You are on page 1of 1

PAMILYA

RIZAL

Magulang:

FRANCISCO MERCADO (Francisco Engracio Rizal


Mercado y Alejandra II):
Si Francisco Mercado, ama ni Jose Rizal,
ay ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818
sa Biñan, Laguna. Siya ang pinakabata sa labintatlong
anak nina Cirila Alejandro at Juan Mercado.
Nag-aral siya ng Latin at pilosopiya sa
Colegio de San Jose sa Manila at dito niya nakilala
ang kanyang asawa, si Teodora Alonso Realonda
na doon din nag-aral. Binuhay niya ang pamilya
nila sa pamamagitan ng pagtanim ng mga
bugas, tubo, at iba pang mga pananim.
Itinuring nga siyang modelo na tatay ni Jose Rizal. Namatay
si Francisco Mercado noong
Enero 5, 1898.

TEODORA ALONSO (Teodora Morales Alonzo Realonda


de Rizal y Quintos):
Si Teodora Alonso ay ang ina ni Jose Rizal na ipinanganak
noong ika-9 ng Nobyembre 1827 sa Meisik, Tondo, Manila.
Siya ang ikalawang anak nina Lorenzo Alonso at Brijida de
Quintos. Galing sa may-kaya na pamilya, nag-aral siya sa
Colegio de Santa Rosa sa Manila at siya ay naging edukado.
Dalawampung taong gulang siya nang ikasal sa tatay ni Jose
Rizal na si Francisco Mercado at tumira sila sa Calamba,
Laguna. Si Teodora ay naging isang masipag at
dedikadong ina at nagsilbing unang guro ni Jose Rizal. Sa
Calamba, nakibahagi ang kanyang pamilya sa agrikultura.
Bilang nanay ng kalaban ng Espanyol, nakulong siya sa loob
ng dalawa't kalahating taon dahil pinagbintangan siyang
nilason niya ang asawa ng kanyang kapatid at iba pang mga
pagpapahirap. Dahil sa malabong mga mata ni Teodora,
napag-isipan ni Jose Rizal na mag-aral ng medisina.
Namatay si Teodora Aquino noong ika-16 ng Agosoto 1911
sa Calle San Fernando, Binondo, Maynila dahil sa kaniyang
kahinaan.

Mga Kapatid:

SATURNINA RIZAL:
Si Saturnina ang panganay sa kanilang magkakapatid.
Siya ay ipinanganak noong 1850 at may palayaw na
Neneng.
Tinulungan niya kasama ang kanyang ina makaaral si
Rizal at siya ang tumayong pangalawang ina ni Rizal
noong nakulong ang kanilang ina na
si Teodora. Napangasawa niya si Manuel Timoteo
Hidalgo ng Batangas.
Sila ay may limang anak na si Alfredo, Adela, Abelardo,
Amelia at Augusto.

PACIANO RIZAL (Paciano Rizal Mercado y Alonso


Realonda): Si Paciano ay ang nakatatandang kapatid ni Jose
Rizal. Ipinanganak siya noong Marso 9, 1851 sa Calamba,
Laguna. Siya ang pangalawa sa labing-isang magkakapatid.
Inalagaan niya si Jose Rizal at tinulungan niya siyang
makarating sa Europa. Habang nasa Europa si Jose,
pinadalhan niya ng pensiyon at sinulatan niya para
mabalitaan si Jose tungkol sa mga nangyayari sa Pilipinas at
sa kanilang pamilya. Nag-aral si Paciano sa Colegio de San
Jose sa Maynila. Naging guro at kaibigan niya si Fr. Jose
Burgos. Sumali at sinuportahan ni Paciano ang Propaganda
Movement for social refroms at ang diyaryo ng kilusan,
Diariong Tagalog. Sinuportahan din niya ang Katipunan sa
pagkuha ng mga miyembro galing sa Laguna. Pagkamatay ni
Jose Rizal, naging heneral si Paciano ng Revolutionary Army
at naging military commander din ng revolutionary forces sa
Laguna noong Philippine-American War. Dahil dito, hinuli
siya ng mga Amerikano.
Namatay si Paciano ng siya'y 79 dahil sa tuberculosis.

