.

Kabataan at Internet
ni Christopher G. Francisco

Sadyang mapalad ang kabataan


ngayon. Marahil, dahil marami silang
pinagkukunan ng mga impormasyon at datos.
Ang mundo ng internet ay totoong humihikayat
para sa pagkuha ng iba’t ibang impormasyon.
Ngayon, kahit ikaw ay nasa sariling silid mo
lamang ay makukuha mo na ang kaalamang
nais mong malaman. Magagawa mong
makisalamuha sa maraming tao sa buong
mundo sa pamamagitan ng computer at
internet .
Marahil, ito ang dahilan kung bakit ang kabataan ay bihira nang
gumamit ng silid-aklatan para magsaliksik. Sa aking palagay, hindi
nakapagtataka na maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa paggamit
ng internet dahil sa lawak ng sakop nito.
Ngunit, maraming maaaring maging panganib ang maling paggamit ng
internet na inaakala ng kabataan na lahat ay maaari nilang gawin sa
pamamagitan nito. Tila hindi nila iniisip ang kahihinatnan kung magkamali sila
ng desisyon sa paggamit nito. Maaaring sa una, maganda ang naibibigay nito,

242
subalit ang inaakala nilang libangan ay maaaring maging bunga ng kanilang
kapahamakan.
Sa tingin ko, kailangan lamang nilang maging responsable sa pag-post
ng kanilang nais ipagbigay-alam sa mundo. Mahalagang isipin muna ang mga
pananaw at saloobin bago mag-post ng mga larawan sa anumang social
media site sa internet, sapagkat anuman ang ipinahahayag ay sumasalamin
ng pagkatao.
Ingatan ang iyong sarili bagamat palakaibigan ka kaya nais mong
maraming makilala. Iwasang magbigay ng impormasyon sa taong hindi mo
kilala.
Maging responsable sa pagbubukas ng sites sa internet. Bilang
kabataan ay mahilig kang magsaliksik sa mga bagay-bagay . Bago ka
magbukas ng site isipin mo muna kung ano ang positibong maibibigay nito sa
iyo. Ano ba ang makukuha mong mga impormasyon dito? Makatutulong ba
ito sa iyo?
Maglaan lamang nang sapat na oras sa paggamit ng internet. Baka
hindi na namamalayan ang pagtakbo ng oras kung kaya sa sobrang
paglilibang sa paggamit ng internet ay nakalilimutan na pati oras ng pagkain.
Kung minsan naman ay hindi na natutulog sa wastong oras, lalong-lalo na
kapag naglalaro ng on-line games na halos ayaw na nilang bumitiw sa
paglalaro nito.
Maaaring ang akala mong simpleng bagay ay maging dahilan ng iyong
pagkasira. Kaibigan, mag-isip-isip ka…

Sagutin ang mga tanong.


1. Bakit maraming kabataan ang nalululong sa sobrang paggamit ng Internet?
2. Ano-ano ang mabuti at masamang dulot ng Internet sa kabataan?
Kopyahin ang pormat sa sagutang papel.

Internet

Magandang Dulot Di-magandang Dulot

243
3. Paano nakaaapekto sa buhay at pag-aaral ng kabataan ang paglalaan ng
sobra-sobrang oras at panahon sa pag-internet?

4. Ano-anong hakbang ang dapat gawin upang makaiwas sa labis na paggamit


ng internet?

5. Ano ang layunin ng may akda sa pagsulat ng sanaysay na binasa?


6. Anong uri ng teksto ang binasa?
7. Paano inilahad ng may akda ang kaniyang pananaw, saloobin, at damdamin
sa paksang tinalakay?
8. Ano-anong salita ang ginamit sa paglalahad ng mga pahayag na may
paghihinuha?
9. Nakatulong ba ang mga ito upang maunawaan ang inilahad na mga
impormasyon? Patunayan.

Alam mo ba na…
ang akdang iyong binasa ay paglalahad o pagpapaliwanag. May layunin
din itong makabuo ng mahalagang ugnayang lohikal tulad ng sanhi at
bunga ng mga pangyayari.
Kapag nagpapaliwanag o nagbibigay ng kahulugan sa tulong ng
mga pahiwatig at ng sariling kaalaman, lumilinang ito ng paghihinuha o
pagpapalagay.
Sa paggamit ng paghihinuha sa mga pahayag, epektibong
maipahahayag ito kung gagamitin ang mga panandang: ang tingin ko, di
kaipala, yata, di malayo, siguro, marahil, baka, wari, tila, sa aking palagay,
sa tingin ko, maaari,at iba pa.
Halimbawa:
1. Sa tingin ko, maraming kabataan ang mas maraming inilalaang
oras sa paggamit ng internet kaysa pag-aaral.
2. Marahil, nalilibang sila sa paglalaro ng computer games kaya
hindi na nila namamalayan ang oras.
3. Maaaring magbunga nang hindi maganda sa kalusugan ang
sobrang paglalaro ng mga on-line games.

244
PAGSASANAY 1. Salungguhitan ang pahayag na ginamit sa paghihinuha sa bawat
pangungusap.

1. Maaaring guminhawa ang buhay ng tao kung siya ay magsusumikap.


2. Ang paglalaan ng maraming oras sa paggamit ng internet sa palagay ko ang
maaaring isang dahilan bakit napapabayaan ng mga mag-aaral ang kanilang
pag-aaral.
3. Ang kabataan ay nawawalan ng hilig sa paglalaro na pampalakasan.
4. Di malayong maabuso ang mga taong mahihirap at di nakapag-aral.
5. Sa palagay ko, darami na ang kaniyang kaibigan dahil sa pagsasama-sama
sa iba’t ibang gawain sa klase.

PAGSASANAY 2. Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na pahayag na


naghihinuha ng mga pangyayari sa epekto ng kasalukuyang pagbabago ng panahon
(climate change).

1. Di malayo ___________________________________________
2. Ang tingin ko _________________________________________
3. Di kaipala ____________________________________________
4. Siguro ______________________________________________
5. Marahil _____________________________________________

PAGSASANAY 3. Sumulat ng talata gamit ang paghihinuha sa maaaring mangyari


kung puro kompyuter na ang gamit sa pag-aaral. Isaalang-alang ang pagbibigay-
pansin ng maayos na paglalahad ng pangunahing kaisipan at mga pantulong na
kaisipan.

Masasabing may natutuhan ka na kung nauunawaan at nasasagot ang Mga Pokus


na Tanong. Alam kong handa ka dahil sa mga kaalamang iyong natutuhan.

GAWAIN 8. Pag-uugnay sa Retorika


Balikan ang binasang sanaysay sa bahaging Linangin, sumulat ng talata na
naghihinuha kung bakit kasama sa pamagat ang Mendiola? Isulat sa papel.

245
Pagnilayan at Unawain

Sagutin ang mga tanong. Gawin sa sagutang papel.

1. Paano nakatutulong ang 2. Bakit mahalaga ang


sanaysay sa pagpapahayag ng
paggamit ng mga
sariling karanasan, saloobin,
opinyon, at damdamin ng tao? pahayag na naghihinuha?

Natutuhan mo kung paano nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahayag at


ang kahalagahan ng paggamit ng mga pahayag sa paghihinuha sa tekstong
paglalahad. Upang matiyak ang iyong natutuhan ililipat natin ito sa pamamagitan ng
paggawa ng dokumentaryo.

Ilipat

Subukin mo nang ilipat ang iyong natutuhan.


Alam mo ba na...

marami sa atin ngayon ay nahihilig manood ng dokumentaryo o tinatawag ding


Sine Totoo, sapagkat matapat nitong inilalahad ang mga pangyayari sa ating
lipunan? Ang mga artista ay mga karaniwang tao lamang na maaaring makita
sa lansangan. Ito ay pumupukaw ng interes ng mga manonood dahil ito ay
nagbibigay ng impormasyon sa mga isyu ng lipunan na kailangang bigyan ng
solusyon. Naririto ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng isang
dokumentaryo.

1. Kinakailangang magkaroon ng ideya sa gagawing dokumentaryo.


2. Magsaliksik kaugnay ng paksang gagawan ng dokumentaryo.

246
3. Gumawa ng pagpaplano upang maging maayos at sistematiko ang
gagawin.
4. Gumawa ng talaan ng mga kukunang eksena.
5. Magsimula nang gumawa ng dokumentaryo.
6. Kapag natapos, maaari nang mag-edit upang mas lalo pang gumanda
at maging maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga impormasyon.

