You are on page 1of 1

Ang mga agham panlipunan ay isang pangkat ng mga displinang akademya na pinag-aaralan ang mga

aspeto ng tao sa mundo. Lumalayo ang mga ito mula sa mga sining at humanidades at sa halip
nagbibigay diin sa paggamit ng kaparaanang agham at mahigpit na mga pamantayan ng ebidensya sa
pag-aaral ng sangkatauhan, kabilang ang mga kaparaanang nabibilang (quantitative) at pangkatangian
(qualitative).

Tinutukoy minsan bilang mga malalambot na agham (soft sciences) ang mga agham panlipunan, sa pag-
aaral ng parehong inter-subhektibo at obhektibo o aspetong kayarian ng lipunan. Salungat ito sa mga
matitigas na agham (hard sciences) na maaaring eksklusibong nakatuon sa obhektibong aspeto ng
kalikasan.

Sumasangkot ang mga dalubhasa sa agham panlipunan sa pagsasaliksik at pag-teoriya tungkol sa


parehong pinagsama at indibiduwal na mga asal.

1. Antropolohiya
> ay ang pag-aaral sa lahi ng mga tao.

2. Arkeolohiya
> ay ang pag-aaral sa mga kalinangan ng tao.

3. Ekonomiya
> ay isang kalipunan ng mga gawain ng tao.

4. Linggwistika
> ay ang pag-aaral sa wika ng tao.

5. Sikolohiya
> ay ang pag-aaral sa isip, diwa, at dasal.

6. Sosyolohiya
> ay ang pag-aaral ng mga alituntunin ng lipunan.

7. Pilosopiya
> ay ang pag-aaral sa pinakamalalim na katanungan.

8. Heograpiya
>pag-aaral ng mga pisikal na katangian ng mundo

9. Agham Pampulitika
>pag-aaral ng iba't ibang prosesong pampamahalaan

You might also like