Narcisa Rizal: Ang Pinakamatulunging Kapatid na


Babae ng Bayani
Si Narcisa Rizal ay ipinanganak noong taong 1852 at
may palayaw na “Sisa”. Siya ang ikatlong anak sa
pamilya Rizal. Tulad ni Saturnina, tumulong si Sisa sa
pag-aaral ni Rizal
sa Europa, isinangla niya ang kanyang mga alahas at
ibinenta niya ang kanyang mga damit para lang
matustusan and pag-aaral ni Jose Rizal. Lahat halos
ng mga tula at
isinulat ni Jose Rizal ay kanyang naisaulo. Si Sisa ang
pinakamatulungin sa kanilang pamilya. Nang ang
kanilang mga magulang na sina Don Francisco at Doña
Teodora ay itinaboy sa kanilang tahanan, si Sisa ang
kumupkop sa kanila. Kahit na ang kasintahan ni Jose
Rizal na si Josephine Bracken ay pinatira niya sa
kanyang tahanan sapagkat pinaghinalaan siya ng
pamilya Rizal na isang espiya ng mga paring
Espanyol. Kaya’t noong taong 1896, habang siya ay
nakapiit sa barkong “Castilla” na nakadaong sa Cavite
ay nagpadala ng liham ng pasasalamat si Jose Rizal sa
kapatid na si Sisa sa pagpapatuloy kay Bracken sa
kanyang tahanan.

Si Sisa rin ang matiyagang naghanap ng lugar kung


saan si Jose Rizal ay inilibing na walang kahon at
walang pangalan para pagkakilanlan kaya nagbigay
siya ng aginaldo sa namamahala sa mga libingan para
lagyan ng markang “RPJ” na siyang titik ng mga
pangalan ni Jose Rizal. Pagkaraan ng maraming taon
ay hinukay ni Sisa at mga kaanak ang mga labi ni Jose
Rizal.

Si Sisa ay ikinasal kay Antonino Lopez, isang guro at


musikero mula sa Morong, Rizal. Dahil sa pinatira nila
ang mga magulang ni Sisa at Jose sa kanilang
tahanan, sila ang pinuntirya ng mga Espanyol. Tinakot
siya na ibabalik sa pinanggalingan at sinira ang
kanilang tahanan bukod pa sa kinuha ng sapilitan ang
kanilang mga ari-arian.

Si Narcisa at Antonino ay nabiyayaan ng walong anak.


Ang anak nilang si Antonio na ipinanganak noong
1878, na namatay noong 1928 ay pinakasalang ang
kanyang pinsang buo na si Emiliana Rizal, na anak ng
kapatid ni Sisa na si Paciano kay Severina Decena.
Ang anak na babae ni Sisa na si Angelica na dumalay
kay Jose Rizal sa Dapitan ay sumapi sa Katipunan
pagkatapos na patayin ang kanyang amain na si Jose
Rizal.

Sa isang panayam ni Ambeth Ocampo sa mga guro ni


Sisa ay ipinagtapat nila na ang kanilang lolo Antonio ay
anak ng prayleng si Leoncio Lopez, and kura paroko ng
Calamba, kung saan ay siya pinagbasihan ni Jose
Rizal ng katauhan ni Padre Florentino sa El
Filibusterismo. Napag-alaman din na pagkatapos ng
kasal nina Narcisa at Antonino ay tumira sila sa
simbahan ni Padre Lopez at minana ni Antonino ang
lahat ng aklat at pag-aari ng namatay na pari.

Si Narcisa Rizal ay sumakabilang-buhay noong 1939.

OLYMPIA RIZAL

Si Olympia ay ang ikaapat na anak sa pamilya Rizal.


Siya ay ipinanganak noong taong 1855. Napangasawa niya si
Silvestre Ubaldo na isang Telegraph Operator sa Manila at
sila ay biniyayaan ng tatlong anak ngunit ito rin ang dahilan
ng kanyang kamatayan noong taong 1887.

Lucia Rizal: Kahati sa mga Paghihirap ng Bayani


Si Lucia Rizal ay ipinanganak noong 1857 at panglima sa
pamilya Rizal. Siya ay kasal kay Mariano Herbosa ng
Calamba, Laguna. Siya ay pinagbintangan na nagsulsol sa
kanyang mga kababayan na huwag magbayad ng upa sa
kanilang mga lupa na nagdulot ng kaguluhan at silang mag-
asawa ay minsan nang nagatulan na itapon sa ibang bansa
kasama ang ibang miyembro ng pamilya Rizal.

Si Mariano ay namatay sa sakit na cholera noong


Mayo, 1889. Hindi siya binigyan ng isang burol Katoliko sa
dahilang hindi siya nangumpisal mula nang ikasal kay Lucia.
Sa artikulo na isinulat ni Jose Rizal na “La Solidaridad Una
Profanacion” ay binatikos niya ang mga pari na tumangging
ilibing sa maayos na libingan ang isang mabuting Kristiyano
dahil lamang sa siya ay bayaw ni Jose Rizal.