Bilang isang reporter kasama ang iyong field reporter, scriptwriter,


researcher, at cameraman gagawa kayo ng isang dokumentaryo tungkol sa
Ang Mundo sa Hinaharap. Naririto ang mungkahing pamantayan sa
pagsasagawa ng dokumentaryo.
A. Iskrip
Naglalaman ng napapanahong isyu ………………. 5 puntos
Nagmumungkahi ng solusyon ……………………… 5 puntos
Maayos ang daloy ng iskrip ………………………… 5 puntos
B. Pagtatanghal
Tinig …………………………………………………… 5 puntos
Teknikal na Aspeto ………………………………….. 5 puntos
Dating sa manonood ……………………………...... 5 puntos
KABUUAN 30 puntos

Alam kong nasiyahan ka sa araling ito sapagkat marami kang natutuhan kung
paano nakatutulong ang sanaysay sa pagpapahayag ng sariling karanasan, saloobin,
opinyon at damdamin ng tao at bakit mahalaga ang paggamit ng mga pahayag sa
paghihinuha, sa paglalahad ng pangyayari. Ito ang iyong babaunin sa muling pag-
aaral ng susunod na aralin. Sana’y panatilihin mo ang iyong marubdob na hangarin
na matuto sa kapana-panabik na akdang pampanitikan, ang maikling kuwento.

247
ARALIN 3.5

A. Panitikan: Sandaang Damit


ni Fanny Garcia
(Maikling Kuwento mula sa Bulacan)
B. Gramatika: Mga Panandang Anaporik at Kataporik
ng Pangngalan

I. Panimula

Ang Aralin 3.5 ay naglalaman ng maikling kuwento mula sa Bulacan na


pinamagatang Sandaang Damit. Bahagi ng araling ito ang pagtalakay sa Wastong
Gamit ng mga Panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makasulat ng photo essay.
Gawing batayan ang mga sumusunod na pamantayan: a) orihinalidad, b)
organisasyon, c) mekaniks, at d) mensahe.
Alamin natin kung nakatutulong ba ang maikling kuwento sa paghubog ng
gawi, kilos at pag-uugali ng isang tao at kung paano ang wastong gamit ng mga
panandang anaporik at kataporik ng pangngalan.

II. Yugto ng Pagkatuto

Tuklasin

Sa susunod na gawain, aalamin ang mga dati mo nang alam kung paano
nakatutulong ang maikling kuwento sa paghubog ng gawi, kilos at pag-uugali ng isang
tao sa anumang lugar tulad sa maraming lalawigang bumubuo sa Luzon. Subukin
mong sagutin ang mga gawaing inihanda para sa iyo.

GAWAIN 1. Subukin Mo
Basahin ang kuwentong “Sina Julius at Bogart” at sagutin ang kasunod na
mga tanong.

248
Sina Julius at Bogart
ni Kent Mike SA. San Juan

Sa isang munting nayon ay may matalik na


magkaibigan. Sila ay sina Julius at Bogart. Nag-aaral
sila sa iisang paaralan. Masipag mag-aral si Julius,
habang ang kaibigan niyang si Bogart ay mahilig
maglaro ng online games.
Magkakaroon sila ng pagsusulit kinabukasan.
Nais ni Julius na umuwi na upang makapaghanda siya
sa pagsusulit. Ngunit tinawag siya ng isang pamilyar
na tinig mula sa gate ng paaralan.
“Halika Julius, maglaro tayo ng League of Legends diyan sa malapit
na computer shop,” wika ni Bogart sa masayang tinig.
“Hindi ba may pagsusulit bukas? Dapat tayong maghanda upang may
maisagot tayo,” sagot naman ni Julius.
“Palagi ka na lang aral nang aral, Julius,” wika ni Bogart na halatang
iritable, “hindi mo na ako sinasamahan sa paglalaro tuwing matatapos ang
klase, naiinis na ako sa iyo.” At naglakad papalayo si Bogart patungo sa
computer shop.
Nais ni Julius na sumunod upang samahan na ang kaibigan at mawala
ang pagkainis nito sa kaniya, subalit naisip niyang hindi tama ang kaniyang
gagawin dahil sa pagsusulit bukas.
Kinabukasan, pareho silang pumasok at kumuha ng pagsusulit.
Madaling nasagutan ni Julius ang mga tanong sa pagsusulit. Kunot-noo
namang nag-iisip si Bogart ng isasagot at tila hindi sigurado sa mga naisulat
niya. Naisip ni Julius na tama ang naging desisyon niya.
Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.
1. Ano ang dapat paghandaan nina Julius at Bogart kinabukasan?
2. Batay sa pagkakaroon ng pagsusulit kinabukasan, ano ang naging pasiya ni
Julius? ni Bogart?
3. Ano ang kinahinatnan ng naging pasiya ni Julius? ni Bogart?
4. Paano nakaapekto sa iyo ang nilalaman ng binasang kuwento? Ipaliwanag.
5. Sumulat ng isang talata sa iyong sagutang papel kung sino sa dalawang
tauhan ang nais mong tularan at ipaliwanag ito. Gamitin ang mga panandang
anaporik at kataporik ng pangngalan tulad ng siya, sila kanila, nila at iba pa.

249
GAWAIN 2. Sabihin ang Alam Mo!
Magbigay ng hinuha tungkol sa Mga Pokus na Tanong para sa aralin. Gamitin
ang kasunod na graphic organizer. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Gayahin ang
kasunod na pormat sa sagutang papel.

Paano nakatutulong ang maikling


kuwento sa paghubog ng gawi,
kilos at pag-uugali ng isang tao?

Paano nakatutulong ang wastong


gamit ng mga panandang
anaporik at kataporik ng
pangngalan sa maayos na
pagkakabuo ng pangungusap?

Marahil ay nakatulong sa iyo kung ano ang dapat na isipin at ikilos batay sa
mga katangian ng bawat tauhan sa kuwentong binasa. Isang uri ng kuwento ng tauhan
ang iyo namang babasahin. Subalit bago iyan, basahin ang ilang impormasyon
tungkol sa akda.

Alam mo ba na…
ang Sandaang Damit ay kuwento ng tauhan. Ang kuwento ng tauhan ay uri
ng kuwento na nakatuon sa pag-unawa sa kaugalian, kilos at gawi ng mga
tauhan sa akda. Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng
mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa
kanila ng mambabasa.

Linangin

Upang mapatunayan mo kung nakatutulong ang maikling kuwento ng tauhan


sa paghubog ng gawi, kilos, at pag-uugali ng isang tao, basahin at unawain mo ang
kasunod na kuwento.

250
Sandaang Damit
ni Fanny Garcia

May batang babaeng mahirap. Nag-aaral


siya. Sa paaralan ay kapansin-pansin ang
kaniyang pagiging walang imik. Madalas ay nag-
iisa siya. Lagi siyang nasa sulok. Kapag nakaupo
na’y tila ipinagkit. Lagi siyang nakayuko, mailap
ang mga mata, sasagot lamang kapag tinatawag
ng guro, halos paanas pa kung magsalita.
Naging mahiyain siya sapagkat maaga niyang nalaman na kaiba ang
kaniyang kalagayan kung ihahambing sa mga kaklase. Ipinakita at ipinabatid
nila iyon sa kaniya. Mayayaman sila. Magaganda at iba-iba ang kanilang damit
na pamasok sa paaralan. Madalas ay tinutukso siya dahil sa kaniyang damit.
Ang kaniyang damit, kahit malinis ay halatang luma na, palibhasa ay kupas na
at punong-puno pa ng sulsi.
Kapag oras ng kainan at labasan ng kani-kanilang pagkain, halos ay
ayaw niyang ipakita ang kaniyang baon. Itinatago niya sa kaniyang kandungan
ang pagkain, pipiraso nang kaunti, tuloy subo sa bibig, mabilis upang hindi
malaman ng mga kaklase kung ano ang dalang pagkain. Sa sulok ng kaniyang
mata’y masusulyapan niya ang mga pagkaing dala ng kaniyang mga kaklase
gaya ng mansanas, sandwiches, mga imported at mamahaling tsokolate.
Ang panunukso ng mga kaklase ay hindi nagtatapos sa kaniyang mga
damit. Tatangkain nilang silipin kung ano ang kaniyang pagkain at sila’y
magtatawanan kapag nakita nila na ang kaniyang baon ay isa lamang pirasong
tinapay na karaniwa’y walang palaman.
Kaya lumalayo siya sa kanila. Siya ay naging walang kibo at mapag-
isa.
Ang nangyayaring ito ay batid ng kaniyang ina. Pag-uwi sa bahay,
madalas siyang umiiyak dahil sa panunukso ng mga kaklase at siya’y
nagsusumbong sa ina. Mapapakagat-labi ang kaniyang ina, matagal
itong hindi makakikibo, at sabay haplos nito sa kaniyang buhok at may
pagmamahal na sasabihin sa kaniya, “Bayaan mo sila, anak, huwag mo silang
pansinin. Hayaan mo, kapag nagkaroon ng trabaho ang iyong ama,
makapagbabaon ka na rin ng masasarap na pagkain. Maibibili rin kita ng
maraming damit.”
At lumipas pa ang maraming araw. Ngunit ang ama ay hindi pa rin
nakakuha ng trabaho kaya ganoon pa rin ang kanilang buhay. Ang bata naman
ay unti-unting nakauunawa sa kanilang kalagayan. Natutuhan niyang
makibahagi sa malaking suliranin ng kanilang pamilya. Natutuhan

251
niyang sarilinin ang pagdaramdam sa panunukso ng mga kaklase. Hindi na
siya nagsusumbong sa kaniyang ina.
Sa kaniyang pagiging tahimik ay ipinalagay ng kaniyang mga kaklase
na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-aasar.
Lumang damit. Di-masarap na pagkain. Mahirap. Pilit na ipinasok nila sa
kaniyang isip.
Hanggang nang isang araw ay natuto siyang lumaban.
Sa buong pagtataka nila’y bigla na lamang natutong sumagot ang
mahirap na batang babae na laging luma, kupas at puno ng sulsi ang damit.
Ang batang babae na ang laging baon ay tinapay na walang palaman. Isa na
naman iyong pagkakataong walang magawa ang kaniyang mga kaklase kung
hindi ang tuksuhin siya.
“Alam ninyo,” sabi niya sa malakas at nagmamalaking tinig,”ako’y may
sandaang damit sa bahay.”
Nagkatinginan ang kaniyang mga kaklase. Hindi sila makapaniwala.
“Kung totoo iyan ay bakit lagi na lang luma ang isinusuot mo?”
Mabilis ang sagot niya, “Dahil iniingatan ko ang aking sandaang damit,
ayokong maluma agad.”
“Sinungaling ka! Ipakita mo muna sa amin para kami maniwala!” iisang
sabi nila sa batang mahirap.
“Hindi ko madadala rito. Baka makagalitan ako ni Nanay. Kung gusto
ninyo, sasabihin ko na lang kung ano ang tabas, kung ano ang tela, kung ano
ang kulay, kung may ribbon o may bulaklak.”
At nagsimula na nga siya sa kaniyang pagkukuwento. Paano ay
inilalarawan niya hanggang kaliit-liitang detalye ang bawat isa sa kaniyang
sandaang damit. Tulad halimbawa ng damit na pamparti. Makintab na rosas
ang tela na maraming mumunting bulaklak, bolga ang manggas, may tig-isang
ribbon sa magkabilang balikat. Hanggang sakong ang haba ng damit. O kaya
ay ang kaniyang dilaw na pantulog na may burda. O ang kaniyang puting
pansimba na may malapad na sinturon at malaking bulsa.
Mula noon ay naging kaibigan na niya ang mga kaklase. Ngayon, siya
na ang laging nagsasalita at sila ang nakikinig. Lahat sila ay natutuwa sa
kaniyang kuwento tungkol sa sandaang damit. Nawala ang kaniyang pagiging
mahiyain. Naging masayahin siya bagaman patuloy pa rin ang kaniyang
pamamayat kahit na ngayo’y nabibigyan nila siya ng kapiraso ng kanilang
baong mansanas o sandwich.
Isang araw, hindi pumasok sa klase ang mahirap na batang babaeng
may sandaang damit. Saka nang sumunod na araw at nang sumunod pang

252
araw. Pagkaraan ng isang linggong hindi pagpasok ay nag-alala ang kaniyang
mga kaklase at guro.
Nagpasya silang dalawin ang batang matagal nang absent sa klase.
Ang natagpuan nilang bahay ay sira-sira at nakagiray na sa kalumaan.
Lumabas ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap.
Sila ay pinatuloy at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat
na salat sa marangyang kasangkapan. Sa isang sulok ay isang
lumang papag at doon nakaratay ang batang babaeng may sakit pala. Ngunit
sa mga dumalaw ay di agad ang maysakit ang napagtuunan ng pansin kundi
ang mga papel na maayos na nakadikit sa dingding sa may tabi ng papag.
Lumapit sila sa sulok at nakita nilang ang mga papel na nakadikit sa dingding
ay yaong mga drowing ng bawat isa sa sandaang papel. Magaganda,
makukulay. Naroong lahat ang kaniyang naikuwento. Totoo at naroroon ang
sinasabi niyang rosas na damit na pamparti. Naroroon din ang drowing ng
kaniyang damit pantulog, ang kaniyang pansimba, ang mga sinasabi niyang
pamasok sa paaralan na kailanma’y hindi nasilayan ng mga kaklase dahil ayon
sa kanya’y nakatago at iniingatan sa bahay.
Sandaang damit na pawang iginuhit lamang.
*****
Marahil ay may mga katangian ang batang babae sa kuwento na maaari mong
tularan. Upang patuloy na mapalawak ang iyong pag-unawa sa akda, subukin mong
gawin ang mga susunod na gawain.

Alam mo ba na…
ang mga salita ay may likas na kahulugan subalit ito ay nagkakaroon din ng
maraming kahulugan sapagkat ginagamit sa pangungusap at naiuugnay sa
iba pang salitang ginamit sa nasabing pangungusap. Madaling makuha ang
kahulugan ng isang salita batay sa konteksto ng pagkakagamit nito sa
pangungusap.
Ang diwa ng pangungusap ang mahalaga sa paraang ito ng
pagpapakahulugan. Karaniwang nakaayon sa diwa o konteksto ng
pangungusap ang gamit ng mga salita.
Halimbawa: Adhikain niyang makatapos ng pag-aaral.
Pagsusuri: Adhikain ang bibigyang kahulugan na ang ibig sabihin ay
maaaring layunin, gusto, o pangarap. Ipinahahayag sa pangungusap na gusto
niyang makatapos ng pag-aaral.

GAWAIN 3. Paglinang ng Talasalitaan


Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit batay sa konteksto ng
pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

253
1. Lagi siyang nakadikit sa sulok. Nakaupo na’y tila ipinagkit.
2. Lagi siyang nakayuko, mailap ang mga mata, sasagot lamang ng halos
pabulong kapag tinatawag ng guro, halos paanas pa kung magsalita.
3. Saglit niyang tiningnan ang mga kamag-aaral niya. Sa sulok ng kaniyang
mata’y masusulyapan niya ang mga pagkaing dala ng kaniyang mga kaklase
gaya ng mansanas, sandwiches, mga imported at mamahaling tsokolate .
4. Lumabas ang isang babaeng payat, iyon ang ina ng batang mahirap. Sila ay
pinatuloy at nakita nila ang maliit na kabuuan ng kabahayan na salat na salat
sa marangyang kasangkapan.
5. Matindi ang pang-aapi sa kaniya ngunit tahimik lang siya.Sa kaniyang pagiging
tahimik ay ipinalagay ng kaniyang mga kaklase na siya ay kanilang talu-
talunan kaya lalong sumidhi ang kanilang pang-aasar.

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Nilalaman


Sagutin ang tanong sa bawat bilang. Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.

1. Ilarawan ang pangunahing tauhan sa binasang maikling kuwento. Gamitin ang


kasunod na figure stick. Nagbigay na ng isang sagot at ipagpatuloy na lamang
ito. Gawin sa sagutang-papel.

matiisin

matiisin

2. Ilarawan ang damdamin ng batang babae kapag ikinukuwento niya sa mga


kamag-aral na siya ay may isandaang damit. Gayahin ang kahon na
pagsusulatan ng sagot.
Naging damdamin ng batang babae
_______________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
_____________.
3. Ipaliwanag kung ano ang nakatulong sa batang babae na tigilan na siya ng
panunukso ng mga kamag-aral.
4. Paano nagwakasNaging
angdamdamin ng batang babae ____________
maikling kuwento?
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________.
254
GAWAIN 5. Pagpapayaman sa Nilalaman
5.1 Gamit ang kasunod na pormang computer, isulat kung ano ang naibigan mong
katangian ng batang babae sa kuwento gamit ang Facebook Messenger.
Simulan ito sa pamamagitan ng halimbawa. Gayahin ang pormat sa sagutang
papel.
Pangalan:_________________ Taon at Pangkat:_________

MESSENGER*ACTIVE NOW

Natuto ka ba sa Oo naman, nagbasa


leksiyon natin kanina? ‘ata ako!