Noong Disyembre 1891, ang balong si Lucia ay isa sa


mga dumalo sa pulong ng pamilya sa Hong Kong na isang
reuniyon. Sinamahan niya si Jose Rizal pabalik ng Maynila
ng Hunyo ng sumunod na taon. Mula ika-6 hanggang ika-15
ng Hulyo 1892, si Jose Rizal ay ikinulong sa Fort Santiago at
ipinatapon sa Dapitan pagkatapos sa tahi-tahing
kasinungalingan na may mga babasahin laban sa mga pari na
nakuha sa mga bagahe ni Lucia noong nagbiyahe siya sakay
ng barkong Don Juan.

Ang mga anak nila Lucia at Mariano ay sina Delfina,


Concepcion, Patrocinio, Estanislao, Paz, Victoria, at Jose. Si
Delfina na ipinanganak noong 1979 at namatay noong 1900
ay naging sikat bilang isa sa tatlong babae na kinabibilangan
nina Marcela Agoncillo at anak na si Lorenza na tumahi ng
ating watawat. Si Delfina ang unang asawa ni Heneral
Salvador Natividad ng Rebolusyon ng Pilipinas. Sina
Teodosio (Osio) at Estanislao Tan ay naging mga estudyante
ng kanilang amain na si Jose Rizal sa eskuwelahan na
kanyang itinatag sa Dapitan.

Maria Rizal

Siya ay ipinanganak noong 1859 at ang pang-anim at


nakatatandang kapatid ni Jose Rizal. Ang asawa niya ay si
Daniel Faustino Cruz na galing sa Binan, Laguna. Sinabi na
si Maria daw ang kinausap ni Jose noong panahon na gusto
ni Jose na pakalasan si Josephine Bracken. Namatay siya
noong 1945.

Jose Rizal

Concepcion Rizal: Ang Unang Pagdadalamhati ng


Bayani

Siya ang binansagang “Concha” ng kanyang mga


kapatid at kaanak, si Concepcion Rizal ay ipinanganak noong
1862 at namatay sa edad lamang na tatlong taon, noong
1865. Siya ang pangwalo sa sampung magkakapatid.

Sinasabing sa lahat ng kapatid na babae, si Concha


ang pinakapaborito ni Jose o “Pepe” Rizal na mas bata nang
isang taon sa kanya. Magkalaro sila at lagging
kinukuwentuhan ni Jose Rizal ang nakababatang kapatid at
sa kanya naramdaman ni Jose Rizal ang kagandahan ng
pagmamahal ng isang kapatid na babae.

Nang namatay si Concha sa isang sakit, umiyak nang


umiyak si Jose Rizal at isinulat niya na noong siya ay apat na
taong gulang ay nawalan siya ng kapatid na babae at sa
kauna-unahang pagkakataon ay naiyak siya sa
panghihinayang sa pagkawala ng kapatid na kayang
minamahal.

Napakarami rin ang namatay nang bata pa noong mga


panahong iyon. Mahigit na sampung mga pamangkin na
babae at lalaki ni Jose Rizal ang binawian ng mga buhay sa
murang edad.

JOSEFA RIZAL

Si Josefa Rizal ay ang ika-9 na anak sa pamilya at siya


ipinanganak noong taong 1865. Si Josefa ay kilala rin bilang
si “Panggoy”. Noong si Rizal ay nasa Europa, siya ay
nagsusulat ng mga mensahe. Siya ay nagsulat para kay
Josefa na ang laman ay pagpupuri niya sa kanyang kapatid
dahil sa kanyang kaalaman sa Ingles. Si Rizal ay nagsulat din
ng mensahe tungkol sa bente pesos ngunit ang 10 doon ay
para dapat sa lotto.

Siya ay nagkaroon ng sakit na epilepsy ngunit sa kabila ng


kanyang sakit, nagawa niya pa ring sumali sa Katipunan at
maging isang Katipunera. Si Josefa ay nahalal bilang
pangulo ng mga babae sa Katipunan. Isa siya sa mga orihinal
na miyembro ng Katipunan kasama sila Gregoria de Jesus.

Siya ay namatay nang walang asawa o anak sa taong 1945.

Trinidad Rizal: Ang Katiwala ng Pinakasikat na Tula


ng Bayani
Si Trinidad Rizal ay ika-10 sa magkakapatid na
Rizal. Siya ay ipinanganak noong 1868 at namatay
noong 1951. Ang palayaw niya ay Trining at siyang
tagapagtago at tagapamahala na pinakahuli at
pinakatanyag na tula ni Jose Rizal.