Sige nga. Patunayan mo. Ang magagandang


Natuto ka ba sa Oo naman, nagbasa
Anong magagandang katangian ng batang
leksiyon natin kanina? ‘ata ako!
katangian ang ipinakita ng babae sa kuwento
batang babae sa ay...
kuwento?

Alin sa magaganda Ang magagandang


Nagustuhan ko ang
niyang katangiang katangian ng batang
kaniyang pagiging
nabanggit mo ang iyong babae sa kuwento
________dahil...
nagustuhan at nais mong ay...
tularan?
Nagustuhan ko ang
Gamitin ang print screen function ng inyong computer
kaniyang at i-paste ito sa word
document. Matapos
Alin sa itong i-print ay ipasa sa iyong
magaganda guro. Kung wala kang
pagiging________dahil
kagamitan
niyanggaya ng computer o cellphone, isulat
katangiang ... na lamang ang Gawain 1 na
nasa 5.1 sa sagutang papel.
nabanggit mo ang iyong
5.2 Naranasan mo na at
nagustuhan banais
ang mong
ma-bully? Ihambing ang karanasan mo sa karanasan
ng bata sa kuwento gamit ang compare and contrast chart. Gayahin ang pormat
tularan?
sa sagutang papel.

Batang babae Ikaw

Pagkakaiba Pagkakatulad Pagkakaiba

255
5.3 Balikan ang ilang pangyayari sa akdang binasa. Isiping hindi mo pa natapos
basahin ang akda. Bumuo ng maaaring kahihinatnan ng mga pangyayari.
Gayahin ang kasunod na pormat sa sagutang papel.

Pangyayari sa Akda Paghihinuha sa Pangyayari


 Isang batang babaeng mahirap.
Madalas mag-isa.
 Madalas na tinutukso ang batang
babaeng mahirap.
 Walang trabaho ang ama ng batang
babae.
 Matagal na hindi pagpasok sa klase
ng bata.

5.4 Pagkatapos mong mabasa ang kuwento, may nabago ba sa iyong pag-uugali?
Patunayan.
Napatunayan mo na sa bahaging ito na maaaring makatulong ang binasang
kuwento ng tauhan sa paghubog ng kilos, gawi at pag-uugali ng isang tao. Panahon
na upang pag-aralan mo naman ang Gramatika at Retorika tungkol sa paggamit ng
mga panandang anaporik at kataporik.

Alam mo ba na...
ang talumpati ay buod ng kaisipan o opinyon ng tao na ipinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatuwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon
at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri itong komunikasyong pampubliko
na nagpapaliwanag sa isang mahalagang paksa na binibigkas sa harap ng
mga tagapakinig.
Nagmula sa pormal na sanaysay ang talumpati. Ang talumpati ay
bunga ng masining na pagbigkas.

GAWAIN 6. Pagsasanib ng Gramatika


Anumang akdang pampanitikan ay nakapaghahatid ng aral na magiging gabay sa
paghubog ng kagandahang-asal ng isang tao. Basahin ang kasunod na talumpati.
Suriin kung paano ito ginamit sa bawat pangungusap.
Alam mo ba na...
Ako Si Magiting
ang talumpati aybuod ng kaisipan o opinyon ng tao na ipinababatid sa
Talumpati ni Consolacion P. Conde
pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng mga tagapakinig? Layunin nitong
(Mula sa Lungsod ng Quezon)
humikayat, tumugon, mangatuwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon
at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko
Nangingiti kayo,
na nagpapaliwanag sapagkat
sa isang naririto ako
mahalagang sa inyong
paksa harapan.
na binibigkas saNagbubuka
harap ng
ako
mgang bibig at pilit kong pinalalaki ang aking maliit na tinig!
tagapakinig.

Nagmula sa pormal na sanaysay ang talumpati. Ang talumpati ay


bunga ng masining na pagbigkas. 256
Tunay, ako’y musmos pa lamang kung inyong pagmamasdan. Subalit
ang aking puso ay singhugis at sinlaki na rin ng inyong dibdib. Pahat man ang
aking diwa ay nakauulinig ang aking pandinig at nakakikita ang aking mga
mata. Nadarama ko ang agay-ay ng hangin, ang init ng araw, ang pintig ng
buhay. Nalalasahan ko ang linamnam ng ligaya at tamis ng tuwa.
Nananamnam ko ang pait ng apdo at saklap ng dalamhati. Nahuhulo ko na rin
ang ganda ng kabutihan at ang kapangitan ng kasamaan.
Kahapon ay nasaksihan ko kung papaanong inaakay ng isang batang
lalaki ang isang matandang ina. Sa kalaparan ng mataong lansangan ay
tumawid sila, at ang matanda ay nailayo sa panganib at kamatayan. Aniko sa
sarili, gayundin ang dapat kong gawin!
Ngunit kanina, sa tindahan ng Intsik sa panulukan ay nanghilakbot ako
sa aking nakita. Mga binatilyong kagaya ko, datapwa't may hawak na bote ng
alak at sa mga bulang kanilang nilalagok ay unti-unting sila’y nangawala sa
kanilang mga sari-sarili. Maya-maya pa’y nagkaguluhan sa isa’t isa. Ang ilan
ay nangalugmok at nangahandusay. Ang iba’y sugatang nagsipagtakbuhan.
O! Nakasusuklam na panoorin...Naibulong ko na lamang. A, hindi ko dapat
pamarisan sila!
Katutunghay ko pa lamang sa pahayagang ngayon ay aking dala. Isang
panawagan sa kabataan na magpatala upang ihanda ang kanilang sarili sa
pagsasanggalang sa kalayaan ng bayan. Kaya naman, ako...akong nabibilang
sa kabataan ay naririto ngayon at dumudulog sa inyo! Opo, ako...akong si
Magiting ay naririto upang ilaan ang aking sarili sa paglilingkod sa Lupang
Tinubuan!
* ** * *
Hindi ba’t nanghihikayat din ito na kumilos at nakatutulong sa paghubog ng
iyong kamalayan at pag-uugali?

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.


1. Ano ang talumpati?
2. Tungkol saan ang binasa mong talumpati?
3. Anong mensahe ang nais ipahatid ng talumpati?
4. Muli mong balikan ang kuwentong "Sandaang Damit". Mayroon ba itong
pagkakatulad sa nagsasalita sa talumpati? Patunayan.

Bakit may salungguhit ang ilang salita sa binasang talumpati? Aalamin mo ang
sagot para dito. Para magawa mo iyan, basahin ang kasunod na mga impormasyon.

257
Alam mo ba na...
1. Anaporik/Anapora
Ang panghalip ay nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalang binanggit sa unahan.
Mga Halimbawa:
a) Sa pagiging tahimik ng batang babae ay ipinalagay ng kaniyang mga
kaklase na siya ay kanilang talu-talunan kaya lalong sumidhi ang
kanilang pang-aasar.
b) Nalulungkot ang batang babae dahil wala siyang kaibigan.
c) Hindi nahabag ang mga kamag-aaral niya dahil wala silang alam
tungkol sa kaniya.
2. Kataporik/Katapora
Panghalip na ginagamit sa unahan ng teksto o pahayag bilang pananda
sa pinalitang pangngalan sa hulihan ng teksto o pahayag.
Mga Halimbawa:
a) Ipinagpalagay ng kaniyang mga kaklase na siya ay kanilang talu-
talunan kaya lalong sumidhi ang panunukso sa batang babae.
b) Sila ay nasiyahan kapag umiiyak ang kanilang kaklase kaya
ipinagpatuloy ng mga kamag-aaral niya ang panunukso sa kaniya.
c) Ipinakita niya ang kaniyang katapangan nang sinabi ng batang
babae na mayroon siyang isandaang damit.

PAGSASANAY 1. Magtala ng ilan pang pangungusap mula sa binasang kuwento na


nagtataglay ng mga panandang anaporik at kataporik ng pangngalan. Kopyahin ang
pangungusap sa sagutang-papel. Lagyan ng bilang. Salungguhitan ang panghalip na
ginamit at ikahon ang salitang pinalitan. Isulat ang tsek () sa kolum kung anaporik o
Alamito.mo
kataporik ba na...
Gayahin ang pormat.
1. Anaporik/Anapora
Ang Pangungusap
panghalip ay nasa hulihan bilang pananda sa pinalitang
Anaporik Kataporik
pangngalangbinanggit sa unahan.

Mga Halimbawa:
Alam
a. Sa mo ba na…
pagiging tahimik ng batang babae ay ipinalagay ng kaniyang
mgabullying
ang kaklase ay nasiya ay paggamit
asal nang kanilang ng
talu-talunan
lakas labankaya lalong
sa isang tao na maaaring
sumidhi ang kanilang pang-aasar.
inuulit-ulit at hindi ninanais ng taong pinatutungkulan nito. Ito ay naisasagawa
b. iba’t
sa Nalulungkot
ibang anyo ang batang
gaya babae dahil
ng panunukso, wala siyang
pagbabanta, kaibigan.
pananakit, panlalait at
c. Hindi
iba pa. nahabag ang mga kamag-aaral niya dahil wala silang alam
tungkol sa kaniya.
Hango kay: Rigby, Ken. Stop the Bullying: A Handbook for Schools. 2001 Acer
Press Australian Council for Educational Research . Melbourne, Australia
2. Kataporik/Katapora
Panghalip na ginagamit sa unahan ng teksto o pahayag bilang
258sa hulihan ng teksto o pahayag.
pananda sa pinalitang pangngalan

Mga Halimbawa:
PAGSASANAY 2. Isalaysay ang sarili mong karanasan o karanasan ng iba sa pam-
bubully ng dating kamag-aaral sa inyong klase gamit ang mga cohesive devices na
anaporik at kataporik. Gawin ito sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay.

PAGSASANAY 3. Sumulat ng sariling talumpati na nanghihikayat ng pagkilos upang


iangat ang kalagayan sa lipunan ng mahihirap. Gamitin ang mga panandang anaporik
at kataporik ng pangngalan sa gagawing talumpati. Bigkasin ito sa klase.

GAWAIN 7. Pag-uugnay sa Retorika


Balikan ang binasang maikling kuwento. Pumili ng isang tagpo at ibuod ito. I-
encode gamit ang kompyuter. Ipasa sa guro pagkatapos ma-encode. Isaalang-alang
ang gamit ng anaporik at kataporik ng pangngalan.

Pagnilayan at Unawain

Sa tulong ng kasunod na grapikong representasyon, sagutin ang mga


tanong. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot.

Paghihinuha sa Paano ito


kahihinatnan ng Maikling
nakatutulong sa
pangyayari sa kuwento kuwento
pag-unawa sa…

Ngayo’y ilahad mo naman kung paano nakatutulong ang mga panandang


anaporik at kataporik sa pagkukuwento gamit ang linear chart. Kopyahin din ito sa
sagutang papel.

Paano makatutulong
ang mga panandang
anaporik at kataporik
ng pangngalan sa
pagkukuwento?

Binabati kita! Nakatitiyak akong marami kang natutuhan sa araling ito sa


panitikan at gramatika. Pagkakataon mo nang ilipat ito.

259
Ilipat

Sa lahat ng mga konseptong natutuhan mo tungkol sa maikling kuwento at


cohesive devices o mga panandang anaporik at kataporik, tiyak kong kayang-kaya
mo nang sumulat ng photo essay.

Isa ka sa kasapi ng isang art group sa inyong lugar. Naatasan ang inyong
pangkat ng organizer ng isang kumperensiya na sumulat ng photo essay bilang
bahagi ng isasagawang programa sa inyong lugar tungkol sa Anti-Bullying Act.
Layunin ng kumperensiya na makapagsalaysay ng kuwento na kaugnay
ng paksa ng Anti-Bullying sa masining na paraan. Ayon sa mga kalahok, ang
sumusunod ay dapat taglayin ng pagtatanghal:
1. Orihinalidad (20%)
2. Organisasyon (35%)
 May kaangkupan ang nilalaman ng sanaysay sa larawan
 May kawili-wiling panimula, gitna at pangwakas na bahagi
 May kaakibat na malikhaing estilo ng pagsulat
 May kaangkupan sa tema, edad at interes ng target na mambabasa
3. Mekaniks (25%)
 Gumamit ng wastong bantas
 Gumamit ng wasto at angkop na mga salita
 Isinaalang-alang sa pagsulat ang gamit ng wika ng kabataan sa
kasalukuyan
 Gumamit ng matatalinghagang pahayag tulad ng tayutay at
idyomatikong pahayag, pahiwatig, simbolismo at iba pang elemento ng
isang malikhaing akda
4. Mensahe (20%)
 May malinaw at malawak na mensahe na naaayon sa paksa
Kabuuan……………………100 pursiyento

Binabati kita! Matiyaga mong naisagawa ang pagtalakay sa aralin.Tiyak kong


malinaw na sa iyo kung paano nakatutulong ang maikling kuwento sa paghubog ng
gawi, kilos, at pananalita. Ngayon ay malapit mo nang matapos ang Modyul na ito.
Subukin mo nang tahakin ang buhay ng mamamahayag sa ating pangwakas na
gawain, ang pagtatanghal ng komprehensibong pagbabalita.

260
ARALIN 3.6

PANGWAKAS NA GAWAIN
Pagtatanghal ng Komprehensibong Pagbabalita
(Radio Broadcasting)

IV. PAGNILAYAN AT UNAWAIN PARA SA MODYUL 3

Natuklasan mo sa kabuuan ng Modyul ang iba't ibang akdang pampanitikan


na matatagpuan sa Luzon. Ipinakita rin ang mga natatanging kaugalian at katangian
ng mga taga-Luzon.
Sa pagtatapos ng ating aralin, susubukin mo namang pumasok sa mundo ng
pamamahayag. Gamit ang natutuhan mo sa Modyul na ito, lilikha ka ng isang
komprehensibong pagbabalita na magtatampok sa isa sa mga natatanging produkto
ng Luzon. Inaasahan din na maipakikita mo ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan ng mga taga-Luzon.
Ang isasagawa mong radio broadcasting ay mamarkahan ayon sa sumusunod
na pamantayan: a)magtatampok ng isa sa mga natatatanging produkto ng taga-
Luzon, b) nagtataglay ng mga elemento sa pagbabalita, c) ganda at linaw ng tinig, at
d) paraan o estilo.
Ngayon ay muling susubukin kung natutuhan mo na ang mahahalagang
konsepto sa bawat aralin sa modyul na ito. Sagutan ang Gawain 1.

GAWAIN 1. Magbalik-tanaw
Dugtungan ang mga pahayag na nasa loob ng kasunod na graphic organizer.
Gayahin ang pormat sa sagutang papel.

Panitikan ng Luzon

Panitikan ng Luzon
Noong una, Habang Sa huli,
naisip ko... nagbabasa, natutuhan
naiisip ko... kong...

Noong una,
naisip ko...
261
GAWAIN 2. Pag-isipan Mo
Itala mo ang mga pagkakilanlan ng taga Luzon batay sa mga akdang
pampanitikang nabasa at tinalakay. Gawin sa sagutang papel.

GAWAIN 3. Subukin Mo
Sagutin ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Ano ang mahalagang ambag ng panitikan ng Luzon sa panitikan ng Pilipinas?


2. Paano mapananatili ang natatanging kultura ng Luzon sa pamamagitan ng
kanilang mga akdang pampanitikan?
3. Sa anong paraan mo mapananatili ang magagandang katangian at kaugaliang
natutuhan mo mula sa mga akdang pampanitikan ng Luzon na nabasa mo sa
Modyul na ito?
4. Paano nakatutulong ang mga aralin sa Gramatika at Retorika ng Modyul 3 sa
pag-unawa at papahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Luzon?
Patunayan.

V. ILIPAT SA PAGTATAPOS NG MODYUL 3

Ngayong batid mo na ang lahat tungkol sa panitikan ng Luzon, handang-handa


ka na sa pagsasagawa ng pamantayan sa pagganap para sa Modyul 3. Basahin mo
muna ang ilang mga impormasyon sa pagsasagawa nito.
Maraming uri ng komprehensibong pagbabalita o newscast. Maaaring ito ay
pantelebisyon o sa makabagong paraan tulad ng internet streaming. Isa sa mga
paraan ng paghahatid ng komprehensibong pagbabalita ay ang radio broadcasting, o
ang paghahatid ng balita sa pamamagitan ng radyo.