Noong Marso 1886 ay sumulat si Jose Rizal


kay Trining at isinasalaysay niya na ang mga babae sa
Alemanya ay masisipag mag-aral. Pinayuhan niya si
Trining na habang bata pa ito ay dapat magbasa nang
magbasa ng buong puso. Pinangaralan niya ito na
huwag hayaang ang katamaran ang mamayani dahil
napuna ni Jose Rizal na wala sa loob nito ang pag-
aaral. Sinabi niya na kaunting tiyaga lamang at siya ay
magtatagumpay. Makaraan ang apat na taon ay
nagulat na lamang si Jose Rizal nang makatanggap
siya ng liham mula kay Trining. Ipinaalam nito na
nakapagtapos ito ng Kolehiyo, dalawang taon at isa’t-
kalahating buwan na ang nakakaraan.

Noong Agosto 1893, si Trinidad kasama ng


kanyang ina ay namuhay kasama si Jose Rizal sa
“casa cuadrada” o “square house” (bahay kuwadrado).
Naitala na minsan ay pinag-isipan o pinagplanuhan ni
Trining na patakasin si Jose Rizal sa pagkakakulong.
Noong Enero 1896 ay inanyayahan ni Jose Rizal si
Trining na bumalik sa Dapitan. Ang suliranin ni Jose
Rizal ay kung sino ang mapapangasawa ni Trinidad sa
Dapitan, dahil ang pook na iyon ay halos parang
walang tao at walang kabuhay-buhay. Minsan ay
sumulat si Trining kay Jose Rizal na nabasa nito ang
sulat sa kapatid nilang si Paciano, na kinukumusta si
Trining kung nakakasundo nito si Senyora Panggoy
kung saan siya ay namamasukan. Sinabi ni Trining na
salamat sa Diyos sila’y magkakasundo at nabubuhay
nang tahimik.

Si Trinidad at ang kapatid na Josefa ay


namuhay nang magkasama hanggang sila’y namayapa
at parehong hindi nag-asawa.

Bago namatay si Jose Rizal ay dinalaw siya ni


Trining at ng kanilang ina sa kanyang piitan sa Fort
Santiago. Nang sila’y paalis na ay inabot ni Jose Rizal
ang isang lampana, isang regalo mula sa mga Pardo
de Tavera at ibinulong sa kanya sa wikang hindi
naunawaan ng mga kawal na nakabantay sa kanya na
ang lutuan ay mayroong bagay na nakatago doon at
iyon ay ang kanyang huling tulang isinulat.

Tulad ni Josefa at dalawang pamangkin,


sumapi sa Katipunan si Trinidad matapos ang
kamatayan ni Jose Rizal.

Noong taong 1883, si Trinidad ay naratay sa


banig ng karamdaman, limang buwan mula Abril
hanggan Agosto. Pabalik-balik ang kanyang lagnat at
dinapuan pala siya ng sakit na malaria. Siya ang
pinakahuling namatay sa pamilya Rizal.

SOLEDAD RIZAL

Si Soledad Rizal ay ang bunso sa pamilya Rizal at


ipinanganak sa taong 1870. Siya ay kilala rin bilang Choleng.
Si Rizal ay saludo sa kanya dahil siya ay isang guro at siya
ang pinakaedukado sa kanilang magkakapatid. Siya ay
sinabihan ni Rizal na dapat siya ay isang maging magandang
huwaran para sa mga tao, ito ay nakasulat sa mensahe noong
1890.

Si Choleng din ang pinakakontrobersyal na anak sa kanilang


pamilya. Ang kanyang napangasawa ay si Pantaleon
Quintero na taga-Calamba Laguna rin ngunit sila’y
nagpakasal nang walang permiso sa kanyang mga magulang.
Di sang-ayon si Rizal dito kaya’t ginamit niya ang paksang
ito at nagsulat at sinabi niya sa mensahe niya na isang
kakahiyan sa pamilya Rizal ang pagpapakasal ng kapitid kay
Pantaleon.

Isang dahilan din kung bakit siya ay tinawag na


kontrobersyal dahil sa kumakalat na balita na hindi raw
totoong anak ni Teodora at Francisco si Choleng kung ‘di
kela Saturnina at Jose Alberto na kapatid ni Teodora.

Si Choleng at Pantaleon ay nagkaroon ng limang


anak na sina Trinitario, Amelia, Luisa, Serafin at Felix. Ang
kanyang anak na si Amelia ay napangasawa si Bernabe
Malvar na anak ni Gen. Miguel Malvar.

Version: Mobile | Web

Created with Weebly

You might also like