262
Newscasting (Pagbabalita)
Ito ay isang paraang ng paghahatid ng impormasyon o balita sa
pamamagitan ng telebisyon. Ang mga impormasyon ay maaaring tungkol sa mga
pangyayari sa loob at labas ng bansa.
Ito rin ay isang pagsasahimpapawid ng mga pang-araw-araw na
pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga sakuna, sa industriya, sa agham at
iba pang mga paksa sa buong bansa at ibayong dagat. May layuning maghatid
sa madla ng mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng pinakamadaling
paraan ng pakikipagtalastasan. Ito ay ang radyo, telebisyon, at pahayagan.
Ang newscasting ay isang programa sa radyo, telebisyon o internet na
naghahatid ng balita at impormasyon sa mga manonood. Ginagawa ito sa isang
lokal na lugar o di kaya ay sa isang estasyon ng telebisyon o radyo.
Ibinabalita dito ang pinakabagong mga pangyayari na karaniwang
tungkol sa politika, ekonomiya at mga balita sa ibang bansa, at maaaring isama
rin ang iba pang uri ng balita gaya ng palakasan, taya ng panahon, kalagayan
ng trapiko sa mga lansangan, mga komentaryo sa iba’t ibang isyu at iba pang
mga bagay na nasa interes ng manonood.
Isa sa halimbawa ng komprehensibong pagbabalita ang radio
broadcasting. Narito ang ilang impormasyon tungkol sa larangang ito.
Ang radio broadcasting ay ang pagbabalita gamit ang one-way wireless
transmission mula sa mga estasyon ng radyo papunta sa ating mga radio.
Inimbento ito upang ipaabot sa malalayong lugar at sa mas maraming tao ang
mga napapanahong balita at impormasyon.
Ang bumubuo ng Radio Broadcasting staff :
1. Scriptwriter– Siya ang lumilikha ng iskrip na ginagamit sa pagbabalita sa
radyo.
2. News presenter– Tinatawag ding field reporter. Sila ang tagapagbalita at
tagapanayam dahil sila ang madalas na nasa field upang
mangalap ng pinakabagong balita.
3. News anchor– Kilala rin bilang announcer. Siya ang pinakakilala ng mga
tagapakinig ng radyo dahil siya ang nagsisilbing mukha ng
himpilan.
4. Technical director– Siya ang namamahala sa ginagamit na sound effects
sa kabuuan ng programa. Siya ay katuwang ng News Anchor para
malaman kung hihinaan o lalakasan na ang tunog ng sound
effects.

263
5. Infomercial director –Siya naman ang nagbibigay ng makabuluhang mga
patalastas na nagtataglay ng impormasyong makatutulong sa
mamamayan. Kadalasan ay malikhain at kakatwa ang pagsulat
ng iskrip nito, na ginagawa upang mapukaw ang atensiyon ng
mga tagapakinig.
6. Director – Ang nagbibigay ng direksiyon sa takbo ng buong programa.
Binibigyan niya ng senyas ang mga staff mula news anchor
hanggang sa technical director. Ipinaaalam din niya kung ilang
minuto na lamang ang nalalabi sa kanilang programa.

Mga Kailangan sa Newscasting


1. Nagtataglay ito ng mahahalagang impormasyon mula sa pang-araw-
araw na pangyayari.
2. Maaaring gawin ito sa pamamagitan ng pasalita o pasulat.
3. Kawili-wiling pakinggan o basahin.
4. Ang mga nilalaman nito ay maaaring mula sa talumpati, seminar,
pulong, panayam, sakuna, agham, kaguluhan, paligsahan o iba pang
pangyayaring magiging kawili-wili sa mambabasa o nakikinig.
5. Ito ay madaling mauunawaan ng mga mambabasa o nakikinig.
6. Sumasagot ito sa anim na katanungan: ano, saan, sino, bakit, kailan at
paano.
Mga Katangian ng Isang Newscaster
1. Pagkakaroon ng kasanayan sa wikang Ingles at Filipino.
2. Marunong magdala ng isang diskusyon.
3. May nalalaman tungkol sa kaniyang ibinabalita.
4. May tiwala sa kaniyang sarili.
5. Malakas ang loob.
6. Kahali-halina ang tinig.

Kasunod ang halimbawa ng nagawang radio broadcasting script na ginamit ng


pangkat ng Rizal sa kanilang paghahanda para sa Regional Schools Press
Conference 2014-2015. (Ito ay ipinagpaalam at pinahintulutang gamitin para sa
Modyul na ito ng mga kasapi ng kanilang pangkat sa pangunguna ng kanilang
tagapagsanay na si G. Van Russel A. Robles ng Marciana P. Catolos Memorial
National High School).

264
Pananda: “RADYO DE CALIBRE”
NP: News Presenter 5-Minute News Broadcast
VO: Voice-over DXYZ 85.9
Music fade up: Paghina ng musika o tunog
January 21, 2015
Sneak-in: Pagpasok ng musika o tunog
SFX: Sound effects ____Page 1 of 7
THEME MUSIC FADE UP…ESTAB…FADE UP UNDER FOR

ANCHOR: MAGANDANG ARAW PILIPINAS! MABUHAY RIZAL!


: ARAW NG MIYERKULES, IKA-21 NG ENERO, 2015
: MULA SA BULWAGANG PAMBALITAAN NG DXYZ.
: ITO PO NEIRVIN PEREZ PARA SA RADYO DE CALIBRE.

MUSIC FADE UP
: SA ULO NG MGA BAGONG HANGONG BALITA .

MUSIC FADE UP
: MISA NG SANTO PAPA SA TACLOBAN PINAKAAANTIG!
: UMULAN MAN O UMARAW MGA MAMAMAYAN NA
NANATILING NAKATINDIG

“SNEAK-IN SFX AFTER HEADLINE EFFECTS”


: PANGALAWANG SERYE NG DIVERGENT, INAABANGAN NA
: BAGONG CHARACTER NI SHAILENE WOODLEY, ANO NGA
BA?

“SNEAK-IN SFX AFTER HEADLINE EFFECTS”


: INAABANGAN NA SAGUPAAN KASADO NA!
: SAN MIGUEL BEER AT ALASKA MILK PAHIHIYAWIN ANG
MADLA!

“SNEAK-IN SFX AFTER HEADLINE EFFECTS”


: TAXI DRIVER, NAGSOLI NG BAG NA NAGLALAMAN NG
MALAKING HALAGA
: MAY-ARI NG BAG, LUBOS ANG PASASALAMAT!

265
“RADYO DE CALIBRE”
5-Minute News Broadcast
DXYZ 85.9
January 21, 2015
___________________ Page 2 of 7
“SNEAK-IN SFX AFTER HEADLINE EFFECTS

ANCHOR: AT NGAYON PARA SA MGA DETALYE.

“SNEAK-IN SOUND EFFECTS”


: LUBOS NA IKINATUWA NG MILYON-MILYONG DEBOTO ANG
PAGBISITA
: NI POPE FRANCIS SA PILIPINAS. LALONG-LALO NA ANG
KANIYANG
: PAGDALAW SA TACLOBAN CITY NA BAGAMAT BUMUHOS
ANG
: MALAKAS NA ULAN DALA NG BAGYONG AMANG, NAGING
: MATAGUMPAY PA RIN ANG KANIYANG BANAL NA MISA NA
GINANAP
: NOONG SABADO. NANATILING NAKATAYO AT MATAIMTIM NA
: NANANALANGIN SILA. MAKIKITA SA DEBOTO ROON ANG
PAGIGING
: MATATAG AT LABIS NA PANANAMPALATAYA MATAPOS ANG
: TRAHEDYA BUHAT NG BAGYONG YOLANDA. DAGDAG PA
NITO ANG
: MGA PILIPINONG NAGPABASBAS KAY POPE FRANCIS,
: KABILANG NA ANG MGA BATANG MAY KARAMDAMAN AT
MGA TAONG MAY KAPANSANAN.

THEME MUSIC FADE UP

: PANGALAWANG SERYE NG DIVERGENT, INAABANGAN NA!


: BAGONG CHARACTER NI SHAILENE WOODLEY, ANO NGA
BA?
: IYAN ANG TINUTUKAN NI MJ SORIAO.

“SNEAK-IN SOUND EFFECTS”

NP1 : MULING GAGANAP SI GOLDEN GLOBE-NOMINEE SHAILENE


: WOODLEY NA NAKILALA SA ISANG YOUNG ADULT
BLOCKBUSTER NA
: “THE FAULT IN OUR STAR” SA PANGALAWANG SERYE NG
“THE DIVERGENT SERIES OF INSURGENT”.

266
“RADYO DE
CALIBRE”
“RADYO DE CALIBRE”,
5-Minute News Broadcast, DXYZ
85.9
January 21, 2015
___________________________________________________________Page 3 of 7

DADDY : THIS IS PCV13, PNEUMOCOCCAL CONJUGATE VACCINE,


: NAGPOPROTEKTA LABAN SA 13 URI NG PNEUMOCOCCAL
: MULA SA 90 URI NITO. ANG MGA DAPAT MAGPABAKUNA AY
MGA
: SANGGOL AT BATA, AT IBA PANG MAS NAKATATANDANG
: BATA AT NASA WASTONG GULANG. ANAK
: HALA! DAPAT PO PA LANG MAAGAPAN ITONG SUGAT KO..

DADDY : OO DAHIL, BAKA MAGPASALIN-SALIN PA IYAN. ANG


PNEUMOCOCCAL
: PA NAMAN AY SANHI NG IMPEKSYON NG BAKTIRYANG
: STREPTOCOCCUS

VO : HUWAG NANG HAYAANG DUMATING SA PINAKAMALALANG


: SITWASYON. AGAD MAGPABAKUNA NG PCV13 PARA SUGAT
: AY DI MAUWI SA MATINDING IMPEKSYON.

THEME MUSIC FADE UP

ANCHOR : NAGBABALIK ANG DXYZ 85.9 RADYO ALISTO.


: INAABANGAN NA SAGUPAAN KASADO NA
: SAN MIGUEL BEER AT ALASKA MILK PAHIHIYAWIN ANG
MADLA!

: IYAN ANG IBABALITA SA ATIN NGAYON NI MJ SORIAO.

: SINASABING HINDI LAMANG SA DALAWANG KOPONAN ANG


: LABANANG ITO KUNDI GAYUN DIN SA DALAWANG COACH
: NA SI COACH LEO AUSTRIA AT KAY COACH ALEX COMPTON
: NA MALA CHESS MATCH ANG PAGHAHARAP. MAAALALANG
: SINA SONNY THOSS, CYRUS BAGUIO AT JVEE CASIO ANG
: TATLO SA FIRST FIVE NA REGULAR SA ALASKA AT PARA
NAMAN SA SMB KASAMA NILA
: DITO SINA JUNEMAR FAJARDO, ARWIND SANTOS AT CHRIS
LUTZ.
: SA HULING PAGHAHARAP NA ITO, DITO MATUTULDUKAN
: ANG MAKAPIGIL HININGANG LABANAN SA DALAWANG
KOPONAN.
: HAHARAPIN NA NG KARAKTER NI
: SHAILENE ANG PAGHAHANAP
267 SA KANIYANG NAKARAAN
UPANG
: MAPROTEKTAHAN ANG KANIYANG MINAMAHAL GAYUN DIN
ANG
: HAHARAPIN NA NG KARAKTER NI
: SHAILENE ANG PAGHAHANAP SA KANIYANG NAKARAAN
: UPANG MAPROTEKTAHAN ANG KANIYANG MINAMAHAL
: GAYUN DIN ANG PAGRESULBA SA KANIYANG MGA
PROBLEMA PARA HARAPIN ANG
: PROBLEMA SA KANILANG MUNDO. NATATANDAAN NA
KUMATOK SA
: MGA MANONOOD ANG DIVERGENT NA PUMALO SA 300
: MILYONG DOLYAR ANG KINITA SA GLOBAL BOX OFFICE SA
PANGUNGUNA NG
: DIREKTOR NITO NA SI ROBERT SCHWENTKE. INAASAHANG
: SA IKA-19 NG MARSO MAGBUBUKAS SA MGA SINEHAN ANG
PELIKULANG
: “INSURGENT” SA PILIPINAS.

“SNEAK-IN SOUND EFFECTS”

ANCHOR: MAGBABALIK ANG RADYO ALISTO MAKALIPAS ANG


PAALAALANG ITO.

“PCV13”
1-Minute Infomercial
DXYZ 85.9
January 21, 2015
Page 4of 7
THEME MUSIC FADE UP…ESTAB…FADE UP UNDER FOR

DADDY : OH! ILALABAS KO NA.

ANAK : HAH! ANG LAKI AT ANG HABA DADDY, DI PO BA MASAKIT


YAN?

DADDY : ANO KA BA ANAK? DI MASAKIT ITO. OH PUMIKIT KA


ITUTUROK KO NA.

ANAK : HAH! WAIT! PWEDE PO BA IBANG INJECTION NA LANG?


: ANO PO BA YAN?

268
THEME MUSIC FADE UP

: INAABANGAN NA SAGUPAAN KASADO NA!


: SAN MIGUEL BEER AT ALASKA MILK PAHIHIYAWIN ANG
MADLA!

NP1 : ISANG TAPAT NA TAXI DRIVER ANG NAGSOLI NG ISANG BAG


NA
: NAGLALAMAN NG MALAKING HALAGA NA SINASABING
NAIWAN NG
: ISA SA KANIYANG PASAHERO. SINABI NG DRIVER NA
KINILALANG SI
: GENESIS MAGHIRANG, TUBONG PASIG CITY, NA MAAARING
: MAY NAKAIWAN SA ISA SA KANIYANG MGA PASAHERO NG
NASABING
: BAG, NGUNIT HINDI NA NIYA MAALALA KUNG SINO ITO.
: SA HALIP NA IUWI AT ITAGO ANG PERA, UMIRAL ANG
KABUTIHAN
: NG PUSO NI GINOONG GENESIS, AT AGAD ITONG DINALA
: SA TANGGAPAN NG EASTERN POLICE DISTRICT MERALCO
AVE.
: KINABUKASAN AY AGAD NA NAGREPORT SA PULIS ANG
: TUNAY NA MAY-ARI NG BAG AT LAKING GULAT NILANG
NAISOLI PALA ROON NG
: DRIVER NG KANILANG SINAKYANG TAXI ANG BAG NA
NAGLALAMAN
: NANG DI KUKULANGIN SA ISANDAANGLIBONG PISO.
: LUBOS ANG PASASALAMAT NG MAY-ARI NG BAG NA ISA
PALANG
: KAWANI NG PAMAHALAAN, AT ANG PERA AY PAMPASAHOD
: NG MGA KASAMA NIYA SA OPISINA. NAKATAKDA NAMANG
PARANGALAN
: NG PASIG CITY GOVERNMENT SI GINOONG MAGHIRANG.

ANCHOR : AT ‘YAN ANG MGA BALITANG AMING NAKALAP SA MAS


RADYO
: PINALAWAK NA PAGBABATAY, MULI ITO ANG DXYZ 85.9
: RADYO ALISTO. ITO ANG ESTASYON NA NAGSASABING
: “ANG TAMA AY IBATO MO, IPAKALAT SA MUNDO”.

MUSIC FADE OUT

269
Ilipat
Naunawaan mo na ngayon ang kahalagahan ng panitikan sa pagpapanatili ng
kultura at pagkakakilanlan ng Luzon, at natuklasan mo rin ang kahalagahan ng
kaalaman sa gramatika at retorika ng mga aralin sa Modyul na ito nang sa ganoon ay
lalo mo pang maunawaan ang mga akdang pampanitikan dito. Panahon na upang
subukin mong isalin ang mga kasanayan na ito sa isang tiyak na sitwasyon.

Isa kang newscaster ng isang sikat na radio station sa inyong lugar.


Kasama ang iyong crew, naatasan kayong magsagawa ng newscast tungkol sa
mga natatanging produkto sa inyong lugar bilang suporta sa programa ng
Department of Trade and Industry (DTI) na One Town, One Product (OTOP).
Itatampok ninyo sa inyong programa ang mga produkto bilang pagkakakilanlan
ng inyong lugar.
Lilikha kayo ng sarili ninyong iskrip at ito ang isasahimpapawid ninyong
programa sa inyong himpilan.
Upang maging komprehensibo ang inyong isasagawang Radio
Broadcasting na inyong gagawin, mamarkahan ito gamit ang sumusunod na
pamantayan:
a) Magtatampok ng isa sa mga natatanging produkto
ng alinmang lugar sa Luzon - - - - - - - - - - - - - - - - - 12 puntos
b) Nagtataglay ng mga elemento ng pagbabalita
komprehensibong pagbabalita - - - - - - - - - - - - - - 13 puntos
c) Ganda at linaw ng tinig - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 8 puntos
d) Paraan o Estilo - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 10 puntos
e) Kahali-halina ang tinig - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 7 puntos
KABUUAN 50 puntos

Isang pagbati ang ibinibigay ko sa iyo sa matagumpay mong pagtuklas ng


karunungan at pagpapaunlad ng mga kasanayan. Ipinakita sa iyo ang mga kapatagan,
bukirin, baybayin, kanayunan at kalunsuran ng pulo ng Luzon mula sa akdang
pampanitikan.Inilahad din kung paano nakatutulong ang panitikan sa pagpapalaganap
ng kultura gayundin, bakit mahalaga ang wastong gamit ng Gramatika at paano
iuugnay sa Retorika sa pagtatampok ng isa sa mga natatanging produkto ng Luzon.

270
SINTESIS

Mahusay! Nagawa mo ang pangwakas na gawain sa mahusay na paraan.


Inaasahan ko ngayon na magiging madali na sa iyo na pagtagumpayan ang susunod
na gawain. Gagawin mo naman natin Fist of Five. Ipakikita ang bilang ng mga daliri
ayon sa katumbas nitong antas ng pagkaunawa o pagkatuto. Magpakita ng 5 daliri
kung alam na alam na at kaya mo nang ipaliwanag ang paksa; 4 daliri kung nagagawa
nang ipaliwanag mag-isa; 3 daliri naman kung kailangan pa ng tulong sa
pagpapaliwanag; 2 daliri kung kailangan pang magsanay, at 1 daliri kung nagsisimula
pa lamang matuto.
Ano ang palagay mo sa sumusunod?
1. Naipaliliwanag ko kung paano nakatutulong ang panitikan sa pagpapalaganap
ng kultura ng mga taga-Luzon.
2. Natutukoy ko kung paano nakatutulong ang Gramatika at Retorika para sa
malalim na pagsusuri ng mga akdang pampanitikan ng mga taga-Luzon.
3. Nalalaman ko ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa Panitikan at
Gramatika at Retorika sa pagpapalaganap ng naiibang kultura ng mga taga-
Luzon.

Isang pagbati ang ibinibigay ko sa iyo sa matagumpay mong pagtatapos sa


pagdayo sa mga kapatagan, bukirin, baybayin, kanayunan at kalunsuran ng pulo ng
Luzon.Nalaman mo na rin ang kahalagahan ng mga akdang galing dito sa
pagpapanatili ng kulturang kilala ang mga tagarito. Natuklasan mo na rin ang
kahalagahan ng paglinang sa iyong kasanayan sa Gramatika at Retorika upang mas
higit mong maunawaan at mapahalagahan ang kultura at panitikan ng mga taga-
Luzon.

Tuklasin mo naman ngayon ang kamangha-manghang kaharian ng Berbanya


sa tulang pasalaysay, ang Ibong Adarna, na isang obra maestra.

271
GLOSARYO
Panitikan ng Mindanao
Allahu Akbar –si Allah ay dakila
Allaikum Assalam–sumainyo rin ang kapayapaan
Ardilya – maliit na hayop na kung tawagin sa Ingles ay “squirrel”
Assalamo Allaikum – sumainyo ang kapayapaan
Darangan – mga salaysay na patula hinggil sa kabayanihan ng mga nasa
Maguindanao, mga gawaing kahanga-hanga at di sukat mapaniwalang
kabayanihan at kagitingan ng mga mandirigmang Muslim
Datu – tawag sa pinuno ng mga Muslim
Eksistensiyal – Nagpapahayag ng pagka-mayroon o kawalan
Konseho – hukom
Kutang-Bato – dating tawag sa Cotabato”
Rajah – nangangahulugang hari

Panitikan ng Visayas
Biday – balangay o barangay na ginagamit ng mga datu sa paglalakbay
Binukot – dalagang prinsesang anak ng datu na hindi lumalabas ng bahay o
nakatagong lugar
Namasol – salitang Cebuano na ang ibig sabihin ay nakahuli o nakakuha
Pahutan – isang uri ng mangga na matatagpuan dito sa pilipinas
Tabiki – salitang Hiligaynon na ang ibig sabihin ay bubong

Panitikan ng Luzon
Apo – paggalang sa matatanda ng mga Ilokano
Baket – tawag sa matandang babae ng mga Ilokano
Dumamba– pumadyak
Kankanaey – isang tribo ng Ifugao
Lakay– matandang lalaki ng mga Ilokano
Mambunong – katutubong pari ng mga Kankanaey
Taghoy– pag-iyak
Tampipi– lalagyan ng pera
Tapa– pinatuyong karne ng usa
Sibsib– ritwal ng mga Kankanaey para sa pagpapagaling ng sugat

272
SANGGUNIAN
Abueg, Efren R. Ph.D. et. al. Muhon: Sining at Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas.
Malabon City: JIMCZYVILLE Publications , 2012.
Almario, V. et. al. Regional Profiles: People and Places. Adarna House, Inc., 2009.
Arrogante, J. et.al . Panitikang Filipino Antolohiya. National Book Store, 2010.
Baisa, A. et. al. Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc.,
2014
Belvez, Paz M. Pamana Katutubong Panitikan at Sining ng Pagkukuwento at Pagtula.
Manila: Rex Book Store,1983
Dr. Lydia Gonzales-Garcia. Makabagong Gramar ng Filipino. Rex Book Store, 1999.
Enrijo, W. Salamin: Panitikan ng Buhay. Modyul sa Filipino (Baitang 8) Unang
Markahan.
Jocson, M. O. at Tolosa, M. Hiyas ng Lahi 7. Vibal Publishing House, Inc., 2013.
Jocson, M. O. et.al Komunikasyon sa Akademikong Filipino Batayang Aklat sa Filipino
I. Pasig City: Grandwater Publishing, 2014.
Lorenzo, Carmelita S. et.al. Literatura ng Iba’t Ibang Rehiyon sa Pilipinas. pah.140-
141.
Muego, Avelina D.et.al. Ibong Adarna. Quezon City: Vibal Publishing House,Inc.,2001.
Murillo, Lydia R. et.al. Alab ng Lahi Ibong Adarna. Quezon City: Vibal Publishing
House, Inc., 2011.
Nakpil, L. et. al. Gintong Pamana, Wika at Panitikan SD Publications, Inc., 2000.
Obrero, J. et. al. Tudla 1.Quezon City:Sta. Teresa Publications, Inc., 2010.
Philippine from the Regions. Filipinos:Writing
Regional Profiles: People and Places, Adarna House,Trademark of Adarna House Inc.
Copyright@2009,ISBN978-971-508-349-2
Resuma, Vilma M. Ph.D. Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Komunikatibo
Reyes, R. et. al. Sanayang Aklat sa Filipino 1.
Salum, Roselyn T.et.al. Ang Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe (Isang
Pagpapakahulugan) Binagong Edisyon.Lipa City, Batangas:United Eferza
Academic Publications,Co.,2009.
Salum, Roselyn T.et.al. Ang Ibong Adarna at ang Tatlong Principe.Malabon
Santiago, A. et. al. Makabagong Balarilang Filipino.Rex Book Store, 2003.
United Eferza Academic Publications, Co. 2010.

273
Villanueva, Rene O. Tesis sa Masteral. Unibersidad ng Pilipinas.
INTERNET

http://www.clker.com/clipart-transistor-radio.html
http://dictionary.references.com/browse/newscasting
http://kanayon.blogspot.com/2012/02 ang-hukuman-ni-mariang-sinukuan.html
http://kanayon.blogspot.com/2012/02 si-mariang-mapangarapin.html
http://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-darangan-
epikong-maranao_935.html
http://kapitbisig.com/philippines/information/arts-and-literature-mga-kuwentong-
bayan-folktales.190)
http:/learn.org/articles/newscasting_Become_a_Newscaster_in_5_steps.html
https://tl.wikipedia.org/wiki/Kuwentong-bayan
http://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-epics-mga-epiko-darangan-
epikong-maranao_935.html
http://panitikangpnoy.blogspot.com/p/mga-kwentong-bayan-folktales.html
http://www.philippine-islands.ph/en/luzon_islands-philippines.html
https://prezi.com/p_ufnaexbyzv/tauhan-at-karakterisasyon/
http://www.pinoyedition.com
http://www.slideshare.net/KiaSoneja/readers-theater-and-chamber-theater
http://208500232771798456.weebly.com/mga-elemento.html
www.brightonschool.com/wp.../judging forms_prelim_No Crops.pdf
www.youtube.com/watch?tv
https://www.translate.com/english/ang-maranao-tumira-lanao-del-norte-at-lanao-del-
sur-sa-mindanao-ang-pangalan-maranao-isinasalin-sa/34512961
http://www.seasite.niu.edu/trans/tagalog/modules_in_tagalog/mindanao.htm
http://muslim-academy.com/ang-mga-muslim-na-maranao/

MAGASIN

Almario, V. et. al. 101 Filipino Icons, Volume II


Adarna House, Inc. 2009.
Wika at Batas Daan sa Pagkakaunawaan.TOMO 5.Bilang 1 ISSN2094-8751.Hulyo-
Agosto 2015.

274

You might also like